Posts

Showing posts from November, 2011

FRIED CHICKEN BREAST FILLETala CHOWKING

Image
Na-try nyo na ba yung Chinese Style Fried Chicken ng Chowking? Ako mga ilang beses na din at nagustuhan ko naman talaga siya. May kakaiba kasi siyang lasa as compare sa mga fried chicken ng ibang fast food store. Tuwing kumakain ako nito sa Chowking, pinipilit kong lasahin kung anong flavor ba talaga ang inilagay nila dito. Gusto ko kasi itong gayahin sa haus. Hehehehe. At nitong nakaraang araw nga ay sinubukan kong lutuin ito pero gamit ang chicken breast fillet na hindi ko alam nung una kung anong luto ang gagawin ko. Hehehe Okay ang kinalabasan. Halos magkasing lasa ito sa Chowking. FRIED CHICKEN BREAST FILLET ala CHOWKING Mga Sangkap: 4 pcs. whole Chicken Breast Fillet (hiwain sa gitna) 1/2 cup Oyster Sauce 3 tbsp. Soy Sauce 4 tbsp. Sesame Oil 1 tbsp. Garlic Powder Salt and pepper to taste 1 cup Flour 1 cup Cornstarch 1 cup Rice flour Cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang bowl, i-marinade ang manok sa oyster sauce, sesame oil, garlic powder, asin a...

SCRAMBLED ASSORTED GOURMET SAUSAGES

Image
Mahilig ba kayo sa mga gourmet sausages na available sa mga specialty store kagaya ng schublig, bratwurst, hungarian at iba pa? Sa Rustans at SM Supermatket ay mayroon na ding nabibili na ganito sa may specialty section. Yun lang medyo may kamahalan ito. Per grams nga nila ito binebenta. Sa SM supermarket may nakita akong naka-vacuum packed na ganitong gourmet sausages. Tig-iisang piraso ng schublig, bratwurst, hungarian, kielbasa at cheesey franks. Ang naka-lagay sa label ay barbeque party mix. Simpleng luto lang ang ginawa ko dito para malasan ko ang ibat-ibang flavor ng sausages. At nagustuhan ko talaga ito. Hindi kasi nakakaumay komo iba-iba nga na flavor. TRy nyo din at tiyak kong magugustuhan ninyo. SCRAMBLED ASSORTED GOURMET SAUSAGES Mga Sangkap: 1 pc. Hungarian Sausage 1 pc. Bratwursts Sausage 1 pc. Hungarian Sausage 1 pc. Kielbasa Sausage 1 pc. Cheesy Frank 3 pcs. Eggs beaten 1 medium size White Onion sliced 3 cloves minced Garlic 2 pcs. ripe Tomatoes sliced 2 ...

ROASTED LIEMPO with CREAMY BAGOONG SAUCE

Image
Ang dapat sanang luto na gagawin ko sa liempong ito ay parang lechon kawali. Kaya lang, natakot ako sa disgrasya habang pinipirito ito. Di ba naman? magtitilansikan at magpuputukan ito habang pini-prito. Bukod pa sa maraming mantika ang gagamitin mo, malaking linisan din ang gagawin mo sa iyong kusina. Hehehe Kaya minabuting i-roast ko na lang ito sa turbo broiler sa pinaka-mataas na init para mapalutong ko din ang balat. Success!!! Masarap ang kinalabasan ng aking luto. Also, sa halip pala na lechon sauce o suka na may toyo at sili ang sawsawan nito, minabuti kong ibahin at bagoong na may mayonaise at pickle relish ang ginawa ko. Yummy! kanin pa nga....hehehe. ROASTED LIEMPO with CREAMY BAGOONG SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo (piliin yung hindi masyadong makapal ang taba) 2 pcs. Dried laurel leaves 1 tbsp. 5 Spice Powder 1 cup Lady's Choice Mayonaise 1 tbsp. Sweet Pickle Relish 1 tbsp. Shrimp Bagoong 1 pc. Onion quartered 5 cloves Garlic 1 tsp. Whole Pepper...

CHEESY CHICKEN & TOGE SPRING ROLL

Image
Ang lumpiang prito o lumpiang shanghai sa marami ang masasabi kong isa sa napaka-versatile na dish na naluto ko bukod pa syempre sa ating paboritong adobo. Versatile kasi ang daming pwedeng gawin dito na palaman at talaga namang masarap lalo na kung bagong luto. Sa palaman pwede tayong gumamit ng giniling na baboy na pangkaraniwan nating ginagawa, manok, isda, gulay at kahit tuna na de lata ay pwede din. Kung baga, nasa sa atin na yun kung ano ang gusto nating ilaman sa ating lumpia. Itong lumpia dish na ito ang isa pa sa niluto ko sa dinner na inihanda ko para sa aking kaibigang si Pareng Darwin. Actually, hindi talaga siya part ng menu na inihanda ko. Kaya lang, parang nakokontian ako kung 3 dish lang ang ihahain ko. Kaya last minute ipinirito ko ang naka-prepare nang lumpia dish na ito para pang-dagdag. Okay naman. Masarap at nagustuhan naman din ang aking mga bisita ang dish na ito. CHEESY CHICKEN & TOGE SPRING ROLL Mga Sangkap: 500 grams Ground Chicken 100 grams M...

SHRIMP CURRY with COCONUT MILK

Image
Kagaya nung nasabi ko sa aking posting yesterday, itong entry ko na ito for today ang isa pa sa mga dish na inihanda ko sa aking kaibigang si Darwin at kanyang asawang si Rose. Shrimp Curry with Coconut milk. Natutuwa naman ako ang nagustuhan nila ito. Ito ang una nilang napuri habang kumakain sila. Tamang-tama lang ang anghang ng sauce at talaga namang sauce pa lang ay ulam na. Malasa kasi ito lalo pat nilagyan ito ng gata ng niyog. Napakadali lang nitong lutuin. Siguro in 15 minutes ay luto na ang dish na ito. Hindi naman kasi kailangan na matagal itong lutuin dahil titigas ang laman ng hipon. Try nyo din ito. Masarap talaga. SHRIMP CURRY with COCONUT MILK Mga Sangkap: 1 kilo medium to large size Shrimp or Prawn (cut the tip part of the head) 1 tbsp. Yellow Curry Powder 2 cups Coconut milk 4 pcs. Silng pang-sigang 1 large Onion chopped 5 cloves minced Garlic 1 thumb size Ginger sliced 1 tsp. Maggie magic Sarap (optional) Salt and pepper to taste 2 tbsp. Canola oil Paraan ...

LINGUINE PASTA with CRAB FAT SAUCE

Image
Last Saturday November 19, inimbitahan ko ang aking ka-officemate, kaibigan at kumpareng si Darwin at ang kanyang pamilya para mag-dinner sa bahay. Matagal-tagal na din kasi na hindi kami nagkaka-chikahan ng mga kaibigan kong ito kaya minabuti kong i-invite sila sa house. Si Darwin pala ay dati kong assistant manager at after nga na malipat siya mg grupo 4 or 5 years ago, bihira na kami magkita at magkabalitaan. Simpleng dinner lang ang inihanda ko para sa kanila. Una ay ito ngang pasta dish na entry ko for today ang Lingione pasta with crab fat sauce. Nagluto din ako ng roasted chicken, shrimp curry with coconut milk, creamy chicken & mung beans spring roll. Abangan nyo na lang yung mga separate posting ko para sa mga ito. Nakakatuwa naman dahil bukod sa masarap na kwentuhan na nangyari nung gabing yun ay nagustuhan naman nila ang inihanda ko para sa kanila. LINGUINE PASTA with CRAB FAT SAUCE Mga Sangkap: 400 grams Linguine Pasta (cook according to package direction) 2 cups...

BEEF POCHERO with PENNE PASTA

Image
Natatandaan nyo ba yung beef dish na calandracas na nai-post ko din dito sa food blog kong ito? Ito yung beef dish na parang nilagang baka lang na nilagyan ng macaroni pasta at chorizo. Mas naging rich yung flavor ng sabaw nito dahil sa chorizo na nakasama. Yun ang naisip ko nung magluto ako nitong Beef Pochero. Yup, may beef pochero na ako sa archive. But this time naisipan kong gayahin yung nasa calandracas at nilahukan ko din ito ng chorizo at macaroni pasta. Okay naman ang kinalabasan. Naging extender yung macaroni at naging mas malasa yung sauce dahil sa chorizo. Try nyo din. Masarap talaga. BEEF POCHERO with PENNE PASTA Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket cut into cubes 2 sticks Chorizo de Bilbao or Longanisang Macau 2 cups Penne Pasta or any kind of Macaroni pasta 2 cups Tomato Sauce Pechay Repolyo Baguio beans cut into 1 inch long 5 pcs. Saba cut into 2 2 pcs. Sweet Potato o Kamote cut into cubes 5 cloves minced Garlic 1 medium size Onion sliced Brown Sugar as needed...

GUYABANO MARINATED ROASTED CHICKEN

Image
Kagaya ng naipangako ko narito ang na-udlot kong Guyabano marinated roasted chicken. Dumating kasi sa bahay ang hipag kong si Lita na galing ng Batangas at may dala siyang Guyabano. Ayos na ayos dahil gusto ko talagang masubukan ang lasa nitong dish na ito. Sa bahay, ang asawa kong si Jolly at mga kids ang number 1 kong critic pagdating sa lasa ng mga niluluto. At pag simabi nila na masarap, masarap talaga. Nalalaman ko naman kung hindi masarap ang niluto ko. May mga natitira sa plato nila at yung iba naman ay tumatagal sa fridge. In this roasted chicken, thumbs up ang hatol ng aking mga anak. hehehehe. GUYABANO MARINATED ROASTED CHICKEN Mga Sangkap: 10 pcs. Chicken Legs 1/2 of medium size Guyabano (alisin yung buto at kunin lang yung laman) 5 cloves Garlic 1 medium size Red Onion 1 tsp. ground Black pepper 1 tbsp. Rock Salt 3 tbsp. Canola oil 2 tbsp. Soy Sauce Paraan ng pagluluto: 1. Gamit ang kutsilyo, tusuk-tusukin ang palibot ng laman ng manok. 2. Timplahan ito ng a...

NOCHE BUENA MENU: Part 1 - PASTA DISHES

Image
Papalapit na talaga ang kapaskuhan. Ang pinakamasayang araw na hinihintay ng lahat nating mga Filipino. Di ba naman. Basta tumuntong na ang ber months ay talaga namang parang hinihila na ang kapaskuhan. Kahit ang mga malls maagang naglalagay ng mga palamuti at sa radyo naman ay nagpapatugtog na ng mga awiting pamasko. Isa sa ating pinaghahandaan tuwing pasko ay ang pagkaing ating ihahain sa ating noche buena. At kagaya ng aking nakagawian sa food blog kong ito, nagpi-feature ako ng noche buena menu suggestion para sa aking mga taga-subaybay. This time, minarapat ko na gawing series ito para mas marami tayong mapagpilian. At ang part 1 nga nito ay itong mga pasta dishes. Para naman maiba sa ordinaryong spaghetti na inihahanda natin narito ang ilan sa mga pasta dishes na isa-suggest ko: 1. SHRIMP and ALIGUE PASTA (http://mgalutonidennis.blogspot.com/2010/07/shrimp-and-aligue-pasta.html) 2. PENNE PASTA with PUMPKIN SAUCE (http://mgalutonidennis.blogspot.com/2011/10/pen...

THAI BASIL CHICKEN version 2

Image
This is the second time na niluto ko itong Thai dishes na ito. Yung una ay nung 2009 pa at chicken drumstick ang ginamit ko. In the original recipe kasi ng dish na ito, ground chicken ang ginagamit. Also, dun sa unang version hindi ko nilagyan ng pampa-anghang komo nga baka hindi makain ng mga anak ko. In this new version nilagyan ko na but using spicy soy sauce na tamang-tama lang ang anghang at kaya ng mga batang kainin. Masarap ang dish na ito. Asyanong-asyano ang dating. Sa mga makakatikim tiyak kong magugustuhan nila ito dahil kakaiba ang dating ng lasa. THAI BASIL CHICKEN version 2 Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Breast Fillet cut into strips 100 grams Fresh Basil Leaves (alisin yung mga tangkay ng dahon) 3 tbsp. Patis or more 3 tbsp. Oyster Sauce 3 tbsp. Spicy Soy Sauce (or ordinary soy sauce) 1 tbsp. Brown Sugar 1 tsp. Chili Powder (kung spicy na yung toyo nyo huwag nang lagyan nito) 1 tsp. Cornstarch 3 tbsp. Canola oil 5 cloves minced Garlic 1 medium size Red Onion slic...

SPICY PORK SPARERIBS ADOBO

Image
Wala sigurong Pilipino na hindi kumakain ng adobo. Kung mayroon sigurong pambansang ulam, ito marahil adobo ang panalo. Bakit ba naman? Kahit sa ibang bansa ay kilalang-kilala ito. Maraming klase ng adobo. Nagkakaiba-iba din ang mga sangkap nito depende sa lugar. Kahit ang pamamaraan ng pagluluto ay nagkakaiba-iba din. Kagaya nung napanood ko na cooking show last Sunday, I think sa may Dagupan yung pinag-shooting-an. Yung adobo nila ginigisa sa bawang, sibuyas at kamatis. Ako kasi ang naka-gisnan ko ay bawang, suka, toyo at paminta lang ang mga sangkap. But anyway, in-adobo ko ang nabili kong pork spareribs last Sunday. At para maiba naman, nilagyan ko ng twist ang ang ordinaryong adobo at iniba ko din ng konti ang paraan ng pagluluto. Ang resulta? Kayo na ang humusga base sa picture na nakikita nyo sa itaas. Hehehehe. Rice pa nga..... hehehehe SPICY PORK SPARERIBS ADOBO Mga Sangkap: 1.5 kilo Pork Spareribs (cut into 1 inch cube in-between bones) 1 cup Cane Vin...

PAN-GRILLED PORK TENDERS

Image
Every Sunday pagkatapos naming mag-simba, kumakain kami ng aking pamilya kung saan mang fastfood or restaurant na mapili namin that time. Ginagawa namin ito komo nga minsan lang kami nagkakasabay-sabay kumain dahil sa work. Nitong nakaraang Sunday, ginusto ng aking mga anak na dito sa pinaka-sikat na fastfood kami mag-lunch. Burgers ang in-order ng tatlo kong anak samantalang kami naman ng aking asawa ay yung bago nilang product na grilled pork tenders. Hehehehe...alam nyo na siguro kung alin ang fastfood store na ito...hehehe. Ito ang napili namin komo katakam-takam naman talaga ang picture nito sa mga billboards na nagkalat sa EDSA. Pero sa totoo lang, hindi namin nagustuhan ang dish na ito. Hindi ko alam kung over-marinated or kung ano ang kulang o sobra. Kahit ang asawa kong si Jolly ay ganun din ang comment. Kung baga, malayong-malayo yung nai-imagine mong lasa nung nasa billboard kumpara sa actual na dish na. Kaya ang nasabi ko na lang, "Hayaan mo mommy ipaglul...

PINEAPPLE MARINATED ROAST CHICKEN

Image
The last time na umuwi kami sa bayan ng aking asawa sa SanJose, Batangas para sa undas, pinauwian kami ng aking biyenan ng prutas na Guyabano. Bihira lang kami makakain nito at talaga namang nagustuhan ng aking mga anak. May natira pa kalhati nito sa fridge at naisipan kong gamitin ito para gumawa ng guyabano marinated roast chicken. Nabasa ko ito sa Yummy.ph na website. Kaso, nung gagawin ko na ito, nawawala na ang natirang guyabano. Yun pala kinain na ng aking mga anak. Hehehe. So papaano na? Doon ko nakita ang natirang pineapple chunk na ginamit ko sa aking pork burger. Using the same procedure kung guyabano ang gagamitin, naging masarap din ang pineapple marinated roast chicken ko na ito. Promise, itutuloy ko pa din yung guyabano version one of this day. hehehe PINEAPPLE MARINATED ROAST CHICKEN Mga Sangkap: 8 pcs. Chicken Legs 2 cups Pineapple chunk 5 cloves minced Garlic 1 medium size Onion sliced Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ng asin...

PORK BURGER for BREAKFAST

Image
Sa ating mga Pilipino, pangkaraniwang pagkain natin sa umagahan, tanghalian at hapunan ay kanin at ulam. Parang hindi kumpleto ang ating kain kung hindi tayo kakain ng kanin. Pero sa pag-usad ng ating panahon at sa pag-usbong ng maraming mga fastfood sa ating mga paligid, nasanay na din tayo sa pagkain ng mga sandwiches o burgers sa ating mga pagkain. Kaya naman para maiba ang tradisyunal na almusal namin katulad ng sinangag, itlog at tocino halimbawa, naisipan kong magluto ng pork burger. Yun lang kung tutuusin may mahal ito kumpara sa kanin at ulam na almusal. Pero okay lang. Basta para sa aking pamilya at kung paminsan-minsan lang naman. Also, sa burger, hindi limited ang mga toppings na pwede nyong ilagay. Nasa sa inyo yun kung ano ang gusto ninyo. Dito sa version ko, nilagyan ko ito ng caramelized onion at canned pineapple. The result? Isang masarap na almusal... :) PORK BURGER for BREAKFAST Mga Sangkap: 1/2 kilo ground Pork 1/2 tsp. 5 Spice powder 2 tbsp. Worcesters...

OLD FASHIONED PORK BARBEQUE

Image
Masarap pa rin talaga ang mga luto na simple lang at walang masyadong mga rekado. Kung baga hindi naghahalo-halo yung mga pampalasa at mga flavors at lutang pa rin yung lasa ng pangunahing sangkap. Kagaya nitong entry ko for today. Ito yung recipe ng pork barbeque na nakagisnan ko nung bata pa ako. Napaka-simple ng mga sangkap at madali lang lutuin. OLD FASHIONED PORK BARBEQU E Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (sliced and cut into bite size pieces) Barbeque sticks (ibabad sa tubig bago gamitin) Juice from 10 pcs. Calamansi 12 oz. 7up or Sprite 2 heads Minced Garlic 1 cup Soy Sauce 1 tsp. ground Black Pepper 1 tbsp. Brown Sugar 1 cup Banana Catsup Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang karne ng baboy sa 7Up o Sprite, katas ng calamansi, toyo, bawang, paminta, brown sugar at konting asin. I-marinade ito ng overnight o higit pa. 2. Tuhugin ang minarinade na karne. Unang tuhugin yung taba at saka isunod ang mga laman. Kayo na ang bahala kung gaano kara...

HERBED ROASTED PORK BELLY

Image
Walang pasok o non-wotking holiday yesterday November 7, 2011. Sa bahay lang kami ng aking asawa at mga anak. At komo kumpleto kami lahat sa bahay, naisipan kong magluto ng isang espesyal na tanghalian. Actually simpleng tanghalian lang pero punong-pino ng flavor. Roasted pork belly ang niluto ko. Para mapasarap ito, nilagyan ko ito ng herbs at spices. At isa pa, hindi ko na pinakuluan ang pork belly. Diretsong niluto ko na ito sa turbo broiler after kong ma-marinade sa mga herbs at spices. Komo nga hindi na ito pinakuluan, juicy ang laman nito at crunchy talaga ang balat. Para mayroon namang sabaw, nagluto na langang ng instant laksa noodles soup. Itong yung noodle soup na kilalang-kilala sa Singapore. Kahit instant noodle soup lang ito hindi naman kulang sa lasa. Masarap talaga at tamang-tama lang ang pagka-anghang nito. HERBED ROASTED PORK BELLY Mga Sangkap: 1.5 kilo Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba) 1 tbsp. Rock salt 1/2 tsp. Dried Basil 1/2 tsp. Dri...

GRILLED LEMON CHICKEN SKEWER

Image
Nalalapit na talaga ang kapaskuha. Alam kong katulad ko, abalang-abala na tayo sa mga paghahanda katulad ng mga dekorasyon, mga regalong ipamimigay at ang mga pagkaing ihahanda sa Noche Buena. Kahit ako hindi ko pa maisip kung ano ang masarap na ihanda. Gusto ko yung kakaiba naman sa nakasanayan na natin na madalas na din nating nakakain sa araw-araw o kahit na hindi pasko. Etong entry ko for today ay pwede nating i-consider na isa sa masarap na ihanda sa Pasko. Sa halip na classic pork barbeque, bakit hindi itong healthy na grilled chicken fillet na ito. Tiyak ko magugustuhan ng inyong pamilya lalo na ang mga bata. Ang masarap sa barbeque na ito ay pwede kang gumawa ng ibat-ibang sauces para sa magkakaibang panlasa ng inyong pamilya. Kahit nga sa bahay nung niluto ko nito, dalawang sauce ang ginamit. Yung isa ay Clara Ole Ranch flavor dressing at yung isa naman ay ordinaryong calamansi at toyo. Pwede rin na peanut butter sauce na parang satay ang dating. An...

CRISPY TILAPIA with SHITAKE MUSHROOM & BLACK BEANS SAUCE

Image
Sa mga pagkaing ating inihahain sa ating mga mahal sa buhay, minsan dumarating yung pagkakataon nagsasawa na tayo sa klase ng luto na ating ginagawa. Para bang paulit-ulit na lang ang ulam at nakaka-umay na kung minsan. Siguro marapat lang na gawan natin ng twist o kakaibang bihis ang mga lutuin natin na pangkaraniwan. Kagaya nitong hamak na pritong tilapia. Para maiba naman, bakit hindi natin ito lagyan ng sauce? Marami tayong pwedeng pagpilian. Pwedeng ginisang kamatis na may itlog. O kaya naman ay sweet and sour sauce. At itong entry ko for today na nilagyan ko ng shitake mushroom at black bean sauce. Nasa sa atin na siguro kung ano pang sauces ang pwede nating ilagay. Kung baga, lagyan na lang natin ng kaunting imagination. Sa pamamagitan nito nagkakaroon ng panibagong bihis ang pangkaraniwang pritong tilapia na ito. CRISPY TILAPIA with SHITAKE MUSHROOM & BLACK BEAN SAUCE Mga Sangkap: 4 pcs. medium to large size Tilapia (hiwaan sa katawan) 6 pcs. Shitake Mus...

TUNA PASTA with ROASTED TOMATOES

Image
Isang healthy pasta dish ang handog ko para sa inyong lahat na taga-subaybay ng food blog kong ito. Tuna pasta with Roasted Tomatoes. Sun-dried tomatoes dapat ang isa sa pangunahing sangkap ng pasta dish na ito. Pero komo sa turbo broiler ko pinatuyo ang kamatis at hindi sa init ng araw, tinawag ko na lang itong roasted tomatoes. Na intriga ako na masarap da sa pasta yung subn-dried tomatoes kaya ko sinubukang lutuin ito. At hindi naman ako nagkamali. Masarap at malasa ang pasta dish na ito. Healthy pa. Hehehe TUNA PASTA with ROASTED TOMATOES Mga Sangkap: 400 grams Penne Pasta (cooked according to package direction) 1 can Century Corned Tuna 8 pcs. Century Tuna Hotdog (sliced) 500 grams Ripe Tomatoes 2 cups Tomato Sauce 2 cups Grated Cheese 1 tsp. Dried Basil 3 tbsp. Olive Oil 5 cloves minced Garlic 1 large Red Onion chopped Salt and pepper to taste Paraan para gawin ang Roasted Tomatoes: (Gawin ito a day bago gawin yung pasta sauce) 1. Hiwain sa apat ang bawat piras...

TRICK or TREAT @ MEGAWORLD 2011

Image
Last October 29, 2011, nagkaroon ng Trick or Treat Halloween Party sa aking office sa Megaworld Corp. sa Makati. Exited ang lahat lalo na ang aking dalawang anak na sina James at Anton. Maaga pa lang ay nagpa-register na sila suot ang kanilang prince na costume. Komo malaki na ang aking anak na si James, ayaw na niya na mag-costume pa. Kay minabuti niyang magsuot na lang ng pumpkin mask. Bitbit ang kanilang mga bag, ready na ready sila para sa mga treats from different department. Kasama ang mga staff from the HR department, isa-isang pinuntahan ang mga offices sa buong building at bumati nga Happy Halloween at Trick or Treat. Pagkatapos naman ay nag-treat din ang compnay ng isang pack lunch ng McDonalds na may rice, fried chicken at drinks. Kami naman ng aking mga staff (from right: Norbert, Ian, Richard, Lerie, Edward at Inigo) ay masayang nagpicture-picture matapos mamigay ng trerats sa mga bata. Natapos ang party na masaya ang lahat lalo na ang mga bata.

UNDAS 2011 @ SAN JOSE, BATANGAS

Image
Sa araw na ito muling ipinagdiriwang sa buong bansa nating mga Pilipino ang araw ng mga Santo at araw ng mga namatay na. November 1 is All Saints Day and November 2 naman ang All Souls Day. Pero kagaya ng nakaugalian na sa November 1 natin dinadalaw ang ang mga namatay na na mahal sa buhay. Lahat tayo kasama ang buong pamilya ay nagpupunta sa mga puntod ng ating mga mahal sa buhay dala ang mga kandila na itutulos at mga bulaklak na iaaalay. Yung iba naman ay nagdadala na din ng mga pagkain at nagiginbg parang reunion na din ng mga pamilya. Katulad ng aking pamilya, kasama ang aking asawa at mga anak, nagpupunta kami sa puntod ng namayapang ama ng aking asawang si Jolly sa public cemetry ng San Jose, Batangas. Dumalaw din kami sa mga puntod ng kanyang mga lolo at lola at ilan pang mga kamag-anak. At kagaya ng sinabi ko kanina, nagiging parang reunion ito ng pamilya. Kaya naman masaya din ang lahat sa pagkikita-kita. Iyun ang maganda sa kaugaliang ito nating mga Pilipino. Kahit wa...