Posts

Showing posts from November, 2016

SPAGHETTI MEAT OVERLOAD in ITALIAN SAUCE

Image
Amoy na amoy na natin talaga ang kapaskuhan.   Hindi lamang sa ating mga nakikitang dekorasyon sa mga tahanan, mga daan at maging sa mga mall ay bakas na bakas at dama natin ang nalalapit na pasko. Marami din sa atin ay abalang-abala na sa pag-iisip kung ano ang masarap ihanda para sa ating Noche Buena.   Yung iba gusto ay yung kakaiba at hindi pangkaraniwan nating kinakain.   Yung iba naman gusto yung traditional o classic na inihahanda sa kapaskuhan at ginagawa na lang nilang extra special. Medyo mahirap din na kakaiba yung ihanda.  Una:   baka pumalpak ang pagkakaluto...pangalawa:   baka hindi magustuhan ng mga bata kasi hindi nila kilala yung pagkain... pangatlo:   baka magastos.    Hehehehe So para sa akin okay siguro na yung classic dishes na lang ang ating ihanda pero gawin natin extra special ang sahog at ang pagkakaluto. Kagaya nitong classic spaghetti na ito.  Madali lang gawin at nilagyan ko lang ng extra pang mga sahog na siguradong kong magugustuha

BEEF CHAYOTE in OYSTER SAUCE

Image
Hindi kami madalas mag-ulam ng karneng baka.   Bukod kasi sa may kamahalan ang presyo nito, hindi din ganun karami ang luto na alam kong gawin.   Pangkaraniwan luto na nagagawa ko lang dito ay ang nilaga at ang bistek. Minsan sa pamamalengke ko, may nakita akong magandang cut at klase ng karneng baka.   Kaya naman kahit medyo may kamahalan ang kilo nito ay bumili na din ako.   Naisip ko na lutuin ito with oyster sauce at lalagyan ng broccoli.   Kaso, walang akong nabiling broccoli sa palengke.   Ang ginawa ko na lang sayote ang aking inilagay at okay naman din ang kinalabasan.   Halos pareho lang din ng beef broccoli na gustong lutuin. BEEF CHAYOTE in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced) 1/2 cup Oyster Sauce 1 pc. large Chayote or Sayote (cut into sticks) 2 thumb size Ginger (cut into strips) 5 gloves Minced Garlic 2 pcs. Large White Onion (cut into rings) 1 tsp. Sesame Oil 1/2 cup Soy Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 3 tbsp. Cooking Oil 1 tsp. Corns

CHEESY INIHAW na BANGUS with BASIL

Image
Pangkaraniwang ipinapalaman natin sa inihaw na bangus ay ang sibuyas at kamatis.   Sa probinsya nga binabalot pa natin ito sa dahon sa saka iihaw sa baga.   Masarap ito dahil nandun yung smokey taste ng nasunog na dahon ng saging na nagdadagdag ng flavor sa bangus. Marami na din akong version na nagawa sa inihaw na bangus na ito.   At ang isa sa pinaka-sikat nga ay itong Cheesy inihaw na bangus.   Meron pa ngang nag-email sa akin na nasa ibang bansa at naging standard na sa kanilang tahanan na lagyan ng cheese ang kanilang inihaw na bangus.   Nakakatuwa di ba? In this version, bukod sa keso, nilagyan ko din ito ng fresh basil leaves para magkaroon ng kakaibang lasa.  Sa Italy nga daw perfect combination ang basil, tomatoes at cheese kay naisip ko na gawin din ito sa hamak na bangus.   At hindi nga ako nagkamali.   Isang masrap na version ng inihaw na bangus ang naluto ko.    Try nyo din po. CHEESY INIHAW na BANGUS with BASIL Mga Sangkap: 1 pc. Medium to large size Boneless

CRISPY CHICKEN with SPICY BARBEQUE GLAZE

Image
Hello po sa lahat ng tagasubaybay ng food blog kong ito.   Pasensya na po kung hindi po ako nakakapag-post nitong mga nakaraang araw at linggo.   Nagkasakit po kasi ako at naoperahan.   Pero okay na nama po ako ngayon.   Pipilitin ko po na makapag-post na ng mga masasasarap na putahe sa abot ng aking makakaya. Today, isang simple at masarap na chicken dish ang aking handog sa inyo.   For sure ay magugustuhan ito ng inyong mga anak. Simple din kasi ang mga sangkap at paraan ng pagluluto nito.   Try nyo din po. CRISPY CHICKEN with SPICY BARBEQUE GLAZE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Drumstick or Thigh 1 pc.Lemon 1 cup Flour 1 cup Cornstarch 1 tsp. Maggie  Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying For the Glaze: 1 cup Hickory Barbeque Sauce 1 tbsp. Chili-Garlic Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 1 tsp. Grated Ginger 2 pcs. White Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic 3 tbsp. Melted Butter Paraan ng pagluluto: 1.   I-marinade ang manok sa katas ng lemon, asi