Posts

Showing posts from July, 2011

LETTUCE, EGG & KANI SALAD

Image
Another confort food ang handog ko sa inyong lahat. Actually, tira-tira lang yung mga sangkap na ginamit ko dito at ginawa ko lang salad para naman di masayang. Very simple but delicious dish ang salad na ito. Bale yung paglalaga lang ng itlog ang cooking na ginawa ko dito kaya kahit hindi marunong magluto ay kaya itong gawin. Wag ka, masarap ito lalo na yung dressing na ginamit ko. Hehehehe. Try it. Masarap na healthy pa. LETTUCE, EGG & KANI SALAD Mga Sangkap: Romaine Lettuce cut into bite size pieces 10 pcs. Crab sticks sliced thinly 3 pcs. Hard Boiled Eggs quatered 2 tbsp. Olive oil 1/2 cup Cane Vinegar 2 tbsp. Sugar salt and pepper to taste Paraan ng paggawa: 1. Sa isang bowl pagsama-samahin lamang ang lettuce at hiniwang crab sticks. 2. Sa isang bowl pa din, pagsama-samahin ang olive oil, cane vinegar, paminta, asin at asukal. Haluing mabuti. Tikman at i-adjust ang lasa. 3. Ibuhos ang ginawang dressing sa salad at haluing mabuti. 4. Ilagay sa ibabaw ang hiniwang nilagang itlo

PAKSIW na PATA in TANDUAY ICE

Image
May nabili akong sliced na pata ng baboy nitong isang araw. Isa lang ang balak kong luto sa patang ito at ito ay ang ipaksiw. Gustong-gusto ko ang paksiw na pata lalo na yung malambot na malambot na halos malaglag na sa buto ang laman. Kaso nung lulutuin ko na, wala pala akong suka sa aking cabinet. Ang ginawa ko, may nakita akong Tanduay Ice sa fridge ay yun ang ginamit kong pang-asim sa aking paksiw. Ang kinalabasan? Isang masarap at kakaibang paksiw na pata. Yummy talaga. nandun yung naghahalong asim, tamis at alat sa sauce. Try nyo din. PAKSIW NA PATA in TANDUAY ICE Mga Sangkap: 1 sliced Pork Leg 1 bottle Tanduay Ice 1 head minced Garlic 1 large Red Onion sliced 1 tsp. ground Black Pepper 1/2 cup Soy Sauce 1 tsp. Sesame oil Brown Sugar to taste Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap maliban sa sesame oil at brown sugar. 2. Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang pata. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan. 3. Kung malamb

CHICKEN POTATO SALAD

Image
Ang chicken potato salad ang isa pa na paborito kong pagkain na medyo matagal-tagal na din na hindi ko natitikman. Kaya nung minsan na nabanggit ng asawa kong si Jolly na isa ito sa mga kinain nila sa Red Box sa Makati, nasabi ko na ipagluluto ko siya nito sa birthday niya. A day before her birthday ko ito niluto komo nga sa Bulacan siya magse-celebrate di ba? Alam ko na marami sa atin na alam na alam na ang pagluluto o pag-gawa nitong salad na ito. Syempre may kani-kaniyang paraan tayo kung papaano pa natin ito mapapasarap. Yun siguro ang gusto kong i-share sa inyo. Kung papaano ko ito niluto at pinasarap pa. Bukod pa sa walang mga komplikadong sangkap akong isinama. CHICKEN POTATO SALAD Mga Sangkap: 1 kilo Potato cut into bite size cubes 1 large Carrot cut also into cubes 1/2 kilo Chicken Breast 2 cups Lady's Choice Mayonaise 1 tbsp. Red Onion finely chopped 2 tbsp. Sweet Pickle Relish 1 tsp. Dried Basil Leaves Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, p

FETTUCCINE with CREAMY CHICKEN and VEGETABLE SAUCE

Image
Sa pagluluto ng pasta dishes importante ang sauce na ilalagay. Ofcourse basic na sangkap ang olive oil o butter at cheese. Dito sa Pilipinas, spaghetti na pula ang sauce ang pinaka-common. Mula sa birthday, pasko o anumang espesyal na okasyon, hindi nawawala ang pulang spaghetti. Para hindi naman maging boring ang ating pasta dishes, pwede nating lahukan ito ng iba pang sahog at sauces. Actually marami tayong pwedeng isahog at gawin sa pasta na ito. Kahit nga tinapang isda pwede eh. Kailangan lang natin ng konting imagination para magawa natin ito. Kagaya nitong pasta dish na ito na entry natin for today. Tiningnan ko lang kung ano pa ang available na pwed kong isahog dito at presto may masarap na kaming pasta dish na aming inalmusal. Pwede nyo pala i-check ang marami nating pasta dishes sa archive. FETTUCCINE with CREAMY CHICKEN and VEGETABLES SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Fettuccine Pasta cooked according to package direction 300 grams Ground Chicken 3 cups Mix Vegetables (corn, carro

ASIAN ROASTED CHICKEN LEGS

Image
Komo paborito talaga ng aking mga anak ang roasted chicken, talagang nare-research ako sa net ng mga bagong recipe nito. Pansin nyo din siguro, marami-rami na din ang recipe ko ng roasted chicken. Kagaya nitong entry natin for today. Another roasted chicken recipe. Asian Roasted Chicken Legs ang ipinangalan ko dito komo nga ang mga sangkap na pinang-marinade ko dito ay asian na asian ang dating. Ang isa pa na napansin ko sa recipe kong ito ay yung lambot ng karne na para siyang chicken ng KFC. At juicy na juicy talaga. ASIAN ROASTED CHICKEN LEGS Mga Sangkap: 10 pcs. Chicken Legs 2 tbsp. Curry Powder 3 cups Coconut Cream 1 tsp. Ground Black pepper 2 tbsp. Rock Salt 1/2 cup chopped Lemon grass (white portion only) Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang plastic bag, ilagay ang chicken legs, asin, paminta at curry powder. Lagyan ng kaunting hangin ang loob at isara ang plastic bag. Alug-alugin para ma-coat ng spices ang lahat ng manok. 2. Sunod na ilagay ang chopped lemon grass at coconut cream.

PORK STEAK with LEMON

Image
Isa sa mga top recipe na binu-view sa food blog kong ito ay itong Pork Steak (Bistek na Porkchops). Kahit ako, isa sa mga paborito kong ulam itong pork steak. Gustong-gusto ko kasi yung lasa ng calamansi at toyo sa sauce. May nag-email sa akin kung pwede daw na lemon na lang ilagay niya komo nga daw hindi available sa lugar nila ang calamansi. Pinoy na nasa US ata yung nag-email. Ang sagot ko i-try din niya dahil hindi ko pa rin nasusubukan ang ganun. Kaya nitong nakaraang araw sinubukan kong magluto nga ng pork steak na lemon ang gamit sa halip na calamansi. To my surprise masarap ang kinalabasan ng pork steak ko na ito. Although mas gusto ko pa rin na calamansi ang gamit, winner pa rin ang dish na ito. Subukan nyo din. PORK STEAK with LEMON Mga Sangkap: 1 kilo or 10 pcs. Porkchops 1 pc. Lemon 1/2 cup Soy Sauce 5 cloves minced Garlic 1 large White Onion cut into rings 1 tsp. Worcestershire Sauce 1 tsp. Liquid Seasoning 1 tbsp. Canola oil 1 tsp. Cornstarch Salt and pepper to taste Para

BEEF CALDERETA with COCONUT CREAM

Image
Sa mga luto sa baka ang caldereta ang isa sa mga paborito ko. May ilang caldereta recipes na rin ako sa archive at isa na dun ay ang calderetang Batangas na nagustuhan ko talaga ang lasa. Kagaya ng adobo, marami ding version itong beef caldereta na ito. Depende na rin siguro sa lugar. May caldereta din na ma-sauce at yung iba naman at dry. Para sa akin mas gusto ko yung ma-sauce. Ang sarap kasi nun isama sa mainit na kanin....hehehehe. Kung baga, sauce pa lang ay ulam na. This time, sinimplehan ko ang beef caldereta version ko na ito. At kahit na simple ay hindi din naman simple ang lasa. Yun ay dahil nilagyan ko ito ng gata ng niyog. Ang kinalabasan? Isang dish na sauce pa lang ay ulam na. Hehehehe BEEF CALDERETA with COCONUT CREAM Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket cut into cubes 2 cups Coconut Cream or kakang Gata 1 large Carrot cut into cubes 2 pcs. Red Bell Pepper cut also into cubes 1 large Potato cut also into cubes 2 tbsp. Worcestershire Cause 1/2 cup Soy Sauce 1 pouch or 2 cups

CRISPY PATA to PATA TIM

Image
Akala nyo siguro laging perfect ang mga niluluto ko ano? Hindi naman palagi. May mga palpak din pero nakakain din naman. Hehehehe. Katulad nitong Crispy Pata na ito. May nakita akong magandang pata sa SM supermarket. Maganda kasi malaman siya at maganda ang pagkahiwa. Ang hindi ko na check ay yung kapal ng balat ng karne. Sa balat kasi malalaman mo kung matanda na ang baboy o hindi. Pag makapal, asahan mong inahin o may idad na ang baboy. At hindi ito bahay na gawing crispy pata. So ano ang ginawa ko sa pumalpak na crispy pata? Ginawa kong pata tim. hehehe. Wag ka ha....masarap ang kinalabasan dahil lang sa kaunting trick. hehehehe CRISP PATA to PATA TIM Mga Sangkap: For crisp pata: 1 whole Pork leg 2 pcs. Dried Laurel 1 head Garlic 1 tsp. Pepper corn 3 tbsp. Rock Salt For Pata Tim: 1 cup Oyster Sauce 1/2 cup Sweet Soy Sauce 2 pcs. Star Anis 1 cup+ Brown Sugar 1 tsp. Sesame Oil 1/2 tsp. Ground Black Pepper 1 tsp. Garlic powder 1 tsp. Cornstarch Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola

SHRIMP, TOFU, PORK LIVER & VEGETABLES in OYSTER SAUCE

Image
The last time na nag-grocery ako sa SM sa Makati, may nakita akong fresh na shrimp na headless na. I don't know kung bakit inalisan ng ulo. Sa tingin ko naman okay pa dahil wala naman itong amoy. P400 din ang kilo nito kaya ang ginawa ko 1/2 kilo lang ang binili ko. Stir fry na may kasamang gulay ang naisip kjong gawin sa shrimp na ito. At eto na nga ang finish product na naluto ko. Bukod sa shrimp, nilagyan ko din ito ng tofu o tokwa at yung natira ko pang pork liver sa fridge. For the vegetables, carrots at chicharo lang ang nilagay ko. Di ba di naman masyadong kumakain ng gulay ang mga anak ko? Stir fry na may kaunting sauce ang ginawa kong luto dito. Gusto ko kasi yung may sabaw na konti para ilalagay sa kanin. Gusto din ng mga anak ko ng ganun para hindi dry ang kanin nila. Try it! Ayos na ayos sa lunch man o dinner at madali lang gawin. SHRIMP, TOFU, PORK LIVER & VEGETABLES in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Shrimp (alisin yung ulo at balat. Hiwaan sa may likod ang hi

MY WIFE JOLLY'S BIRTHDAY CELEBRATION in BULACAN

Image
Yesterday, July 17 is my wife Jollys __th birthday. Napili niya na sa bayan namin sa Bocaue siya mag-celebrate nito. Okay lang naman dahil mahilig talaga sa mga kainan ang aking mga kamag-anak. Hehehehe. Hindi naman ako masyado napagod dahil ang aking kapatid na si Ate Mary Ann at Shirley ang nagluto ng mga handa. Konti lang naman ang handa. 9 na putahe lang. Hehehehe. Ang mga ito ay: Inihaw na Liempo, Sugpo na may sprite at butter, Fried Chicken ala Max, Inihaw na Bangus, Pancit Canton, Tofu in Oyster Sauce, Lengua Asado, Laing, Tinolang native na manok at yung stir fried na talbos ng camote with pork bits. Nagustuhan ko ang lahat ng mga handa lalo na yung stir fried na talbos ng camote. Para kasing lasa siyang sisig. At masarap talaga. Dumating ang halos lahat ng aming mga kamag-anak. 11am pa lang ng umaga ay nagsimula na silang nagsidatingan at sinimulan na din ang masaganang pananghalian. Nakakatuwa at masaya ang may birthday. At kita din sa mukha ng aking mga kapamilya ang kasi

PAKSIW na LECHONG KAWALI

Image
Paborito ko ang paksiw na lechon. Lalo na yung may balat na talaga namang it melts in the mouth kapag kinakain mo. Nakakain lang ako nito pag may mga okasyon at may natirang lechon. Well, paksiw lang naman talaga ang kakauwian ng tirang lechon although pwede mo din itong isigang. May kamahalan ang lechon kaya hindi ko ito mailuto sa bahay. Kaya ang ginawa ko lechon kawali ang aking ginamit. Although, duda ako na may matitira kapag nagluto ka ng lechon kawali, hehehehe. Pero for this purpose talagang nagluto muna ako ng lechon kawali at saka ko siya pinaksiw. Sa wakas, natapos din ang craving ko sa paksiw na lechon. Hehehe Itong pala ang recipe na kahit hindi marunong magluto ay magagawa pa din. Hehehehe. Madali lang ito. Try nyo din. PAKSIW NA LECHONG KAWALI Mga Sangkap: 1+ kilo Pork Liempo (piliin yug manipis lang ang taba) 1 small bottle Mang Tomas Sarsa ng Lechon 1 head Minced Garlic 1 large Onion Sliced 1 tsp. Ground Black pepper 1 cup+ Brown Sugar 1/2 cup Vinegar 1/2 cup Soy Sauce

ROASTED LEMON CHICKEN

Image
Marami-rami na din akong roasted chicken recipes sa archive. Hindi ko na alam kung ilan ito. Ofcourse pinaka-paborito ko dito ang aking Antons Chicken na ipinangalan ko sa aking bunsong anak na si Anton. Paborito sa bahay ang roasted chicken. Basta ito ang ulam, asahan mong maganang kumain ang mga bata. Samahan mo pa ng homemade na gravy ay tiyak kong panalo ang kainan. In roasting a chicken, importante ang flavor na i-inject mo sa chicken. Importante na atleat overnight mo ito i-marinade para mas malasa. Ang mga herbs and spices ay importante din para mas lalong maging espensyal ang inyong roasted chicken. Minsan, may nabasa akong recipe ng roasted chicken na napaka-simple at napakadaling tandaan. Alam ko foreigner na taga Europe ata yung may ari ng blog. Ang nakuha ko dun ay yung pagtusok-tusok sa lemon bago ipasok ito sa katawan ng manok. At yun nga nag-burst ang lahat ng flavor ng lemon sa loob ng manok. Ang resulta? Isang malasa at masarap na roasted chicken. Try nyo din. ROASTED

WAKNATOY ng MARIKINA = PORK MENUDO

Image
Oo. Tama kayo. Pork menudo lang ang Waknatoy na ito na entry natin for today. Nakuha ko lang din ang recipe na ito sa isa sa paborito kong food blog ni Ms. Connie Veneracion. Sa Marikina ang origin ng tawag sa dish na ito. Hindi ko alam kung chinese word ba ito o kung ano. Madalas itong inihahanda sa mga espensyal na okasyon sa Marikina. Kagaya ng nasa title, ang dish na ito ay ang mas kilala natin na pork menudo. Ang pagkakaiba lang nito ay nilalagyan ito ng pickle relish para mas sumarap pa. Ang tama nga, mas nag-level up ang ating pork menudo. WAKNATOY ng MARIKINA - PORK MENUDO Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim 1/2 kilo Pork Liver 1 large Carrot 2 pcs. large Potatoes 2 pcs. large Red Bell pepper 1/2 cup Sweet Pickle Relish 1 pouch tomato Sauce 2 tbsp. Worcestershire Sauce 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion chopped 2 pcs. Tomatoes chopped 2 tbsp. Canola oil 1/2 cup Vinegar 1/2 cup Soy Sauce Salt and pepper to taste Note: Hiwain ang karne, atay at mga gulay nang pa-cubes. Dapat magkak

CHICKEN MACARONI SOUP (SOPAS)

Image
Laging maulan. Malamig ang panahon. Ang masarap kainin nito ay yung may mainit na sabaw. Panalo dito ang bulalo o nilagang baka. Pero hindi iyan ang entry ko for today. Isa ding comfort food na ayos na ayos sa ganitong panahon. Chicken Macaroni Soup. Paborito ito ng bunso kong anak na si Anton. Talagang may I request pa siya na ito ang iluto kong breakfast nitong isang araw. May entry na ako sa archive for Macaroni soup. Ang kaibahan nitong entry ko for today ay loaded ito ng laman na hinimay na laman ng manok. Yes. Wala akong ibang isinahog dito kundi manok. Not like yung una ko posting na nilagyan ko pa ng gulay. Dito, manok lang at nilagyan ko din ng star margarine para maging mas malasa ang sabaw. Ito kasi yung nakikita ko sa amin sa Bulacan na ginagawa. At talagang masarap nga. CHICKEN MACARONI SOUP (SOPAS) Mga Sangkap: 300 grams Elbow Macaroni 3/4 kilo Chicken Breast 1 big can Alaska Evap (yung red ang label) 1/2 cup Star Margarine 5 cloves Minced Garlic 1 large White Onion chop

PANCIT CANTON AT BIHON GUISADO

Image
Ito ang isa pa na niluto sa aming salo-salo sa Batangas. Si Beth na balikbayan from Ireland naman ang sponsor nito. Pagdating pa lang namin, nakita ko nang busy siya sa paghihiwa ng mga sahog ng pancit na ito. Kung baga, siya ang namili ng mga pansahog at siya na ang nag-ready nito. Ako lang ang nagluto. Pancit Bihon na may canton ang gusto niya. Pitso at atay ng manok ang mga sahog. Baguio beans, carrots at kinchay naman ang lahok lang na gulay. Ayaw niya maglagay ng repolyo dahil madali da itong mapanis. Masarap naman ang kinalabasan ng aking pancit. Inihain namin ito sa lunch at may natira pa para naman sa snacks. Enjoy naman ang lahat. PANCIT CANTON AT BIHON GUISADO Mga Sangkap: 1/2 kilo Pancit bihon or rice noodles 1/4 kilo Canton or Egg noodles 2 whole Chicken Breast (pakuluan at himayin - itabi yung pinaglagaan) 5 pcs. Atay ng Manok (pakuluan at hiwain ng maliliit - itabi yung pinaglagaan) 1 large Carrots cut into strips 200 grams Baguio beans cut into 1 inch ling 1 cup Chopped

GINATAANG ALIMANGO, SITAW at KALABASA

Image
Ito ang isa sa mga niluto kong handa nung salo-salo namin sa Batangas nung nakaraang Linggo. Si Lita na kapatid ng aking asawa ang sponsor nito. Ako lang ang nagluto. hehehehe. Ito ang isa sa naisipang ihanda komo paborito ito ng aking biyenan. Hiling pa nga na lagyan daw ng kalabasa at sitaw ang alimango para mas sumarap. Nakakatuwa naman at matataba ang mga alimango kahit na mga lalaki ito. Talaga namang puring-puri ang pagkakaluto ko nito dahil siguro sa sarap ng sauce. Kahit nga ang balikbayan na nakabalik na ng Ireland na si Beth ay nag-comment pa sa FB ko at nagpapasalamat sa masarap kong luto. hehehehe. GINATAANG ALIMANGO, SITAW at KALABASA Mga Sangkap: 3 kilos Alimango (alisin ang mga paa at huiwain sa gitna) Gata mula sa dalawang niyog 300 grams Kalabasa cut into cubes 1 tali Sitaw cut into 1 inche long 5 cloves Minced Garlic 1 large White Onion sliced 2 thumb size Ginger sliced 5 pcs. Siling pang-sigang 1/2 cup Butter salt and pepper to taste Paraan ng paglultuo: 1. Sa isan

KARE-KARE

Image
Kapag sinabing Pilipino food hindi mawawala ang kare-kare sa ating mga listahan. Ofcourse ang ating adobo at sinigang ang tiyak na nauuna dito. Pinoy na pinoy ang dating ng kare-kare. Bukod sa mga gulay na sahog nito, panalong-panalo din ang kasama nitong bagoong. Madali lang magluto ng kare-kare. Tambog-tambog lang ng mga sangkap ay okay na. Ang pinaka-importante na dapat nating tandaan sa dish na ito ay yung freshness ng mga gulay at ang masarap na bagoong na gagamitin. Kung hindi kasi masarap ang bagoong, parang walang buhay ang kare-kare nyo. Kare-kare is not kare-kare kung walang bagoong. To be safe, bumili na lang tayo ng mga bottled na bagoong sa supermarket. Mas masarap yung sweet and spicy ang flavor. KARE-KARE Mga Sangkap: 1 kilo Beef face o buntot ng baka (cut into serving pieces) Puso ng saging Sitaw Pechay Tagalog Talong 1 cup Ground Toasted Rice 1 cup Ground Toasted Peanuts or 1 cup peanut butter 1/2 cup Anato oil or Achuete 1 head minced Garlic 1 large Onion sliced salt

BIRTHDAY CELEBRATION of 2 MOMS

Image
Last June 24 ay birthday ng aking biyenan na si Inay Elo. Dapat sana ay may kaunting salo-salo, yun nga lang ay hindi kami nakauwi dahil sa bagyo. Sa kahilingan na din ng matanda na magkaroon ng salo-salo para na din sa pagbalik sa Ireland ng isa pa niyang anak na si Beth, natuloy din ito at naging post and pre celebration para sa kanya at sa aking asawang si Jolly. Kanya-kanyang sagot ang nangyari sa mga pagkaing inihanda. Pancit, dinuguan at cake ang kay Beth, alimango ang kay Lita, kare-kare at kakanin ang kay Azon, tahong at manggang hinog naman ang sa aking asawang si Jolly. Ako ang nagluto ng mga handa maliban lang sa dinuguan. Kahit nakakapagod ay okay lang. Nasiyahan naman ang matanda at nagustuhan namannila ang aking niluto. Kami-kami din lang naman ang bisita. Dumating din naman ang dalawang kapatid ng Inay na sina Tiyo Quito at Tiyo Llaning. Syempre masaya ang lahat. Nakakatuwa nga ang picturan na nangyari. Hehehe Papatalo ba ang mga apo. E di syempre kasama din sila sa pi

CHICKEN 1-2-3

Image
Meron na akong recipe sa archive nitong chicken 1-2-3 na ito. Pero yung una kong version nilagyan ko ng lemon. Masarap naman talaga anag kinalabasan. Yung 1-2-3 sa recipe na ito ay yung proportion ng mga sangkap na pang-marinade. 1 yung sa sugar at vinegar, 2 yung sa rice wine at 3 naman sa soy sauce. Depende na lang ang dami sa dami ng manom na inyong lulutuin. Kayo na ang bahalang mag-adjust. In this version, dinagdagan ko naman ng toasted sesame seeds at sliced white onion. Ito ang ipinabaon ko sa aking mga anak sa school at nagustuhan naman nila. Madali lang ito lutuin. Actually, natutunan ko ito sa isa sa mga paborito kong food blog ang http://homecookingrocks.com/ ni Ms. Connie Veneracion. Try nyo din. Just like me, nagustuhan ko ang dish na ito. CHICKEN 1-2-3 with TOASTED SESAME SEEDS Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Drumstick 1 thumd size Grated Ginger 1/2 cup Brown Sugar 1/2 cup Rice Wine (mirin or shiao xing) 1 cup Vinegar 1 and 1/2 cups Soy sauce 1 tbsp. Toasted Sesame seeds 1 l

CREAMY PORK and MUSHROOM

Image
Another simple and delicious dish ang handog ko para sa inyong lahat. Simple dahil: 1. simple lang ang mga sangkap, 2. simple lang lutuin. Pwede itong ihanda sa mga espesyal na okasyon at tiyak kong magugustuhan ng mga kakain. CREAMY PORK and MUSHROOM Mga Sangkap: 1 kilo Pork (any part cut into serving pieces) 1 big can Whole Button Mushroom (hiwain sa gitna ang mushroom at itabi ang sabaw) 1 tetra brick All Purpose cream 1 cup All Purpose Flour 1/2 cup Butter 5 cloves minced Garlic 1 large White Onion chopped salt and pepper to taste 1 tsp. Maggie magic Sarap Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ang karne ng baboy ng asin at paminta. Hayaan ng mga ilang minuto. 2. Ilagay sa isang plastic bag at ilagay din ang harina. Alug-alugin para ma-coat ng harina ang mga karne. 3. Sa isang non-stick na kawali i-prito ito sa butter hanggang sa pumula lang ng bahagya ang mga siudes nito. 4. Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas. 5. Ibalik sa kawali ang piniritong baboy at ilagay na din ang

SPICY CHICKEN ADOBO with EGG

Image
Ang pinoy na hindi marunong magluto ng adobo ay hindi Pilipino. Bakit naman? Kahit saang lupalop ng Pilipinas ay may version ng pambansang ulam na ito. Hehehehe. Mapa-gulay man o karne, isda man o manok, kahit ano pa yan ay pwedeng i-adobo. Sa pagluluto ng adobo, kanya-kanyang diskarte tayong mag Pilipino. Depende na siguro sa panlasa ng magluluto at kakain ang nagiging timpla nito. Para sa akin, gusto ko yung nag-aagaw ang asim ng suka, alat ng toyo at lasa ng bawang. Nito ko lang nadiskubre na masarap pala yung medyo spicy ito. At ito ang ginawa ko sa version kong ito ng chicken adobo. May konting anghang. Hehehehe. SPICY CHICKEN ADOBO with EGG Mga Sangkap: 1 kilo Chicken (any part..kung alin ang gusto ninyo. Cut into serving pieces) 1 head Minced Garlic 1 cup Vinegar 3/4 cup Soy Sauce 1 tsp. Garlic Powder 1 tsp. Chili Powder (adjust nyo na lang depende sa anghang na gusto nyo) Hard boiled Eggs (depende kung ilan ang gusto ninyo) 1 tsp. Ground Black pepper 1 cup water 2 pcs. Dried la

THREE VEGGIES and HUNGARIAN SAUSAGE PASTA

Image
Ang hirap pakainin ng gulay ang mga bata di ba? Ewan ko ba sa anak kong si James kung bakit hindi ko talaga siya mapakain ng gulay. Hindi naman din niya masabi kung bakit. Kahit nga yung maliliit lang na piraso talagang makikita mong itinitira niya sa plato niya. So, papaano ang gagawin natin sa mga kasong ganito? E di i-hide natin ang gulay sa mga pagkaing lulutuin natin. Kagaya nitong recipe natin for today. Sa halip na tomato sauce ang gamitin ko sa pasta dish na ito. Gulay na carrots, red bell pepper at kamatis ang inilagay ko. Papaano? Sa tulong ng blender. Hehehehe. Actually, nabasa ko rin lang ang ganitong recipe sa isa pang food blog na sinusubaybayan ko. O hindi ba? At ang daming nakain ng anak kong si James. hehehehe THREE VEGGIES and HUNGARIAN SAUSAGE PASTA Mga Sangkap: 500 grams Fettucine Pasta cooked according to package directions 1/2 kilo Kamatis quatered 1 large Carrot cut into cubes 1 large Red Bell Pepper cust also into cubes 3 pcs. Hungarian Sausage 100 grams Bacon