PORK HAMONADO ESPESYAL
Isa sa mga recipes na nauna kong na-post sa blog na ito ay itong Pork Hamonado. Sabi nga nung isang nag-comment sa mga espesyal na handaan lang daw siya nakakatikim ng pork dish na ito. Sabi din niya, di daw niya masabi ang kakaibang sarap at linamnam nito. Kahit ang kaibigan kong si Ate Joy, gustong-gusto din niya ang pork dish na ito. Akala ng marami ay mahirap gawin o lutuin ito pero sa totoo lang ay napakadali lang. Kahit baguhan lang sa pagluluto ay matututunan ang dish na ito. Bakit naman? Bukod kasi sa simple lang ang paraan ng pagluluto, ay iilan din lang ang sangkap na kinakailangan. Try nyo din po. PORK HAMONADO ESPESYAL Mga Sangkap: 2 kilos Pork Kasim or Pigue (Yung may balat pa at taba. Ipahiwa na parang log o pahaba) 3 cups or 1 medium size can Pineapple Juice (sweetened) 2 pcs. Onion (chopped) 1 head Minced Garlic 1 cup Brown Sugar 1/2 cup Soy Sauce Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Ibabad ang hiniwang karne ng baboy sa