HIGADILLO (Pork and Liver Stew)


Nung una kong nakita at nabasa ang recipe na ito dito sa net, nag-isip ako kung ano ang pagkakaiba nito sa higado na isang Ilokano dish.  At nang basahin ko ang recipe yung lechon sauce ang nakita ko na naiba.

Madali lang lutuin ang dish na ito as in madali lang talaga.  Bukod ba sa kakaunti lang ang mga sangkap na gagamitin dito sa pagluluto.



HIGADILLO (Pork and Liver Stew)

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Lomo (cut into strips)
1/2 kilo Pork Liver (cut into strips)
1 pc. Carrot (cut into strips just like  the size of the pork)
1 pc. large Potato  (cut into strips just like  the size of the pork)
1 pc. large Red Bell Pepper (cut into strips just like  the size of the pork)
1 cup Green Peas
2 cups Lechon Sauce
1 head Minced Garlic
1 pc. Onion (chopped)
1 tsp. Freshly Ground Black Pepper
1 tsp. Maggie Magic Sarap
3 tbsp. Cooking Oil
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang non-stick na kaserola o kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Sunod na ilagay ang hiniwang karne na lomo at atay ng baboy.   Timplahan ng asin at paminta at haluin ng bahagya.
3.   Ilagay na din agad ang mga gulay at lechon sauce.   Halu-haluin.   Takpan at hayaang maluto ang lahat sa katamtamang lakas ng apoy.
4.   Ilagay ang Maggie Magic Sarap.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.


Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy