Posts

Showing posts from March, 2012

STUFFED RED BELL PEPPER with GROUND CHICKEN and BACON

Image
Napaka-mahal ng presyo ng red, green or yellow bell pepper sa mga supermarket o kahit na sa mga palengke. Unless sa Baguio ka siguro mismo bibili. Pero nitong naraang pag-go-grocery naminsa SM Supermarket sa Makati, nag-sale ang red bell pepper. Imagine, 4 large red bell pepper for P25? Bumili agad ako ng 2 pack so bale 8 pcs. yun at ia lang ang nasa isip ko na gawing luto. Ito ngang stuffed red bell pepper. Naghanap muna ako ng recipe na pwedeng gayahin sa net pero ang mga nakita ko ay yung may rice na kasama. So I decided na lang to make my own version. At eto na ngang stuffed red bell pepper with ground chicken and bacon ang nagawa ko. Ito ang binaon ng mga anak ko sa school, ng aking asawa at ako na rin. At dahil nagustuhan talaga nila ang niluto kong ito, puro papuri ang ang natanggap mula sa kanila. Kahit nung pinost ko ang pict nito sa akibng FB account, puro positive feedback ang aking natanggap. Tintanong nga nila kung kailan ko ipo-post ang recipe. Sa la...

TORTANG TALONG

Image
Ilang beses na akong bumili ng talong at balak ko talagang magluto ng tortang talong pero di matuloy-tuloy sa di ko maisip na dahilan. Ang nangyayari, nauuwi sa lang ito sa prito o kaya naman ay panglahok sa pinakbet. Paborito ko talaga ang tortang talong, yun lang kahit simple lang itong lutuin, mabusisis naman dahil kailangan mo pang i-ihaw ito. May nag-tanong nga sa akin kung pwede daw bang i-oven yung tanong. Pwede naman ata kaya lang nag-da-dry yung laman ng talong. Not like kung iihaw mo, juicy pa rin at lasa mo talaga yung smokey taste ng talong. Kaya naman nitong isang araw ay napawi na din ang pagke-crave ko sa tortang talong. Sarap na sarap talaga ako sa kain ko kaya ayun sira na naman ang diet ko. Hehehe TORTANG TALONG Mga Sangkap: 6 pcs. medium to large Talong 2 pcs. Eggs 1 cup All Purpose Flour 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. I-ihaw ang talong sa baga o kaya naman ay sa regular na cooking stove....

BUFFALO CHICKEN FILLET

Image
Mahilig ba kayo sa Buffalo Chicken Wings? Ito ang para sa inyo. Yun ang naisip kong gawing luto sa chicken thigh fillet na nabili nung last na groceries namin. (Remember? Di kami nawawalan ng chicken breast or thigh fillet? hehehe) Pwedeng-pwede itong pang-ulam o kaya naman ay pang-pulutan. O ayan, yung m,ga nanghihingi sa akin ng recipe na pwedeng pam-pulutan, eto na ang hinihintay nyo. hehehehe. Actually, madali lang itong lutuin. Nag-prito ka lang ng manok at nilagyan mo ng spicy sauce. Pag yung chicken lang kasi ang kakainin mo, wala siyang lasa. As in matabang. Pero pag nilagyan mo na ng spicy sauce na ito, ayun sasarap na at magkakalasa. Hindi ako masyadong nagluluto ng mga dish na medyo spicy. Hindi kasi nakakain ito ng mga bata. Kung mild lang ay okay. BUFFALO CHICKEN FILLET Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh Fillet 1 cup All Purpose Flour 1 cup Cornstarch 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste cooking for frying For the sauce: 1/2 cup Butter...

LINGUINE PASTA with CHICKEN and CREAM SAUCE

Image
Paborito ng mga anak ko ang pasta. kahit anong klase ng pasta. Yun lang nagkaka-iba-iba sila sa sauce na inilalagay dito. Ang panganay kong anak na si Jake yung pesto ang gusto. Ang pangalawa kong anak na si James naman ay red sauce. Samantalang ang bunso ko naman na si Anton ay white ang gusto. But ofcourse kung ano naman ang nasa hapag ay okay lang sa kanila. Kaya naman pinipilit ko na kahit once a week ay makapagluto ako ng pasta dish para sa kanila. Kagaya nitong breakfast namin nitong nakaraang Sabado, komo nga lagi akong may chicken fillet sa fridge, chicken and cream ang inilagay kong sauce sa linguine pasta na niluto ko. Para din lang siyang carbonara or pasta with white sauce. Yummy ito. Kaya nga tuwang-tuwa na naman ang bunso ko at ipinakita pa ang tiyan niya sa dami ng nakain. Hehehehe LINGUINE PASTA with CHICKEN and CREAM SAUCE Mga Sangkap: 5oo grams Linguine Pasta (cooked according to package direction) 300 grams Chicken Breast or Thigh fillet skin on...

BRAISED CHICKEN FILLET in HOISIN & BARBEQUE SAUCE

Image
Hindi ako nawawalan ng chicken thigh or breast fillet sa fridge. Madali kasi itong lutuin kumpara sa karne ng baboy at baka. Lalo na sa kagaya ko na nagluluto pa para sa pamilya after ng maghapong trabaho, madali ito para sa akin. Pero kung karne halimbawa naman ang ulam, pinalalambot ko muna ito sa umaga at saka ko rerekaduhan sa gabi. Also, kung mapapansin nyo, madalas ay braising ang pamamaraan ng pagluluto na ginagamit ko. Madali lang kasi itong gawin at very minimal ang sangkap na ginagamit. Ayos na ayos sa mga working mommy at daddy na kagaya ko. hehehehe BRAISED CHICKEN FILLET in HOISIN & BARBEQUE SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken thigh Fillet (cut into serving pieces) 2 Tbsp. Hoisin Sauce 1/2 cup Barbeque Sauce 1 thumb size Ginger finely chipped 5 cloves minced Garlic 1 large Onion chopped 1 tsp. Cornstarch 2 tbsp. Brown Sugar Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ng asin at paminta ang hiniwang chicken thigh fillet. Hayaan ng ilang sa...

CHOCO-LYCHEE GELATIN

Image
Nakuha ko ang recipe ng dessert na ito sa isa pang food blog na binibisita ko ang www.pinoyrecipe.net. Dapat sana nung 2011 Noche Buena namin sa Batangas ko ito gagawin. Kaso di ba nga na-dengue at na-ospital ang panganay kong si Jake? I think month of February this year nung subukan kong gawin ito dessert na ito. Nakakahiya mang sabihin hindi naging succesful ang aking unang attempt. Mali kasi yung nabili kong choco gelatin. For pudding ang ang aking nabili at hindi nabuo ng ayos ang choco flavor. Ang nangyari, buo yung white part na gelatin at parang chocolate syrup naman yung choco flavor. Although masarap naman at nakain naman namin yung finish product pero huindi yun ang gusto kong kalabasan. Until last week na ginawa ko ulit itong dessert na ito for the second time. At sa pagkakataong ito ay nagtagumpay na ako. Buo ang dalawang layer ng gelatin at masarap ang kinalabasan. I think the lesson lang na natutunan ko dito ay yung paggamit sa tamang sangkap at pagsunod...

ROASTED HONEY-LEMON CHICKEN WINGS

Image
Remember yung nabiling kong 1 kilo na fresh lemon the last time na nag-Baguio kami? Meron pang ilan na natitira sa fridge at naisip ko naman na sayang kung masisira lang at matatapon. May mga 10 pcs. na Chicken Wings sa freezer at hindi ko maisip kung anong luto ang gagawin ko. Naalala ko itong 2 piraso pa ng lemon at naisip ko na i-roast na lang ito sa turbo broiler with pure honey bee. Kaya lang, naisip ko na baka maging problema ang honey sa marinade. Madali kasi itong masunog at baka maitim na ang balat ng wings e hilaw pa ang loob. Ang ginawa ko, binalot ko muna ng aluminum foil ang mga chicken wings in the 1st 30 minutes ng paglululuto at in-open ko para pumula na ang balat in the last minutes of cooking. At hindi ako nagkamali. Masarap at juicy ang kinalabasan ng roasted chicken wings ko na ito. Try nyo din. ROASTED HONEY-LEMON CHICKEN WINGS Mga Sangkap: 10 pcs. Chicken Wings 1 pc. Lemon (kunin yung katas at 1 tsp. na zest) 2 tbsp. Pure Honey Bee 1/2 cup melted Butter S...

PORK CALDERETA with FRESH ORANGE JUICE

Image
Na-try nyo na ba na mag-luto ng caldereta na may orange juice? Well eto na. Hehehe. Nadinig ko lang ito sa aking kaibigan na si Alfred. Nung minsang nagkatanungan kung ano ang ulam that particular day. Sabi nga niya pork caldereta nga daw na nilagyan niya ng fresh orange juice. At in-assure niya na masarap daw talaga. Si ako naman ay na-curious kung ano nga ang kakalabasan ng caldereta na nilagyan ng orange juice? Basta ang natatandaan ko lang sa sinabi ni Alfred ay nilagyan nga niya ng orange juice, tomato sauce at liver spread. At yun nga ang ginawa ko, and to my surprise, masarap nga ang kinalabasan. Lasa mo yung asim at tamis ng orange at nagkaroon talaga ng kakaibang lasa ang nakasanayan na nating masarap na caldereta. PORK CALDERETA with FRESH ORANGE JUICE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes or serving pieces) 2 pcs. Fresh Orange (get the juice and 1 tsp. orange zest) 1 small can Reno Liver spread 1 tetra pack Tomato Sauce 1 tsp. Chili-Garlic S...

SPEAKING with DE LA SALLE UNIVERSITY WRITERS GUILD

Image
Last March 3, 2012, naimbitahan ako ng mga estudyante ng De La Salle University Manila Writers Guild na maging speaker nila sa kanilang "Nomnomnom: The Food Blogging Seminar". Actually, medyo late na nga yung notice at medyo nagdalawang isip pa ako kung magye-yes ako o hindi. Bukod kasi sa late na yung notice, di pa naibigay agad nung organizer yung details ng talk na gagawin ko. So ang nangyari, 3 days lang ako nakapag-prepare ng aking presentation. Dalawa kaming speaker sa seminar na yun. Dapat sana 2nd akong magsasalita. Pero nakiusap akong kung pwede ay ako na ang mauna dahil kailangan kong maka-uwi ng maaga at kailangan kong ma-review ang dalawa kong anak na magpa-final exams. Salamat kay Ms. Justine (nakalimutan ko yung surname niya...hehehe) at pumayag siya. Nahihiya nga ako at napahaba ang aking time komo wala pa yung iba na a-attend at hindi pa naka-set-up yung projector. About this blog ang topic ng aking talk. Kung papaano ito nagsimula, papaano...

MAC and CHEESE with TOASTED GARLIC BITS

Image
Mahal na mahal ko ang aking mga anak na sina Jake, James at Anton. Kaya naman kung may hinihiling sila at kaya ko naman ibigay ay ibinibigay ko. Ofcourse, not to the point na nai-spoiled na sila. Ang gawi ko kasi basta may ginawa silang good deeds nire-reward-an ko sila. Lalo na kung pagkain lang ang hinihiling nila sa akin. Kung sa house madali lang. Ang mahirap kapag sa labas kami kumakain. Iba-iba ang gusto nila. Hahahaha. Ang nagyayari, kung sino ang majority ay yun ang nasusunod. At eto na nga, humiling ang bunso kong anak na si Anton ng gusto daw niya ng mac and cheese for breakfast. Naalala kasi niya yung mac and cheese nung kumain kami sa labas after ng kanyang first communion. Kaya ayun, pinagbigyan ko naman ang bata. Tutal naman kako ay mahirap pakainin ang isang ito. hehehe MAC AND CHEESE with TOASTED GARLIC BITS Mga Sangkap: 500 grams Elbow macaroni pasta (cooked according to package direction) 1 tetra brick All Purpose Cream 1 small can Alaska Evap (...

PINAKBET OVERLOAD

Image
Nabanggit ko sa previous post ko ang kahirapan sa pagpapakain ng gulay sa mga bagets nating mga anak. Kaya naman ang ginagawa ko na lang ay ang ihalo ito sa karne o isda para kahit papaano ay makakain din sila kahit konti. Kagaya nitong pinakbet na niluto ko nitong isang araw, sa halip na bagoong lang ang aking inilahok na pampalasa, nilagyan ko pa ito ng hipon at lechong kawali na mga natira sa mga dati naming ulam. (Yun ay kung may matitira pa ha...hehehe). Ang kinalabasan, pinakbet overload. Bakit naman? e parang mas marami pa yung sahog na hipon at lechon kawali kesa sa gulay. hehehehe. Pero wag ka, masarap at nagustuhan ng mga anak ko ang pinakbet na ito. Yun lang, natira talaga ang ampalaya sa kanilang mga plato. hehehehe PINAKBET OVERLOAD Mga Sangkap: 250 grams Lechon Kawali cut into cubes 250 grams Hipon 2 tbsp. Bagoong Alamang Kalabasa Sitaw Talong Okra Amplaya Kangkong 5 cloves minced Garlic 1 large Onion sliced 2 pcs. Tomatoes sliced 1 tsp. Brown Sugar Sal...

BRAISED CHICKEN in HONEY-PINEAPPLE SAUCE

Image
Ang pagbe-braise ay isang pamamaraan ng pagluluto kung saan ang karne ay pinipirito lang ng bahagya ang magkabilang side at saka niluluto sa kaunting sauce o sabaw sa mahinag apoy hanggang sa maluto ng husto. Madalas ay ginagawa ito sa mga karne na matagal palambutin kagaya ng karne ng baka. Madalas ko ding gawing ang pagbe-braise kahit sa pork o chicken. Madali kasi itong gawin at simple lang ang mga sangkap. Ang pinaka-key lang talaga dito ay yung flavor na ilalagay mo sa pagbe-braise. Pwede kang gumamit ng mga herbs and spices o kaya naman ay fruits. Pwede din ang alaj kagaya ng red wine o kahit na beer. Sa entry ko na ito for today ay yung pineapple juice ang ginamit ko at sinamahan ko na din ng pineapple tidbits. Mas mainam na ibabad ng overnight ang manok sa pineapple juice bago ito i-braise kinabukasan. Sa pamamagitan nito, mas nanunuot ang flavor ng pineapple sa loob at labas ng manok. Para din itong pininyahang manok. Yun lang, nilagyan ko pa ito ng pure honey b...

SIU MAI, MISUA at PATOLA SOUP

Image
Binigyan ako ng dalawang pack (12pcs/pack) na siu mai ng kapitbahay kong si JR. Dalawa lang ang naisip kong gawin dito at ito ay yung i-steam lang siya at ang isa naman ay gamiting kong sahog sa misua at patola soup. Remember yung post ko? Pero pork bola-bola naman ang isinahog ko doon. Simpleng-simple lang ang soup dish na ito. Ang importante dito ay ang sabaw na gagamitin. Pinakuluang buto-buto ng baboy o manok ang the best dito. Kung wala naman o nagmamadali, pwede din yung canned soup or yung instant knorr cubes. Mainam din na sariwa yung patola na gagamitin para maging manamis-namis yung sabaw na kakalabasan. Ayos na ayos ito na soup at main course na din komo nga malalaki at ulam na ulam na ang siu mai na sahog. Pwede nyo ding lagyan ng nilagang itlog ng pugo para mas maging extra special. Try it! SIU MAI, MISUA aT PATOLA SOUP Mga Sangkap: 20 - 24 pcs. Pork Siu Mai o Siomai (may nabibili nito sa frozen section ng mga supermarket) 10 cups Pork or Chicken Broth (or...

ENSELADANG TALONG, MANGGA at BAGOONG

Image
Na-try nyo na ba ang ganitong enselada? Oo, mayroon talagang enseladang mangga na may sibuyas at kamatis. Mayroon ding talong na hinaluan din ng sibuyas at kamatis at itlog na maalat. Pero itong inihaw na talong na nilagyan ng sibuyas, kamatis, at bagoong alamang...masarap kaya? Masarap! Yun ang maganda sa enseladang ito. Ibat-ibang flavor at texture sa bibig habang kinakain. Ayos na ayos ito na side dish sa mga inihaw kagaya ng isda, liempo o manok man. tiyak kong mas lalo kayong gaganahan kapag may side dish kayo na ganito. Ito pala ang side dish nung nag-ihaw ako ng tilapia na may palamang kamatis, sibuyas at bagoong alamang. Panalo! sira na naman ang diet ko. hehehehe ENSELADANG TALONG, MANGGA at BAGOONG Mga Sangkap: 3 pcs. Talong 1 pc. Manggang Hilaw cut into strips 3 pcs. Kamatis sliced 1 pc. Sibuyas sliced 1/2 cup Bagoong Alamang (sweet or spicy flavor) 2 tbsp. Olive oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. I-ihaw ang talong, balatan at hiwain s...

PORK ASADO with STIR FRIED KANGKONG

Image
Mahirap talagang pakainin ng gulay ang mga bata. Madalas pwersahan na ang ginagamit natin para lang sila mapakain. Sa tatlong kong anak, ang pangalawa kong anak na si James ang talaga namang napakahirap pakainin ng gulay. Para ma-please lang ako, kakain din siya kahit katiting lang. Kaya ang ginagawa ko, hanggat maaari ay inihahalo ko na lang ang gulay sa lahat ng klase ng ulam na aking niluluto. Nagiging extender na rin at pang-garnish para lalong maging mas katakam-takam ang ating mga ulam. Kagaya nitong pork asado na niluto ko nitong isang araw. Ginawan ko pa siya ng stir fried na kangkong at ginawa kong base sa pork asado. Tingnan nyo naman ang pict ng kinalabasan. Naging mas katakam-takam at nakadagdag pa sa aming ulam ang gulay. At huwag ka, kumain nito ang aking anak na si James. hehehehe PORK ASADO with STIR FRIED KANGKONG Mga Sangkap: 1.5 kilo Pork Kasim or Pigue (pahiwa ng pahaba) 2 cups Pineapple Juice 2 pcs. Star Anise 1 head Garlic 1 large Onion sliced 1/2...

CRISPY PORK BINAGOONGAN

Image
Sino ang hindi gaganahang kumain sa crispy pork binagoongan na ito? Hehehehe. Ewan ko na lang. Although, may mga taong may alergy sa bagoong pwede mo naman huwag isama yung bagoong sauce at yung crispy liempo, manga at talong na lang ang kaninin mo. Hehehe. Nakuha ko ang idea sa lutong ito sa isang restaurant dito sa Makati na nabasa ko naman sa isang discount voucher site. Alam nyo yun? Yung nago-offer ng gift check na 50% off? Ang ganda kasi nung picture dun sa site at talaga namang katakam-takam. Mapapabili ka talag ng offer nila dahil bukod sa 50% na discount ay nakaka-inganyo talaga ng mga picture. Ang pagkakaiba lang ng version na ito ng binagoongan sa alam nating luto ay yung paghiwa-hiwalay ng mga sangkap at yung pag-prito sa pork at talong. But still nga, bingoongan pa rin ito. Try nyo.... Mapapalakas panigurado ko ang kanin ninyo. hehehe CRISPY PORK BINAGOONGAN Mga Sangkap: 1.5 kilo Pork Liempo (piliin yung medyo manipis lang ang layer ng taba) 3 pcs. Tal...

INIHAW NA TILAPIA with a TWIST

Image
Pasensya na kung hindi kagandahan ang kuha ng pict na entry ko for today. Nang maalala ko kasi na kuhanan ay nilalantakan na ito ng aking mga anak. Buti na lang at may natira pa kahit papaano. Hehehehe. Alam kong pangkaraniwan na luto na ginagawa sa tilapia ang pag-ihaw. Lalo na kung sariwa o buhay pa ang tilapia, inihaw ang the best na gawing luto dito. Lalagyan mo lang ng kaunting asin, kamatis at sibuyas sa pinaka-tiyan nito ay tiyak na napakasarap na ulam ang inyong kakainin. Pero mainam di pala na mag-eksperimento tayo ng mga ipalalaman sa mga inihaw na kagaya nito. Kagaya nung inihaw na bangus ko na nilagyan ko pa ng itlog na maalat. Dun ko naisip na gawin din yun sa tilapia na ito na ulam namin nitong nakaraang araw. Sa halip na itlog na maalat, ginisang bagoong naman ang inilagay ko. Naisip ko lang na di ba masarap yung pinaghalong kamatis, sibuyas at bagoong alamang? At tama nga, masarap at naging kakaiba ang inihaw na tilapia kong ito. INIHAW NA TILAPIA with ...

GOTO (Beef Tripe)

Image
Ang goto ay isang popular na meryenda sa ating mga Pilipino. Yung iba kagaya namin ginagawa din itong pang-almusal sa umaga. Lugaw ito na may laman na lamang loob ng baboy o baka. Hindi ko alam kung alam na ng iba na iba-iba ang ginagamit na lamang loob sa pagluluto ng goto. Yung iba, tokong o bituka ng baboy ang ginagamit. Yung iba naman ay yung tuwalya ng baka (tripe). Yun lang mas matagal itong palambutin. Sa bayan ng aking asawa sa Batangas, iba ang goto nila doon. Ang goto nila doon ay walang lugaw o nilagang kanin. Ang goto nila doon ay puro laman lang na tuwalya ng baka at sabaw. Pero wag ka, gustong-gusto nila ito. I hope one of this day ay makapagluto din ako ng Goto na Batangas version. hehehe GOTO (Beef Tripe) Mga Sangkap: 1/2 kilo Beef Tripe (cut into about 1 inch long) 1 cup Malagkit na bigas 1 cup Ordinary na Bigas 2 heads Minced Garlic 3 thumb size Ginger sliced 1 large Onion sliced 5 pcs. Hard Boiled Eggs Onion leave to garnish 1 tsp. Maggie magic Sara...

GINATAANG MANOK, KALABASA at MALUNGAY

Image
Gustong-gusto ko ang mga lutuing may gata. Hindi naman ako Bicolano pero nasasarapan talaga ako sa lasa nito kagaya sa mga ulam katulad ng Chicken curry, adobo sa gata o kahit na ginataang gulay lang. Napapasarap kasi ng gata ang lasa ng kahit anong ulam. Lagyan mo pa ng konting anghang, sigurado akong mapapadami ang kain mo at ubos panigurado ang inyong kanin. hehehe Nitong nakaraang araw, as usual nagmamadali na naman akong maka-prepare ng aming dinner. Kapag ganitong nagmamadali ako, tatlo lang ang pwedeng gawin. Bumili ng luto, magluto o magbukas ng de lata, o kaya naman ay manok ang lutuin. Yung huli ang aking ginawa. Bumili ako ng manok sa palengkeng aking nadaraanan mula sa opisina. Bago pa lang ay alam ko na ang aking lulutuin. May kalabasa pa kasi ako sa fridge na dapat sana ay gagawin kong okoy at malunggay na binili pa ng asawa kong si Jolly sa talipapa malapit sa amin. At yun nga, ginataang manok na may kalabasa at malunggay ang kinalabasan. Masarap, ma...

PORK BURGER with MUSHROOM SAUCE

Image
I love burgers. Kahit sa sandwich o pang-ulam man, panalo para sa akin ang pagkaing ito. Maging ang bunso kong anak na si Anton, isang cheese burger lang para sa kanya ay isang meal na. Yun lang kung yung ready to cook na burger patties na available sa mga supermarket ang gagamitin mo, parang bitin at medyo may kanipisan ang laki nito. Alam nyo yun? Yung ulam burger? Hehehehe Kaya para sa akin, mas mainam pa na gumawa ka na lang ng sarili mong recipe na naayon pa sa iyong panlasa at nais na laki ng patties. Sure ka pa na malinis ito talaga at alam mo kung ang ang mga nakahalo dito. Try nyo ito. Masarap, juicy at talaga namang busog ka sa sarap. Hehehe PORK BURGER with MUSHROOM SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Ground Pork (mainam yung may taba ng konti) 3 tbsp. Worcestershire sauce 2 tbsp. Sweet Pickle Relish 1 large White Onion chopped 5 cloves Minced Garlic 1 tsp. Ground Black Pepper 2 pcs. Egg beaten 2 tbsp. Soy Sauce 2 tbsp. Oyster Sauce 1 cup Cornstarch 1 tsp. Brown Sugar Sa...

TUNA FILLET with CHEESY PIMIENTO SAUCE

Image
Niluto ko ang dish na ito nitong nakaraang Ash Wednesday (February 22, 2012). Alam nating lahat lalo na tayong mga Katoliko na ang ash Wednesday ay ang simula ng mga Mahal na Araw o Holy Week. Sa mga araw na ito ay gumagawa tayo sakripisyo bilang paggunita sa paghihirap ng ating Pangioong Hesus sa pagtubos ng ating mga kasalanan. Isa sa mga sakripisyo na pwedeng gawin ay hindi pagkain ng karne tuwing ash Wednesday, Biyrnes Santo at bawat araw ng Biyernes sa buong araw ng adbiyento. Ako bilang katoliko ay ginagawa ko din ito kahit sa munti kong pamamaraan. At eto nga, isang dish na pwede nating isama sa ating menu this Lenten Season. Yes, it's fish pero hindi tipid sa lasa. I'm sure magugustuhan ito ng inyong mga anak at buong pamilya. TUNA FILLET with CHEESY PIMIENTO SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Tuna fillet (cut into serving pieces) 3 pcs. Egg 2 cups flour 1 cup Cheese Wiz with Pimiento 1 cup All Purpose Cream 1/2 cup Butter 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to t...

GINISANG TALBOS at OKRA sa BAGOONG

Image
Dito sa may labasan namin malapit sa isang istasyon ng provincial bus, may mga nagtitinda ng mga prutas at gulay na fresh galing probinsya. Pahapon sila kung magtinda dito para siguro hindi mainit. Napabili ang asawa kong si Jolly ng sariwang talbos ng kamote at dahon ng malunggay. Iluto ko daw at ako na ang bahala. Ang nasa isip ko lang ay i-steam ito at isawsaw sa bagoong alamang. masarap yun di ba? Kasama ang pritong isda alam kong marami na naman kaming makakain sa ini-steam na talbos na ito. hehehe. Kaso bago ko pa na-steam yung gulay (sinamahan ko pa din kasi ng okra), napansin kong kokonti na yung bagoong na nabili ko. parang bitin kung gagawin ko pang sawsawan. Kaya ang ginawa ko na lang, iginisa ko ang talbos at okra at saka ko nilagyan ng bagoong. Nilagyan ko din ng chili-garlic sauce to add flavor at para may konting sipa na din. At yun! panalo ang gulay dish na ito. GINISANG TALBOS at OKRA SA BAGOONG Mga Sangkap: 2 tali Talbos ng Kamote 10 pcs. Okra (hi...