Posts

Showing posts from September, 2012

PORK EMBOTIDO ni DENNIS

Image
Sa mga probinsya kagaya sa amin sa Bulacan, hindi nawawala ang pork embotido sa mga handaan kagaya ng fiesta, kasal, binyagan at iba pa.   Espesyal na ulam itong maituturing kaya naman tuwing importanteng okasyon lang ito inihahain. Napansin ko lang, kahit ang paraan ng pagluluto nito ay nagkakaiba-iba pati na rin ang mga sangkap na ginagamit.   But ofcourse ang pangunahing sangkap pa rin dito ang ang giniling na baboy.   Nilalahukan na lang ito ng iba pang mga sangkap para maging masarap at malasa.   Ito ang pan-tapat nating mga Pilipino sa meatloaf ng ibang bansa. Sa amin sa Bulacan, binabalot ang embotido ng pork lard o sinsal ba ang tawag doon at saka pinapasingawan para maluto.   Sa probinsya ng asawa ko sa Batangas, ibinabalot ang embotido sa dahon at pagkatapos ay ipini-prito.   Yung iba naman binabalot ng aluminum foil at ini-steam pa rin. Sa version kong ito binalot ko ito ng aluminum foil at saka ko naman niluto a turbo broiler.   Wala kasi akong steamer na medyo mala

COUNTRY STYLE PORK BELLY IN TERIYAKI SAUCE

Image
May nabili akong country style pork belly sa SM Supermarket nitong nakaraang pag-go-grocery namin.   Nagustuhan ko yung cut ng pork belly kasi hindi masyadong makapal ang taba at tamang-tama kako na pang-ihaw o barbeque. BTW, country style pork belly (yun ang nakalagay na label dun sa supermarket...hehehehe) ay simpleng liempo din lang.   Ang pagkakaiba lang nito ay wala na itong balat at medyo na trim na ang taba.   Okay na okay itong pang-ihaw at pang-stew. Ayun.   Dapat sana nga ay iihaw ko ito.  Pan-grilled kung baga.   Yun lang nabago ang aking plano ng makita ko ang bote ng triyaki sauce sa aming cabinet.   Para kakong tamang-tama ito sa pork belly.   At yun na nga.   Nabuo ang dish na ito na wala akong sinunod na recipe.   Maging ang paraan ng pagluluto ay medyo naiba para na rin sa magandang presentation.   hehehehe.   Pero wag ka..... masarap ang pork dish na ito.  Try it! COUNTRY STYLE PORK BELLY in TERIYAKI SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Country Style Pork Belly (cut

BEEF and MUSHROOM in OYSTER SAUCE

Image
Ano ba ang luto na pwedeng gawin sa karne ng baka?   Pangkaraniwan siguro ay nilaga, mechado, afritada o bistek.   Actually, marami pa.  Yung iba isinisigang din ito kagaya ng baboy para daw may sabaw.   Sabagay, masarap naman talagang sabawan ang baka komo malasa ang karne nito. Idagdag nyo na din siguro itong dish natin for today ang Beef and Mushroom in Oyster  Sauce.   Madali lang itong lutuin.   Hindi komplikado ang mga sangkap at madali lang lutuin.   Ang matagal lang sigurong gagawin dito ay yung pagpapalambot ng karne. Try nyo ito.   Masarap at madali lang talagang lutuin. BEEF and MUSHROOM in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket (whole) 1 big can Button Mushroom (sliced) 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 2 tbs. Brown Sugar 1 tsp. Sesame Oil 1 tsp. Cornstarch 5 cloves minced Garlic 1 large Onion (sliced) 2 tbsp. Canola Oil Onion Leaves or leeks to garnish Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola, pakuluan ang

CREAMY PORK BINAGOONGAN

Image
Isa sa mga pork dishes na gustong-gusto ko ay itong pork binagoongan.   Gustong-gusto ko yung medyo anghang nito at yung malinamnam na lasa ng gata.   Syempre the salty taste ng bagoong alamang. Kaya naman gusto kong pawiin ang aking craving sa dish na ito, in-schedule ko talaga na magluto nito nitong nakaraang araw.   Sa kalituhan na rin siguro, di pala ako naka-bili ng gata ng niyog.  Sabagay wala naman palang fresh na gata sa supermarket....hehehehe. Napurnada pa ata kako ang aking pork binagoongan.   Lulutuin ko sana ito na wala nang gata.   Pero nasulyapan ko itong isang tetra brick ng all purpose cream.  Iniisip ko, pwede naman siguro na cream na lang ang ilagay ko sa binagoongan na ito.   At yun na nga ang nangyari.   Isang masarap na creamy pork binagoongan ang nabuo.   Masarap, malinamnam at gustong-gusto ko talaga.   Two days nga ito ang baon kong ulam sa office.   hehehehe CREAMY PORK BINAGOONGAN Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes) 1/2 cu

MY SON JAKE 14th BIRTHDAY

Image
Last Saturday September 22, My son Jake celebrated his 14th birthday.  Syempre, pwede bang hindi maghahanda ang Daddy at Mommy niya for this very special occasion.   Hehehehe This time wala naman special request ang may birthday kung anong food ang gusto niyang lutuin ko.   Basta humingi lang siya ng extra na allowance at maglilibre daw siya ng mga classmates niya.  Hayyy....napalaki pa ang gastos ko....hehehehe.   Pero okay lang.  Expected ko na din naman ang ganun komo nagbibinata na ang panganay ko. Syempre hindi mawawala ang cake.  Yun lang medyo cheap itong nabili kong cake komo short na ako sa budget.   hehehehe.   Pero ok din naman itong cake na ito.   Chocolate Caramel Decadence ata ang tawag dito. Hindi rin pwedeng mawala ang noodles o pasta dish kapag may birthday.   Komo alam kong mas gusto ng may birthday ang white sauce sa pasta, itong Linguine pasta with bacon and white sauce ang niluto ko. Meron ding Crispy Pata at lechon kawali komo nabitin naman kami nu

CHICKEN SISIG ala DENNIS

Image
Noon ko pa gustong magluto ng Sisig sa bahay.   Ang problema wala naman kaming sizzling plate.  Hehehehe.   Actually, hindi naman talaga yun ang problema.   Nag-aalangin lang akong magluto nito komo parang naka-classify ito na pagkaing pam-pulutan.   Although, naka-tikim na ng sisig ang mga anak ko na bigay ng kapitbahay, hindi pa talaga ako nakapag-try na magluto nito as in from scratch. In this recipe, chicken thigh fillet ang ginamit ko sa halip na pork.   Less guilt baga.   hehehehe.    Before ko niluto ang chicken sisig na ito, tiningnan ko muna ang recipe nito sa Internet.   Hindi ako nagtaka na katulad ng adobo, napakaraming version o recipe ang masarap na sisig na ito.   Depende na siguro sa taste ng magluluto at kakain, endless ang recipes sa Sisig.   Ang ginawa, pinili ko na lang yung pinaka-madali at yung hindi masyadong maanghang.  Baka kasi hindi makain ng mga bata kung too spicy ang kakalabasan. Masarap ang Chicken Sisig na ito.   Tamang-tama na pang-ulam at pam-pu

ARROZ VALENCIANA

Image
Ito ang isa pa sa mga dish na inihanda nitong nakaraan kong kaarawan.   Arroz Valenciana.   Ayon sa aking nabasa tungkol sa dish na ito, ito ay nag-origin sa Valencia sa Espanya.   Ito bale ang isa pang variation ng Paella.   Ang pagkakaiba lang nito ay yung sahog o laman na kasama ng rice.   Sa paella, mga seafoods ang nakalahok, samantalang sa valenciana ay chicken o pork at sausages. Halos kapareho din lang ito ng Bringhe ng mga Kapampangan.   Ang pagkaiba lang nito sa bringhe ay may tomato sauce ito sa halip na turmeric powder o luyang dilaw.   Actually, hindi na rin ito ang orihinal na recipe ng valenciana.   Nabago na din ito depende sa mga nagluluto.   In this version, ginaya ko yung nakita kong pagluluto ng aking Inang Lina.   Also, nilalagyan ko ito ng ganta ng niyog para mas maging masarap at malasa ang pinak-kanin nito. Nung niluluto ko pala ang dish na ito ay may nakakatawang nangyari.  Kumpleto ang lahat ng sangkap na nasa mesa.   Laking pagtataka ko nung hinahalo k

FOUR CHEESE and BASIL PASTA

Image
Ito ang pangalawang pasta dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Naubos kasi yung una kong ginawa (pesto and bacon pasta) kaya naisipan kong magluto pa ulit para naman sa mga darating pa na bisita. Kung titingnan mo, parang ordinaryong spaghetti lang ang pasta dish na ito.   Pero wag ka, masarap at kakaiba ang lasa at sarap nito.   Bakit naman hindi?   Four cheese pasta sauce ang ginamit ko dito at nilahukan ko pa ng fresh na basil leaves.   Kaya naman puring-puri na naman ng mga naka-kain ang pasta dish kong ito. Yun ang maganda sa pasta.   Kahit anong sauce ay pwede mong ilagay.   Kahit nga sardinas pwede.   Kung may natira kang adobo ay pwede din.   Ganun ka-flexible ang pasta.   Kung baga, nasa imagination na lang natin ang pwede pa nating gawin. FOUR CHEESE and BASIL PASTA Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti Pasta 300 grams Bacon (cut into small pieces) 1 big can Hunts Four Cheese Spaghetti Sauce a bunch of Fresh Basil Leaves 2 cups grated Cheese 3 tbsp. Oli

TURBO BROILED PORK LEG (Crispy Pata)

Image
Isa pang dish na niluto nitong nakaraan kong kaarawan.   Actually, marami na din akong crispy pata recipe sa archive.   But I think ito yung pinaka-simple pero hindi simple ang sarap.   Napuri nga ng mga bisita kong naka-tikim nito ang crispy pata na ito.   At in a flash, buto ang natira sa crispy pata.   hehehe. Pahabol lang ang dish na ito sa list ng mga pagkaing inihanda ko.   A day before my birthday, inilaga ko na ang pata at in-case lang na mabitin ako sa mga pagkaing ihahanda, ito kako ang idadagdag ko.   At ganun nga ang nangyari, komo darating ang aking kapatid mula pa sa Bulacan, iniluto ko ang patang ito sa turbo broiler para maidagdag sa aking handa. Ang sarap ng crispy patang ito.   Malutong ang balat at ang laman ay malmbot na malambot.   Kung baga, it melts in the mouth.   hehehehe. TURBO BROILED PORK LEG (Crispy Pata) Mga Sangkap: About 1.5 kilos Pork Leg o Pata ng Baboy (yung medyo malaman na part) 3 tangkay ng Tanglad o Lemon Grass (yung white na parte

FISH FILLET with MILKY BUTTER SAUCE

Image
Ito ang pangatlo sa mga dish na niluto ko nitong nakaraan kong karawan.   Actually, the last time na nagluto ako nito ay naging disaster.   Napaalat kasi yung timpla ko sa fish fillet at talagang napahiya ako sa kinalabasan. Naging lesson sa akin ang disaster na yun.   Kaya naman ingat na ingat ako sa isang ito na para pa naman sa aking kaarawan.   Also, gumawa ako ng white sauce na talaga namang puring-puri ng mga naka-kain.   Simple lang yung sangkap na ginamit ko pero labas na labas talaga yung sarap nung nilagay na sa fish fillet.  Kaya nga hindi ako nag-atubili na i-post pa rin ang dish na ito.   At isa pa, marami ang nag-request for a recipe kaya gumawa ulit ako para i-visit na lang dito sa blog. FISH FILLET with MILKY BUTTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Cream Dory (cut into serving pieces) 1 cup All Purpose Flour 1/2 cup Cornstarch 2 pcs. Egg (beaten) 1 pc. Lemon 1 tsp. Maggie Magic Sarap 1/2 tsp. Salt 1/2 tsp. ground Black Pepper 1 tsp. Garlic Powder Cooking O

CHILI-GARLIC PRAWN

Image
Ito ang isa pa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Nag-text kasi ang kapatid kong si Shirley at darating daw sila sa dinner.   Komo naubos nga yung mga pagkain na niluto ko para sa aking mga officemate, nagdagdag pa ako nitong dish na ito at isa pang pasta dish. Madali lang lutuin ang dish na ito.   As in simpleng gisa-gisa at yun na.   Ang dapat ingatan sa pagluluto nito ay yung tamang dami ng chili-garlic sauce at yung tamang luto lang.   Hindi kasi mainam na ma-overcooked ang hipon dahil tumitigas ang laman nito.   Kung baga, kapag nag kulay red na yung shrimp, maghintay lang ng 1 o dalawa pang minuto at okay na ang niluluto nyo. Nagustuhan ko ang dish na ito lalong-lao na yung sauce o sabaw.   Malasa kasi siya at masarap ihalo sa mainit na kanin.   Hehehehe CHILI-GARLIC PRAWN Mga Sangkap: 2 kilos medium to large size Shrimp or Prawn 1 tbsp. Chili-Garlic Sauce 2 tbsp. Brown Sugar 1 head minced Garlic 1 large Onion (sliced ) 1 thumb size Ginger (f

PESTO and BACON PASTA

Image
Ito ang pasta dish na inihanda ko sa aking mga officemates nitong nakaraan kong kaarawan.  Alam kong mag-ki-click ito sa aking mga ka-officemates komo ang madalas na inihahanda dito kapag may birthday ay spaghetti o kaya naman ay pancit. Tinawag ko na lang na pesto ang sauce na inilagay ko dito komo ang basic na sangkap ng pesto ay nandirito naman.  Hinaluan ko kasi ng evaporated milk yung pesto mismo para kako maging creamy yung kakalabasan ng pesto.   Also, cashew nuts ang ginamit ko dito sa halip na pine nuts.   Nakapagluto na ako ng ganitong klaseng pasta dish.  Ang pagkaka-iba lang nito ay yung evaporated milk na idinagdag ko.   Pero wag ka, ang daming humihingi ng recipe ng pasta dish na ito.   Masarap naman kasi talaga at kakaiba ang lasa.   Try nyo din. PESTO and BACON PASTA Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti pasta 500 grams Bacon (cut into small pieces) 50 grams Fresh Basil Leaves (alisin yung tangkay) 1 big can Alaska Evap (red label) 1/2 cup Cashew Nuts 1 head Gar

PROUD @ 45

Image
September 12 is my birthday.   Sa awa ng Diyos 45 years old na ako.  hehehehe (wala nang tawad ha...yan talaga ang age ko..hehehe).   Sa lahat ng aking mga naging birthday celebration, ito siguro ang masasabi kong the best.   Bakit naman?   Nag-umpisa ang celebration 12:20 ng hating gabi ng September 12 at tapos 12:20 ng September 13 naman.   hehehehe. 12:20 ng hating gabi, iginising ako ng aking asawang si Jolly para i-blow ang cute na cake na ito.   Ginising din niya ang aking mga anak para ma-greet sa akin.   O di ba?   Na touch naman ako sa effort na ginawa ng aking mahal na asawa. Sa kahilingan na din ng aking mga kaopisina ay nagluto ako para sa kanila.   Maaga pa lang ay nag-luto na ako para umabot sa lunch time sa office.   Nagluto ako ng Arroz Valenciana, Fish Fillet with Milky Butter Sauce, Bacon and Pesto pasta, Anton's Chicken, Crab and Cucumber Spring Roll at Graham Ref Cake naman for dessert. Nasa pict sa itaas ang aking mga staff na nag-effort din para

LEFT OVER FRITTATA

Image
Ang laki ng itinaas ng mga bilihin ngayon.   Yung dating mga P3,000 ko na pinamimili dati, ngayon mga P4,000+ na.   Papaano na lang ung maliliit lang ang kinikita talagang hapit ng sinturon ang kailangan.   Kaya nga pag nakikita kong hindi inuubos ng mga anak ko ang kanilang baon, nagagalit talaga ako a kanila at pinagsasabihan.  Buti nga kako sila at masasarap pa ang kinakain, samantalang marami ang nagugutom at walang makain. Kaya naman ang pag-aaksaya ng mga tira-tirang pagkain ay malaking NO NO sa aming tahanan.   Kung maaari pang isalba o i-recycle ang pagkain ay ginagawa ko.   Halimbawa:   Kung may natira pang piniritong isda, pwede itong i-sarciado para makain pa.   Kung may natira naman pritong baboy o manok, pwede din naman itong i-paksiw.   Nasa sa atin an siguro kung ano ang pwede pa nating gawin sa mga tira-tirang ito. Ganun ang ginawa ko dito sa tira-tirang kung ano-ano dito sa frittata o torta na niluto ko.   At nang mapagsama-sama ko na, aba isang masarap na pang-

TOFU and CHICKEN ADOBO

Image
Paborito ko ang chicken adobo.   Kahit noong araw na binata pa ako at nagbo-board dito sa Maynila para mag-work, kapag umuuwi ako sa amin sa Bulacan, talaga ipinagluluto ako ng aking Inang Lina ng paborito kong adobo.   Until now na marunong na akong magluto, hindi ko pa rin  matumbasan o magaya ang adobo ng aking Inang.  Ewan ko ba.   Iba lang talaga siguro ang pagmamahal ng aking Inang sa akin kaya ibang sarap talaga ang aking nalalasahan at nararamdaman kapag kumakain ako ng kanyang adobo. Sa aking pamilya, paborito din nila ang aking adobo.   At para hindi nakakasawa, nilalagyan ko ito ng variation o ibang sangkap.   Kagaya nitong chicken adobo na niluto nitong isang araw.   Nilagyan ko pa ito ng tofu o tokwa.   Masarap naman ang kinalabasan lalo na nung kumapit na ang lasa ng adobo sa tokwa.   Okay na lagyan nitong tokwa ang inyong adobo.   Kung baga, naging extender siya ng chicken para dumami at makatipid na din. TOFU and CHICKEN ADOBO Mga Sangkap: 1 whole Chicken

MANGO and GRASS JELLY DESSERT

Image
May nabili akong grass jelly in can sa supermarket na balak ko sanang gawin kahalo ng milk tea.   Pero nabago ang lahat at ewan ko kung papaano nauwi sa dessert ang grass jelly na ito. I'm not sure kung mayroon na na ganitong dessert.   Basta ang nasa isip ko lang nung time na ginawa ko ito ay makagawa ng isang dessert o pang-himagas sa kahilingan na din ng aking bunso na si Anton. Walang cooking na involve sa dessert na ito.   Hihiwain lang ang mga sangkap sa nais na laki at halo-halo lang ng iba pang mga sangkap.   Ang nakakatuwa dito, kakaiba at masarap ang kinalabasan.   Naroon yung masarap na lasa ng manga at yung flavor ng grass jelly na talagang naghihiwalay ang lasa sa inyong mga bibig.   Try nyo ito.  Ayos na ayos na dessert din ito kung magkakaroon kayo ng halloween party.   Di ba ayos na ayos ang kulay?   hehehehe MANGO and GRASS JELLY DESSERT Mga Sangkap: 1 big can Grass Jelly (cut into cubes) 3 pcs. Hinog na Mangga (cut also into cubes) 1 tetra brick

BEEF and TOFU in TERIYAKI SAUCE

Image
Last week, nag-luto ako ng nilagang baka para sa aming dinner.   Siguro mga 1.5 kilos yun kasama na ang mga buto-buto at sa tingin ko ay sobra-sobra yun para sa amin kaya naisipan kong alsin yung ibang laman at yung mabubutong part ang itinira ko para sa nilaga. Ilang araw din ang itinagal ng natirang laman ng baka na yun sa aming fridge at naisipan kong lutuin na ulit ito.   Kaya lang, parang bitin naman sa amin ang natirang laman at nag-iisip ako kung ano ang pwede kong idagdag para dumami.   Kung lalagyan ko ng gulay, sobrang mahal naman nito ngayon at baka masayang lang komo hindi mahilig sa gulay ang aking mga anak.  Dito ko naisipan ang tofu o tokwa.  Bakit hindi?   Masarap ito at ayos na ayos na pang-extender sa anumang lutuin.   Dapat sana ay sa oyster sauce ko lang ito lulutuin pero nagbago ang isip ko nang makita ko naman ang bote ng teriyaki sauce sa supermarket.   At eto na nga...isang winner na dish para sa inyong lahat. BEEF and TOFU in TERIYAKI SAUCE Mga San

CHICKEN INASAL USING MAMA SITAS

Image
Mula nang makatikim ako nitong Chicken Barbeque ng mga Ilongo, na-inlove na ako dito.   Kaya naman basta may pagkakataon ay kumakain ako nito kasama ang aking pamilya.   Gustong-gusto ko kasi yung lasa at timpla nito at syempre yung sawsawang suka na may calamansi, toyo at sili.   Samahan mo pa ng garlic rice nanilagyan mo ng chicken/anato oil...winner ang magiging kain mo.   hehehe Hindi na mahirap kumain ng Chicken inasal na ito sa panahong ngayon. Halos nag-kalat ang mga branch ng Mang Inasal sa bawat kanto ng Mega Manila.   Bakit naman di tatangkilikin ito ng masa, bukod sa masarap na chicken inasal ay unli pa ang rice.   hehehehe.   Oy!  free adds ito ha. Last Saturday, may napanood akong cooking show at ipinakita nila at ginamit ang bagong product ng Mama Sita ang bacolod Style Inasal marinade Mix.   (Free ads na naman...heheheeh).   Same day nung nag-go-grocery naman kami, nakita ko ito at hindi ako nag-dalawang isip na subukan. Masarap naman ang kinalabasan pwede nyong

PAULINE @ 18 - My Inaanak

Image
Last Saturday September 1, naimbitahan ako at ang aking pamilya para dumalo sa kaarawan ng anak ng aking matalik na kaibigan at kababata na si Rowena na si Pauline.   Ang may kaarawan din ay aking ina-anak sa binyag kaya hindi pwedeng hindi kami makakadalo.   Ako lang ang nag-iisa niyang ninong sa binyag.   hehehehe Ginanap ang salu-salo sa isang pavillion sa may Sta. Maria, Bulacan.   Medyo na-late na nga kami ng dating komo napaka-traffic nung araw at gabing iyun.   Siguro ay mga 8:45 na nang gabi nasimulan ang program at ito ay binuksan sa pagpasok ng may kaarawan at ng kanyang pamilya. Ang larawan sa itaas ang aking kumare at matalik na kaibigan na si Rowena at aking aking kumpare na si pareng Rey.   Ang mga proud parents ng debutante Maskara ang tema ng kaarawan, kaya pati kami ng asawa kong si Jolly ay nag-suot din ng mga maskara na pino-provide naman pagpasok mo sa bulwagan. After ng introduction sa may kaarawan at sa kanyang pamilya ay nagsimula na din