CARAMEL PANNA COTTA
Ang Panna Cotta ay isang Italian dessert na gawa sa pinaghalong gatas, cream, asukal at gelatin powder. Niluluto ito ng bahagya at saka pinapalamig sa isang molde. Nasa sa atin na kung anong flavor ang gusto natin idagdag. Pwedeng fresh fruits o kung ano man ang gusto natin ilagay.
First time ko lang gumawa nito gamit ang panna cotta mix na bigay sa akin ng ka-officemate kong si Angelo. Sa Italy ata nag-wo-work ang mommy niya at pinadalhan siya ng marami nito.
Komo first time, may sablay din na nangyari sa dessert na ito. Una, sa isang baking pan ko ito inilagay kaya nahirapan akong alisin ito dito. Kaya ang nangyari kinain na lang namin ito sa baking pan. Hehehehe. Pangalawa, komo wala namang nakalagay na instruction sa packaging nung powdered mix sinunod ko lang yung instruction ng nag-bigay sa gagamitin sa gatas at cream. Ang kinalabasan parang nasobrahan ang gatas at cream. hehehehe
Pero wag ka, ang sarap ng panna cotta na ito. Babalik-balikan mo talaga dahil sa sarap. I hope makagawa dion ako nito mula sa ordinaryong sangkap dito sa atin. I-try ko nga minsan. hehehehehe.
CARAMEL PANNA COTTA
Mga Sangkap:
1 sachet Panna Cotta Mix (caramel flavor)
1 tetra brick All Purpose Cream
1 big can Evaporated Milk (Alaska red label)
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola paghaluin ang all purpose cream at ang evaporated milk.
2. Isalang ito sa kalan sa mahinang apoy at halu-haluin. Huwag hayaang kumulo.
3. Ilagay na ang panna cotta mix at patuloy na haluin hanggang sa medyo lumapot na ito.
4. Hanguin at isalin sa isang molde.
5. Hayaang lumamig bago i-serve.
Ihain na may caramel syrup sa ibabaw o anumang prutas na nais.
Enjoy!!!!

Comments
Dennis