Posts

Showing posts from January, 2016

GINATAANG LANGKA na may TOSTADONG HIPON

Image
First time ko pa lang nakapagluto nitong ginataang langka at masarap pala.   May nakita kasi akong itinitindang nahiwa na  na langka at tamang-tama kako na gataan ito.   Tamang-tama din at may crispy shrimps o tostadong hipon na pasalubong ng asawa kong si Jolly nung nanggaling siya ng Boracay.  Ito kako ang isasahog ko sa ginataang langka.   At ayos naman ang kinalabasan, masarap at malinamnam ang ginataang langka.   Ayos na ayos sa ano mang piniritong isda.    Ubos na naman ang kanin.   Hehehehe GINATAANG LANGKA na may TOSTADONG HIPON Mga Sangkap: 1/2 kilo Hiniwang Murang Bunga ng Langka 2 cups Tostadong Hipon 1 thumb size Ginger (cut ito strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Onion (chopped) 4 pcs. Siling Pang-sigang 2 cups Coconut Milk - Unang piga 3 cups Coconut Milk - Pangalawang piga 3 tbsp. Cooking Oil 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Hugasang mabuti ang hiniwang langka. 2.   Sa isang heavy bottom na kaserola

CREAMY PORK BINAGOONGAN

Image
Nagluto ako ng Bagoong Alamang nitong isang araw.   At isa lang ang naisip kong dish na pwedeng paglahukan nito.   Ang Pork Binagoongan.   Favorite ko kasi ito. Pangkaraniwan nilalagyan din ng gata ng niyog itong binagoongan.   Mas napapatingkad kasi nito ang sarap at lasa ng kabuuan ng dish.   But this time all purpose cream naman ang aking ginamit.   May natanggap kasi akong gift pack from Alaska dahil sa pag-sali ko sa isa nilang pa-contest.  Kaya para mapakinabangan na ginamit ko na ito sa dish na ito. Masarap ang kinalabasan.   But still, nasa magandang quality ng bagoong alamang ang pinaka-key para mapasarap ang dish na ito.  Try nyo din po. CREAMY PORK BINAGOONGAN Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo (cut into cubes) 2 cups Bagoong Alamang 1 tetra brick Alaska Crema or All Purpose Cream 3 tbsp. Cane Vinegar 2 pcs. Tomatoes (slcied) 1 pc. Onion (sliced) 1 head Minced Garlic 1 tsp. Maggie  Magic Sarap (optional) 3 tbsp. Cooking Oil 5 pcs. Siling pang-sigang Salt

YELLOW FIN TUNA in SWEET & SOUR SAUCE

Image
Nitong nakaraan kong pamamalengke, naka-kita ako ng sariwang yellow fin tuna na medyo alanganin ang laki.   Sariwang-sariwa ito at binili ko agad.  Isa lang ang luto na nasa isip ko nung binili ko ang isda ito, ang gawan ito ng sweet and sour sauce.  Akala ng marami mahirap lutuin ang sweet and sour sauce.   But actually madali lang naman.   Ilan lamang ang mga sangkap at nasa sa inyo na kung gaano katamis, kaasim o kaalat ang gusto nyo sa sauce.   Kung mas madali naman na paraan pwedeng yung sweet chili sauce sa bote ang pwede nyong ilagay.  But ofcourse, iba yung from scratch mo ito gagawin.   Try nyo din po. YELLOW FIN TUNA in SWEET & SOUR SAUCE Mga Sangkap: 2 pcs. Medium size Yellow Fin Tuna 2 cups Tomato Catsup 1 thumb size Ginger (cut into strips) 1 pc. White Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic 1 medium size Carrot (cut into strips) 1 medium size Red Bell pepper (cut into strip) 3 tbsp. Melted Butter 2 tbsp. White Vinegar Sugar, Salt and pepper to

CHEESY TUNA SPRING ROLL

Image
Nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon for sure marami tayong natira o hindi naubos na mga pagkain.   Sayang naman kung mapapanis lang ito at matapon lang.   Kaya mainam na i-recycle ito para makagawa pa ng panibagong dish at mapakinabangan pa. Kagaya ng mga natira nyong roasted chicken or steamed fish o kahit lechon baboy, pwede nyo itong gawing palaman sa lumpiang prito.   Hiwain o himayin lang ito ng maliliit at saka haluan ng sibuyas, grated cheese at iba pang pampalasa.   Balutin ng lumpia wrapper at saka i-prito.   Viola!!!  May masarap na pang-ulam ka na. Sa recipe ko sa baba ay left-over canned tuna naman ang aking ginamit na palaman.   Masarap...malasa at tiyak kong magugustuhan ng nyong pamilya. CHEESY TUNA SPRING ROLL Mga Sangkap: 2 cups Left-over Ginisang Canned Tuna Lumpia Wrapper 1 pc. Fresh Egg 1 pc. White Onion (chopped) 1 cup Grated Cheese Salt and pepper to taste  Cooking Oil for Frying Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang paghaluin ang lahat na sang

CLASSIC LECHON KAWALI

Image
Paboritong kong luto sa baboy itong Lechon Kawali.   Masarap naman kasi ito talaga lalo na kung tama ang pagkaluto at malutong talaga ang balat.   Madali lang naman lutuin ito maliban lang sa medyo delikado kapag piniprito na.   Kapag hindi kasi tama ang pagluluto maaaring pumutok-putok ito at matilamsikan kayo ng kumukulong mantika. Matagal na din akong hindi nakakapagluto ng classic na lechon kawali na ito.  Madalas kasi niluluto ko lang ito sa turbo broiler para iwas sa pumuputok-putok na kumukulong mantika.   Pero komo nasira nga ang aming turbo broiler wala akong choice kundi bumalik sa mano-manong pagpi-prito.   No regrets dahil masarap naman talaga ang pork dish na ito. Please take note na gawin yung part 1 bago ang araw kung kailan ito kakainin o ise-serve. CLASSIC LECHON KAWALI Mga Sangkap: 1.5 kilos Pork Belly o Liempo (piliin yung hindi masyadong makapal ang taba) 2 pcs. Dried Laurel leaves 2 pcs. Onion (sliced) 1 head Garlic 1 tbsp. Whole Pepper Corn

SQUID in OYSTER SAUCE

Image
Pasensya na po kung hindi ako nakakapag-post ng recipe nitong mga nakaraang araw at linggo.  Medyo busy lang din po sa work at kung ano-ano pa.   Hehehehe Today, i-share ko po itong simpleng luto sa pusit.   Pangkaraniwan ay ina-adobo natin ito.   O kung medyo may kalakihan ang inyong pusit pwede din ito i-ihaw o i-calamares. Alam ko medyo naumay na tayo sa mga karne na ulam nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon.   At sa mga naghahanap ng seafood dish, tamang-tama ang isng ito.   Try nyo din po.   SQUID in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Medium size Squid o Pusit (linising mabuti) 1/2 cup Oyster Sauce 1 cup Chopped Celery 2 thumb size Ginger (cut itno strips) 1 pc. Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic 2 tbsp. Brown Sugar Salt and pepper to taste 3 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika. 2.  Isunod na agad ang pusit at oyster sauce. 3.  Timplahan na din agad ng asin, paminta at bro

MEDIA NOCHE 2016 @ CASA GLORIOSO

Image
I-share ko lang po sa inyo ang aming Media Nochepara sa Bagong Taong 2016. This year sa aming bagong bahay kami nag-diwang nito kaiba sa nakagawian naming sa amin sa Bulacan namin sinasalubong ang bagong taon. Maaga pa lang ng December 31 ay naging abala na ako sa preparasyon ng aming kakainin para sa Media Noche.    Maaga akong pumunta sa palengke para mamili ng mga kakailanganin ko pa sa pagluluto. Maaga pa lang ay naluto ko na ang aming handa at nag-ready naman kami para mag-simba sa kalapit naming simbahan.   9:30pm nag-start ang misa at natapos pasado 10:30pm.   Tamang-tama lang nagkaroon pa kami ng time sa pag-aayos ng aming mesa at mag-picturan na rin kasama ang aking mga anak.  Bago mag-palit anag taon at nagpalit din kami ng mga kulay pulang damit sa nais na din ng asawa kong si Jolly.  Pampa-swerte daw ito sa bagong taon.   Hehehehe  Masaya naming sinalubong ang bagon taon kahit kaming lima lamang sa bahay.   Hehehehe Narito ang mga pagkaing aking inihan