Posts

Showing posts from June, 2012

CRAB SALAD SPRING ROLL

Image
Ito yung isa sa mga pagkaing inihanda namin nung nag-birthday ang aking mother in-law na si Inay Elo.   Ang asawang kong si Jolly ang nag-request nito.   Nabitin kasi kami noong kumain kami nito sa Pizza Hut noong Father's Day.   hehehehe. Actually, may nagawa na akong ganito sa archive.   Ang pagkakaiba lang nito ay nilagyan ko pa ito ng manggang hinog at cashew nuts.  Mas masarap ang version kong ito dahil dun sa sarap at tamis ng mangga.   Kahit ang mga bisita ay nagustuhan ang spring roll na ito.  Kakaiba kasi sa paningin nila at masarap talaga. Medyo kinulang ako sa rice paper na nabili ko.  Kaya ginawa ko na lang salad ang natira pang mga sangkap.   Yung sauce sa spring roll ang ginam it kong dressing at masarap din ang kinalabasan.   Ito nga din lang ang kinain ko bukod pa sa lechon.   Hehehehe. CRAB SALAD SPRING ROLL Mga Sangkap:  (Wala akong inilagay kung gaano kadami sa mga sangkap.   Depende yun sa dami ng inyong gagawin na spring roll) Ric

TORTANG BANGUS

Image
Nung unang beses akong nagluto ng relyenong bangus, ginawa kong bangus embotido ang natirang palaman.   Dinagdagan ko lang ng itlog pa para hindi durog-durog kapag hinihiwa na.   Actually, maraming pwedeng gawin pa sa natirang palaman ng relyenong bangus.   Pwede mo din gawing lumpiang shanghai, fish burger, fried dumpling, bola-bola with sweet and sour sauce o kaya naman ay itong ngang tortang bangus. Kagaya ng bangus embotido, dadagdagan mo lang ng itlog ang naluto nang palaman at ipi-prito mo na.  Dito sa post ko for today, nilagyan ko pa ng easy to squeese na cheese wiz sa ibabaw para mas lalong kagana-gana ang itsura.   Lalo na sa mga bata, tiyak kong magugustuhan nila ito. Pwede nyo ding gawin ang tortang bangus na ito gamit ang natirang laman ng hinimay na bangus.   Igisa lang na may kasamang patatas, carrots, red bell pepper at pwedeng-pwede na.   Pwede nyong gamitin yung fresh boneless bangus na nabibili sa mga supermarket o palengke.   Mas okay na hilaw yung igigisa ny

WHITE CHICKEN AFRITADA

Image
Ang afritada ay isang dish na ipinamana sa atin ng ating mga ninunong Espanyol.   Manok o baboy ito na niluto sa tomato sauce at nilagyan ng patatas, carrots, green peas at bell peppers.   Dati nakikita lang natin ito sa mga handaan kagaya ng fiesta or kasalan.  Pero ngayon parang isang ordinaryong ulam na lang natin ito. Kung tutuusin hindi naman talaga afritada itong dish natin for today.   Wala naman kasi itong tomato sauce.   Ginamit ko lang ang salitang afritada komo halos lahat ng sangkap at paraan ng pagluluto dito ay kapareho ng sa orihinal na afritada.   Sa halip na tomato sauce, all purpose cream at butter ang ginamit ko dito.   Masarap at malinamnam ang sauce nito.   Kung baga sauce pa lang ay ulam na.   Hehehe WHITE CHICKEN AFRITADA Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh Fillet (cut into serving pieces) o 1 Whole chicken cut into serving pieces 1 large Carrot cut into cubes 1 large Potato cut also into cubes 1 large Red Bell Pepper cut also into cubes 1 cup Green p

INAY ELO's 88th BIRTHDAY

Image
Last Sunday June 24, 2012, ipinagdiwang ng aking mother in-law na si Inay Elo ang kanyang ika-88 kaarawan.   Kaya naman kaming buong pamilya ay umuwi sa kanilang tahanan sa Batangas para kahit papaano ay maipag-diwang namin ang kanyang kaarawan. Bale nag-ambag-ambag silang magkakapatid (2 ang nasa ibang bansa) para sa handa.   Gusto daw ng may birthday ay lechon at relyenong bangus.  Kaya naman yun nga ang aming inihanda. May cake at ice cream na pinagsaluhan para sa meryenda.   Ang kapatid nilang si Beth ang sumagot nito. Syempre ang lechon na hiniling ng may birthday.   Ang sarap ng lechon na ito.   Malasa ang laman at malutong talaga ang balat. Komo birthday ang handaang ito, syempre hindi mawawala ang noodles.   Bacon Basil pasta ang aking niluto.   Parang carbonara din siya pero nilagyan ko ng fresh basil for added flavor. Isa pa sa hiling na handa ay itong relyenong bangus.  Ako ang nagluto nito.   Nagustuhan kasi niya ito noong nagdala ako

LUMPIANG SHANGHAI - Let me count the ways

Image
Minsang nagka-kwentuhan kami ng aming HR manager na si Ms. Kei tungkol sa food blog kong ito, nag-request siya na mag-post naman daw ako ng mga budget friendly na recipe.   Sabi ko naman, marami dito sa archive at isa na nga dito ay itong lumpiang shanghai. Katulad ng adobo at sinigang, marami ding pwedeng gawin at ipalaman sa lumpiang prito na ito.  As in kahit ano.   Pwedeng pork, fish, beef, gulay.....kahit ano?   Kung baga, endless ang pwede.   Marami na din akong version ng lumpiang shanghai na ito sa archive and ofcourse ibat-ibang klase ng palaman ang ginamit ko.   Ang isa sa mga tip na maibibigay ko ay:  dapat malasa ang mga sangkap na ilalagay.   Halimbawa, pwede mong samahan ng kinchay o kaya naman ay yung smokey na bacon or sausages.  Pwede din ang red bell pepper or cheese.  Dalawa pang tip:   Mainam na i-freezer muna ang ginawang lumpia bago i-prito.   I-coat din muna ng cornstarch bago i-prito.   Sa pamamagitan nito mas napapatagal ang lutong ng lumpia kahit ilang ora

PINANGAT NA TULINGAN

Image
In the last Saturday episode ng Jessica Soho Report sa Channel 7, may ipinakita sila doon na isang contest sa Cavite ba o Batangas na pagalingan magluto ng Pinangat na Tulingan.   At yung nanalo ay ipinakita niya kung papaano niya ito niluto.   Tinandaan ko talaga ang step by step na ipinalabas at plano kong gayahain para mai-post ko dito sa blog. Sa aking panonood napansin kong parang sinaing din lang ang luto na ginawa sa pinangat na ito.   Ang pagkakaiba lang ay yung nilagyan niya ng dahon ng saging ang bottom at ibabaw ng palayok na pinalutuan.   Ang mga sangkap ay pareho din lang ng sinaing. Ganun pa man ay ginaya ko pa rin ang pinangat na tulingan na ito.   Komo wala naman akong makukuhanan ng dahon ng saging dito sa Manila, minarapat kong tangkay ng leeks na lang ang aking ginamit para kagaya nung sabi ng nasa tv ay para hindi manikit sa bottom ng lutuan ang tulingan. Sa ilang beses kong magluto ng sinaing na tulingan, masasabi kong ito ang pinaka-masarap sa aking nagawa

DADDY'S DAY OUT

Image
Every 3rd Sunday of June ipinagdiriwang ng maraming mga bansa kasama na ang Pilipinas ang Araw ng mga Ama o Father's Day.   Mula nang makapag-asawa ako at magka-anak, isa na rin kami sa nakikisaya sa pagdiriwang na ito.  Inumpisahan namin ang araw syempre sa pagsisimba.   Tuwing Linggo naman, dito kami sa 4th Floor ng Glorietta sa Makati dumadalo ng pagsisimba.   Komo sa baba lang nito ang pinapasukan ng aking asawang si Jolly, pagkatapos ng simba at tanghalian ay tuloy naman siya sa kanyang work. Marami kaming pinagpilian na reataurant para sa aming espesyal na tanghalian.   Pero nanaig ang gusto ng mga bata na sa Pizza Hut Bistro kami kumain.   Nandito lang din ito sa Glorietta 4. Medyo natagalan kami sa pagpili komo iba-iba ang gusto ng mga bata.   At syempre, alalay din kami komo medyo mahal ang food dito. Una sa napili namin ay itong Crab Salad Spring Roll (sa itaas ang pict).   Mula nang matikman namin ito dito sa Pizza Hut, lagi na namin itong ino-order bast

PASTA and BACON in POMODORO SAUCE

Image
Ito ang pre-Father's Day breakfast na niluto ko last Saturday.   Treat ko na din sa sarili ko.   Hehehehe.  Mahilig din kasi ako sa pasta, bacon at cheese.  Yan ang namana sa akin ng bunso kong anak na si Anton. Ito ang naisip kong luto na gawin sa 1 can na Italian Dice Tomatoes at sa 1/2 kilo ng bacon na sale sa SM Makati.   Di ba overload sa bacon itong pasta na ito?    hehehehe Simple lang ang dish na ito at walang masyadong komplikadong sangkap.   It is just pasta, bacon, dice tomatoes at cheese.   Ofcourse di naman mawawala ang bawang, sibuyas at olive oil.   Whats good in this dish is the pomodoro sauce.   Compare sa tomato sauce, sa tingin ko ay mas rich sa flavor ang dice tomatoes lalo na itong galing pa ng Italy.   Yummy talaga. PASTA and BACON in POMODORO SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Pasta (spaghetti, linguine, fettucinni ay pwede) 500 grams Bacon chopped 1 can Dice Tomatoes 1/2 bar Cheese grated 1 large Onion chopped 1 head minced Garlic a bunch of Fres

KUTSINTA o PUTO?

Image
Paborito ng aking pamilya ang kutsinta.   Pero sa totoo lang hindi ako marunong gumawa nito.   Kaya naman nitong may nakita akong instant kutsinta ready mix ay binili ko agad para masubukan sa bahay. Sinunod ko ang lahat ng nakasulat sa likod ng kahon kung papaano ito gawin at lutuin.   Exited ako dahil matagal-tagal na din akong hindi nakakakain ng kutsinta.   Sa larawan pa lang sa kahon ng ready mix powder ay natatakaw na ako sa kakalabasan ng aking niluluto. Pero laking pagtataka ko ng buksan ko ang takip ng steamer after 15 minutes.   Bakit umalsa ang mixture (please see the first photo) na parang puto samantalang kutsinta ang niluluto ko?   I am expecting na kagaya nung sa kahon ang kakalabasan. I still wait for another 15 to 20 mionutes pero ganun pa rin ang kinalabasan.   Ang bottom line, puto ang lumabas sa inaasam-asam kong kutsinta.   Hindi ko alam kung bakit?   May mali kaya sa manufacturer ng produktong ito?   Ang alam ko tama naman at sinunod ko ang procedure

IGADO

Image
Ang Igado ay isang popular na lutuin sa mga Ilocano.   Kung baga, ito ay isang espesyal na dish na inihahanda nila sa mga espesyal na okasyon.  Ang igado ay para din lang menudo.   Ang pagkakaiba lang nila ay ang igado ay hindi nilalagyan ng tomato sauce sa halip ay suka lang at toyo. Noon ko pa binabalak na magluto ng Igadong ito.   Sa hindi ko matandaang dahilan ay hindi matuloy-tuloy.   Nitong nakaraang Sabado sa wakas ay natuloy din.   Pero bago nangyari iyun, nag-research muna ako para sa mga sangkap nito.   Marami ding version akong nakita at ito ang ginamit ko sa akibng version.   Yung iba kasi bukod sa atay ay mayroon ding puso, lapay at kidney ng baboy na inilalagay.   Pero komo nga hindi naman mahilig ang mga anak ko sa lamang loob at bawal din sa akin, minarapat kong baboy at atay lang ang gamitin para sa dish na ito.   At hindi naman ako nabigo, masarap ang kinalabasan ng aking Igado. IGADO Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into strips) 1/2 ki

HAPPY FATHER'S DAY Tatang Villamor

Image
Tuwing ikatlong linggo ng Hunyo, ipinagdiriwang sa maraming parte ng mundo ang Father's Day o ang Araw ng mga Ama.  At kasama ang Pilipinas, ipinagdiriwang din natin ang espesyal na araw na ito para sa ating mga Ama.   Ano man ang tawag natin sa kanila, Tatay, Itay, Amang, Ama, Tatang, Papa, Daddy at ano pa...Sila ang isa sa mga mahahalagang tao sa ating buhay. Sa pagkakataong ito nais kong mag-pugay sa nagiisa at pinakamamahal kong Tatang Villamor.   70 years old na siya at sa awa ng Diyos ay malakas pa rin. Simpleng tao lang ang akinag ama.   Sa pagkabata pa lang niya ay banat na ang katawan niya sa bukid.   At hanggang ngayon ay iyun pa din ang kanyang trabaho. Noong mga bata pa kami ng kuya ko, isinasama niya kami sa bukid para mag-saka.   Magtatabas ng mga damo sa bukid o kaya naman ay nagdadala sa kanya ng pagkain.   Mahirap ang trabaho sa bukid, nakita niya marahil na parang ayaw namin ng trabahong ganito.   Kaya naman hindi niya napilit na sa bukid di

TINOLANG MANOK AT PAKWAN

Image
Napanood nyo ba yung episode ng Jessica Soho Report sa Channel 7 last Saturday?   May na-feature kasi doon na dish sa isang restaurant sa Quezon City na naging interesante para sa akin.   Bakit naman hindi?   Para siyang tinola o sabihin na nating tinola nga ito pero nilagyan ng pakwan at tanglad.   Yes.   Pakwan as in yung prutas na masarap kainin lalo na kung mainit ang panahon. Nung mapanood ko ang episode na yun, pinlano ko talaga na gayahin iyun at tingnan kung masarap bang talaga itong classic nating tinola na nilagyan ng pakwan.   I just follow kung ano yung ipinakita sa tv at yun nga ang ginawa ko.  At hindi nga ako nabigo, masarap at napaka-rich ng sabaw niya.    May konting tamis na tamang-tama sa ating panlasa.   Try nyo din. TINOLANG MANOK at PAKWAN Mga Sangkap: 1 whole Chicken cut into serving pieces 1 pc. large Sayote or small Green Papaya (balatan at hiwain sa nais na laki) 1 tangkay ng Tanglad sliced (white portion only) 1/3 Watermelon o Pakwan 2 thumb si

A CELEBRATION OF LIFE and FRIENDSHIP

Image
Last June 12, naimbitahan kami ng kaibigan at kumare naming si Shiela sa kanilang tahanan sa Sucat, Paranaque para sa kanyang kaarawan.   Pagsasama-sama na rin ito ng aming mga kaibigan na kasama na namin sa matagal na panahon.  Para sa background, 8 kaming lalaki na magkakaibigan na magkakasama sa isang apartment way back early 90's pa sa Baclaran, Paranaque.   3 sa amin ay nasa ibang bansa na.   Dalawa (Bong at Dennis laki) ay nasa Amerika at ang isa naman (Mon) ay nasa Sydney, Australia. Dapat sana nung April or May kami magkikita-kita pero sa hindi malamang dahilan ay hindi matuloy-tuloy.   Kaya minarapat ng mga birthday na sa June 12 na lang gawin ang kanyang celebration para siguradong wala lahat pasok sa work. Nag-agree kaming lahat na tanghali pa lang ay umpisahan na namin ang party.   12:15 ata kami dumating at nakahanda na talaga ang mga pagkain aming pagsasaluhan. May inihaw na liempo at masarap talaga ang pagka-timpla. Mayroon ding calderetang babo