ISANG ESPESYAL NA TANGHALIAN
Dumating mula sa ibang bansa ang kapatid ng aking asawang si Jolly na si Lita para sa babang luksa ng kanyang asawang si Kuya Robert na Ninong din namin sa kasal.
Bago pa siya nakauwi ay napagusapan na namin sa FB na magkakaroon daw kami ng espesyal na tanghalian ako ako ang magluluto ng mga ulam. Para daw yun sa babang luksa sa kayang asawa at pasasalamat na din sa mga biyayang patuloy niyang tinatanggap.
Ito ang ang pagkaing aking niluto: Alimango o Crabs in two way, may kasamang kalabasa at sitaw sa gata at in sweet chili-garlic sauce. Ang hipon ay in two way din. Isang in Spritey Lemon Sauce at ang isa naman ay camaron rebosado. Nagluto din ako ng Pancit Malabon, Calamares, at Baby back Ribs. Nagluto din ako ng Pumpkin soup na ipinanalo ko sa Alaska Kitchen Challenge. May inihaw na isda din na dala naman ng aking bayaw na si Cielito.
Wala namang ibang bisita kundi kaming pamilya lang. Syempre nandun ang aking biyenan na si Inay Elo.
Nakakatuwa dahil nagustuhan nila ang lahat ng niluto ko. Nakakapagod man ay okay na din dahil bakas ko sa mukha nila na nasisisyahan sila sa kanilang kinakain.
Paki-abangan na lang po ang recipes ng mga pagkaing ito na aking niluto.
Salamat Lita sa masarap at espesyal na tanghaliang ito. Sa uulitin.

Comments