SHRIMP in CHILI-GARLIC SAUCE

Basta hipon ang ulam sa bahay, it's always a treat.   Kahit naman siguro sa ibang bahay.   Hehehehe.   Bakit naman?   Bukod kasi sa masarap ito, masarap di kasi ang halaga.   In other words, medyo mahal ang kilo nito.   Hehehehe.   Kaya nga yung suahe na lang ang biibili ko.   Yung sugpo kasi nasa P400+ ang per kilo.  Itong suahe nasa P300 lang.

Kaya ng nung birthday ng aking asawa nagluto ako nitong hipon na ito na nilagyan ko ng chili-garlic sauce.    Alam ko kasi paborito niya itong hipon kaya kahit isang kilo ay nagluto ako.  Di ba ganun naman ang ginagawa ko palagi tuwing kaarawan ng aking mga mahal sa buhay?   Kung ano ang gusto nila yun ang niluluto ko.


SHRIMP in CHILI-GARLIC SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Medium to large size Shrimp
1 tbsp. Chili-Garlic Sauce
1/2 cup Sprite Soda
1 thumb size Ginger (cut into strips)
1 head minced Garlic
1 pc. Onion (chopped)
1 tbsp. Brown Sugar
2 tbsp. Melted Butter
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Linising mabuti ang hipon.   Alisin yung sungot o yung mahabang balbas nito.
2.   Sa isang kawali i-prito ang bawang sa butter hanggang sa ma-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Sunod na igisa ang luya at sibuyas.   Halu-haluin
4.   Sunod na ilagay ang chili-garlic sauce at sprite soda.
5.   Pagka-kulo ilagay na ang hipon at saka timplahan ng asin, paminta at brown sugar.   Halu-haluin
6.   Takpan at hayaang maluto ang hipon.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang toasted garlic.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Anonymous said…
good day sir matagal na po akong silent reader ng blog nyo and I do appreciate your effort in sharing your recipes... sir ask ko lng po anong particular brand ng chili-garlic sauce ang ginagamit nyo.. TIA
Dennis said…
Thanks Tia.... Lee Kum Kee ang ginagamit ko na brand.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy