Posts

Showing posts from November, 2015

LADY'S CHOICE REAL CHEF CHALLENGE

Image
Una po humihingi ako ng pasensya kung hindi po ako nakakapag-post nitong mga nakaraang araw at linggo.   Medyo naging busy po kasi ako dahil dito sa sinalihan kong cooking competition ang Lady's Choice Real Chef Challenge na ginanap po ang grand finals kahapon November 25 sa Glorietta 3 sa Makati. Bale pinili po ang finalist sa mga ipinadalang recipes gamit ang Lady's Choice Mayonaise.   Sa awa ng Diyos ay naka-pasok nga po ako sa finals.   Sa 25 pong nag-laban sa finals, ako lang po ang nag-iisa na hindi talaga chef.   Ang mga fianalist po ay nagmula din kung saan-saang parte ng Pilipinas.   Ito po ang dish na aking inilaban:   Fresh Sisig Salad Roll  12 noon ang call time g mga finalist sa activity area ng Glorietta 3.   pagdating namin doon ng aking asawang si Jolly ay naroon na ang iba pang mga finalist.   Bale nahati sa dalawang category ang cook off.   Ang sandwiches and salad category...

PAKSIW na LECHON KAWALI

Image
Paborito ko talaga ang paksiw na lechon.   Gustong-gusto ko kasi yung naghahalong asim, alat at tamis ng sarsa nito.   Kaya naman basta ito ang ulam napaparami talaga ako ng kain.   Sauce pa lang kasi ay ulam na. Kaso, papaano naman ako magluluto nito e napaka-mahal ng kilo ng lechon.   Kung makapagluto lang kasi ako nito kapag may handaan at may leftover na lechon.   Pero may solusyon naman o pwedeng ipalit sa tunay na lechon at ito ay ang lechon kawali.  O pwede din ang turbo broiled na pork belly para hazzle free. At eto na nga, napawi ang pagke-crave ko sa lechon paksiw sa nilutong kong ito.   Panalo talaga.   Hehehehehe. PAKSIW na LECHON KAWALI Mga Sangkap: 1.5 kilo Pork Belly 4 cups Mang Tomas  Lechon Sauce 2 pcs Red Onion (sliced) 2 heads Minced Garlic 2 pcs. Dried Laurel leaves 2 tbsp. Brown Sugar 1/2 cup White Vinegar Salt and Pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. ...

PAN-FRIED PINK SALMON in GARLIC and BUTTER

Image
Espesyal na araw sa amin ang araw ng Linggo komo dito lang kami nagkakasabay-sabay na kumain bilang pamilya.   Kaya naman hanggat maaari ay ginagawa ko itong espesyal at nagluluto ako ng espesyal na ulam. Nitong nakaraang Linggo, naisipan kong magluto nitong pink salmon na paboritong isda ng aking asawang si Jolly at ng 3 kong anak.   Masarap naman kasi talaga ang isdang ito.   kahit anong luto dito ay nagugustuhan talaga nila. Sa masarap na isda kagaya nitong pink salmon, hindi na kailangan pa ng kung ano-anong pampalasa para lutuin ito.   Mas mainam kasi na simpleng luto lang para hindi matabunan yung masarap na lasa ng isda.   Kaya naman sa dish na ito asin at paminta at saka ko ipinirito sa butter na pinag-prituha naman ng toasted garlic.   Winner ang dish na ito kaya subukan nyo din. PAN-FRIED PINK SALMON in GARLIC and BUTTER Mga Sangkap: 2 slices Pink Salmon (about 1/2 kilo) 1 head Minced Garlic 1/2 cup Butt...

AMPALAYA CON CARNE

Image
Hindi kami madalas mag-ulam ng karneng baka sa bahay.   Medyo may kamahalan kasi ang kilo nito at kung yung medyo mura naman ay may katagalan na lutuin.   Pero espesyal para sa akin ang karneng baka.   Bukod sa lutong caldereta, the best pa rin sa akin ang nilaga nito. This time sinahugan ko naman ng gulay na ampalaya.   Itong Ampalaya con Carne.   First time ko lang magluto nito sa bahay.   Sinusubukan ko kung kakainin ito ng aking mga anak.   Pero ayun, ampalaya ang natira at ako na lang ang umubos nito.   Hehehehe AMPALAYA CON CARNE Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced ) 1 pc large size Ampalaya (sliced) 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 5 cloves Minced Garlic 1 pc. large Onion (sliced) 1 tsp. Cornstarch 3 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa manti...

GINATAANG SITAW at KALABASA: With a Twist

Image
One of my favorite vegetable dish ito ginataang sitaw at kalabasa.   Kahit bagoong o hibe lang ang sahog nito ay panalong-panalo ito sa akin lalo na kung marami din itong gata na kasama. Pero hindi lang pala gata ang maaring magpasarap pa sa ginataang sitaw at kalabasa.   Natuklasan ko ito nung makita ko itong natirang pinaghalong mayonaise at bagoong sa fridge na ginamit kong sauce sa aking daing na bangus.   Sayang naman kako at naisipan kong ihalo di ito sa niluluto kong ginataang sitaw at kalabasa nga. Ang resulta?    Level-up sa lasa na ginataang sitaw at kalabasa.   Try nyo din po. GINATAANG SITAW at KALABASA:   With a Twist Mga Sangkap: Kalabasa (cut into cubes) Sitaw (cut into 2 inches long) 3 cups Kakang Gata 1 cup lady's Choice Mayonaise 2 tbsp. Bagoong Alamang 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (sliced) 3 tbsp. Cooking oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kaserola, igis...

DAING na BANGUS with MAYO-BAGOONG SAUCE

Image
Dahil sa food blog kong ito, natuto akong mag-experiment sa aking mga niluluto para makapag-bigay naman ako ng kakaiba sa aking mga taga-subaybay.   Minsan kasi nakakasawa na din yug pangkaraniwan nating nilulutong ulam para sa ating mga mahal sa buhay. Kagaya nitong pritong daing na bangus na ito.   Simple lang ito kung tutuusin pero dahil sa sauce sa side na aking ginawa, mas naging espesyal ito at may sumarap ang ordinaryong pritong daing na bangus.   Ang sekreto?  Ang paghahalo ng mga pangkaraniwang sangkap kagaya nitong mayonaise at bagoong alamang.  Masarap talaga.   Try nyo din po. DAING na BANGUS with MAYO-BAGOONG SAUCE Mga Sangkap: 2 pcs. medium size Boneless Bangus (quartered) 1 tbsp. Garlic Powder 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking Oil for Frying For the Sauce: 1 cup lady's Choice Mayonaise 1/2 cup Evaporated Milk 1 tbsp. Bagoong Alamang Paraan ng pagluluto: 1.   I-marinad...

ROASTED PORK BELLY in 5 SPICE POWDER

Image
Mula nung nag-food blog ako, natuto akong mag-research sa net ng iba pang pwedeng iluto bukod sa mga tradisyunal na pagkaing Pilipino na naka-kain natin.   Natuto din akong mag-experiment at gumamit ng mga spices na hindi natin pangkaraniwang nagagamit sa pagluluto. Kagaya nitong 5 spice powder na ito na nabili ko sa supermarket.   Ang 5 spice powder na ito ay pangkaraniwang ginagamit sa Chinese Cuisine.   Pagkaraniwan ang sangkap nito ay star anise, Sichuan pepper corn, cinnamon, fennel seeds at gloves.   Nagkakaiba-iba dijn ang sang nito. Pangkaraniwan ay ginagamit ito sa mga  niro-roast na dishes kagaya nga nitong pork belly na ito.   Masarapa din ito sa roasted chicken o duck.   Pwedeng-pwede talaga ito lalo na sa papalapit nating Noche Buena. ROASTED PORK BELLY in 5 SPICE POWDER Mga Sangkap: 1.5 kilo Pork Belly (piliin yung manipit lang ang taba) 1 head Garlic 1 pc. large Onion (quarterd) 2 pcs. Dried ...