Posts

YELLOW PIN TUNA in COCONUT CREAM

Image
May nabili akong sariwang Yellow Pin tuna sa palengke.   Nung makita ko ito isang luto lang ang pumasok sa isip ko at ito ay ang lutuin ito sa gata.  Masarap naman talaga ang luto sa gata.   Kahit ano siguro basta nilagyan mo ng gata ng niyog ay tiyak na sasarap.   Samahan mo pa ito ng sili para pampa-anghang ay tiyak na mas gaganahan kang kumain. Try nyo din po. YELLOW PIN TUNA in COCONUT CREAM Mga Sangkap: 1 kilo Fresh Yellow Pin Tuna (sliced) 2 cups Fresh Coconut Cream 2 thumb size Ginger (sliced) 1 head Minced Garlic 1 pc. large Onion (sliced) A bunch of Pechay Tagalog 5 pcs. Siling Pang-sigang Salt and pepper to taste 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional) 3 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng asin at paminta anag bawat piraso ng isda.   Hayaan ng ilang sandali. 2.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika. 3.   Sunod na ilagay ang kakang gata at...

CHICKEN FILLET ITALIANA ala DENNIS

Image
Ang inspirasyon ko nung niluto ko ang dish na ito ay yung chicken fillet Italiana ng KFC.   Ofcourse hindi ko naman talaga alam kung ano ang mga sangkap nun at kung paano ginawa kaya bale ito ang sarili kong version ng dish na yun. In my own version, pinalamanan ko ang chicken breast fillet ng chopped red bell pepper, white onion at dried basil.   Ito yung mga natira pang pang-toppings dun sa pizza pandesal na ginawa ko. And the result is great.   Mas masarap pa siguro sa nabibili sa KFC.   Hehehehe. CHICKEN FILLET ITALIANA ala DENNIS Mga Sangkap: 3 Whole Chicken Breast Fille (cut into half) 2 pcs. large Red Bell Pepper (cut into small cubes) 2 pcs. large White Onion (chopped) 1/2 tsp. Dried Basil 2 cups Pasta Sauce or Pizza Sauce 2 cups Grated Cheese 2 tbsp. Olive Oil 2 pcs. Fresh Eggs (beaten) 1 cup flour 2 cups Japanese Bread Crumbs Salt and pepper to taste Cooking Oil for Frying Paraan ng pagluluto: 1.   Gam...

PINOY STYLE FRIED CHICKEN ala DENNIS

Image
Pangkaraniwang alam nating luto sa fried chicken ay yung binabalot sa breadings at saka piniprito hanggang sa maging malutong ang balat.  Naging batayan na natin ang fried chicken ng Jollibee at McDonald. But for me, wala pa ring tatalo sa pinoy style n pagpi-prito natin ng manok.   Yung kagaya ng sa Max Fried Chicken.   Yung wala breading na nilalagay.   Para sa akin kasi kapag may breadings, natatabunan nung seasoning ng breadings yung natural na flavor o lasa ng manok.   At isa pa,  kapag may breadings, maaring maging hilaw pa ang loob ng manok pero luto na ang labas. Kaya naman gusto kong i-share sa inyo itong pinoy style fried chicken na niluto ko nitong nakaraang kaarawan ng anak kong si James.   Simpleng simple lang ito.   Masasabi kong medyo nalalapit sa lasa ng Max Fried Chicken. PINOY STYLE FRIED CHICKEN ala DENNIS Mga Sangkap: 8 pcs. Chicken Legs 1 sachet Sinigang Mix 1 tbsp. Onion Powder 1 ...

JAMES 16th BIRTHDAY CELEBRATION

Image
Last Friday, nag-celebrate ng kanyang ika-16th birthday ang pangalawa kong anak na si James.   Wala naman siyang sinabi na darating na bisita pero naghanda pa din ako ng kaunti kagaya ng aking ginagawa taon-taon para sa kanilang karaawan.   Nagluto ako spaghetti, Max style fried chicken na may French fries at kropek, at sinamahan ko na din ng Japanese at pork siomai na binili ko lang sa supermarket. Sa spaghetti gumamit ako ng sweet style na spaghetti sauce at nilahukan ko ng ground pork, spice ham at cheesedog.   Nilagyan ko din ang sauce ng dried basil para magkaroon ng kakaibang lasa. Sa fried chicken naman ginaya ko yung ginagawa sa Max fried chicken.   And for extra crispyness dalawang beses ko siyang pinirito. Pabirito din ng may birthday itong siomai kaya iginagdag ko ito sa kanyang handa. Bumili naman ng cake ang asawa kong si Jolly para sa aming dessert.   At hindi pa dun ...

PEPPERONI PANDESAL PIZZA

Image
Ito ang isa pa sa sa mga pagkaing aking inihanda sa nakaraang kaarawan ng bunso kong anak na si Anton.   Pepperoni Pandesal Pizza. Lahat ng pagkaing inihanda ko ay paborito ng aking anak.   Spaghetti, Fried Chicken and ito ngang pizza.   I know magugustuhan din ito ng mga friends niya. Madali lang naman gawin ito.   Kahit oven toaster lang ang mayroon ka ay makakagawa ka nito.   Also, ang mainam sa pizza na ito, kahit anong toppings ay pwede mong ilagay.   Ikaw na ang bahala.   Sa case ng may birthday, pepperoni ang gusto niya kaya ito ang aking inilagay.   Try nyo din po.  Masarap talaga. PEPPERONI PANDESAL PIZZA Mga Sangkap: Pandesal (cut into half) Pepperoni Italian Style Pizza Sauce Grated Quick Melt Cheese Red Bell Pepper (cut into small cubes) White Onion (chopped) Dried Basil or Fresh Basil leaves (chopped) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Paghaluin an...

FRIED CHICKEN in 5 SPICE POWDER

Image
Ito ang isa sa mga pagkaing aking inihanda sa nakaraang kaarawan ng bunso kong anak na si Anton.   Fried Chicken in 5 Spice Powder. Komo nga mga kabataan ang mga bisita lang ng may birthday minabuti kong yung mga paborito ng mga bagets ang aking niluto at isa na nga itong fried chicken na ito. Actually simple lang naman ang ginawa kong pang-marinade sa chicken.   Ginamitan ko lang ng 5 spice powder at kaunting cayene, paprica at garlic powder.   Nakakatuwa dahil nagustuhan ng mga bagets ang fried chicken na ito.   Yung isa nga hiningi pa yung recipe ko nito.  Hehehehe FRIED CHICKEN in 5 SPICE POWDER Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Drumsticks 1 pc. Lemon 1 tsp. 5 Spice Powder 1 tsp. Garlic Powder 1/2 tsp. Cayenne Pepper Powder 1/2 tsp. Paprica 1 cup All Purpose Flour 1 cup Cornstarch 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying Paraan ng pagluluto: 1.   I-marinade ang manok sa pina...

FOOD BLOGGING: Ano ba meron?

Image
January 2009 ko nasimulan ang food blog kong ito.   Na-inspire kasi ako sa isa ding Filipino blog na nagpo-post ng mga pagkaing kanyang niluluto para sa kanyang pamilya.   Since then, na-inlove na ako sa pag-ba-blog ng aking mga niluluto. Pero ano ba talaga ang meron sa blogging?   Kung tutuusin wala ka naman talagang napapala sa gawaing ito.   Matrabaho din kasi.   Bukod kasi sa pag-iisip ng mga dish na ipo-post mo, nag-iisip ka din ng isusulat mo kapag ipo-post mo na. Hindi lang naman yung mga niluluto ang pino-post ko sa food blog kong ito.   Minsan din ay mga restaurant na aming kinainan o kaya naman ay mga events sa aming buhay na may kasamang pagkain. Masaya din naman ang pagba-blog.   Lalo na kapag nakaka-received ka ng mga email at comment mula sa iyong mga taga-subaybay.   Yung iba nga sabi nila hindi daw sila marunong magluto pero nung nasubaybayan nila ang food blog kong ito natuto daw sila kahit papa...