Posts

Showing posts from May, 2013

EGG CHEESE and PIMIENTO SANDWICH

Image
Bukod sa Pancit Palabok na niluto ko para sa ini-sponsor naming alayan sa Batangas, gumawa din ako n espesyal na sandwich na first time ko lang din na ginawa.   Pasensya na pala kung yan lang ang pict na nailagay ko.   Hindi na umabot na kuhanan ng picture sa dami ng nag-kagusto.   Hehehehe Ang unang plano ay simpleng egg sandwich lang ang aking gagawin komo maraming itlog sa kanilang lugar.   (San Jose is considered as the egg basket of the Philippines).   Kaso, nag-object ang aking asawang si Jolly at sawa na daw sa itlog ang mga taga-roon sa kanila. At naisipan ko na gumawa ng cheese pimiento sandwich.   Pero sa palamang ito, nilagyan ko pa rin ng nilagang itlog.  Para kasi kakong masarap yung kahit papaano ay may nakakapang laman ang dila mo mula sa palaman.  At isa pa, para mas marami ang kalabasan ng palaman.   Mga 75 katao kasi ang estimate ko na dadalo sa alayan.   Also, para maging mas malasa ang pimiento o bell pepper na ilalahok sa palaman, inihaw ko muna ito para mas

PANCIT PALABOK

Image
Uunahan ko na na ang picture sa itaas ay hindi ang actual na pancit palabok na niluto ko nitong nakaraang Sabado kung saan kami ay nag-sponsor sa Alayan sa lugar ng asawa kong si Jolly.   Ang Ate Mary Ann ko ang nagluto nun at yung sa akin naman ay itong nasa ibaba na picture.   Hindi maganda ang pagka-kuha dahil ng matapos ang padasal ay talaga namang excited ang lahat na maka-kain.   Hehehehe. Pancit Palabok ang naisip ko na ihanda komo alam kong napaka-espesyal sa kanila ng noodle dish na ito.   Simpleng mga sangkap lang ang ginamit ko para kako madaling masundan ng mga sumusubaybay sa blog kong ito.   Pero wag ka, nagustuhan ng lahat ang pancit na aking niluto.   Nakakatuwa naman at nawala ang pagod ko sa mga positibo na comment.   Salamat din sa kanila. PANCIT PALABOK Mga Sangkap: 1 kilo Bihon na pang-palabok 1/2 kilo Pork Giniling 10 slices Loaf Bread (himayin o hiwain ng maliliit at ibabad sa tubig)) 1/2 cup Cornstarch 300 grams Tinapa (himayin at alisin ang ti

TAPUSAN, FLORES DE MAYO at SANTA KRUSAN

Image
Siguro marami sa atin ang hindi pa rin alam kung ano-ano ang pagkakaiba nitong tapusan, flores de Mayo at Santa Krusan na nakagisnan nating kultura tuwing sumasapit ang buwan ng Mayo.   Sa Batangas, makagisnan na ng aking asawang si Jolly ang kung tawagin nila ay Tapusan.   Pag-aalay ito ng bulaklak sa Mahal na Birheng Maria sa buong buwan ng Mayo.   Gabi-gabi, nagtitipon ang magkaka-barangay sa kapilya o tuklong kung tawagin  nila para mag-dasal at mag-alay nga ng bulaklak.   Bawat gabi ay may pamilya na sponsor at siya ding nagpapakain pagkatapos ng dasalan.   Sa huling araw ng Mayo o May 31, nagkakaroon ng parang fiesta at prusisyon ng mga santo.   Yung iba ay naghahanda din ng mga masasarap na pagkain sa araw na ito.    Sa amin naman sa Bulacan, Flores de Mayo naman ang ginagawa.   9 na araw na nobena sa Mahal na Birhen at sa huling araw ng nobena naman ay may mag sagala o kababaihan na nasuot ng magagarang saya at pumaparada sa saliw ng mga banda o musiko.   Ang bawat saga

MINCED PORK ala CUBANA

Image
Nung una wala akong balak na i-post ang dish na ito dito sa blog.   Isa lang kasi itong simpleng giniling na baboy na may itlog na pangkaraniwan nating nakikita sa mga karenderya.   Ang pagkakaiba lang nito ay yung tomato sauce na ginamit ko na Italian style at yung pritong saba na inilagay ko sa side. Pero nung natikman ko na ito sa office komo ito ang baon ko that time, nagulat ako sa sarap nito at yung combination ng pritong saging na saba at nilagang itlog sa giniang ginilin na baboy ay ka-blog-blog talaga.   Buti na lang at dala ako ang aking digicam at kinunan ko talaga ito kahit naumpisahan ko na itong kainin.  Look at the egg..nakain ko na yung kalhati.   Hehehehe. Pinangalanan ko na lang itong Minced Pork ala Cubana komo halos pareho lang ito ng Arroz ala Cubana at pangkaraniwang pagkain ng mga Cubans.   Sa halip lang na beef ay pork ang ginamit ko at sa halip na fried egg ay inilaga ko na lang ang itlog. Try it mga friends, simple pero masarap ang dish na ito.   MI

MIXED VEGETABLES with WINGS = (CHOPSUEY)

Image
May nabili akong 1 kilong chicken lollipop sa SM supermarket sa Makati.   Natuwa kong bumili nito komo ang ganda ng pagka-cut niya at wala na yung parte na dulo ng pakpak.  Binili ko ito nung time na yun pero wala pa akong idea kung anong luto ang gagawin ko.   Ano pa ba ang lutong pwedng gawin dito kundi i-prito.  Kaya lang, parang prito lang ang ulam namin nitong nakaraang araw kay nag-isip ako ng iba pang option. May nakita pa akong sayote, carrots, celery, leeks at red bell pepper sa fridge.   Dapat sana magluluto ako ng pancit canton.   Kaso naisip ko na lang na isahog ito sa chicken lollipop nga para maging chopsuey.   At yun na nga ang nangyari, chopsuey na mas marami pa ata ang sahog na manok.    Hehehehehe.  Okay lang masarap naman ang kinalabasan. MIXED VEGETABLES with WINGS (CHOPSUEY) Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Lollipop 1 large Carrot (cut into desired size and shape) 1 pc. Sayote (cut into desired size and shape) 1 large Red Bell Pepper (cut into desired size

SWEET CHILI HONEY WINGS

Image
Mahilig ba kayong kumain ng Buffalo Chicken Wings?   Ito yung fried chicken wings na coated ng spicy na sauce.   Marami na ding mga resto ang nag-o-offer nito at depende kung gaano ka-spicy ang gusto mong kainin. Nitong isang araw, naisipan kong magluto not exactly itong buffalo chicken wings.   Basta fried chicken wings, pero di ko pa alam kung anong sauce ang ilalagay. ko.   Wala akong ginaya na recipe para sa sauce basta pinagsama-sama ko na lang yung bottled sweet-chili sauce, pure honey bee at chili garlic sauce.   Ayun natumbok ko ang tamang lasa at sarap ng chicken wings na ito na may honey-chili sauce na glaze.   Ang mainam pala dito, pwede mong i-adjust sa sarili mo yung anghang na gusto mo.   O di ba?   Buffalo Wings na lutong bahay.   Try it! SWEET CHILI HONEY WINGS Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Wings 1 pc. Lemon (juice, zest) 1 cup Cornstarch 1 cup Flour Salt and pepper to taste For the glaze: 1 cup Sweet Chili Sauce (bottled) 1 tsp. Chili Garlic Sauce 1

LIEMPO ala BISTEK

Image
Bistek ang tagalog version natin ng Beef Steak.   Karne ng baka ito na hiniwa ng maninipis at niluto sa toyo, katas ng calamansi at sibuyas.   Masarap itong pang-ulam at paborito ito sa mga karenderya ng marami. Hindi lang naman karneng baka ang pwedeng gawing bistek.   Pwede din ito sa karne ng baboy o anumang karne.   Sa bangus nga nasubukan ko na din na magluto nito. This time, sa pork liempo ko naman ito ginawa.   Nilagyan ko ng konting twist ang pamamaraan ng pagluluto para lalo pa itong mapasarap.  At hindi naman ako nagkamali.   Masarap at malasa ang kinalabasan ng aking niluto.   At ano yung twist na ginawa ko?   Di ba pangkaraniwan, basta na lang natin pinagsasama-sama ang lahat ng mga sangkap at saka lang natin ito pinapakuluan hanggang sa lumambot at maluto.   This time, pinirito ko muna ng bahagya ang karne at saka ko niluto sa toyo.   Huli ko inilagay ang katas ng calamansi para hindi mawala ang masarap na flavor nito. LIEMPO ala BISTEK Mga Sangkap: 1 kilo Co

BINYAGANG RAIZZA DEE - Ninong po Ako :)

Image
Last May 11, 2013, ako ay nag-anak sa binyag sa anak ng aming kapitbahay na si Donna sa amin sa Bocaue Bulacan.   At komo malapit ito sa aming pamilya, hindi maaaring hindi ako pumunta.  At isa pa, Flores de Mayo sa aming lugar at eleksyon kinabukasan.   Hectic ng sched ano?   hehehehe Nakakatawa din, kasi ba naman sa tanda kong ito ay may kumukuha pa sa akin para mag-anak sa binyag.   hehehehe.   Next month kasi kasal naman ang aanakin ko.   Hehehehe. 12 noon nagsimula ang binyag at ga 30 minuto lang ay natapos din ito.   Syempre naman, pagkatapos ang seremonyas... ano naman ang susunod?    hehehe...e di tuloy naman sa mesa. Yes.   Nasira na naman ang diet ko sa mga inihandang pagkain ng nag-pabinyag.   Nagpaluto lang pala sila sa aking kapatid na si Ate Mary Ann.  Lahat kami sa pamilya ay marunong magluto.   At ito nga ang hanapbuhay ng aking ate, ang tumanggap ng paluto. Winner ang pork kare-kare.  Yung ulo ng baboy ang ginamit na laman at para na din itong balat ng ba

CALDERETANG BAKA

Image
Ang Beef Caldereta ay kino-konsidera dito sa atin na espesyal na putahe sa hapag man o sa mga handaan.   Dahil siguro sa kamahalan ng karne ng baka at sa mga sangkap na inilalahok dito.   Isa din ito sa mga putahe na minana natin sa mga kastila, kaya siguro maituturing na pagkain ito ng mga ilustrado o yung mga may kaya. Marami ding version itong beef calderata kahit saang panig ng ating bansa.   Di ba nga sa bayan ng aking asawa sa Batangas ay iba ang pamamaraan at mga sangkap na ginagamit nila?   Sa amin sa Bulacan naman minsan ay nilalahukan ng peanut butter para maging mas malinamnam ang sauce.   Pero kahit ano pang version itong calderetang ito ay panalo pa din sa panlasa nating mga Pilipino. Sa version kong ito ng beef caldereta, nilahukan ko ito ng olives at sa halip na tomato sauce, tomato paste ang aking ginamit para sa mas masarap na sauce.   Mas maganda din ang naging kulay nito sa dito.   I-try nyo din po. CALDERETANG BAKA Mga Sangkap: 1 kilo Beef (cut into cub

MIKI MANOK at PATOLA GUISADO

Image
Wala na talagang hihigit pa sa sariwang gulay na bagong pitas lang at diretso sa inyong lutuin.   Manamis-namis kasi ang lasa nito at kahit kakaunti lang ang sahog na karne o pampalasa at masarap pa rin talaga amg lasa.   Nitong huling uwi ko sa aking bayang sinilangan sa Bocaue Bulacan, pinauwian ako ng aking Tatang Villamor ng kanyang aning patola.   Gustong-gusto ko ang gulay na ito lalo na kung simpleng luto lang ang gagawin.  Mas mainam na simpleng luto lang ang gawin para naroon pa rin yung masarap na flavor ng sariwang gulay at hindi natatabunan ng iba pang sangkap. Natatandaan ko pa noong araw lagi itong inilalahok ng aking Inang Lina sa Misua na may bola-bola.   Madalas simpleng ginisa lang ang ginagawa nitya dito na may lahok lang na maliliit na hipon.   Ang sarap talaga, nagbabalik tuloy ang ala-ala nang aking kabataan. Simpleng luto din ang ginawa kong luto sa mga patolang ito na pauwi nga sa akin.   Iginisa ko lang siya na may kasamang dried miki at chicken fillet

BASIL CHICKEN with PEANUTS

Image
Matagal-tagal na din nung unang magluto ako ng dish na ito.   Actually, isa itong Thai dish pero hindi ko na lang inilagay yung word na Thai sa unahan dahil nilagyan ko na din ito ng panibagong twist. Nilagyan ko ito ng mani to add texture sa kabuuan ng dish.   Alam mo yun?  Yung may crunch habang kinakain mo ito.   Yummy talaga. Masarap ang dish na ito.   Kakaiba sa pangkaraniwang nakakain sa araw-araw.   Kung baga, para ka na ring kumain sa isang mamahaling Thai restaurant kapag natikman mo ang chicken dish na ito. Kung titingnan mo parang complikado ang dish na ito.   Pero ang totoo, ang dali-dali lang nitong lutuin at madali lang din hanapin ang mga sangkap.  Kahit beginner na cook ay kayang-kayang gawin ang dish na ito.   Subukan nyo din po. BASIL CHICKEN with PEANUTS Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh Fillet (skin on, cut into bite size pieces) 1 cup toasted Peanuts 1/2 pc. Lemon (juice and zest) 25 grams Fresh Sweet Basil Leaves 2 thumb size Ginger (slice) 1

CHICKEN BINAKOL = CHICKEN TINOLA na may BUKO

Image
Napaka-innovative talaga nating mga Pilipino pagdating sa kusina.   Hindi tayo nakukuntento sa nakasanayan nating luto o timpla sa mga pagkaing inihahain natin sa ating mga mahal sa buhay.   Patuloy nating ini-improve ito sa tulong na din ng mga food magazines, television at itong internet. Katulad nitong recipe natin for today.   Kung tutuusin simpleng chicken tinola lang ito.   Pero nung nilahukan ng sabaw at laman ng buko, talaga namang naiba at mas lalo pang sumarap ang masarap nang tinola. Hindi ko alam kung saang lugar nag-originate ang dish na ito pero saludo ako sa naka-isip nito.   Panalo ang sabaw sa sarap.   Hehehehe.   Try nyo din po. CHICKEN BINAKOL = CHICKEN TINOLA na may BUKO Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 1 medium size Green Papaya (cut into wedges) 1 whole Buko (hiwain ang laman, at kunin ang sabaw) Dahon ng Sili 2 thumb size Ginger (slice) 1 pc. Onion (slice) 5 cloves minced Garlic 3 pcs. Siling pang-sigang 1 tsp. Whole

ADOBONG BUTO-BUTO

Image
Marami na din akong adobo recipe sa archive.   Actually, pare-pareho lang naman ang pagluluto ng adobo, iba-iba lang marahil ang sangkap na ginagamit natin.   At habang tumatagal mas lalo pa atang dumarami ang version nito.   Hehehehe Kahit sa kinalakihang bayan ng aking asawang si Jolly sa Batangas, iba ang luto nila ng adobo.  Also, ang ina-adobo nila ay yung mabutong part ng baboy.   Madalas nila itong handa sa mga espesyal na okasyon kagaya ng mga fiesta at kasalan. Hindi ko alam kung ano-ano ang mga sangkap na inilalahok nila sa kanilang adobo maging ang pamamaraan ng kanilang pagluluto.   Pero isa lang ang masasabi ko sa version nila, masarap talaga at malasa.   Kahit nga ang aking asawa ay paborito ito. Nag-try akong gayahin ang version nilang ito ng adobo.   Hindi man malapit sa pinag-gayahan, hindi naman din ito nalalayo sa sarap at lasa. ADOBONG BUTO-BUTO Mga Sangkap: 1.5 kilo Buto-buto ng Baboy (spareribs is okay) 1 cup White Vinegar 1 cup Soy Sauce 3 tbsp.

SINIGANG na MAYA-MAYA

Image
Kung magkakaroon siguro ng pambansang ulam ang Pilipinas, isa sa mga top na pagpipilian ay itong sinigang.   Bakit naman hindi?   Katulad ng Adobo, marami itong variety at maging isda, manok, baboy o baka man ay pwede din isigang. Maging sa pang-asim na ginagamit ay marami ding klase.   Pangkaraniwan ang sampalok.  Pwede din ang kamyas, santol, mangga, calamnsi ay ilan pa na pwedeng pang-asim dito. Sa paraan ng pagluluto man ay nagkakaiba tayo sa pagluluto ng sinigang.   Yung iba basta paghahalu-haluin lang ang lahat ng sangkap sa kumukulong tubig, pero ang iba naman ay ginigisa pa. Ako, kapag karneng baboy o baka ang aking isisigang, hindi ko na ito ginigisa.   Basta kapag lumambot na ang karne ay saka ko inilalagay ang kamatis at sibuyas.   Di katulad ng manok o isda.  Ginigisa ko muna ito sa luya, bawang, sibuyas at kamatis at saka kko ito pakukuluan.   Sa pamamagitan ng luya, nawawala ang lansa ng isda at manok at nagiging mas masarap ang sabaw nito.   Ganun ang ginawa ko

HALALAN 2013: Sana piliin natin ang karapat-dapat....

Image
May 13, 2013 haharap na naman tayong mga Pilipino sa isang tungkulin na maaring magpabago, magpaganda, magpahirap ng ating buhay.   Ito ang Eleksyon o Halalan ng mga bagong opisyal ng ating gobyerno pang-nasyonal man o lokal. Sa eleksyon, ito lamang ang pagkakataon sa ating buhay kung saan ang bawat tao ay pantay-pantay lamang ano man ang estado ng kanyang buhay.   Ibig kong sabihin, pare-pareho lang tayong tig-iisang boto. Kaya naman sana, dalangin ko, na sana ay pagisipan nating mabuti ang ating pipiliin sa ating mga balota.   Dito nakasalalay ang hinaharap ng ating bansa.   Huwag sana tayong padala sa popularidad ng mga kandidato o sa tamis ng kanilang pananalita, kundi sa kakayanan nila na mag-silbi sa ating bayan.   Isipin natin, kung tayo ay magkakamali sa ating pipiliin, 3 taon muli ang ating hihintayin para sila mapalitan. Panghuli, ipagdasal natin na sana ay maging mapayapa at makatotohanan ang kakalabasan ng Halalan 2013 na ito. Amen.

SPAGHETTI PASTA with ROASTED BELL PEPPER, HAM & BACON

Image
Dun sa post ko about our department team building activity, isa sa mga food na kinain namin ay itong pasta dish na ito.   Spaghetti Pasta with Roasted Bell Pepper, Ham and Bacon. Ni-request nila na magluto ako para naman daw matikman nila ang mga pino-post ko dito sa blog.   Napaisip tuloy ako kung alin sa mga pasta recipes na nandito ang lulutuin ko.   Kung white, green o red sauce ba?   Syempre naman dapat magustuhan nila ito. Dito ko naisipan na gawan ng kakaibang luto ang pasta dish na ito.   Ang ginawa ko, inihaw ko muna yung red and green bell pepper at saka ko hinalo sa sauce ng pasta.   First time kong gumawa ng ganito at hindi naman ako nabigo.   Masarap at nagustuhan ng lahat ang niluto ko. SPAGHETTI PASTA with ROASTED BELL PEPPER, HAM & BACON Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti Pasta (cooked according to package directions) 1 tetra brick All Purpose Cream 1 tetra brick Alaska Evaporated milk (red label) 1 cup Cheese Wiz 1 cup grated Cheese 250 grams Bacon (c

PINAKBET na may GATAS

Image
Hindi ko alam kung may gumagawa sa inyo ng ganito.  Yung naglalagay ng gatas na evap sa pinakbet sa halip na gata ng niyog?   Yup, pwede naman na gatas na evap ang ilagay.   Nakakadagdag ito ng sarap at linamnam sa lutuin nating gulay.   Kahit nga sa chopsuey mas masarap kung nilalagyan nito. Wala naman talaga akong balak lagyan ang pinakbet na ito ng gatas, kaya lang nang makita ko yung natirang evap na ginamit namin sa champorado, naisipan kong ilagay ito para dagdag sarap nga sa gulay.   At tama nga, masarap ang gulay na naluto ko.   Subukan nyo din. PINAKBET na may GATAS Mga Sangkap: Kalabasa Sitaw Talong Okra Ampalaya Kangkong 1/2 cup Bagoong Alamang 1 cup Alaska Evap (original) 5 cloves minced Garlic 1 medium size Onion (sliced) Salt to taste 2 tbsp. Canola Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika. 2.   Ilagay na ang mga gulay at ang bagoong alamang.   Lagyan din ng mga 1/2 tasang tubig.   Takpan at

I.T. TEAM BUILDING DAY

Image
Last Saturday May 4, nagkaroon kami ng Team Building Day ang aming departamento sa Megaworld sa isang lugar sa Antipolo City.   Ang pangalan ng lugar ay Philip's Sanctuary. Isa itong lugar na tamang-tamang pagdausan ng team building seminar dahil kompleto ito sa pasilidad at talaga naman kaaya-aya ang paligid. Mga pasado 8:30am na kami nakadating sa lugar.   May mga nauna na nga na participants na mula naman sa ibang kumpanya.   Pagdating namin, sinalubong kami ng magiging facilitator namin at sandali lang naming inayos muna ang aming mga gamit at nagsimula na agad. Nagbigay muna ng mga instructions at rules ang facilitator.   Hinati din kami sa dalawang grupo dahil parang team challenges ang aming mga gagawin sa araw na yun. Nauna na ang group cheering.   Nag-practice kami sandali para makabuo ng isang maganda cheer. Sumunod naman ang picture me challenge.   Sa activity na ito, magsasabi lang ng isang tagpo ang facilitator ang iaarte naman naming lahat kung ano

POCHERONG PATA ng BABOY

Image
One of my favorite itong pochero.   Mapa baboy, baka man o manok at okay na okay sa akin.   Gustong-gusto ko kasi yung naghahalong alat, asim at tamis ng sauce at syempre yung kakaibang lasa na naibibigay ng chorizo na ginamit. This time pata ng baboy naman ang ginamit ko para sa pocherong ito.   Mainam kasi ito kasi magbibigay ng masarap na lasa ng sabaw o sauce ang butong part ng pata.   At nilahukan ko din pala ito ng kamote para magdagdag pa ng lasa at tamis sa sauce. Yummy!!! Hindi pa rin talaga ako binibigo ng paborito kong pochero.   Try nyo din po. POCHERONG PATA ng BABOY Mga Sangkap: 1 whole Pata ng Baboy (sliced) 1 tetra pack Tomato Sauce 2 pcs. Gourmet Sausages (sliced) Pechay Repolyo 2 pcs. Kamote (cut into cubes) 4 pcs. Saging na Saba (hiwain sa dalawa) 2 tbsp. Brown Sugar 1 large Onion (sliced) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.  Sa isang heavy bottom na kaserola, pakuluan ang pata sa tubig na may asin at paminta hanggang sa malapit