Posts

Showing posts from October, 2009

Out for a while.......

Sa aking mga taga subaybay: Pansamantalang mawawala akong muli sa munting food blog kong ito. Kung mapapansain nyo siguro nahinto na naman nitong mga nakaraang mga araw ang aking pag-po-post. Nagkaroon kasi ng kaunting problema sa aking kalusugan. Today, i-che-checkin na ako sa hospital for an operation. May nakita kasing bato sa aking apdo at kailangan na itong alisin. Otherwise, baka mas malaki pang problema ang kaharapin ko. Bukas October 27 ang schedule ng operation. Sana tulungan nyo ako sa pagdarasal na malampasan ko ang operasyong ito. I hope after a couple of weeks ay makabalik na ako sa munting tambayan nating ito at sa aking gustong-gustong gawin ang pagluluto. I also hope na patuloy pa rin kayong bumisita dito para sa mga update. Thank you and may God Bless Us All....... Dennis

CRISPY TAWILIS

Image
Ang tawilis ay isang uri ng isda na matatagpuan lamang dito sa atin sa Pilipinas. Ito ay isang maliit na isda na nasa pamilya ng sardinella. Mas lalo akong naniwala sa kasabihang small but terrible. Kahit kasi maliit lang ang isdang ito, malasa at malinamsam ang laman nito. Yun nga lang, talagang pagtyatyagaan mong kainin ito. Masarap itong i-pangat na nakabalot sa dahon ng saging o kaya naman ay i-prito nga. Mura lang itong mabibili sa mga palengke o supermarket. Ito ngang nabili ko 1/2 kilo lang at P55. Ang ginawa ko nga dito ay i-prito to the point ma malutong na malutong siya na kahit ulo attinik nito ay makakain mo. CRISPY TAWILIS Mga Sangkap: 1/2 kilo Tawilis 1/2 cup Harina 1/2 cup Cornstarch 1 tbsp. Rice Flour 1 tsp. Salt 1 tsp. ground pepper 1 tsp. Maggie Magic SArap 2 cups Cooking Oil Paraan ng Pagluluto: 1. Hugasang mabuti ang tawilis at tuyuin sa pamamagitan ng paper towel. 2. Sa isang plastic bag, paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa cooking oil. 3. Ilagay ang isda sa

TORTANG LUNCHEON MEAT

Image
Ang salitang 'torta' ay may ibat-ibang kahulugan sa iba't-ibang bansa sa buong mundo. Sa Mexico, ito ay isang uri ng tinapay na pinalamanan ng kung ano-anong karne at gulay. Sa parteng South America, ito ay isang uri ng cake na inihahanda sa mga kasal o birthday. Dito sa atin sa Pilipinas, ito ay isang pagkain na hinaluan ng binating itog at kung ano-anong sangkap katulad ng isda, giniling na karne o kaya naman ay gulay. Para din itong omelet or frittata na nagkakaiba na lang sa paraan ng pagluluto. Sa halip na i-prito ko itong torta na ito sa kawali ay sa baking pan ko ito inilagay at niluto ko sa turbo broiler. Look at the picture..parang pizza ang kinalabasan...hehehehe. TORTANG LUNCHEON MEAT Mga Sangkap: 1 can Purefoods Luncheon meat (diced) 3 eggs beaten 1/2 cup grated cheese 1 large tomato chopped 1 large onion chopped 3 cloves minced garlic 2 tbsp. butter 2 tbsp. cooking oil 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kawali

PORK TAPA

Image
Ayon sa Wikipedia , ang tapa o pindang ay isang popular na ulam sa Pilipinas. Kadalasaang itong mga maninipis na hiwa ng tinuyong laman ng baka ngunit maari ding itapa ang ibang karne o isda. Hinango ang salitang "tapa" mula sa salitang Kastila na tapas , mga pagkaing merienda na nagmula bilang panakip (tapa) ng mga inumin upang hindi langawin. Ginagawang tapa rin ang karne ng usa. Karaniwang panimpla sa paghahanda ng mga tinatapa o tinutuyong (isang proseso tinatawag ding "paggamot" sa) karne ang asin at suka. Naging popular sa ating mga ninuno ang pag-gawa nito o ang pagtatapa sa ating mga ulam na karne o isda. Komo nga hindi pa naman uso noon ang fridge, ganito ang ginagawa nila para mapatagal ang buhay ng karne o isda at ng hindi mabulok. Sa entry natin for today, itong paraang ito ang ginawa ko sa nabili kong 1 kilo na pork steak. Actually bigla na lang pumasok sa isip ko na gawin ito, komo nga walang babaunin na pang-ulam ang mga anak ko na papasok sa school.

BISTEK na MANOK

Image
Correct ka dyan! Hindi mali ang nabasa mong title ng recipe natin for today. akala nyo siguro tipo error ano? hehehehe . . . Bistek na manok? Yes. Why not? Kung ang bangus o alin mang isda pwedeng i-bistek, bakit naman hindi ang manok? Hehehehe. Bistek ay ang ating local version ng Beef Steak. Kaya nga ang iba ang tawag pa dito ay Bistek ala Pobre..kung baga Poor man's beef steak. Ang bistek ay isang lutuin na may sangkap na toyo at katas ng calamansi. Simple dish pero punong-puno ng linamnam. Kaya naman siguro kahit ang mga foreigner na nakakatikim nitong bistek natin ay nasisiyahan din. BISTEK na MANOK Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh Fillet (Hiwain sa nais na laki) 1 cup Soy sauce 8 pcs. Calamansi (juice) 1 head minced garlic 2 pcs. Red Onion cut into rings 1 tsp. ground pepper 1 tbsp. toasted garlic 1 tsp. maggie magic sarap 1/2 tsp. cornstarch 2 tbsp. cooking oil Paraan ng Pagluluto: 1. I-marinade ang chicken fillet sa katas ng calamansi, toyo at paminta. Overnight

3 GARLIC PORK ADOBO

Image
Katulad ng entry ko kahapon, it's a challenge kung papaano pasarapin o gumawa ng isang lutuin na walang kasamang gulay katulad ng patatas, carrots, bell peppers at iba pa. May 1 kilo akong pork liempo sa fridge at hindi ko alam kung anong luto ang gagawin ko dito. Ang hirap talagang mag-isip pag wala kang mailahok na gulay o ano pa man sa iyong lulutuin. Siguro nagtataka kayo sa pangalan ng recipe natin for today. 3 garlic? Yes, tatlong bawang in different form...hehehehe. Yung isa freshly minced, yung isa naman powder at yung isa pa ay toasted. Ang mga ito ang ginamit ko sa ordinary but so special na pork adobong ito. Nabago ang pagkakilala ko sa adobo after this. At masarap talaga. Iba talaga ang nagagawa ng bawang. Try nyo ito. 3 GARLIC PORK ADOBO Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo or Kasim cut into serving pieces 1 head minced garlic 1 tbsp. Garlic Powder 2 tbsp. Toasted Garlic (May nabibili nito na nasa bottle sa supermarket0 1 cup vinegar 1 cup soy sauce 1 tsp. ground pepper 1 t

BEEF with CREAMY LIVER SAUCE

Image
Dahil sa bagyong naranasan ng mga kababayan natin sa Norte particular ang Benguet at Baguio City, naging problema natin ang napakataas ng presyo ng gulay sa pamilihan. Kaya naman kung magluluto tayo ngayon, kung maari lang ay magbawas tayo ng mga sangkap na gulay o kaya naman ay totally wala na munang gulay. But ofcourse di naman dapat masakripisyo ang lasa ng ating niluluto. Katulad nitong beef na niluto ko. I consider this as my original recipe. I hope tama ako...hehehehe. Wala pa kasi akong nababasa na ganitong recipe. Sa lutuin ko ngang ito, wala akong inilagay na gulay bukod ofcourse sa bawang at sibuyas. Ang original plan ay lutuin ko ito na may kasamang tofu o tokwa. Ang problema nakalimutan kong bumili ng tokwa at isa pa wala naman akong gulay sa fridge. Nang makita ko yung 1 lata ng Reno Liver Spread nabuo agad ang recipe kong ito. And it was a success. Malinamnam at malasa ang luto kong ito. Try it! BEEF with CREAMY LIVER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Baka (Yung malaman na part)

LECHONG MANOK with HOISIN SAUCE

Image
Sino ba naman ang may ayaw sa lechong manok? Kahit siguro saang mesa ay siguradong ubos ito pag ito ang ulam na nakahain. Sa amin, okay na sa amin ang kalhati ng isang buong manok. Kung baga ginagawa naming dalawang kain ang isang buo. Halimbawa, yung half kainin namin ng hapunan, yung other half naman sa tanghalian kinabukasan. Pero nitong nakaraang Linggo, after namin mag-groceries, naisipan naming dun na lang sa mall mag-tanghalian. At yun nga, naging baon na lang ng mga bata ang natirang lechong manok. Ang ginawa ko, nilagyan ko ng hoisin sauce para naman hindi maging dry ang left-over na lechong manok na ito. Eto ang aking ginawa: LECHONG MANOK with HOISIN SAUCE Mga Sangkap: 1/2 Lechong Manok cut into 5 pcs. 3 tbsp. Hoisin sauce 2 tbsp. Soy sauce 4 cloves minces garlic 1 tsp. toasted sesame seeds 1 tsp. Sesame oil Paraan ng Pagluluto: 1. Igisa ang bawang sa kaunting mantika 2. Ilagay ang lechong manok. Halu-haluin 3. Lagyan ng 1/2 cup na tubig at ilagay na din ang toyo. Hayaang ku

FRIED TILAPIA with HERBS

Image
St. Peter's fish ang tawag ng iba sa tilapia. Nung una kong madinig o mabasa ito, isang malaking bakit ang naitanong ko sa sarili ko. Until mapanood ko sa isang CD yung movie na Jesus of Nazareth. Doon sa movie kung saan inutusan ni Jesus na ihulog ni Peter yung lambat niya sa dagat kahit na magdamag silang walang mahuli. Nang hanguin ni Peter ang lambat, napakaraming isda ang kanilang nahuli. At tilapia nga ang mga nahuli nila. Sa panahon ngayon, ang tilapia marahil ang masasabi nating isda ng mahihirap. Mura lang kasi itong mabibili. Itong nabili ko, P95 per kilo ang halaga. 4 na piraso o 1.6 kilos. Tatlong klaseng luto ang pangkaraniwang pwedeng gawin dito. Inihaw, pesa at prito. Sa prito ako nauwi. So para hindi naman maging boring ang ordinaryong pritong tilapia, ginamitan ko ng mga available na herbs and spices. Also, may bisita pala ako nung time na yun. Binisita ako ng kapatid kong si Shirley, ang aking Tita Melda, pamangkin kong si Lea at Tita Salve. Ito nga ang pinakain k

CREAMY CORNED TUNA PASTA

Image
Nasubukan nyo na ba yung bagong labas na corned tuna? Dalawang brand ang meron nito ngayon sa market. Yung San Marino at Century Corned Tuna. Sa dalawang ito mas nagustuhan ko yung sa Century. Mas malinamnam at parang corned beef nga ang lasa. At ang maganda pa dito, marami siyang laman. Konti lang yung oil na kasama. Dito nabuo ang recipe natin for today. Para maiba naman ang breakfast namin, naisipan kong gumawa ng pasta dish na ito na ang sangkap ay corned tuna. Hindi naman ako nagkamali, masarap ang kinalabasan ng dish na ito. Okay na okay ito sa mga nagbabawas na sa pagkain ng karne. Try it! Madali lang itong lutuin. CREAMY CORNED TUNA PASTA Mga Sangkap: 400 grams. Spaghetti Pasta 1 can Century Corned Tuna 1 brick pack Alaska All Purpose Cream 1/2 cup butter 5 cloves minced garlic 1 large onion chopped 1/2 cup grated cheese 1 tsp. Dried Basil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Lutuin ang pasta ayon sa tamang paraan. Huwag i-overcooked. 2. Sa isang kawali, igisa ang b

JAPANESE CHEESE CAKE - In a Turbo Broiler?

Image
Sa aking pagbabalik sa munti kong food blog na ito, isang espesyal na dessert ang aking inihanda. Sa totoo lang, first time ko lang gumawa nito at sa turbo broiler pa ha. Hehehehe. Hindi man kasing perfect ng luto sa oven, masasabi kong tagumpay din ako sa luto kong ito. Medyo natatakot nga ako subukan ito kasi nga masyadong mahal ang mga sangkap, bukod pa sa experimental talaga ang ginawa ko. Ang pinagbasihan ko pala sa recipe na ito ay ang recipe ni Ms. Connie Veneracion ng www. pinoycook.net. May mga ilang parte lang na in-omit ko dahil wala ako ng sangkap na yun....hehehehe. But in general, masarap naman ang kinalabasan niya. JAPANESE CHEESE CAKE Mga Sangkap: 1 250 g. block of cream cheese 1/4 cup butter 1/3 cup Alaska Sweetened Evap 1/4 cup harina 1/2 tbsp. of lemon juice or calamansi 1 tsp. of vanilla 6 eggs paghiwalayin ang pula sa puti 3/4 cup of white sugar Paraan ng pagluluto: 1. In a double boiler, tunawin ang cream cheese, butter at gatas hanggang sa smooth na ito. Pala

ABANGAN ANG AKING PAGBABALIK....

Pasensiya na kung hindi ako nakakapag-post ngayon at nitong mga nakaraang araw. Nasira kasi nga ang aking digicam at wala akong magamit sa pag-po-post. Ayoko naman na mag-post ng recipe lang. Syempre mas ginaganahan ako kung nakikita ko o may picture ang aking pinaghirapan. Sana patuloy pa din kayong gumawi paminsan-minsan sa food blog kong ito para malaman nyo kung may bago ng update. Kung may tanong naman kayo, just email me at denniscglorioso@yahoo.com . Salamat ng marami......asahan ko kayo sa aking pagbabalik. Dennis