SINIGANG na MAYAMAYA sa MISO

Paborito ng asawa kong si Jolly itong sinigang na isda.   Kaya naman basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito para sa kanya.  

Kagaya nitong isang araw na off siya sa work at ako naman ay naka-leave, dapat sana ay nilagang baka ang aming pang-ulam pero nang makita ko itong isdang maya-maya sa palengke ay naisip ko agad ang request ng aking asawa.

Maganda ang nabili kong isda.   Sariwa ito at medyo may kamahalan lang.   Pero okay lang.   Kaya naisip ko na lutuin ito ng espesyal.   Isinigang ko siya sa miso at nilagyan ko pa din ng sampalok mixes para mas maasim pa ang sabaw.

Nakakatuwa dahil nagustuhan ng lahat ang aking sinigang na maya-maya sa miso.


SINIGANG na MAYAMAYA sa MISO

Mga Sangkap:
1 kilo Isdang Maya-maya (sliced)
1 small sachet Sinigang sa Miso mixes
1 small sachet Sinigang sa Sampalok mixes
2 thumb size Ginger (sliced)
1 large Onion (sliced)
5 cloves Minced Garlic
2 pcs. Tomatoes (sliced)
3 tbsp. Canola Oil
4 pcs. Siling pang-sigang
1 tali Mustasa
1 tali Sitaw (cut into 1 inch long)
Salt or patis to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.
2.   Lagyan ng tubig sa nais na dami ng sabaw.   Hintaying kumulo.
3.   Kapag kumukulo na, ilagay ang sitaw.   Takpan at hayaang maluto.
4.   Sunod na ilagay ang isdang maya-maya at siling pang-sigang.
5.   Timplahan ng asin o patis, sinigang sa miso mixes, sinigang sa sampalok mixes.   Hayaang maluto ang isda.
6.   Huling ilagay ang dahon ng mustasa.
7.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!!

ps.   Please message me kung hindi po ninyo nakikita ang mga ADS sa bawat post ko.   At kung may makita man kayo, paki-click na lang po.   Tulong nyo na lang po sa akin.   Napansin ko lang po lalo na po nitong buwan ng Hunyo, halos wala pong nagki-click sa mga ADS.  Pasuyo na lang po.

Salamat

Dennis


Comments

Anonymous said…
Hi Sir Dennis, paborito ko po ang blog ninyo basahin yun nga lang lagi akong nagugutom. Hehehe. Wala po akong nakikitang ads sa mga post ninyo. Sana po ay lagi kayong magpost ng mga recipe.
Dennis said…
Salamat kaibigan. Ganun ba? walang lumalabas na ADS? Pero itong latest na post ko mayroon naman lumalabas. Anyway, sana basta may nakita kang ADS paki-click na lang ha. Asahan mo na marmai pang recipes na ipo-post ko.

Dennis
Unknown said…
Good Day Sir Dennis, sobra akong thankful at may mga kagaya mo na di nagsasawang magpost ng mga masasarap na lutuin para matutunan namin kung paano mapasarap ang aming lulutuin. malaking tulong para sa amin na hindi gaanong sanay magluto. Sana po makapag post naman kayo ng mga pang handaan sa fiesta na kakaiba at mga dessert na madaling gawin. maraming salamat po.. more power and god bless...
Dennis said…
Hi Beth....talagang pinutakti mo ako ng request mo ha....hehehehe. Marami na din akong na-post na pagkain na pang espesyal na okasyon. You may check it in the archive with label PARTY FOODS or PINOY NA PINOY. Once you click it ilalabas na yung lahat ng post ko na pay ganitong tag.

Thanks

Dennis
Unknown said…
Wala po ako nakikitang post dito...? swerte naman po ng asawa nyu, may libreng cook na tgapalengke pa! sweet!!! :)
Unknown said…
I mean ADS po not post...
Dennis said…
Salamat kaibigan....Yun nga ang problema ko...na-block ang mga Ads from Adsense. mayroon daw akong violation nahidi ko naman malaman kung ano yun. Wala naman akong binabago sa settings ng blog ko since na mag-start ako nung 2009. I hope maayos na ito para kumita naman ako kahit papaano.

Please continue supporting my blog my friend.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy