Posts

TORTANG ALAMANG

Image
Nitong huling pamamalengke ko sa Farmers Market sa Cubao, nakita ko itong sariwang alamang na itinitinda sa mura lang na halaga.   Isang maliit na tiklis ay P50 pesos lang.   So kumuha o bumili ako ng isang maliit na tiklis.   Siguro mga 1 kilo din ito. Ang alamang ay yung maliliit na hipon na kadalasang ginagawang bagoong.   Sa amin sa Bulacan niluluto din namin ito na ginigisa sa bawang, sibuyas at kamatis at saka nilalahukan ng dahon ng kinchay.   Inuulam namin ito kasama ang hinwang kamyas o manggang hilaw.   Yummy! Nung binili ko ang alamang na ito, dalawang luto ang nasa isip kong gawin.   I-torta nga ang isa at ang isan naman ay gawing bagoong. At eto na nga ang aking Tortang Alamang.   Masarap itong isawsaw sa suka na may bawang o kaya naman ay sa banana catsup.  Try nyo din po. TORTANG ALAMANG Mga Sangkap: 1/2 kilo Sariwang Alamang 2 pcs. Fresh Eggs 1-1/2 cups Harina 2 pcs...

PIRURUTONG NA BIKO

Image
First time kong maka-kita ng purple rice o yung tinatawagh sa tagalog na pirurutong.   Black o itim siya kung titingnan kung hilaw pero pag naluto na ay kulay violet o maitim na ube ito. Binigyan ako ng kapitbahay kong si Ate Joy nitong klase ng bigas na ito.   Galing daw ito sa Baguio at bigay ng kanyang kaibigan.   Nung unag kita ko pa lang dito, ay naisip ko agad na masarap itong gawing biko o yung kakain na niluto sa gata ng niyog at nilagyan ng asukal.  At eto na nga ang kinalabasan ng aking ginawa. PIRURUTONG NA BIKO Mga Sangkap: 2 cups Purple Rice o Pirurutong na Bigas 2 cups Ordinary Malagkit Rice 4 cups Kakang Gata Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Paghaluin ang purple rice at ordinary na malagkit rice.   Hugasan sa tubig. 2.   Ilagay sa kalderong saingan at lagyan ng tubig at 1 cup ng kakang gata.   Ang dami ng tubigat gata ay dapat pareho kung paano kayo nagsasaing. 3. ...

ROASTED CHICKEN in SINIGANG MIX

Image
Marami na din akong recipes ng Roasted Chicken sa archive.   Meron na din akong recipe na gumamit ako ng sinigang mix para pang-marinade sa chicken.   Pero ano naman ang bago sa post kong ito? Ang bago ay ang paglalagay ko ng katas ng calamansi sa marinade mix bukod pa sa sinigang mix.   Hindi ba masyado na itong aasim kung maluto?   Hindi naman.   Ang totoo may sumarap pa at nawala yung lansa factor ng manok.   At yung flavor ng sinigag mix, nanunuot talaga sa bawat himaymay ng laman ng manok.   Kaya nga kahit walang sauce ay panalo ang roasted chicken na ito. ROASTED CHICKEN in SINIGANG MIX Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into half) 1 big sachet Sinigang sa Sampalok Mix powder 5 pcs. Calamansi 2 tbsp. Rock Salt 1 tsp. Fresh ground Black Pepper Paraan ng pagluluto: 1.   Imasahe sa palibot ng manok ang asin.  2.  Sunod na imasahe naman ang katas ng calamansi. 3.  At panghuli ay...

CRISPY PORK STEAK in KARE-KARE SAUCE

Image
Ako ang isang cook na mahilig sumubok ng kakaiba sa aking mga niluluto.   Kaya nga minsan kapag nagluto ako ng kakaiba sasabihin ng anak kong si James, "Ano yan Daddy experiment na naman?".    hehehehehe.   Marami din ang succesful at meron din namang sablay.   Hehehehe. Katulad nitong recipe natin for today.   Crispy Pork Steak IN Kare-kare Sauce.   Yes.   Pork steak cut ang aking ginamit dito at saka ko ipinirito bago ko nilagyan ng kare-kare sauce.   Ang take note, hindi yung tradisyunal na gulay ang aking nilagay.   Okra at sigarilyas ang inilahok ko.   At hindi ako nagkamali...isang masarap na kare-kare sauce ang kinalabasan ng aking experimento.   Try nyo din po. CRISPY PORK STEAK in KARE-KARE SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Steak (ito yung hiwa ata a batok na parang marble ang itsura) 2 cups Cornstarch 5 pcs. Calamansi Salt and pepper to taste Cooking o...

CHICKEN and BABY POTATO SALAD

Image
Paborito ng aking asawang si Jolly at ng aming mga anak ang baby potato salad.   Kaya naman basta may pagkakataon ay gumagawa ako nito para sa kanila. Madali lang naman magluto o gumawa nitong enseladang ito.   Basta paghalu-haluin mo lang ang mga nasi mo na sangkap...lagyan ng dressings ay okay na. May ilang recipes na din ako nito sa archive.   Ang pagkakaiba lang nito ay ang mga sangkap na akin pang idinagdag sa kabuuab ng dish.   Sinamahan ko pa kasi ito ng celery at pineapple tidbits.   At okay naman ang kinalabasan, masarap at ubos agad ang aking ginawa.   hehehehe CHICKEN and BABY POTATO SALAD Mga Sangkap: 1 kilo Baby Potatoes (cut into half) 400 grams Chicken Breast Fillet (cut into cubes) 2 cups Lady's Choice Mayonaise 2 tangkay Celery (cut into small cubes) 1 large Carrot (cut into cubes) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.  Sa isang kaserola pakuluan ang baby potatoes, chicken ...

PANDESAL PIZZA

Image
Lagi kong sinasabi na ang pag-aaksaya ng pagkain sa aming bahay ay isang malaking NO.   Sa mahal ba naman ng mga bilihin ngayon dapat ang mga natitira nating pagkain ay magawan pa natin ng paraan para mapakinabangan. Kagaya nitong pandesal pizza na ito, nagawa ko ito dahil sa mga tira-tira.   May ilang piraso pang pandesal na 2 days old na at yung spaghetti sauce na natira naman sa birthday ng asawa kong si Jolly.   Nilagyan ko na lang ng grated cheese at presto isang masarap na pandesal pizza ang kinalabasan. PANDESAL PIZZA Mga Sangkap: 10 pcs. Pandesal (cut into half) Spaghetti Sauce Grated Cheese Dried Basil Freshly ground Black Pepper Paraan ng pagluluto: 1.   Hiwain sa dalawa ang bawat piraso ng pandesal. 2.   Lagyan ng nais na dami ng spaghetti sauce at saka lagyan ng grated cheese sa ibabaw. 3.   Budburan ng kaunting dried basil at pamintang durog ang bawat piraso ng pandesal pizza. 4.   L...

GINATAANG ALIMANGO, SITAW AT KALABASA

Image
Last Sunday, nag-uwi ng buhay na alimango ang asawa kong si Jolly.   Bigay daw ito ng isa niyang kaibigang pasyente.   Tiyak kong matataba ang mga alimango dahil mga babae ito at mabibigat.   At nang hiwain ko nga ito after kong i-steam, hitik sa taba ang bawat piraso ng alimango. Isang luto lang ang naiisip ko kapag ganito kataba ang alimango.   Lutuin sa gata na may kasamang kalabasa at sitaw.   Yun din anggustong luto ng aking asawa.   Yun daw lamog na lamog ang kalabasa na parang sauce na.   Tama naman.   Masarap talaga ang lasa ng gata at yung natural sweetness ng kalabasa.   At eto na nga, ubos ang kanin namin ng iniulam namin ito.   hehehehehe GINATAANG ALIMANGO, SITAW AT KALABASA Mga Sangkap: 1.5 kilos Alimango (mainam yung babae) 300 grams Kalabasa (cut into cubes) 1 tali Sitaw (cut into 1 inch long) 2 cup Kakang Gata 2 thumb size Ginger (sliced) 5 cloves Minced G...