SINIGANG na MAYAMAYA sa MISO
Paborito ng asawa kong si Jolly itong sinigang na isda. Kaya naman basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito para sa kanya.
Kagaya nitong isang araw na off siya sa work at ako naman ay naka-leave, dapat sana ay nilagang baka ang aming pang-ulam pero nang makita ko itong isdang maya-maya sa palengke ay naisip ko agad ang request ng aking asawa.
Maganda ang nabili kong isda. Sariwa ito at medyo may kamahalan lang. Pero okay lang. Kaya naisip ko na lutuin ito ng espesyal. Isinigang ko siya sa miso at nilagyan ko pa din ng sampalok mixes para mas maasim pa ang sabaw.
Nakakatuwa dahil nagustuhan ng lahat ang aking sinigang na maya-maya sa miso.
SINIGANG na MAYAMAYA sa MISO
Mga Sangkap:
1 kilo Isdang Maya-maya (sliced)
1 small sachet Sinigang sa Miso mixes
1 small sachet Sinigang sa Sampalok mixes
2 thumb size Ginger (sliced)
1 large Onion (sliced)
5 cloves Minced Garlic
2 pcs. Tomatoes (sliced)
3 tbsp. Canola Oil
4 pcs. Siling pang-sigang
1 tali Mustasa
1 tali Sitaw (cut into 1 inch long)
Salt or patis to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.
2. Lagyan ng tubig sa nais na dami ng sabaw. Hintaying kumulo.
3. Kapag kumukulo na, ilagay ang sitaw. Takpan at hayaang maluto.
4. Sunod na ilagay ang isdang maya-maya at siling pang-sigang.
5. Timplahan ng asin o patis, sinigang sa miso mixes, sinigang sa sampalok mixes. Hayaang maluto ang isda.
6. Huling ilagay ang dahon ng mustasa.
7. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa ang sabaw.
Enjoy!!!!
ps. Please message me kung hindi po ninyo nakikita ang mga ADS sa bawat post ko. At kung may makita man kayo, paki-click na lang po. Tulong nyo na lang po sa akin. Napansin ko lang po lalo na po nitong buwan ng Hunyo, halos wala pong nagki-click sa mga ADS. Pasuyo na lang po.
Salamat
Dennis

Comments
Dennis
Thanks
Dennis
Please continue supporting my blog my friend.
Dennis