Posts

Showing posts from December, 2011

HAPPY NEW YEAR TO ALL!!!!!

Image
Isang Masaganang Bagong Taon ang aming bati kasama ang buo kong pamilya sa inyong lahat na patuloy na sumusubabay sa food blog kong ito. Dalangin ko ang pagpapala ng Diyos sa ating lahat....nawa ay maging mapayapa, mabunga at puno ng pag-asa ang taong darating. HAPPY NEW YEAR TO ALL!!!!!

NOCHE BUENA 2011 - SAN JOSE, BATANGAS

Image
Hindi naging ganun kasaya ang nakaraan naming pasko. Hiwa-hiwalay kasi kami ng aking pamilya. Na-confine kasi ang panganay kong anak na si Jake dahil sa dengue. December 21 siya na admit. At sa kaarawan naman ng pasko ay nakalabas din siya. Kaya kung mapapansin ninyo, wala ang mag-ina ko sa noche buena namin. Dapat sana kaming mag-ama ang magpapasko sa hospital. Pero naisip ng asawa kong si Jolly sino ang magluluto ng mga pinamili namin. Sa bahay pa naman ng biyenan ko magno-noche buena ang iba pa niyang kapatid at pamangkin. Kaya ayun, ako ang umuwi nga ng Batangas at siya naman ang nag-bantay sa hospital. Maaga pa lang ay nagluto na ako ng mga pagkain na ihahanda namin sa noche buena. Para na rin kako hindi ako magahol komo maaga din ang misa para sa pasko. At sakto naman na natapos ko ang lahat at nag-handa naman kaming mag-aama na sumimba. Marami din ang nag-simba. Halos magkakamag-anak ang laman ng chapel. Maganda ang sermon ng pari. 11:45 o 15 minuto bago mag

CHICKEN PORK ADOBO with a TWIST

Image
Hindi siguro natin kayang bilangin ang dami ng version ng ating paboritong adobo. Depende kung saang lugar, may sarili silang version at pamamaraan ng pagluluto nito. Maging sa sangkap ay nagkakaiba din. May mga nadadagdag at may nababawas din. Basta hindi nawawala ang bawang, suka at paminta. Marami na din akong adobo recipe na nasa archive. This time nilagyan ko ng twist ang aking chicken pork adobo na ito. Dahil sa twist na ginawa ko, naging mas masarap at malasa ang aking adobo. CHICKEN PORK ADOBO with a TWIST Mg Sangkap: 3/4 kilo Pork kasim cut into cubes (mas mainam kung mag kaunting taba para hindi maging dry ang ating adobo) 3/4 kilo Chicken cut into serving pieces 1 head Garlic 1 tsp. Whole Pepper Corn 2 pcs. Dried laurel leaves 1 cup Vinegar 1 cup Soy sauce 1 tbsp. Brown Sugar Paraan ng pagluluto: 1. I-blender ang lahat ng mga sangkap maliban sa manok at baboy ng mga ilang sigundo lang. 2. Ilagay sa isang plastic bag o zip block ang manok, baboy at ang ginawan

PESTO MARINATED ROASTED CHICKEN

Image
Kakatapos lang ng pasko at alam ko marami sa atin ang bagong taon naman ang ating pinaghahandaan. Syempre gusto natin masagana at maraming pagkain ang ating hapag sa media noche para mabiyaya ang unang araw pa lang ng taon. Bukod sa mga bilog-bilog na prutas na atin inihahanda, very particular din tayo sa mga pagkain. Kung baga may mga kahulugan. Katulad na lang ng mga pagkain na gawa sa malagkit. para daw stick together ang buong pamilya. Pancit o mga noodles naman daw para pampahaba ng buhay. Marami din ang hindi naghahanda ng manok sa media noche komo daw isang kahig isang tuka lang ito. Para sa akin, wala sa mga pampaswerteng ito ang ating hinaharap. Nasa sa atin iyun. Kung marami nga tayong pampaswerte at hindi naman tayo gumagawa at naghihintay lang tayo ng biyaya, papaano papasok sa atin ang grasya ng Diyos. Kaya narito ang another version ko ng roasted chicken na pwede nyong ihanda sa media noche. This time minarinade ko ito sa pesto sauce ng mga 2 araw para lu

MEGAWORLD 2011 CHRISTMAS PARTY @ Resort World Manila

Image
Last December 20, 2011, our company Megaworld Corporation celebrated our annual Christmas Party with the theme "Yuletide and Symphonies". It was held at the Newport theatre of the Performing Arts at the Resort World Manila in Pasay City. Maaga pa lang ay naka-pila na kami ng aking mga kaopisina for registration sa lobby ng theatre. Lahat ay mga naka-ayos in semi-formal attire ar ready na to party. Inumpisahan ang programa ng isang panalangin at sinundan ng ilang piling sayaw mula sa beneficiaries ng Megaworld foundation. Syempre, naroon din ang aming Chairman na nagbigay ng kanyang mensahe. Naganyaya din siya ng 1 minutong katahimikan para sa mga nasanlanta ng bagyong Sendong. Nagbigay din siya ng 5 million para sa mga biktima. Syempre, sinamantala din namin ang pagkakataon para magpa-picture sa aming chairman. Hehehehehe. May mga cultural performances din na ipinalabas kabilang dito ang benificiaries ng company. Sumayaw sila ng tinikling at iba pa. May mga pilin

THE GREATEST LOVE OF ALL - God gave His Son for Us

Image
Wala nang hihigit pa sa pag-ibig ng Diyos sa atin. Maging ang sarili niyang anak ang bugtong nNiyang anak ay ibinigay niya upang tayo lamang ay maligtas at magkaroon ng buhay na walang hanggan. Yan ang unang pasko. Kung kailan sumilang sa atin ang manunubos na si Hesus. Huwag sana nating kakalimutan na Siya ang bida sa araw na ito. Papurihan natin siya at dakilain. MALIGAYANG PASKO sa LAHAT!!!!

MALIGAYANG PASKO sa INYONG LAHAT!!!!

Image
Sa pangalan mo ng aking buong pamilya, sina Jolly, Jake, James, Anton at Ako ay bumabati sa inyong ng isang Maligayang Pasko. Dalangin ko sa Hesus na isinilang sa Belen na sana ay pagpalain tayong lahat sa ating mga pamilya, sa ating mga hanapbuhay lalo na sa ating mga mahal sa buhay. Bigyan nawa niya tayo ng malulusog na pangangatawan at ng mga biyaya na kailangan natin sa araw-araw. Patibayin nawa niya ang ating mga sarili sa mga problema at pagsubok na ating nararanasan, ang magkaroon sana ng kalutasan ang mga ito. Ang pagpapala ng Diyos ay suma-atin nawa sa araw na ito at sa darating ng Bagong Taon. "MALIGAYANG PASKO sa inyong Lahat".

MANGO GELATIN

Image
Sa mga probinsya kagaya sa amin sa Bulacan kapag ganitong magpa-pasko o bagong taon, kahit mahirap ang buhay iniraraos pa rin namin na makapag-handa kahit papaano ng mga masasarap na pagkain. Kung baga kung ano ang kaya ng budget ay yun na lang basta may mapagsaluhan. Ang importante ay sama-sama ang buong pamilya. Tanda ko noon, gumagawa ng gelatin ang aking Inang para dessert. Yun bang gulaman na kulay pula tapos hahaluan lang ng gatas tapos nilalagyan din ng pasas. Nagiging kulay pink na ito at kaaya-aya na sa hapag kainan. Mura lang ang magagastos kapag nagluto ng ganito. Yun ang naalala ko nung ginawa ko ang mango gelatin na ito. But this time, nilagyan ko ng flavor ng mangga. At para mas maganda at katakam-takam sa paningin, nilagyan ko pa ng sliced na mangga sa bottom ng hulmahan para pag itinaob na sa plato ay mayroong konting design. Madali lang gawin ito. Pwede din nating ihanda ito sa ating noche buena o media noche. MANGO GELATIN Mga Sangkap: 4 pcs. Hinog na M

CELEBRATING CHRISTMAS @ TAGAYTAY HIGHLANDS

Image
Maligayang Pasko sa inyong lahat!!!! Hindi katulad ng pangkaraniwang Christmas party na ginagawa natin sa ating mga pinapasukan, kami ng aking mga kaopisina ay nag-celebrate ng aming party sa Tagaytay Highlands. Sa tulong na din ng aming officemate na si Darwin, pinili naming dito mag-celebrate para naman maiba at ma-enjoy na din ang magandang lugar ng Tagaytay Highlands. Pang-tatlong beses ko nang mapunta sa lugar na ito. At talaga namang na-enjoy ko ang aking bawat pagbisita. (Nasa larawan sa taas pala ang aking mga staff: Standing at the back from left: Inigo, Paulo, Lerie, Ian, Richard at Edward. Nakaupo naman from left: Darwin, ako and Norbert.) This time hindi maganda ang panahon ng kami ay pumunta. Paparating kasi ang bagyong Sendong nung araw na yun. Kaya naman kung mapapansin ninyo napaka-kapal ng ulap na tumatakip sa lugar at bukod pa sa ulan. Ang nakakatuwa, maulan nung pamunta kami sa lugar pero nung nandoon na kami at pinagbigyan kami at hindi nga umulan.

SHANGHAI BISTRO @ PASEO CENTER Makati

Image
Dahil sa gift check na bigay sa akin ng kumpanyang pinapasukan ko ang Megaworld Corporation, nagkaroon ulit kami ng pagkakataon ng aking pamilya na makapag-dinner sa Shanghai Bistro sa Paseo Center sa Makati. Ang Shanghai Bistro ay isang Chinese restaurant na nagse-serve ng mga authentic na chinese dishes na nagmula pa sa Shanghai China. Ang pagka-alam ko, galing pa mismo ng China ang kanilang mga Chef at talagang authentic ang mga dishes na sine-serve nila dito. Ilang beses na din ako naka-kain dito. At bawat pag-bisita ko ay talaga namang satisfy ako sa aking mga nakain. Una naming in-order ay itong Pork and Shrimp Siu Mai. P105 ang per order nito (medyo may kamahalan). Apat na order ang aking kinuha komo paborito ito ng aking mga anak at asawa. Ang larawan sa itaas ay Suckling Pig Combination. Mayroon itong slices ng pork, beef, century egg, seaweeds and ofcourse yung suckling pig nga. Masarap ito. Lahat nagustuhan ko. Next ay itong Beef Brocolli. Sabi ng nag-serve

CHICKEN CONGEE with EGG - Chinese Style

Image
Sa may MRT Station sa Cubao, may bagong bukas na chinese fastfood na nag-se-serve ng mga dimsum, noddles, congee at iba pa. May malaki pa nga silang banner sa may hagdanan ng MRT na nakikita ko palagi tuwing umuuwi ako galing sa opisina. Hindi ko pa na-try na kumain dito siguro one of this day. Pero ang nasa isip ko tuwing nakikita ko ang mga litrato ng mga food nila ay napapa-isip ako na magluto din nito. At isa na nga dito ang Congee o lugaw sa ating mga Pilipino. Nung minsang kumain ako ng congee sa isang sikat na chinese fastfood chain dito sa Pilipinas, hindi ko talaga nagustuhan ang lasa. Wala naman talagang lasa at bale yung mga sauce at toppings lang ang nagpapalasa dito. Since then hindi na ako umulit na umorder ng congee sa fastfood chain na yun. Mas gusto ko pa rin yung lugaw natin na malasa ang sabaw dahil sa pinakuluang mga buto-buto ng baboy at yung lasa ng luya sa arroz caldo. Yun pinoy na lasa pa rin ang ginawa kong luto sa congee ko na ito. Ginawa ko na l

CRISPY PORK ADOBO FLAKES with GREEN MANGO STRIPS

Image
Noon ko pa gustong i-try gawin at lutuin itong entry ko for today. Ang Crispy Pork Adobo Flakes. Marami na rin kasi akong nabasa na magandang review sa dish na ito. Pwede ding chicken ang gamitin pero komo pork ang available sa fridge ko nang maisipan kong gawin ito, yun na lang ang ginamit ko. Ang maganda sa dish na ito, pwede itong gawing appetizer, pulutan at kahit pang-ulam. Sinamahan ko din ng green mango strips at talaga namang mas lalong sumarap ang adobo flakes na ito. Naghahalo kasi yung alat ng adobo at asim ng mangga. The best para sa akin ito. CRISPY PORK ADOBO FLAKES with GREEN MANGO STRIPS Mga Sangkap: 1 kilo whole Pork Kasim or Pigue 1 cup Vinegar 1 cup Soy Sauce 1 head minced Garlic 1 tsp. ground Black pepper 2 pcs. Dried laurel Leaves 1 tsp. Brown Sugar 1 tsp. Cornstarch 1 pc. Green Mango (cut into strips) Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola ilagay ang lahat ng sangkap maliban sa green mango at cornstarch. Pakuluan hanggang sa lumambot ang karne.