MAGHAPONG KAINAN sa BULACAN
Tama ang title ng entry kong ito for today. As in maghapong kainan ang nangyari sa huling pag-uwi namin sa aking bayan sa Bulacan. Pabinyag kasi ng pinsan kong si Jenica para sa panganay niyang anak na si Althea. Swerte naman at isa sa mga sponsor ay ang asawa kong si Jolly. BTW, born-again christian pala ang napangasawa ng pinsan kong si Jen kaya dedication ang tawag sa pabinyag nila. hehehe Maaga pa lang ay gumayak na kami pa-uwi sa amin sa Bocaue dahil 10:00am ang schedule ng dedication. Ayos naman at mga 9:30am pa lang ay nakarating na kami at tamang-tama sa pag-alis at papunta sa venue ng dedication. 11:30am ay natapos na ang mga seremonya at tumuloy na kami sa bahay nila sa Balagtas, Bulacan kung saan ginawa naman ang reception. Nagpa-cater na lang sila. Maraming food. I-try ko na lang na i-recall ang mga pangalan ayon sa aking pagkakatanda. Yung nasa ibaba ay Beef Mongolian. Beef dish na manamis-namis ang lasa na nasa bed ng mix vegetables. Yung nakikita din sa