Posts

Showing posts from January, 2009

Chicken Mushroom in Oyster Sauce

Image
Another chicken disk tayo ngayon. Actually, it's a regular chicken dish na nababasa natin sa mga food blog dito sa internet. Pero itong recipe ko, nilagyan ko ng konting twist. Instead na seasoning, asukal ang inilagay ko to complete the dish. And you know what? Ang sarap ng kinalabasan. Also, I used olive oil instead of regular cooking oil. Ofcourse, you can still use any cooking oil in this dish. Narito ang mga sangkap: 3/4 kilo Chicken fillet (Kahit anong part okay lang) 1 big can whole button mushroom 3 tbsp oyster sauce calamansi juice asin at paminta olive oil or ordinary cooking oil 2 tbsp. asukal cornstarch Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang chicken fillet sa asin, paminta at calamansi juice. (Overnight mas mainam) 2. Sa isang kawali, i-prito sa olive oil ang mga piraso ng manok. Hintaying mawala ang mapula-pulang kulay at ilagay sa gilid ng kawali. (Papulahin lang ng kaunti ang gilig ng laman ng manok) 3. Igisa ang bawang at sibuyas 4. Ibuhos sa niluluto ang kaunting s

Tilapia - Inihaw / Steam / Oven / Turbo ...etc.

Image
Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa luto kong ito. Una, naisip ko pinaputok na tilapia....pero nung i-check ko ang recipe nito sa internet iba ang sangkap at paraan ng pagluluto. Actually, isa lang ang tawag nila pero iba-iba ng sangkap nga at pagluluto. Itong sa akin niluto ko sa turbo broiler. Simple lang naman ang lutong ito at titiyakin ko na magugustuhan ninyo. Ako nga hindi mahilig sa ganitong luto pero nagustuhan ko. Ako kasi sa isda prito lang ang gusto ko.....ayoko nung may sabaw or steam lang. Narito ang mga sangkap at gamit na kailangan: 4 pirasong Tilapia (Yung nabili ko 1.75 kilo yung apat) luya sibuyas tanglad o lemon grass asin at paminta maggie magic sarap sesame oil foil Paraan ng pagluluto: 1. Linising mabuti ang isa.....lagyan ng dalawang gilit o hiwa ang isda sa katawan at asinan 2. Hiwain ang sibuyas. Hiwain ang luya na parang palito ng posporo 3. Yung lower part (white part) ng tanglad, hiwain din ng maliliit 4. Ipalaman sa ulo at katawan ng isda ang sibuyas

Escabecheng Isda

Image
Hello! Me again. Natutuwa naman ako sa magandang pagtanggap sa blog ko na ito. Even here in the office I received positive feedback and they say that this blog will help them a lot especially sa kung anong ulam ang ihahanda nila sa kani-kanilang pamilya. Okay. Eto na ang ating recipe for today. Escabecheng isda. Before ko gawin ang posting na ito, nag research muna ako more about escabeche. Ang napansin ko lang, may iba-iba palang recipe at paraan ng pagluluto nito. Pero itong ishe-share ko sa inyo I think is the simpliest. Napakadali lang gawin. At sisiguraduhin ko sa inyo na magugustuhan nyo ang lutong ito. Mga sangkap: 1 kilo ng isda (Pwedeng macarel, galunggong, bangus, tilapia, etc. basta yung pang prito) Sa recipe na ito galunggong ang ginamit ko 1 medium size hilaw or green papaya achuete seeds suka luya bawang sibuyas asukal asin at paminta Paraan ng pagluluto: 1. Gadgarin ang papaya 2. Hiwain ang luya ng pahaba na parang palito ng posporo 3. Ibabad sa tubig ang achuete 4. I-pr

Biko Pandan

Image
Hello! Happy Chinese New Year! Yesterday, komo nga bisperas ng Chinese New Year, nagluto ako ng malagkit for merienda. Biko in short. Pero bakit Biko Pandan? Well, mamaya ko ipapaliwanag....hehehehe Di ba swerte daw yung may sticky food like tikoy pag new year? Di man ako intsik, well sinusunod ko din ang ilan sa mga pamahiin nila. hehehehehe Mga sangkap: 3 cups malagkit na bigas gata mula sa 2 niyog (May nabibili sa palengke na piga na...1/2 kilo ang kailangan) 1/4 kilo brown sugar vanilla essence Paraan ng pagluluto: 1. Isaing ang malagkit na bigas katulad ng pagsasaing ng ordinaryong kanin 2. Ilagay sa kawali o non-stick na kawali ang gata ng niyog 3. Lutuin hanggang maging latik 4. Hanguin ang latik at ilagay muna sa isang lalagyan 5. Sa pinaglutuan ng latik, ilagay ang malagkit na isinaing 6. Ihalo ang brown na asukal at vanilla essence 7. Haluin hanggang maging parehas ang kulay ng malagkit 8. Hanguin sa isang lalagyan ay ilagay sa ibabaw ang nilutong latik Masarap kainin ito na

Anton's Chicken

Image
Good Day to all my friends. First, I would like to thank Ms. Connie Veneracion of http://www.pinoycook.net/ for posting my recipes in her website. I'm really greatful to be selected and featured in that website. Napa-ingles ata ako dun ah....hehehehe. Meron kasing nag-comment dun sa posting na yun na hindi daw niya maintindihan yung mga nakasulat kasi nga daw taglish. Well, I prefer taglish kasi mas sanay ako ng ganun. Ayoko naman magpaka-TH sa pag-i-ingles kung mali-mali naman. Anyways, eto na naman ang bago kong recipe na ibabahagi sa inyo. Actually, ito ang isa sa mga pinaka-paborito kong niluluto. Marami na rin ang pumuri sa luto kong ito at masasabi ko na this is one of my best. Ang nagpangalan sa recipe kong ito ay mismong ang bunso kong anak na si Jericho Anton. He's 6 years old. To give you a backgroud kung saan nagmula ang pangalan ng recipe, mahilig kasing manood sa bahay ng mga telenovela sa channel 2. Natatandaan nyo yung telenovela ni Judy Santos na Isabella? Dun

Pork Afritada with a Twist

Image
Good Day! Kagaya ng naipangako ko na magpo-post uli ako ng pagkaing hindi ready to eat kundi personal kong niluto talaga....eto na....hehehehehe Last Saturday may nabili akong butterfly cut na pork sa SM supermarket. Binili ko yun pero di ko pa alam kung anong luto ang gagawin ko. Nung una simpleng prito lang ang iniisip ko, kaya lang parang tatlong araw na kaming prito ang ulam. BTW, yung butterfly cut pala na pork ay yung parang porkchop pero walang buto. Wala din itong balat at manipis lang ang taba. Hiniwa ito sa gitna na parang pak-pak ng paru-paru kaya siguro ito tinawag na butterfly cut na pork. Kaya kagabi naisip kong bakit hindi ko na lang ito i-afritada para kahit papano may sauce at may gulay na din. Pero sa pagkakataong ito, nilagyan ko ng twist ang pag-luto ko ng afritada. Alam ko pangkaraniwan na pagkain at marami na ang nakaka-alam ng ulam na ito. Pero yun nga, para hindi maging pangkaranian ang lasa, nilagyan ko ng konting eksperemento....hehehehe. At tinitiyak ko sa in

Ready to eat Food

Notice ang last posting ko pa ay nung Sunday. Kasi ba naman dalawang araw na kaming bumibili ng lutong ulam. Ganito kasi yun. May gift check ng McDonald na binibigay sa aming office every quarter. 1 thousand worth of GC din yun. So nung Monday naisip ko na sa halip na magluto pa bakit hindi ko na lang gamitin ang GC kong ito for our dinner. Mahilig pa naman ang mga anak ko ng chicken sa fastfood. So ganun na nga, Mc Chicken ang dinner namin ng Monday. Nagluto na lang ako ng Knorr Crab Soup para naman may sabaw. Enjoy ang mga bata kasi ang malalaki ang chicken na naibigay sa akin...hehehehe Tuesday naman, nakaligtaan kong magbilin sa helper namin na ilabas sa ref yung pork na lulutuin ko sana for the dinner. Kaya ayun lutong ulam na naman kami that night....hehehehe. Ok lang naman kasi ang nabili kong lutong ulam ay pork barbeque na nabili ko sa kanto malapit sa tinitirhan naming condo. 14 pesos ang isa. But you know what? masarap ang barbeque nila....pwede m

Daing na Bangus at Ginataang Sitaw Kalabasa

Image
Paborito ko ang daing na bangus na may kasamang ginataang sitaw at kalabasa. Para sa akin match na match ang ulam na ito sa mainit na kanin....hehehehehe. Kaya kagabi, ito ang iniluto ko para sa dinner namin. At isa pa, kung mapapansin nyo yung picture ng ginataang sitaw at kalabasa, nilagyan ko pa ng chicharong baboy at itlog ng pugo. Bakit? kasi nga pahirapan sa bahay na mag-pakain ng gulay sa mga bata. hehehehee Mga kailangan: 2 pcs. medium boneless bangus asin suka bawang paminta maggie magic sarap 1/4 medium size na kalabasa 1 tali sitaw Gata mula sa 1 niyog 1 kutsarang bagoong alamang (yung nasa bote na nabibili sa supermarket ang ginamit ko) bawang sibuyas chicharon baboy itlog ng pugo Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang bangus sa asin, paminta, suka, dinikdik na bawang at maggie magic sarap. Mas mainam kung overnight ito gagawin bago lutuin. Maaring hiwain ang bangus para di mahirap i-prito sa kawali 2. I-prito sa kumukulong mantika. 3. I-handa ang mga gulay na gagamitin. Hi

Chicken Pastel

Image
Last Friday, I decided to cook something special. At ito ang naisip ko na lutuin. Actually it's one of my favorite chicken dish. Chicken Pastel. Alam ko maraming variety ng resipi sa lutong ito. Pero sabi ko nga, Cooking is an art. Marami kang pwedeng gawin at i-improve sa bawat klase ng pagkain na lulutin mo. Kung mapapansin ninyo sa mga nakaraan kong post, ang ulam namin araw-araw ay umiikot lang sa 4 na klaseng. Manok, Baboy, Baka at isda. Balance di ba? Tatanungin nyo, bakit walang gulay. Well, ang hirap kasing pakainin ng gulay ang mga bata. Lalo na yung pangalawang anak ko na si James (8 years old). Di na lang daw siya kakain kung gulay ang ulam. Oh di ba? So ang ginagawa ko, bawat ulam na lulutuin ko dapat may kasamang gulay. And you know what? Sa paraang ito, napipilit ko din siyang kumain kahit konting gulay. hehehehehe Simple lang ang pagluluto ng putaheng ito. Sabi ko nga hindi ako gumagamit ng mga sangkap na mahirap makita o bilhin sa palengke o supermarket. Eto ang mga

Pork Hamonado ala Lina

Image
Eto na naman ako.....Syempre may bago na naman akong i-she-share sa inyo na niluto ko kagabi. Actually ito ang dinner namin. Isa ito sa mga pagkain na inihahanda sa mga special na okasyon. Natutunan ko ito sa aking Inang. But ofcourse, wala pa ding tatalo sa luto niya kumpara sa akin. Pero syempre lagi ko naman ini-improve yung version ko....hehehehe. Hamonado ang tawag dito kasi parang ham din ang lasa. Pwede ding gawin ang lutong ito using chicken....at masarap din....hehehehe. Ito ang putahe natin for today. 'Pork Hamonado ala Lina'. Simple lang ang lutong ito....at matitityak ko na magugustuhan ito ng mga bata. Kagaya na lang ng mga anak ko na nag-enjoy sa dinner namin kagabi. Eto ang mga kailangan: 1 kilo - Pork kasim yung di masyado makapal ang taba...buo pero pahaba ang hiwa 1 can - Delmonte Pineapple juice....yung sweetened mas mainam...mas marami mas mainam sibuyas bayang paminta asin asukal toyo Paraan ng pagluluto: 1. Ibabad o i-marinade ang karne ng baboy sa pineapp

Chicken Cordon Bleu

Image
Tama ba spelling ng menu ko for the day? hehehehehe.......tama na din yan....basta ang importante masasarapan tayo sa resulta...hehehehe. Medyo sosyal ang dating ng menu na ito. Para bang sa mga hotel mo lang ito makikita at makakain. Pero ang totoo available ito sa mga supermarket kagaya ng SM. Di ko lang alam kung ano ang lasa.....hehehehehe. Pero syempre iba kung tayo mismo ang gagawa at magluluto. Nabasa ko lang ang basic ingredients sa pagluluto nito sa isang blog....and mukhang madali naman siyang lutuin kay nag-try ako. First time kong nagluto nito nung last years birthday ng bunso ko and it was a hit. Yung picture na nasa itaas was taken nung 41st birthday ko naman...at yun ang isa sa mga inihanda ko. Eto ang mga kakailanganin sa pagluluto ng Chicken cordon bleu: 1. Chicken breast fillet 2. ham 3. quick melt cheese 4. kalamansi 5. bread crumbs and flour 6. eggs 7. maggi magic sarap or msg (optional) 8. cooking oil 9. asin at paminta 10. toothpick 11. mayonaise and cheese for th

Media Noche 2008-2009

Image
Eto ang handa namin nitong huling media noche. Sa bahay namin sa Bulacan kami ng nag-celebrate ng New Year. Uunahan ko na kayo...hindi ako ang nagluto ng mga iyan...hehehehe. Sabi ko nga lahat kami sa pamilya ay marunong magluto kaya ang Ate Ann ko at si Shirley ang nagluto niyan. Ofcourse, ako naman ang nag-suggest kung ano ang ihahanda namin. Simple lang naman ang handa namin. As you can see in the picture, may cripsy pata, sliced ham, chicken potato salad, fruit salad, barbeque, hotdog for kids. May leche plan din, beans at suman para panghimagas. Tips para sa isang masarap na crispy pata: 1. Palambutin ang pata sa kumukulong tubig na may maraming asin, sibuyas, paminta 2. Pwede ding lagyan ng tanglad at laurel para magdagdagan ang flavor. MSG optional 3. Kapag malambot na...palamigin at ilagay sa freezer. Mas mainam na matigas na matigas siya bago i-prito sa mantika. Sa paraang ito, hindi masyadong mapupuputok ito habang pini-prito. 4. Pwede din sa halip na i-prito ay gumamit ng t

Welcome!!!

Image
Dear Readers, Gusto ko lang i-share sa inyo ang talent ko sa pagluluto na siguro ay minana ko sa aking Inang Lina. Kaming lahat sa pamilya ay marunong magluto. Siguro dahil na rin sa pagpapalaki na ginawa wa amin ng aking mga magulang. Apat kaming magkakapatid...Si Ate Mary Ann, Kuya Ting, at si Shirley ang bunso namin. And ofcourse ang tatang Villamor ko. Nasa elementary pa lang ata kami ay tinuruan na kami ng Inang ko na magluto. At yun siguro ang dinala hanggang sa ako ay lumaki. Kaya eto, share ko sa inyo ang mga lutuin na natutunan ko sa aking Inang, yung iba natutunan ko sa net at yung iba siguro ay experiment na lang....hehehehe Share ko din ang blog na ito para sa aking asawa na si Jolly. At sa aking mga anak na sina Jake, James at Anton. Sila ng mga inspirasyon ko sa blog na ito. Sana ay magustuhan ninyo at matuto sa blog kong ito. Dennis