SHRIMP in CHILI-GARLIC SAUCE
Basta hipon ang ulam sa bahay, it's always a treat. Kahit naman siguro sa ibang bahay. Hehehehe. Bakit naman? Bukod kasi sa masarap ito, masarap di kasi ang halaga. In other words, medyo mahal ang kilo nito. Hehehehe. Kaya nga yung suahe na lang ang biibili ko. Yung sugpo kasi nasa P400+ ang per kilo. Itong suahe nasa P300 lang.
Kaya ng nung birthday ng aking asawa nagluto ako nitong hipon na ito na nilagyan ko ng chili-garlic sauce. Alam ko kasi paborito niya itong hipon kaya kahit isang kilo ay nagluto ako. Di ba ganun naman ang ginagawa ko palagi tuwing kaarawan ng aking mga mahal sa buhay? Kung ano ang gusto nila yun ang niluluto ko.
SHRIMP in CHILI-GARLIC SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Medium to large size Shrimp
1 tbsp. Chili-Garlic Sauce
1/2 cup Sprite Soda
1 thumb size Ginger (cut into strips)
1 head minced Garlic
1 pc. Onion (chopped)
1 tbsp. Brown Sugar
2 tbsp. Melted Butter
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Linising mabuti ang hipon. Alisin yung sungot o yung mahabang balbas nito.
2. Sa isang kawali i-prito ang bawang sa butter hanggang sa ma-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sunod na igisa ang luya at sibuyas. Halu-haluin
4. Sunod na ilagay ang chili-garlic sauce at sprite soda.
5. Pagka-kulo ilagay na ang hipon at saka timplahan ng asin, paminta at brown sugar. Halu-haluin
6. Takpan at hayaang maluto ang hipon.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang toasted garlic.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments