Posts

Showing posts from December, 2014

MASAGANANG BAGONG TAON sa inyong LAHAT!!!!!

Image
Salubungin natin ang Bagong taon na ito na may bagong pag-asa at pag-ibig sa lahat.   Masaganang Bagong Taon po sa inyong lahat!!!!!!

MEDIA NOCHE - Maiba naman.....

Image
Malapit nang magpalit ang taon.   Isang taon na naman ang matatapos at haharapin na naman natin ang panibagong hamon ng darating na 2015. Alam kong abala na tayo sa pag-iisip kung ano ba ang masarap na ihanda sa media noche?   Syempr gusto natin ay maraming handa para maging masagana ang ating taong darating.   Naisip ko lang bakit hindi ganito ang gawin natin tema ng ating ihahanda?   Boodle fight style na kainan.     Gamit ang dahon ng saging at ilalagay natin dito ang mga pagkaing ating pagsasaluhan.    Masarap kung mga inihaw kagaya ng barbeque, inihaw na isda, hotdogs para sa mga bata,   Pwede din inihaw na limepo, hipon at alimasag.   Tiyak, magugustuhan ng lahat ng kainang ito.   At ang mainam dito, tunay na buklod buklod ang buong pamilya. Pero kahit ano pa man ang ating ihanda at pagsaluhan ang mahalaga ay ang pagsasama at pagsasalo ng pamilya anuman ang nasa hapag. MASAGANANG BAGONG TAON PO SA INYONG LAHAT... Note:   Thank you Judith for the pict and Happy

MALIGAYANG PASKO sa INYONG LAHAT!!!!

Image
Nawa ang pagpapala ni Hesus na isinilang sa Belen ay suma-ating lahat.    MALIGAYANG PASKO at MASAGANANG BAGONG TAON!!!!

PAGBATI MULA SA AKING PAMILYA

Image
Mula po sa bumubuo ng aking pamilya...sina Jake, James, Anton, Jolly at ako....Kami po ay bumabati sa inyo ng isang MALIGAYANG PASKO at MASAGANANG BAGONG TAON. Dalangin ko sa Diyos na tayo ay pagpalain sa taong darating....ilayo nawa tayo sa mga mahihigpit na pagsubok....bigyan nawa niya tayo na magandang kalusugan....at puspusin tayo ng mga biyaya na kailangan natin  sa araw-araw.   In Jesus name...AMEN

KIMCHI FRIED RICE with PORK TENDERLOIN

Image
Ito ang isa pa sa mga dish na inihanda ko par sa aking treat sa aking mga officemate.   Kimchi Fried Rice. Pangatlong version ko na ito ng Kichi Fried Rice.   In this 3rd version, pork tenderloin naman ang sahog na aking inilagay.   Mas mainam ito dahil malambot na ang karne at madaling maluto. Pwedeng-pwede din pala itong ihanda sa ating Noche Buena.   Masarap at kakaiba sa pangkaraniwang kinakain natin sa araw-araw.   Tiyak kong magugustuhan ito ng mga kakain at nang ating pamilya. KIMCHI FRIED RICE with PORK TENDERLOIN Mga Sangkap: 6 cups Long Grain Rice (jasmine rice) 500 grams Pork Tenderloin (cut ito small pieces) 2 cups Kimchi (cut into small pieces) 1/2 cup Soy Sauce 1 head MInced Garlic 1 large Onion (chopped) 4 pcs. Fresh Eggs (beaten) Spring Onions 2 pcs. Pork Cubes Freshly Ground  Black Pepper Salt or Patis to taste 3 tbsp. Cooking Oil 1 tsp. Sesame Oil Paraan ng pagluluto: 1.   The night before lutuin ang fried rice, isaing na ang bigas at isama

2014 NOCHE BUENA SUGGESTION #2

Image
Narito ang aking Noche Buena Suggestion #2 para sa inyong lahat.   Ilang araw na lang at Pasko na kaya alam kong ngarag tayong lahat sa kung ano ang ating ihahanda.   Syempre naman dapat espesyal ang ating handa at hindi yung pangkaraniwan nating nakakain.   Narito po ang ilan sa mga ito na pwede nating i-consider.   Isinama ko na din po ang mga link ng bawat recipe para madali jyong mahanap. http://mgalutonidennis.blogspot.com/2012/03/stuffed-red-bell-pepper-with-ground.html Stuffed Red Bell Pepper ang the best na pang-appetizer http://mgalutonidennis.blogspot.com/2014/07/chicken-and-baby-potato-salad.html Pwede din po itong Chicken and Baby Potato Salad. http://mgalutonidennis.blogspot.com/2013/05/sweet-chili-honey-wings.html Sa mga mahilig sa chicken pwede po itong Sweet Chili-Hony Wings. http://mgalutonidennis.blogspot.com/2014/03/hardinera-ala-dennis.html For the main course, pwede nyo pong i-consider itong Hardinera. http://mgalutonidennis.blogsp

CREAMY BACON MUSHROOM & PENNE PASTA

Image
Ito ang pasta dish na niluto ko para sa aking mga officemates kahapon ng ako ay nahilingan na magpakain.   In white sauce ang ginawa ko dito dahil favorite ng aking boss ang carbonara.   Alam kong magugustuhan niya ito at yun nga ang nangyari.   Hehehehe. Madali lang gawin at lutuin ang pasta dish na ito.   Pwedeng-pwede din nating i-consider ito para sa ating Noche Buena.  Kaunti lang ang mga sangkap pero napakasarap ng lasa.   For sure magugustuhan ito ng mga bagets. CREAMY BACON MUSHROOM & PENNE PASTA Mga Sangkap: 500 grams Penne Pasta (cooked according to package direction) 300 grams Bacon (cut into small pieces) 1 big can Sliced Mushroom 2 tetra brick All Purpose Cream 2 cups grated Cheese 1/2 cup Melted Butter 1 tsp. Dried Basil 1 head Minced Garlic 1 large White Onion (chopped) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Lutuin ang penne pasta according to package direction.   I-drain. 2.   Sa isang kawali (yung kasya ang pasta na lulutuin)   I

PORK BELLY with HONEY-LEMON GLAZE

Image
Ni-request ng mga katrabaho ko sa ipisinang aking pinapasukan na magpakain naman daw ako sa kanila ng mga dishes na pino-post ko dito sa blog.  Yun na lang daw ang maging Christmas Gift ko para sa kanila. At nangyari nga yun today December 17.   Kaya nga na-late itong post ko ay dahil nag-halfday ako at nagluto nga ng mga pagkaing aking ipapakain sa kanila. Itong Pork Belly with Honey-Lemon Glaze ang isa sa mga dish na niluto ko.   Medyo maykahabaan ang proseso ng pagluluto nito.   Bale kasi 3 luto ang ginawa ko.   Nilaga muna yung pork belly....ipinirito...at sa nilagyan naman ng glaze. Medyo matrabaho pero sulit naman dahil nagustuhan ng mga kumain ang dish na ito.   Yummy daw....hehehehe PORK BELLY with HONEY-LEMON GLAZE Mga Sangkap: 2 kilos Pork Belly (cut into cubes) 2 pcs. Onion (quatered) 2 tbsp. Rock Salt 1 tsp. Ground Black Pepper For the breadings: 1 cup Rice Flour 1 cup Cornstarch 1 tsp. Maggie Magic Sarap For the Glaze: 1 pc. Lemon 1 tsp. Lemon Zest

MY 2nd CHRISTMAS PARTY in 2014

Image
Pasensya na po kung hindi ako nakapag-post kahapon December 15.   Medyo busy lang po dito sa in preparation naman para sa aming corporate Christmas party. :) Last Saturday December 13, nag-attend ako ng aking pangalawang Christmas party for 2014.    Dalawang part ang naging Christmas party namin.   Ang una ay ginawa sa Philippine Cerebral Palsy Inc. sa Makati at Shanghai Bistro na matatagpuan din sa Makati. Bago kami pumunta sa unag venue, nag-lunch muna kami sa isang sikat na Chinese Fastfood.   Medyo na-late nga kami sa unang venue dahil sa lakas ng ulan.   Pagdating namin sa venue, naka-ready na ang mga bata na regular na pasyente ng center.   Medyo naluha ako sa kanilang kalagayan.   Ngayon din lang kasi ako nakakita ng mga bata na may ganitong klaseng karamdaman. Sa kabila ng kanilang sakit, game na game pa din sila sa mga games na inihanda ng mga clowns na in-invite namin.   Kahit nakikita mong nahihirapan sila, pero bakas mo din sa mukha nila ang kasiyahan ng

CRISPY PATA with KARE-KARE SAUCE

Image
Yes!   My two favorite dishes in one.   Actually, parang dalawang dish talaga ito, magkahiwalay niluto pero pinagsama nung kakainin na.   Ang masarap kasi dito, iba yung naging texture ng karne komo pa-crispy pata nga ang luto.   Yung kare-kare sauce naman para maging rich pa rin ang flavor, yung sabaw na pinaglagaan ng pata ang aking ginamit.   Kaya naman sauce pa lang ng kare-kare na ito ay pang-ulam na din. At syempre hindi dapat mawala ang bagoong alamang.  Kung hindi masarap ang bagoong na kasama nito ay parang nababawasan ang sarap ang kabuuan ng dish.   It's better na yung trusted na bagoong in a bottle na lang ang gamitin nyo na available sa mga supermarket. CRISPY PATA with KARE-KARE SAUCE Mga Sangkap: 1 whole Pata ng Baboy (sliced) 2 pcs. Dahon ng Laurel 2 pcs. Red Onions (quartered) Sa and pepper to taste For the Kare-kare Sauce: 1 sachet Mama Sita's Kare-kare Mix Talong Sitaw Pechay Tagalog Puso ng Saging 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (sl

PASTILLAS DE LECHE with DAYAP

Image
Laging naghahanap ng dessert ang aking mga anak pagkatapos nila kumain kaya naisipan kong gumawa nitong pastillas de leche na matagal ko na ding binalak na gawin.   Salamat na lang at pinauwian ako ng aking Tita Melda ng bunga ng dayap na tamang-tama kako para dito sa pastillas. Okay din ito sa nag-iisip ng raket para sa kapaskuhan.  Pwede itong ipang-regalo sa ating mga kaibigan.   Bukod sa mura lang ang magagastos ay masarap pa talaga.    Yun lang siguro kailangang medyo maganda ang ating pagkakabalot sa pastillas.  Hehehehe.   Itong kasing unang try ko ay hindi ganun kaganda ang balot...hehehehe.   Pero wag ka, winner naman sa lasa at sapar.    hehehe. PASTILLAS DE LECHE with DAYAP Mga Sangkap: 3 cups Powdered Milk (I used Alaska) Alaska Condensed Milk 1 pc. Lime fruit or Dayap White Sugar Paraan ng pag-gawa: 1.   Sa isang bowl, paghaluin ang powdered milk, condensed milk at ginadgad na balat ng dayap o lime zest.   Unti-unti lang ilagay ang condensed milk habang hin

MY 1ST CHRISTMAS PARTY for 2014

Image
Last Sunday December 7, bago pa man dumaan ang bagyong Ruby sa Luzon, nag-attend ako ng aking 1st Christmas party sa Bocaue, Bulacan.   Christmas party ito ng aming batch sa high school ang Batch 83-84 ng Dr. Yanga's Francisco Balagtas Colleges. At komo food blog ito, ang picture ng pagkaing aming kinain ang una kong inilagay.   Hehehehe.   Pasensya na kung hindi gaanong malinaw ang kuha.   Hiniram ko din lang ang pict na yan sa ka-klase kong si Cindy.   Nung naalala ko kasing kuhanan ng pict ang food ko ay naubos ko na ito.   Hehehehe. Ang mga pagkaing aming kinain ay:   Pork Morcon, Lengua, Fish Fillet with Sweet and Sour Sauce, Kare-kare at Lechon Baboy. Nakakatuwa dahil ang daming nakarating sa okasyon.   Yung iba nga ay umuwi pa mula ibang bansa para lang maka-attend.   Kagaya ng Pareng Ricky ko na galing pa ng Macau. Marami ang nagbago talaga ang itsura dahil na din siguro matatanda na kami.  Hehehehe.   Yung iba naman ay na-maintain nila yung kanilang itsur