Posts

Showing posts from February, 2009

Pininyahang Manok

Image
Another chicken dish tayo at ito ay ang Pininyahang Manok. Hindi ko alam ang original recipe ng lutong ito. Una kong sinubikan na lutuin ito noong mapanood ko yung commercial ng isang gatas na ginamit nga sa pagluluto ng manok. Sabi nung bata sa commerical..."Bakit may gatas" ....sabi nung nanay...."Para mas masarap". At yun nga mismo ang ginawa ko, ang gumamit ng evap na gatas sa pagluluto. Madali lang lutuin ito...try nyo. PININYAHANG MANOK Mga Sangkap: 1 kilo Chicken fillet 1 small can Del Monte Pineapple Tidbits 2 medium potatoes quartered 1 small can alaska evap 1 cloves garlic 1 medium onion salt and pepper 2 tbsp sugar 1 tbsp. cornstarch Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang manok sa asin, paminta at syrup ng pineapple tidbits. Itabi ang laman. 2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-printo ng kaunti ang mga piraso ng manok. Hayaang pumula ng kaunti. Ilagay sa isang lalagyan 3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika 4. Ilagay ang pi...

Kare-kareng Buntot ng Baka

Image
Kapag sinabing Filipino food, hindi maaaring hindi makasama dito ang Kare-kare. Isa ito sa mga pagkaing pilipino na masasabi nating pilipino talaga. Dahil siguro sa mga sangkap nito at sa lasang masasabi nating tama sa panlasang pinoy. Nung nag-training nga ako sa Hong Kong, tinanong ako nung counterpart namin doon kung ano-ano daw ang mga pagkaing masasabi ko na pilipino. Kare-kare agad ang nasabi ko bukod pa sa crispy pata. Maraming version sa pagluluto ng kare-kare. Pwedeng ang gamitin ay karne ng baboy...pwede din ang manok, or purong gulay lang. Yung iba, purong dinurog na mani ang ginagamit at yung iba naman nilalagyan pa ng purong gata ng niyog. Siguro yung pinakamadali na lang ang gagawin natin. Lalo pa ngayon na marami ng mga instant mix na pwede nating gamitin. Simulan na natin.... KARE-KARE Buntot ng Baka Mga Sangkap: 1 kilo buntot ng baka (pwede ding haluan ng twalya o beef stripe) 1 pack Mama sita kare-kare mix 2 pcs. talong 1 tali sitaw pechay 1 small puso ng saging 1...

Fish Fillet and Tofu in Oyster Sauce

Image
It's Ash Wednesday today. Sa ating mga katolikong kristyano, ito ang simula ng tinatawag nating Mahal na Araw. Ito ang panahon ng pag-alala natin sa ginawang pagliligtas sa atin ni Hesus sa ating mga kasalanan. Sa mga panahong ito, nararapat lamang na mag-alay din tayo ng kaunting sakripisyo sa ating mga sarili. Kasama na dito ang pagbabawas ng kinakain o ang di pagkain ng karne sa mga panahong ito. Kaya ngayon, ang recipe natin ay naayon sa araw na ito. Fish Fillet and Tofu in Oyster Sauce. Try this! FISH FILLET AND TOFU IN OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1/4 kilo Fish Fillet (Sa recipe na ito cream of dory ang ginamit ko. Maari ding tilapia, lapu-lapu o tuna) 4 pcs. tofu o tokwa 1 carrot 5 pcs. calamansi leeks 1/4 cup Oyster Sauce 1 medium size onion garlic 1 tumb size ginger salt an pepper to taste sugar cooking oil for frying 1 tbsp cornstarch 1 tbsp flour 1 egg Maggie magic Sarap Paraan ng pagluluto: 1. Hiwain ang fish fillet ng pahaba o strip 2. I-marinade ito sa asin, paminta, mag...

Crispy Chicken with Mayo-Garlic Dip - Mix Vegetables in Butter

Image
Crispy Chicken Fillet Mix Vegetables in Butter Yesterday, My wife Jolly informed me, na may darating kaming bisita at sa bahay magdi-dinner. Tinanong niya sa akin kung ano daw ang naka-schedule na ulam namin for dinner at kung magkakasya ito sa aming lahat plus the guest. Ang naka-schedule sana na dinner ay simpleng Fried chicken fillet at magluluto na lang ako ng mga instant na soup. Pero komo nga may bisita, naisip ko na gawin itong special para naman masiyahan sila at amg mga bata. So ang niluto ko, Crispy Chicken fillet with Mayo-Garlic Dip, Mix Vegetables in Butter at Instant Crab and Corn Soup. I will concentrate dun sa chicken. Madali lang naman lutuin yung gulay at soup. Kung may tanong kayo tungkol dun, just leave a comment or email me at denniscglorioso@yahoo.com . Crispy Chicken fillet with Mayo-Garlic Dip Mga sangkap: 1 kilo Chicken Fillet - Yung sa...

Pork Steak Tagalog

Image
Hello! Pasensiya na at ngayon lang uli ako nakapag-post ng recipe. Medyo busy dito sa office at sa bahay na din. May bago akong recipe na naging ulam namin last Tuesday, kaso hindi ko nakuhanan ng picture. Chicken afritada yun using spagetti sauce with lots of fresh basil. hayaan nyo pag nagluto ulit ako, ipo-post ko ang recipe nun. Promise Today ang recipe natin ay "Pork Steak Tagalog". Kung iisipin nyo madali lang itong lutuin. Pero yung sa akin medyo tumagal kasi nilagyan ko pa ng mga twist. Umpisahan na natin. PORK STEAK TAGALOG Mga Sangkap: 1 kilo Pork Steak - mabibili ito sa mga supermarket. pwede din yung porkchop. 1/2 cup calamansi juice soy sauce salt and pepper 1 cloves garlic 1 medium onion Maggie magic Sarap cornstarch olive oil Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang pork steak sa calamansi juice, asin, paminta at maggie magic sarap. Mas matagal i-marinade mas mainam 2. Sa isang non-stick pan, i-prito ng walang mantika ang karne. From time to time pahiran ito ng p...

Sarciadong Isda

Image
Hello! Another simple dish. Sarciadong Isda. Nung mga bata pa kami, madalas ganito ang ulam namin. Lalo na pag panahon at mura ang kamatis. Kagaya nga nung nasabi ko sa Pork Nilaga entry ko, sa panahon ngayon na mahal ang mga bilihin, kailangan natin na mag-tipid at gumamit ng mga extender kagaya ng gulay, para maging sapat ang ating inuulam sa pagkain. Napakadali ng lutong ito. Alam ko marami sa atin ang alam na alam na kung papano ito lutuin. Kaya eto simulan ko na: SARCIADONG ISDA Mga Sangkap: 4 pcs. medium size tilapia (Pwede din ang dalagang bukid, bangus, galunggong, etc. sa lutong ito) 1/4 kilo kamatis bawang sibuyas 1 egg cooking oil for frying maggie magic sarap (optional) salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa kumukulong mantika, i-prito ang isda at hanguin sa isang lalagyan 2. Sa isang kawali, igisa sa mantika ang bawang, sibuyas at ang ginayat na kamatis 3. Lagyan ng kaunting tubig at halu-haluin hanggang sa madurog ang lahat ng kamatis 4. Timplahan ng asin, pa...

Pasta with Ham and Basil in Spagetti Sauce

Image
Good Day!!! This is just an ordinary dish. Nag-mukha lang siyang medyo sosyal maybe because of the basil....hehehehehe. Actually mula nung maka-gamit ako ng dahong ito, na-inlove na ako sa pag-gamit nito lalo na sa mga pasta dishes. The taste is really good. Try nyo din. Last Valentines Day, ito ang niluto ko for the dinner. Although, nag-lunch date na kami ng wife kong si Jolly, syempre kasama dapat ang mga bata sa celebration. Ito lang ang niluto ko at bumili na lang ako ng lechong manok. Ok naman. Everybody enjoys the food. PASTA WITH HAM AND BASIL IN SPAGETTI SAUCE Mga Sangkap: 1/5 kilo Pasta - Pwedeng macaroni, spagetti or pene 250 grams sweet ham Fresh Basil leaves Spagetti Sauce Cheese (any brand) Butter Olive oil 1 cloves Garlic 1 large Onion Salt and Pepper Paraan ng pagluluto: 1. Iluto ang pasta ayon sa tamang paraan....i-drain at ilagay sa isang lalagyan 2. Gayatin ng pino ang basil, sibuyas at bawang 3. Gayatin din ang ham na parang match sticks 4. Sa isang kawali o ...

Honey-Lemon-Ginger Chicken

Image
Hello! Narito ang isang lutuin na inspired mula sa blog ni Ms. Connie Veneracion ng http://www.pinoycook.net/ . Everyday, hindi pwedeng hindi ako magbi-visit sa blog niya to check kung ano ang bago niyang niluto. Sa pag-ba-browse ko sa kanyang site, may nakita akong isang lutuin na sa tingin ko ay masarap at magki-click sa sa aking pamilya. Ito ay ang Honey-Lemon-Ginger Chicken. Kagaya nga ng sinabi ni Ms. Connie, mas mainam na lagyan natin ng twist ang mga lutuin na ating natututunan. Kagaya ng recipe natin na ito for today. Nilagyan ko ng twist kaya naman mas lalo siyang sumarap. HONEY-LEMON-GINGER CHICKEN Mga Sangkap: 1 kilo Chicken legs cut into 2 (drumstick and thigh) 1 lemon 1/2 cup honey ginger 10 pcs. calamansi carrots (Hiwain na parang palito ng posporo) salt and pepper butter Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang manok sa calamansi, asin, paminta at kalhating lemon. Mas mainam kung overnight o ilang oras bago lutuin 2. I-prito ang manok sa butter hanggang pumula ng konti ang...

Pork Nilaga - My childhood version

Image
Hello! Sa panahon ngayon dapat lang na pagtuunan natin ng pansin ang pagtitipid. Mapapansin nyo, kabi-kabila ang tanggalan sa trabaho, nagsasarang mga kumpanya. Pagtitipid na hindi naman ibig sabihin hindi na tayo kakain o kaya naman kung ano-ano na lang ang kakainin natin. Ika nga pwede naman tayong magtipid na hindi isinasakripisyo ang nutrisyon at lasa ng pagkain. Nung mga bata pa kami, natatandaan ko, komo mahirap lang kami, ginagawan ng paraan ng aking Inang kung papano mapagkasya ang aming ulam sa aming lahat. Komo nga magaling magluto ang aking ina, nagagawan niya ito ng paraan. Papano, gumagamit siya ng extender. Ano yun? Yun yung mga bagay na inihahalo sa lutuin para dumami. At eto nga ang recipe natin para sa araw na ito. Pork Nilaga - My childhood version Mga sangkap: 1 kilo Pork spareribs or buto-buto 1/2 repolyo pechay 100 grams baguio beans 4 pcs. saging na saba 2 pcs. medium kamote sibuyas pamintang buo asin maggie magic sarap (optional) Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang ...

Chicken Liver and Gizard with Mix Vegetables in Oyster Sauce

Image
Yesterday, ang planong ulam namin para sa hapunan ay isda. Ganun naman ang diet namin sa pamilya. Basta ikot lang ang isda, manok, baboy at baka. Yung gulay hinahalo na lang namin sa mga ito. Ika nga balance diet kami....hehehehe. So dapat nga isda ang sched namin kahapon. Kaso hindi maganda ang isda sa palengke at ang mamahal pa. Imagine, hasa-hasa lang P160 na ang kilo? Ang ginawa ko nag-palit ako ng menu...hehehehe. Nakakita ako ng atay at balun-balunan ng bagong katay na manok and presto may ulam na kami...hehehehe Eto nga ang recipe natin for today. Chicken Liver and Gizard with Mix Vegetables in Oyster Sauce. Parang ang haba ata ng pangalan? hehehehehe. Well, yan na lang ang ipinangalan ko sa lutong ito but actually parang chopsuey siya....hehehehee.....mas marami nga lang yung atay at balun-balunan. Try it! Masarap siya at madali lang lutuin. Chicken Liver and Gizard with Mix Vegetables in Oyster Sauce Mga Sangkap: 1/2 kilo Atay at balun-balunan ng manok 1 large sayote 100 grams...

Crispy Pata my own version

Image
Good Day! Sa mga espesyal na handaan sa ating mga Pilipino, hindi nawawala ang lechon baboy. Basta meron nito, siguradong big time ang handaan. Kasi naman ang sarap talaga nito lalo na kung malutong ang pagkakaluto ng balat...hehehehehe. Samahan pa ito ng malinamnam na sarsa....hehehehe. Pero komo mahal ang kilo ng lechong baboy, bakit hindi na lang tayo mag lechong kawali o kaya naman crispy pata...wow yummy! Isang araw, naisipan kong magluto ng Crispy Pata. Pero komo nga may kahirapan ang pagluluto nito (kasi naman nagpuputukan at nagkalat ang mantika habang piniprito....hehehehe), naisipan kong bakit hindi ko na lang ito iluto sa turbo broiler...tipid pa ako sa mantika. So ganun nga ang ginawa ko and you know what? ang sarap ng kinalabasan. Mga Sangkap: 1 large pata ng baboy tanglad or lemon grass laurel 3 ginayat na siguyas asin pamintang durog at buo Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola o kaldero, ilagay ang pata ng baboy kasama ang lahat ng sangkap. Dapat nakalubog ang pata ...

Beef Burger Steak ala Pobre

Image
Salamat pala sa mga nag-participate sa ating munting poll survey. Sana yung iba sumali din para naman malaman ko kung ano pa ang gusto ninyong recipe na i-post ko dito. Kagaya nitong recipe natin for today. Beef Burger Steak ala Probre. Madami din kasing nag-request na mag-post naman ako ng beef recipe. Hindi ako masyadong makapag-post ng beef kasi nga medyo may kamahalan ang karneng baka. Kaya eto...alam ko magugustuhan ninyo ang lutong ito. Hindi ito tipikal na nakakain natin sa isang sikat na fastfood chain.....hehehehe. Try it. BEEF BURGER STEAK ala POBRE Mga sangkap: 1/2 kilo giniling na baka (yung sirloin ba yun...di kasi ako pamilyar sa mga parts eh) fresh basil leaves 2 medium onion (yung red mas mainam) 1 cloves garlic 2 eggs 1/2 cup flour or cornstarch 3 tbsp soy sauce 1 tbsp sesame oil (optional) maggie magic sarap (optional) cooking oil salt and pepper For the gravy: 2 knorr beef cubes butter 1 tbsp constarch water Note: Pwede ding gumamit nung mga instant gravy ng mccormic...

Pasta with Garlic, Basil and Cheese

Image
Hello! Eto na naman ang isang niluto ko na maituturing ko na experimental talaga. This is the first time na niluto ko ito and it's a success. Talagang nagustuhan ng mga anak ko at maging ang aking kapitbahay. Remember yung niluto kong Pasta Aligue? Nung niluto ko yun hindi ko ginamit ang lahat ng pasta. Ayoko ko kasing matabunan ng pasta ang lasa ng aligue. So nilagay ko lang yung iba sa ref at bahala na kako kung ano ang pwede ko pang magawa dun. Ang unang iniisp ko ay gamitin yun sa carbonara pero naisip ko mahal din nga pala yung mag sangkap sa pagluluto nun....hehehehe. That day nabasa ko yung recipe ni Ms. Connie Veneracion ng Pinoycook.net na Pasta with Pesto. Although, hindi pa ako nakakagawa ng pesto basta ang alam ko ang base na sangkap niya ay basil at olive oil. So ayun, yun ang inspiration ko nung niluto ko ang pastang ito. Pasta with Garlic, Basil and cheese. Ang mga sangkap: 250 grams of cooked pasta butter olive oil 1 cloves garlic fresh basil leaves cheese Maggie ma...

Liempo ala Jake

Image
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang tawag sa lutong ito. Yung iba ang tawag ay bagnet...yung iba naman lechong kawali. Pero komo nga nilgyan ko ng twist ang lutong ito, inangkin ko na ang recipe at pinangalanan kong "Liempo ala Jake". Si Jake pala ay ang panganay kong anak. He's 11 years old. Kagabi kasi nung niluluto ko ito, sabi niya.."Daddy, pwede natin iyang ipambenta". Aba gusto pang mag-negosyo ng aking anak...hehehehe. So ayun nga, kaya sa kanya ko ipinangalan ang lutong ito. Mga Sangkap: 1 to 1.5 kilos Pork Liempo (Piliin nyo yung di masyadong makapal ang taba) salt and pepper maggie magic sarap calamansi juice bawang Paraan ng pagluluto: 1. Gilitan ang liempo ng pahaba. Parang maghihiwa ka ng pang-ihaw na liempo pero hindi mo isasagad o puputulin. 2. Sa isang lalagyan, paghaluin ang asin, paminta at maggie magic sarap 3. Ikiskis (rub) ang mga ito sa laman ng liempo. 4. I-marinade ito sa pinaghalong calamansi juice at bawang. 5. Ilagay sa isang plas...

De Latang Mackerel with Sotanghon in 15 minutes

Image
Tama ang nabasa ninyo na title, "De Latang Mackerel with Sotanghon in 15 minutes". Last Monday, di ko maiisip kung ano ang uulamin namin for dinner. After nung kainan last Saturday, parang busog pa ang pakiramdam ko sa aking mga niluto....hehehehe. So nagbukas ako ng cabinet at tiningnan ko kung ano ang pwedeng lutuin... although may mga manok at baboy pa sa ref. So yun nga may nakitang akong dalawang lata ng mackerel (Saba brand) at sotanghon. Yun nga ang niluto ko at masarap naman ang kinalabasan. Mga sangkap: 2 big can Saba Mackerel in oil sotanghon noodles (yung 100 grms. lang ata yun) bawang sibuyas kamatis young onion leaves achuete seeds salt and pepper to taste maggie magic sarap Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kasirola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis 2. Buksan ang de lata at ibuhos ang sabaw nito sa ginisa 3. Ilagay ang sotanghon, dagdagan ng konting tubig at hayaang kumulo 4. Ilagay ang laman ng mackerel 5. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap. La...

Pinaputok na Tilapia at Anton's Chicken

Image
Eto na yung part 3 ng posting ko about sa mga niluto ko nung wedding anniversary namin last January 31. Na-i-post ko na ang recipe ng mga lutong ito pero may tip ako ibibigay para mas lalo itong sumarap. Hehehehehe. First, Pinaputok na Tilapia. Actually hindi ko alam kung bakit ito ang tawag sa lutong ito. Basta tinawag ko lang siyang ganyan base sa mga nabasaw ko na na recipe sa internet....hehehehehe. Yung iba kasi binabalot sa dahon ng saging tapos piniprito. Yung last na post ko niluto ko siya using turbo broiler. Ito naman, niluto ko using square pan sa ibabaw lang ng kalan. Kagaya ng sinabi ko dun sa unang post ko, pwede namang gumamit ng turbo broiler, oven, ihaw sa baga o kaya naman sa kawali. Bukod sa paraan ng pagluluto ang inilagay ko na tanglad ay yung fresh pa. Ibig kong sabihin sariwa pa yung mga dahon as in green pa. And you know what? Mas masarap ang kinalabasan ng lasa. And ofcourse puring-puri ng mga guest ko ang lutong ito. Pangalawa, Anton's Chicken. Na-post ko ...

Chili Garlic Prawn in Lemon Butter Sauce

Image
Hello! Eto na ang part 2 ng aming handa during our 11th wedding anniversary last January 31. Sabi ko nga, paisa-isa ang gagawin kong post para may suspense ng kaunti....hehehehe. Pero di ako talaga makatiis na hindi mai-share ang mga recipe na ito sa inyo. Lalo pat alam ko na marami na rin ang sumusubaybay sa mga bago ko post. hehehehehe.....Thank you sa lahat....Sana naman mag-post kayo ng comment para alam ko kung nagugustuhan nyo ang ginagawa ko at para ma-improve ko pa ang blog ko na ito. Eto ang pangalawang putahe na inihanda ko nga last Saturday. Chili Garlic Prawn in Lemon Butter Sauce. Ang haba ng pangalan ano? hehehehehe.....Actually, pangkaraniwan na ang mga ganitong luto. Marami sa atin ay iniiba lang nila ang mga inilalagay na sangkap...yung iba nilalagyan ng Sprite o kaya naman butter and garlic lang.....kagaya ko may twist akong ginawa dito na lalong nagpasarap sa finished product. Eto na ang mga Sangkap: 1 kilo sugpo butter 1 cloves garlic 1 tbsp. lee kum kee chili garli...

Jolly's Pasta Aligue

Image
Good Day to all!!! Last Saturday January 31, me and my wife Jolly celebrated our 11th Wedding Anniversary. Syempre, papano ba ito ise-celebrate kundi sa pamamagitan ng pagkain. hehehehehe. Naisip ko na komo espesyal para sa amin ang araw na ito, I decided to cook special food na hindi namin pangkaraniwang kinakain. So I cooked Pasta Aligue, Chili Garlic Prawn in Lemon Sauce, Pinaputok na Tilapia and Roasted Chicken ala Anton. We decided also to invite some of our friends para naman makasama namin sa aming celebration. And you know what? Lahat sila nag-enjoy sa pagkaing inihanda namin.....hehehehe. Si Mareng Beng ko nga (the girl in thumbs up sign) nag-request na ipangalan ko daw sa pamilya niya ang isa sa mga niluto ko...Ofcourse react agad ang aking esmi at bakit hindi naman daw sa pangalan niya....hehehehehe. So in this post I decided to name our recipe for the day JOLLY'S PASTA ALIGUE. Para sa iyo ito Mommy.....hehehehe Syanga pala, gagawin kong pa-isa-isa ang post ng recipe ng...