Posts

Showing posts from August, 2012

LECHON ROLL

Image
Basta may pagkakataong magkasabay-sabay kaming lahat sa bahay na kumain, pinipilit kong makapagluto ng espesyal na ulam para sa kanila.  Once or twice a week lang siguro yun nangyayari.   Di ba nga nagwo-work ang wife ko sa isang optical clinic sa isang mall at alam naman natin na ang pasok nila ay yun ding opening ng mall..   Kaya pag may pasok ang aking asawa, late na talaga siya nakakauwi sa bahay. Kaya naman nitong nakaraang Lunes August 27, komo walang pasok ang opisina at school ng mga bata, nagluto ako ng espesyal na tanghalian.   Nung nag-grocery ako, itong dish na ito ang nasa isip kong gawin.   Ang lutuin ang Lechon Roll na ito.   Kaya naman pumili talaga ako ng pork liempo na kakailanganin ko para dito.   Dapat kasi yung liempong gagamitin ay hindi masyadong makapal at manipis lang ang taba. Actually, parang lechon kawali din lang ang dish na ito.   Ang pagkaka-iba lang ay pinalamanan ito ng mga herbs and spices at saka ini-roll.   Importante dito ang tamang timpla

CHICKEN and CRAB SOUP

Image
Hindi ko nakalakihan na mag-soup pag kumakain.   Unless, na masarap na masarap talaga ang soup na inihahanda.  hehehehe Sabagay, hindi naman talaga pang karaniwan na may soup pa sa pangkaraniwang umagahan, tanghalian o hapunan sa ating mga tahanan.   Madalas, sa mga hotel or fine dining restaurant lang natin ito nararanasan. Sa bahay, ang asawa kong si Jolly ang medyo mahilig dito.   Lalo na kung ang ulam namin ay dry o yung mga pinirito lang.   Kaya naman may stock ako ng mga instant na soup kagaya ng Knorr sa bahay. Nitong nakaraang Lunes August 27 ay holiday dito sa Pilipinas.  Walang pasok ang mga bata at kami din ng aking asawang si Jolly.   Naisipan kong magluto ng espesyal na lunch komo kapag off lang si esmi na magkakasabay kaming kumain.   Lechon Roll ang ang niluto (Abangan ang recipe bukas).   At niluto ko din itong soup na ito sa espesyal na tanghalian. Madali lang ito.  Yung mga sangkap ay galing lang sa mga natira kong mga sangkap.   Try nyo ito.  Parang Chinese

CHICKEN and CHEESE in MACARONI PASTA

Image
Kapag tinanong mo ang bunso kong anak na si Anton kung ano ang gusto niyang breakfast, dalawa lang ang sagot niya.   Sopas o macaroni Soup o kaya naman ay bake macaroni na maraming cheese.  Ganyan naman ako sa aking asawa at mga anak.   Kung ano gusto nilang kainin yun ang niluluto ko. Kaya naman nitong nakaraang Sabado, dapat sana ay magluluto ako ng chicken macaroni soup.  Pero ewan ko ba kung bakit sa last minute ay nabago ang aking pasya at ginawa ko na lang ang dish na ito.  Well, siguro naisip ko lang na kaka-sopas lang namin nitong nakaraang nag-uulan na mga araw. Kumpara sa macaroni soup, ang cheese lang ang nadagdag sa mga sangkap na aking ginamit.   Okay naman dahil may malaki pa akong bar ng cheese sa fridge.   Kaya eto, isang masarap na na pasta dish ang kinalabasan. CHICKEN and CHEESE in MACARONI  PASTA Mga Sangkap: 400 grams Elbow Macaroni Pasta (cooked according to package directions) 1 whole Chicken Breast Fillet 1 big can Alaska Evap (yung red ang label)

BRAISED then PAN-GRILLED PORK LIEMPO

Image
Sino ang hindi mapapasarap ang kain kapag inihaw na liempo ang ulam?   Meron.   hindi mapapakain yung mga pustiso na ang ngipin ang hindi na masyadong maka-nguya.   hahahaha.   But kidding aside, ayos na ayos ang dish na ito sa mga naka-pustiso na ang ngipin.   Malambot kasi ito nang maluto at malasang-malasa talaga. Actually, braised liempo in Sprite ang lutong gagawin ko sa liempong ito.   Kaso, parang hindi ako satisfied sa kinalabasan ng luto.   Ang ginawa, inihaw ko siya sa kawali hanggang sa medyo mag-burn lang yung magkabilang side.  And viola!  Ang sarap ng kinalabasan.   BRAISED then PAN-GRILLED PORK LIEMPO Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo (hiwain ng mga 3 inches ang haba) 12 oz. Sprite or 7-Up 1/3 cup Worcestershire Sauce 2 tbsp. Brown Sugar 1 head minced Garlic Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola pagsama-samahin lang ang lahat ng mga sangkap.   Hayaan ng mga isang oras. 2.   Pakuluan ito hanggang sa kumonte na lang ang sa

LUMPIANG BANGUS

Image
Nitong nakaraang birthday ng anak kong si James at blowout ng kapatid ng aking asawang si Jolly na si Lita, isa sa mga pinaluto sa aking pagkain ay itong Relyenong Bangus.   Nagtatrabaho sa ibang bansa itong si Lita at natakaw siya noong makita niya at mabasa ang post ko ng recipe ng Relyenong Bangus kaya siya nagpaluto nito. May natira pang palaman sa relyeno kaya ginawa ko itong lumpiang bangus.  Sa halip na ordinaryong lumpia wrapper rice paper ang ginamit dito.   Ang mainam sa rice paper hindi ito masyadong sisipsip ng mantika kumpara sa ordinaryong lumpia wrapper.   Yun  lang hindi naman siya gaanong malutong pagka-prito. But in general, masarap ang lumpiang bangus na ito.   Try it. LUMPIANG BANGUS Mga Sangkap: -  Natirang palaman ng Relyenong Bangus (recipe sa link na ito ...http://mgalutonidennis.blogspot.com/2012/06/relyenong-bangus.html)  -  Rice paper o ordinaryong lumpia wrapper -  Cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. Lagyan ng palaman ng relyenon

BREADED PORKCHOP SURPRISE

Image
What is the surprise in this breaded porkchops?   Siguro yan ang tanong ng marami sa mga makakabasa ng post kong ito for today.   Simple lang naman ang sagot.... the taste.   Yes, yung lasa ang suprise sa simpleng pritong porkchops na ito.   Bakit naman?   Nilagyan ko kasi ito ng dried basil.   Actually, nabasa ko lang ang recipe nito sa isa pang food blog na lagi kong binibisita ang www.yummy.ph.   Ang pagkakaiba lang nitong ginawa ko ay inilubog ko muna ang porkchops sa batter saka ko iginulong sa Japanese breadcrumbs.   Mas crunchy ang kinalabasan at mas masarap. BREADED PORKCHOP SURPRISE Mga Sangkap: 10 pcs. Porkchops 1 tsp. Dried Basil 1 pc. Egg 1 cup Cornstarch 2 cups Japanese Breadcrumbs 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and Pepper to taste Cooking Oil for frying Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ang porkchops (magkabilang side) ng asin, paminta, maggie magic sarap at dried basil.   Hayaan ng mga 1 oras.   Overnight mas mainam. 2.   Sa isang bowl, ilagay

CARDILLONG GALUNGGONG

Image
Noong araw madalas kaming mag-ulam nitong sarciadong isda.   Mura lang kasing nabibili noon ang isda kaya marami kung bumili nito ang akin Inang.   Prito lang ang ginagaw niyang luto dito at pag may natira nga ay ginagawa niya itong sarciado.   Ito yung ginisang kamatis na may konting sabaw at pagkatapos ay isinasama dito ang natirang piniritong isda.   Basta ang tawag sa lutong ito ay sarciadong isda. Not until na mabasa ko ang isang post sa isa pang food blog na binibisita ko ang www.busogsarap.com ni Ms. Althea.   Dito ko nalaman na cardillo pala ang tawag kapag ang sarciado ay nilagyan pa ng binating itlog.   Yes, kung ginisang kamatis lang ang ilalagay mo sa iyong piniritong isda, sarciado ang tawag dito.  At yun nga kung lalagyan mo pa ito ng binating itlog, cardillong isda na ang tawag. At yun ang ang lutong ginawa ko sa galunggong na nabili nitong isang araw.   Pinirito ko ito at saka ko nilagyan ng ginisang kamatis na may itlog.  Sa madaling salita cardillong galunggong

JAMES 12th BIRTHDAY

Image
Birthday ng aking pangalawang anak na si James nitong nakaraang August 19 at nagkataon namang long weekend dito sa Pilipinas.   Na-declaire kasi na non-working holiday ang August 20 sa pagtatapos ng Ramadan ng mga kapatid nating Muslim at August 21 naman ay non-working holiday day sa pag-gunita naman sa kamatayan ng dating Senador Ninoy Aquino. Napagpasyahan namin na sa Batangas mag-spend ng long weekend na ito at sa pag-celebrate na rin ng birthday ng aking anak.   Isinabay na din ito sa blowout ng kanyang Tita Lita na kanya ding ninang na kagagaling lang sa Abu Dhabi. Nagluto din ako ng pasta sa mismong araw ng kanyang birthday.  Nagpabili din ng cake ang aking asawang si Jolly para naman daw makapag-blow ng candle ang may birthday. August 20 Lunes nga isinabay ang birthday ng aking anak na si James sa blowout ng kanyang Ninang Lita.   Sa Lobo, Batangas ginanap ang masaganang celebration.   Maraming pagkaing ipinaluto ang host at nag-order din ng isang buong lechon.

NILAGANG MANOK - Simple lang

Image
Alam nyo ba o natatandaan yung kanta ni Ariel Rivera na ang title ay "Simple Lang"?   May part na ang sabi..."...hindi ba kay sarap ng buhay kung simple ang dating".   Ang binabanggit nung kanta ay yung kagandahan ng simple sa lahat ng bagay maging sa ating buhay-buhay. And yes, kahit sa pagkain na ating niluluto, maganda talaga yung simple lang.  Simple ang sangkap at pamamaraan ng pagluluto.   Kahit ako, kahit nagba-blog ako ng mga pagkain, bumabalik pa din ako dun sa mga simpleng pagkain na aking naka-gisnan.  Masarap kasi, parang bumabalik yung mga memories ng aking kabataan.   Kahit naman sa buhay, ang sarap balikan nung simpleng buhay noong araw. Ganun din sa dish na ito na handog ko sa inyong lahat.   Ito siguro ang pinaka-madali at pinaka-simpleng luto na pwedeng gawin sa manok.   Nilagang Manok.   Kahit ang mga sangkap ay simple din.   Pechay Baguio, leeks at patatas.   Pero wag ka, kahit ganito kasimple ang soup dish na ito, punong-puno ito ng lasa

STUFFED PORK HAMONADO

Image
Isa sa mga naunang recipe na pinost ko sa blog kong ito ay itong Pork Hamonado.   Sabi nga nung mga nag-comment, sa mga fiesta o espesyal lang daw na okasyon sila nakaka-kain nito o nakikita.   At tama naman, kahit sa amin sa Bulacan, espesyal ang pork dish na ito. Wala naman talagang pinapalaman sa pork hamonado.   Laman lang ito ng pork na hiniwa ng manipis at ini-roll.   Ang key talaga sa dish na ito ay yung matagal na pag-marinade sa pineapple juice at yung timpla ng sauce. In this recipe this time, naisipan kong palaman ito.   Sa mga nauna kong try, hotdog ang ginagamit kong palaman.   Ngayon naman naisipan kong ipalaman ang natirang crab stick at chicken liver sa mga nauna kong recipe.  Remember yung kani and cucumber sprint roll na handa ko sa birthday ng aking anak?   At yung chicken liver naman ay yung sobra sa bringhe na aking ginawa? Nakakatuwa kasi masarap ang kinalabasan ng stuffed pork hamonado ko na ito.   Humihiwalay kasi yung lasa ng crab stick at yung chicken

FRUITY GRAHAM REF CAKE

Image
Narito ang isa pang dessert na kahit hindi marunong magluto ay kayang-kayang gawin.  Bakit naman hindi?, wala namang cooking na involve at assembly lang ang gagawin.   Kahit nga siguro bata na 10 years old ay magagawa ito. Hehehehe.... Dapat sana ay nung birthday ng bunso kong anak na si Anton ko ito gagawin.   Kaso, hindi ba nga naubusan kami ng cooking gas at nag-tyaga ako sa de-kuryente kaya naging mas matagal ang pagluluto?  So, kinapos ng oras kaya hindi natuloy.   At isa pa may cake naman kako kaya yun na lang ang dessert. Nito nakaraang mga araw, naghahanap ng dessert itong bunso kong anak na si Anton.   Hindi naman ako nakabili kahit man lang saging so wala talaga.   Nito ko naisipan ang ref cake na ito na hindi natuloy.   Kaya ayun, nabuo ang masarap na dessert na talaga namang na-enjoy naming lahat. FRUITY GRAHAM REF CAKE Mga Sangkap: 1 pack Graham Cracker 1 big can Fruit Cocktail 1 tetra brick all Purpose Cream 1 tetra brick Condensed Milk To assemble: 1. 

BRINGHE

Image
Ang Bringhe ang pantapat nating mga Pilipino sa Paella o Arroz Valenciana ng Spain.   Sa Espanya, sinasabing pagkain ito ng mahihirap komo kapag niluto ito ay sama-sama na ang kanin at ang ulam.  Pero dito sa atin sa Pilipinas, maituturing na pagkain ito ng mga medyo angat sa lipunan.  Madalas mong makikita ang dish na ito sa mga handaan sa gitnang Luzon partikular sa Pampanga at Bulacan.   May nabasa pa nga ako na sa Pampangan nga ito nag-origin. Halos pareho lang din ang dish na ito sa nagawa at nai-post ko na na Arroz Valenciana.   Ang pagkakaiba nga lang nito ay turmeric powder ang ginamit kong pangkulay sa kanin sa halip na tomato sauce at achuete.   Masarap ang dish na ito.   Malasa at punong-puno ng flavor.   Tamang-tama sa mga espesyal na okasyon. Para maiba naman ang aming almusal, ito pala ang inalmusal namin nitong nakaraang Linggo.  Solve na solve kaming lahat sa almusal na ito kaya nag-burger na lang kami ng mag-lunch.   hehehehe BRINGHE Mga Sangkap: 2 cups Mal

PESTO MARINATED ROASTED CHICKEN LEGS

Image
Ito ang isa pa sa food na inihanda ko nitong nakaraang birthday ng bunso kong anak na si Anton.   Dapat sana ipa-fried ko lang ito, kaso nga naubusan kami ng gas at out of stock na din ang ang nag-de-deliver.   Isip-isip-isip, natuon ang pansin ko dito sa pasta sauce ng Clara Ole na Cheesy Pesto (Free advertisement na naman....hehehehe).  So nasabi ko sa sarili ko, bakit hindi?   At sa halip na i-prito niluto ko na lang ito sa turbo broiler.   Roast kung baga. Ang kinalabasan?   Para ka na ring kumain ng isang gourmet na roasted chicken sa isang mamahaling restaurant.   Masarap, malasa at hindi mo na kailangan ng sauce.   Hindi rin dry ang laman ng manok...juicy talaga.   Dahil ito siguro sa olive oil na kasama ng pesto. PESTO MARINATED ROASTED CHICKEN LEGS Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Legs 1 tetra pack Clara Ole Cheesy Pesto pasta sauce Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang plastic bag pagsamahin lang ang lahat ng mga sangkap at alu-alugin o i-ma

BACON and CHEESE PIZZA - Home made

Image
Tuwing dumarating ang mga espesyal na okasyon sa aming pamilya kagaya ng mga birthdays or anniversary hindi pwedeng hindi ko ito ipaghahanda kahit papaano.  Ito ang namana ko sa aking namayapang Inang Lina na kahit mahirap lang kami, naghahanda siya kahit papaano basta dumarating ang mga mga kaarawan.   Kahit simpleng kakanin lang o kaya naman ay espesyal na ulam, okay na sa amin yun. Kagaya ng nasabi ko na sa post ko kahapon na tinatanong ko ang celebrator kung ano gusto niyang handa, sinasamahan ko din ang handa nang kung ano ang paborito nilang kainin.   Halimbawa nung birthday ng aking asawa, gusto niya ang hipon, kaya iyun naman ang niluto ko. Dito sa nakaraang birthday ng anak kong si Anton, bukod sa mga pasta dishes, paborito din niya ang pizza.   Kaya naman nagluto din ako nito para matuwa naman ang bata.   Ang nakakagulat, hindi ko inaasahang ganun kasarap ang ginawa kong home made na pizza.   Simple lang ang mga sangkap pero mako-compare mo ang lasa sa mga available na

NO BAKED BEEF LASAGNA ala DENNIS

Image
Yes, No Baked Beef Lasagna ang ating recipe for today.   Ito yung isa sa mga hiniling ng anak kong si Anton na lutuin nung nag-birthday siya last August 8.   No bake komo nga wala kaming oven sa bahay...hehehehe.   Pero kahit hindi ito na-bake, wag ka, masarap at nagustuhan talaga ng mga kumain ang lasagna na ito. Hindi ko matandaan kung nakagawa na ako ng ganito sa archive.   Pero masasabi kong proud na proud ako sa isang ito.   Kahit yung white sauce na inilagay ko sa ibabaw ay talaga namang katakam-takam. NO BAKED BEEF LASAGNA ala DENNIS Mga Sangkap: 1 kilo Lean Ground Beef 1/2 kilo Lasagna pasta (cooked according to package direction) 1 big can Del Monte 4 Cheese Pasta Sauce 1 cup chopped Fresh Basil Leaves 1 head minced Garlic 2 pcs. medium size Garlic chopped 1 cup grated Cheese 1 tsp. ground Black Pepper 1 tbs. Brown Sugar 3 tbsp.  Olive Oil Salt to taste For the Sauce toppings: 1 tetra brick All Purpose Cream 1/2 cup Butter 1/2 cup Flour 1/2 cup Full

ANTON'S 10th BIRTHDAY

Image
Sa kabila ng mga walang tigil na pag-ulan at pag-baha sa kabuuan ng Maynila at karatig na mga lugar nitong mga nakaraang araw, nag-diwang ng kanyang ika-10 kaarawan ang bunso kong anak na si Anton.   Malayo pa ang araw ay excited na siya sa kanyang birthday.   Ang kanya lang Tita na si Lita at ang kanyang Ninong Regie ang talagang invited niya, kaso nag-baha sa kani-kanilang bahay kaya di sila naka-punta.  Ang nangyari kami ng aking kapitbahay ang nagsalo sa aking mga niluto. Naging challenge sa akin ang handa sa birthday na ito ng aking bunso.   Bakit naman?   Naubusan kasi kami ng cooking gas at bukod sa wala kaming mabili, baha naman ang mga kalsada kaya hindi makapg-deliver ang iba.   Nag-isip tuloy ako ng dish na pe-pwede sa kuryente lutuin.   Sa awa naman ng Diyos ay nagawa ko ito.   Nakakatuwa dahil masasarap at nagustuhan talaga ng may birthday ang kanyang handa. Kapag naghahanda ako ng pagkain para sa aking asawa at mga anak para sa kanilang kaarawan, tinatanong ko s

SHRIMP & BOK CHOI in COCONUT MILK

Image
Dumalaw nitong nakaraang Sabado sa aming tahanan ang dalawang kapatid ng asawa kong si Jolly na sina Ate Pina at Lita.   Galing pa sila noon ng Batangas.   Si Lita ay kakagaling lang ng Abu Dhabi kung saan siya nagwo-work.  Komo alam kong sabik sa pagkaing Pinoy ang aking bisita, naisipan kong magluto nitong hipon na ito na may gata para naman masiyahan siya. Chicken lang at pork ang laman ng aming freezer kaya naisipan kong sumaglit sa Farmers Market na malapit sa amin para bumili nga ng aking lulutuin.   Nilagyan ko na din ng gulay o bok choi itong hipon na ito para dumami at para may gulay na din.  Alam naman natin na medyo may kamahalan ang hipon lalo pa ngayong naguu-ulan. Nakakatuwa at nagustuhan ng aking mga bisita ang aking niluto.  SHRIMP & BOK CHOI in COCONUT MILK Mga Sangkap: 1 kilo Shrimp (yung medium to large size) 2 taling Bok Choiu 5 cups Coconut Milk (kakang gata) 3 pcs. Siling pang-sigang 1 thumb size Ginger sliced 1 large Onion sliced 5 cloves mi

ISANG GABING PUNO ng AWITAN at KAINAN

Image
Last Friday August 3, naimbitahan ako ng aking pamangkin na kumpare sa Music 21 sa Timog para sa kanyang kaarawan.   Actually, August 1 ang birthday niya.   Kasama ang iba ko pang pamangkin, pinsan at ang aking kapatid na si Shirley, napuno ng kasiyahan ang gabing iyon sa aming lahat. Mga 9 na din kami nakapag-umpisa.   Friday kasi noon at marami talagang gumigimik kapag ganung araw.   Ok naman yung room na nakuha namin.   Maluwang at siguro mga 20 o higit pa ang kakasya. Inuna muna nila ang pag-order ng pagkain komo hindi pa sila nag-di-dinner at galing pa silang lahat ng Bulacan.   At habang naghihintay sa pagkain, e di syempre inumpisahan na din ang kantahan. Hindi ko alam kung yung package ang in-order nila o ala-carte.  Pero maraming pagkain talaga ang inihain sa amin ng gabing iyun. May Crispy pata.   Masarap naman.   Medyo kulang lang sa lutong ang balat.   Pero tamang-tama naman ang lambot ng laman. Chopsuey daw ito.   Ewan ko pero sa mahal siguro ng gu