CHICKEN WAKNATOY


Ang waknatoy ay isang popular na dish sa Marikina.   Para din lang itong menudo pero nilahukan ng pickles.   Masarap ito at pangkaraniwang inihahanda sa mga espesyal na okasyon.

May nabasa ako dito sa net na may chicken version din pala ito.   Chicken with Pickles ang nakapangalan pero naka-lagay din na chicken waknatoy.   Dito ko naisipan na i-try din itong lutuin sa bahay.   At tama, kagaya ng pork version nito masarap din ito at nagustuhan din ng aking pamilya.   Try nyo din po.


CHICKEN WAKNATOY

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
3 pcs. Whole Pickles (sliced)
1 pc. Large Bell Pepper  (sliced)
1 pc. Carrot (cut into cubes)
2 pcs. Potatoes (cut into cubes)
1 tetra pack Tomato Sauce
1 cup grated Cheese
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
3 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Isunod na agad ang manok at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin at hayaang masangkutsa.
3.   Sunod na ilagay ang pickles, patatas, carrots, bell pepper at tomato sauce.   Takpan at hayaang maluto.
4.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
5.   Huling ilagay ang grated cheese.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy