Every year, sa bayan ng aking asawa na si Jolly sa San Jose, Batangas kami nagdiriwang ng Pasko. Nag-iisa lang kasi ang aking biyenan na si Inay Elo kaya naman sinasamahan namin siyang hinihintay ang pagsapit ng Pasko. December 23 pa lang ay maaga na kaming umuwi ng Batangas para sa ilang araw na bakasyon. Dala-dala na namin ang lahat na gagamitin sa pagdiriwang. Syempre, December 24 ay dumalo kami ng huling Simbang Gabi sa kapilya na malapit sa bahay ng aking biyenan . Ang pamilya pala namin ang sponsor sa pa-misa ng gabing iyun. After ng misa ay nagkaroon ng salo-salo. Ang bawat pamilya ay may dalang pagkain na pagsasaluhan sa gabing yun. Spaghetti ang aking niluto para i-share. Nakakatuwa naman at naubos agad. Marami ang may dala ng pagkain. Sa aking pagkatanda ito ang mga pagkaibng aming pinagsaluhan: Kare-kare, lechon kawali, pork adobo, pancit miki bihon, afritada, ensela...