Posts

Showing posts from March, 2009

Tinolang Manok

Image
Noong araw ang Tinolang Manok ay isang espesyal na ulam sa mga espesyal na okasyon. Di ba nga dun sa awit na Pamasko may bahagi doon na..."....Kay sigla ng gabi ang lahat ay kay saya...nagluto ang Ate ng manok na tinola....". Kahit naman sa mga probinsya, kapag may mga bisita na dumarating ito din ang inihahanda nila na ulam. Although ngayon parang pangkaraniwan na ang ulam na ito, pero maituturing ko na espensyal pa rin ito para sa akin. Sa recipe natin for today yung tradisyunal na pamamaraan ang ginamit ko at may dinagdag pa ako na twist sa huli. Try nyo at magugustuhan nyo ito. TINOLANG MANOK Mga sangkap: 1 whole chicken cut into serving pieces 200 grams chicken liver 1 medium size Green Papaya Dahon ng sili 2 tumb size ginger (hiwain na parang palito ng posporo) 3 pcs. siling pang sigang 1/2 cloves garlic 1 medium size onion patis pamintang buo achuete ilagay sa 1/2 cup na tubig 1 knorr chicken cube Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang ang si

Bagkat na Kamoteng Kahoy at Sago

Image
Bagkat. Hindi ko alam kung saan ang origin ng salitang ito, pero ng i-check ko ang kahuligan nito sa net, ito ay ay ang pagluluto ng kamote o saging na saba sa asukal na pula or brown sugar. Nang tanungin ko naman ang officemate ko na kapampangan ang pagka-alam naman niya ay yung mga luto na minatamisan. Tama naman pala ang tawag sa recipe natin for today. Yun lang hindi asukal na pula ang ginamit ko. Madali lang itong lutuin. Pero ang i-she-share ko sa inyo ay yung iba pang pwedeng gawin sa lutuing ito. Twist kung baga. BAGKAT NA KAMOTENG KAHOY AT SAGO Mga Sangkap: 1 1/2 kilo Kamoteng kahoy o Casava 1/2 kilo Sugar (White or brown) 1/2 Kilo Sago 1 tbsp. Vanilla Paraan ng Pagluluto: 1. Balatan ang kamoteng kahoy at hiwain ayon sa laki na gusto ninyo 2. Ilagay sa isang kaserola, lagyan ng tubig at pakuluan. 3. Kung malapit ng maluto ang kamote, ilagay ang asukal. Hayaang kumulo ng mga 10 minutes 4. Ilagay ang sago at vanilla....Palamigin bago kainin. Mga pwede pang gawin sa lutuing ito.

Porkloin Asado

Image
Asado. Ang alam ko ang original recipe nito ay galing sa mga Espanyol. Sa tagal na sinakop tayo nila, ang mga lutuin nila ang isa sa mga namana natin sa matagal na panahon. Katulad ng mga ulam na may Do sa dulo katulad ng Menudo at Embotido, marami itong variety. Depende na lang sa magluluto kung anong mga lahok pa ang kanyang ilalagay dito. Sa asado version kong ito, yung sa mga Chinese ang ginamit ko. Actually wala akong recipe na pinaggayahan nito. Basta pinaghalo-halo ko lang ang mga sangkap, and presto ang sarap ng kinalabasan. Try nyo ito at natitiyak kong magugustuhan ninyo at ng inyong pamilya ang ulam na ito. PORKLOIN ASADO Mga Sangkap: 1 kilo Porkloin o Lomo 1/2 cup soy sauce 1/2 cup vinegar salt and pepper 1 cloves garlic 1 onion 2 pcs. star anise 3 tbsp. brown sugar juice from 4 pcs. calamansi 1/4 kilo chinese pechay corn starch Paraan ng Pagluluto: 1. I-marinade ang porkloin o lomo sa asin, paminta, calamansi, bawang, suka at toyo. Hayaan ng mga ilang oras bago lutuin. 2.

Chicken Fingers with Mayo-Garlic and Basil Dip

Image
Ito yung isa pang dish na niluto ko for my son Anton in his graduation day. Actually madali lang naman gawin ito. Yun lang ginaya ko yung paraan ng pagluluto ni Ms. Caren ng http://theeatingroom.wordpress.com/ . Tinuro niya dun kung papano mas magiging crispy ang chicken fillet sa pagluluto. This will be my second time na i-post ang dish na ito. Pero yun nga ay added twist tayo para mas sumarap ang ating niluluto. CHICKEN FINGERS WITH MAYO-GARLIC AND BASIL DIP Mga Sangkap: 1 kilo chicken breast fillet juice from 6 pcs. calamansi Japanese Bread crumbs 1 egg salt ang pepper maggie magic sarap (optional) cooking oil for frying For the Dip: 1 cup Mayonaise (Lady's Choice) 1/2 cup full cream milk 1 tbsp minced garlic 2 tbsp chopped fresh basil leaves salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Hiwain ng pahaba ang chicken breast fillet 2. I-marinade ito sa calamansi juice, asin, paminta at maggie magic sarap. Mas matagal i-marinade mas mainam. Overnight is suggested) 3. Alisin ang

Egg Surprise and Nido Soup

Image
Remember the pasta dish with meat balls na na-post ko 2 or 3 days ago? Yung mga sangkap na ginamit sa bola-bola is the same refipe na ginamit ko sa entry natin for today. Sabi ko nga sa post ko yesterday, dapat may mga twist tayong ginagawa para hindi maging boring ang ating eating esperience. Yung pangalan ng dish hindi ko matandaan kung saan ko nakuha. Pero alam ko may dish na ganito talaga. Nang i-check ko sa net hindi ganito ang recipe ng ginawa ko. Actually kaya ito ang ipinangalan ko kasi may element of surprise...hehehehe. Kung baga, parang bola-bola lang siya pero pag hiniwa mo may egg pala sa loob. Hehehehe Ito ang dinner namin last night, and it's a success. EGG SURPRISE Mga Sangkap: 8 hard boiled egg 1/2 kilo Pork Giniling 1 cloves garlic finely chopped 2 medium onion finely chopped 1 small sachet Maggie Magic Sarap 1 egg 1/2 cup all purpose flour 2 tbsp. soy sauce 1 carrots grated or finely chopped 3 cups cooking oil Salt and Pepper 2 cups japanese bread crumbs Paraan n

Basil Fried Rice with Ham and Egg

Image
Para hindi maging boring ang pagkaing inihahanda natin sa ating mga pamilya, mas mainam na ginagawan natin ito ng konting experiment. Twist kung baga. Kahit yung mga ordinaryong pagkain pwede nating gawan ng ganito. Hindi naman kailangan na bagong ulam o bagong recipe. Ang importante medyo kakaiba at masarap ang lasa. Sa pagluluto nga, walang exact na recipe...pwede mo itong iba-ibahin ayon sa gusto mong mangyari. Halimbawa dyan ay itong niluto kong sinangag o fried rice. Sa halip na bawang lang ang sahog, nilagyan ko ng basil, ham at itlog. And presto...parang gourmet fried rice ang kinalabasan. BASIL FRIED RICE WITH HAM AND EGG Mga Sangkap: 4 cup cooked rice 3 butil na bawang 2 slices of break ham 1 scrambled egg fresh basil leaves finely chopped 1 small sachet maggie magic sarap 1 tbsp soy sauce 2 tbsp. olive oil salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kawali o non-stick pan, ilagay ang olive oil 2. Kung mainit na, ilagay ang scrambled egg. Huwag hayaang mabuo, hal

Pasta with Meat Balls

Image
Last Saturday, nag-graduate ang bunso kong si Anton. Balak ko talaga mag-handa ng kahit papano. Kaya naman bumili ako ng mga gamit sa lulutuin. Pero sabi ng asawa kong si Jolly sa labas na lang daw kami kumain para maiba naman daw. Ok lang naman kahit magastos...hehehehe. Sa Pizza Hut sa Gateway Mall kami natuloy kumain after ng graduation. Pero hindi iyung kinain namin sa Pissa Hut ang ike-kwento ko although masarap siya. Ang ishe-share ko ay yung di natuloy na pagkain na handa sana ng ga-graduate....hehehehe. Unahin muna natin ang Pasta with Meat Balls. Matagal ko nang gustong magluto nito....yun lang di matuloy-tuloy..at montik nang di na nga matuloy...hehehehe. Kaya eto na.... PASTA WITH MEAT BALLS Mga Sangkap: a. Para sa Spaghetti: 1/2 kilo Spaghetti noodles cooked al dente 1 big pouch Del Monte Spaghetti Sauce Italian Style 1 cloves garlic finely chopped 2 medium onion finely chopped 1/2 cup fresh basil leaves chopped 1/2 bar grated cheese 1 small sachet Maggie Magic Sarap Olive

Stir Fry Hotdogs with Basil

Image
Itong dish na ito is actually experimental. Nagawa ko na ito a long long time ago nung binata pa ako. Nag-bo-board ako noon sa may Baclaran at kasama ko ang mga ka-officemate ko din. Kapag hindi kami umuuwi ng kani-kaniyang probinsya, ano pa ang pwedeng gawin sa boarding house kundi mag-inuman. Hehehehehe. Actually pulutan ito nung una kong ginawa. Pero naisip ko, pwede din naman ito na ulam sa breakfast. Nakakasawa na kasi ang laging prito sa hotdogs. So yun nga, ito ang ginawa ko sa hotdogs at nilagyan ko lang ng kaunting twist. STIR FRY HOTDOGS WITH BASIL Mga Sangkap: 1/2 kilo Jumbo Purefoods Hotdogs 1 cup Del Monte Tomato Catsup Sweet Blend 1/2 cloves garlic 2 tbsp. olive oil or ordinary cooking oil 1 onion a little bunch of chopped basil leaves Salt and Pepper Paraan ng pagluluto: 1. Hiwain ng 1/2 inch ang hotdog 2. Sa isang kawali o non-stcik pan, i-prito ang hotdog sa olive oil 3. Itabi sa gilid ng kawali ang hotdog at igisa ang bawang at sibuyas 4. Ibuhos ang tomato catsup at h

Ginisang Amplaya at Pritong Isda with Magic

Image
Last week, may nag-comment sa akin kung pwede daw di gumamit ng Maggie Magic Sarap sa recipe. Kasi daw halos lahat ng recipe na na-post ko dito sa blog ay may ganung sangkap. Ang sagot ko naman, optional ang pag-gamit nun. In-advised ko din siya na i-try tikman yung walang Maggie Magic Sarap at yung meron, malalasahan niya ang pagkakaiba. Lahat naman ng seasoning sa lutuin ay optional. Yun lang sa experience ko, malaki talaga ang naitutulong nito para pasarapin ang lutuin. Na-e-enhance nito ang natural flavor ng lutuin. Na-try ko na din ang maraming klase ng seasoning maging yung bagong labas ngayon, at sa totoo lang ito talagang magic ang nagustuhan ko. Kahit anong klaseng lutuin pwede siyang gamitin. Mapa prito, may sabaw, may sauce at kahit nga mga inihaw lang, napapasarap talaga. At kung tutuusin, mas makakatipid ka kung gagamit ka nito. Halimbawa, sa ginisang gulay, sa halip na magsasahog ka pa ng baboy o hipon, pwedeng ito na lang at malasa na ang ginisang gulay mo. Ofcourse in m

Chicken Caldereta with Rosemary

Image
Sa isang handaan o espesyal na okasyon sa mga Pilipino, hindi maaaring mawala ang caldereta. Mapa baboy man o baka o kaya naman ay manok, solve na solve ang bisita pag may handang ganito. Meron din nga calderatang kambing o kaya naman itik o duck. Siguro kaya love na love ang lutuing ito ng mga Pilipino ay dahil sa lasa nito na medyo maanghang at malasa talaga ang sauce. Actually halos kapareho lang ang recipe ng caldereta sa menudo o kaya naman afritada. Ang pagkakaiba lang siguro ay yung medyo spicy ito. Sa recipe natin ngayon, medyo nilagyan ko ng twist. Hindi ko alam kung may nakagawa na nito. Nilagyan ko ng dahon ng rosemary at alam nyo mas lalong sumarap ang love na love nating caldereta. Try it! Kakaibang eating experience na naman ito. CHICKEN CALDERETA with Rosemary Mga Sangkap: 1 whole chicken cut into serving pieces 1 small Del Monte Tomato sauce - Pinoy style 2 medium potatoes 1 large carrots 1 large red bell pepper 3 pcs. chili fingers 1 tbsp. Lee Kum kee chili garlic sau

Sinigang na Baboy

Image
Masasabi kong tunay na lutong Pilipino ang sinigang na Baboy. Katulad ng Adobo, Pinoy na Pinoy ang dating nito. Wala sigurong Pinoy na hindi marunong magluto nito. Kaya kahit alam nyo na kung papano lutuin ito iginawa ko pa rin ng entry sa blog na ito. Sabi ko nga ang Sinigang na Baboy ay katulad ng Adobo. Marami itong variety. Mapa isda, baboy o baka man ay pwede mong gaing sinigang. Marami ding klase ng sinigang. May sinigang sa sampalok which is the common sinigang na natitikman natin. Mayroon ding sinigang sa kamyas o kaya naman sa bunga ng bayabas. Yung nai-post ko na na sinigang sa miso. Pwede ding gumamit ng calamansi o lemon sa pang-asim sa sinigang. Kung baga endless ang pwedeng gamitin sa sinigang. At kahit saang parte ng mundo, sinigang is truly Filipino. SINIGANG NA BABOY Mga Sangkap: 1 - 1 1/2 kilo ng Baboy (Spare ribs ang ginamit ko dito) 1/4 kilo Gabing pang sigang 1 tali kangkong 1 tali sitaw 6 pcs. okra 4 pcs. siling pang sigang(chili fingers) 1 large na sibuyas 2 larg

Ginataang Pla-pla

Image
Hello! Hindi ito isang klase ng paputok ha....hehehehe. Ngayon kasi pag sinabing pla-pla malakas na paputok ito. Pero ang totoo, tilapia ito na malaki o extra large ang size. Kagabi nakabili ako ng tilapia o pla-pla. 2 kilos at 3 piraso. Just imagine kung gaano kalaki ang tilapiang ito. Iniisip ko kung anong luto ang pwedeng gawin dito. Komo nga nagmamadali ako, yung pinaka-madali na lang ang naisip ko. At yun nga ang recipe natin for today. Ginataang Pla-Pla. Pero nilagyan ko ng twist.....eto na GINATAANG PLA-PLA Mga Sangkap: 2 kilos Pla-pla or Tilapia 1 can instant gata or kung yung piga na sa palengke 1/2 kilo luya (gayatin ng pino) bawang sibuyas asin at paminta lemon grass o tanglad (lower white portion) leaks Maggie magic Sarap (optional) Paraan ng pagluluto: 1. Igisa ang luya, bawang, sibuyas at tanglad 2. Lagyan ng kaunting tubig at hayaang kumulo 3. Ilagay ang gata ng niyog at timplahan ng asin at paminta. Hayaang kumulo. 4. Ilagay ang tilapia o pla-pla. Takpan hanggang sa mal

Pasta Carbonara

Image
Another pasta dish tayo. Ito ang paborito ng bunso kong si Anton. After nung makatikim siya nito the last time na na-ospital siya, lagi na niya itong hinihiling sa akin na lutuin. Last birthday nga niya ito ang naging handa. Madali lang naman ang pagluluto nito. Yun ang inam sa pasta, kahit ano ang ihalo mo okay pa din. Kung baga you just need some imagination to create a wonderful pasta dish. Halimbawa, kung mahilig ka sa sardinas..pwede din itong ihalo...dagdagan mo na lang ng cheese. O kaya naman your favorite chicken adobo...pwede din yun. Parang yung sa commercial ng Lucky me pancit canton di ba? kahit ano ilagay mo na toppings okay pa din....hehehehe PASTA CARBONARA Mga Sangkap: 1/5 kilo Spaghetti pasta cooked al dente 200 grams bacon 200 grams sweet ham (Hiwain na parang palito ng posporo) 1 big can alaska evap (full cream) 1/2 cup butter 1/2 bar cheese 1 cloves garlic 1 large onion finely chopped 1/2 cup flour salt and pepper Maggie magic Sarap (optional) Paraan ng pagluluto: 1

Arroz Caldo - Nilugawang Manok

Image
Sa tagalog ang tawag dito lugaw. Pero pag nilagyan mo na ito ng laman naiiba na ang tawag dito. Halimbawa, pag nilagyan mo na ito ng lamang loob ng baboy o baka (twalya o tokong) nagiging Goto na ang tawag dito. Pag nilagyan mo naman ng manok, ang tawag na dito ay Nilugawang Manok o kaya naman Arroz Caldo. Sa mga Intsik naman Congee. Masarap din itong kainin kasama ang Tokwa't baboy na may maanghang na suka. hehehehe Hindi ko alam kung saan namgmula ang lutuing ito. Kung sa China ba o sa Espanya. Ang masasabi ko lang masarap talaga siya. Mahirap man o mayaman, alam ko gusto nilang kumain nito. Mapa almusal man o meryenda. ARROZ CALDO - NILUGAWANG MANOK Mga Sangkap: 1 cup Malagkit na bigas 1 cup ordinaryong bigas 1/2 kilo manok (Hita ang ginamit ko dito. Hiwain na parang pang-adobo) 1 cloves garlic 1 large onion 1/2 cup luya (hiniwa na parang palito ng posporo) Onion leaves asin o patis Maggie magic Sarap (Optional) Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, igisa sa mahinang apoy a

Chicken Teriyaki at Ginisang Toge

Image
Nakakatawa naman ang recipe natin for today. Isang Japanese and dating at ang isa naman ay pinoy na pinoy....hehehehehe. Well gusto ko lang na maging pinoy pa din ang dating ng lutong ito. Actually hindi ako gumamit ng talagang teriyaki sauce dito. Toyo lang at brown sugar ay nagkatalo na para maglasang teriyaki sauce. Kapag kumakain ka sa mga Japanese fastfood kagaya ng Tokyo-tokyo, di ba may mga side dish na gulay kagaya ng toge or beans sprout ba yun? Well eto ang pinoy version ko ng mga lutuin yun. Chicken Teriyaki at Ginisang Toge Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Fillet Juice from 6 pcs. calamansi 1/2 cup soy sauce 1/2 cup brown sugar 1 cloves garlic 1 large onion 2 tbsp. grated ginger salt and pepper corstarch carrots and onion leaves for garnish For ginisang toge: 1/4 kilo toge or bean sprout 1 carrot 1 onion garlic salt and pepper Maggie magic sarap Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang chicken fillet sa asin, paminta at calamansi juice ng mga 1 oras. Mas matagal i-marinade mas ma

Pasta with Bacon, Basil, Garlic and Cheese

Image
This is one of the pasta dish na gustong-gusto ng wife ko. Remember yung niluto ko na Pasta with basil, garlic and cheese? Ito din ang recipe nito. Dinagdagan lang ng bacon. Kaya naman ng magkaroon ng birthday sa office niya, ni-request niya na magluto ako nito. Salamat naman at nagustuhan nila. Ang gagawin lang, after igisa yung garlic sa butter, isunod na ang ginayat na bacon. Kung naluto na, hanguin ang iba para pang-toppings. Just follow the same procedure with the old recipe sa pagpapatuloy. Di ba mas katakam-takam kung may toppings na bacon at cheese? That's it......Enjoy!!!

Sinigang na Blue Marlin sa Miso

Image
Hindi ako masyadong mahilig sa mga lutuing isda na may sabaw. Sa akin basta isda, prito at ginisang gulay ayos na. Last night, dapat nga pritong isda at gulay ang ulam namin. Kaya lang may nakita akong blue marlin sa farmers market sa cubao at naisip ko na bakit hindi ko na lang ito isigang para mas madali ang pagluluto. So yun nga, naisip kong isigang ang isdand ito sa miso. And you know what? Na-inlove ako agad sa lutong ito...hehehehe SINIGANG NA BLUE MARLIN SA MISO Mga Sangkap: 1 kilo Blue Marlin (pwede din tuna o tanigue) Kangkong Labanos Sitaw 3 pcs. siling pangsigang Miso (sabihin sa palengke pang isang lutuan lang) 1 small pack Knorr Sinigang Mix 2 kamatis 1/2 cloves garlic 1 large onion (yung red mas mainam) maggie magic sarap salt to taste Paraan ng pagluluto: 1. Hiwain muna ang lahat ng sangkap na kailangan 2. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas, kamatis at miso 3. Lagyan ng tubig at hayaang kumulo. 4. Ilagay ang sitaw at labanos. Takpan muli hanggan sa malapit ng m

Porkchop Aloha

Image
Sobra akong natutuwa sa magandang feedback na natatanggap ko para sa food blog ko na ito. Kaya naman mas lalo akong ginaganahan na mag-luto pa at mag-post pa ng mga lutuin na masarap pero madaling gawin. Sana ipagpatuloy ninyo ang pag-visit sa blog kong ito at i-share nyo din ito sa inyong mga kaibigan. Kagaya na lang ng isang maybahay na nag-comment, hindi daw siya marunong magluto at ang tagal-tagal na daw niyang naghahanap ng site na madaling sundan ang paraan ng pagluluto at eto nga nakita ang blog natin...hehehehe. Ngayon nagta-try na siyang magluto using our blog. For today ang lulutuin natin ay Porkchop Aloha. Pangalawang beses ko pa lang ito nagagawang lutuin. Matagal-tagal na din yung last. Kaya eto sana magustuhan ninyo. PORKCHOP ALOHA Mga Sangkap: 1 kilo Porkchop 1 medium size can Delmonte Pineapple Slices Juice from 6 pcs. calamansi salt and pepper maggie magic sarap olive oil or butter 1 small size onion 3 butill na bawang 2 tbsp. brown sugar 1 tbsp cornstarch Paraan ng

Chix and Chips

Image
Last night, ito ang dinner namin. Ilang weeks ko nang binabalak na magluto ng fried chicken na kagaya nung sa Max Restaurant. Ofcourse alam naman natin na trade secret nila yun and I don't know kung may nakagaya na talaga ng recipe nila. May mga nabasa na ako sa ibang food blog sa recipe nito at yun ang pinagbasihan ko sa nilutong kong ito. Hindi man kasing sarap ng sa Max pero masasabi ko na masarap din ang kinalabasan ng luto kong ito. CHIX AND CHIPS Mga sangkap: 1 whole chicken cut into half 3 tbsp. salt 1 tsp. pepper 2 small sachet maggie magic sarap 1 cloves garlic 1 medium onion 1 small grated ginger 2 large size potato (Hiwain na parang french fries) cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. Paghaluin ang asin, paminta at maggie magic sarap 2. Sa pinaghating manok, ikiskis o imasahe ang mg pinahalong sangkap sa #1. Hayaan ng mga 1 oras bago lutuin. 3. Sa isang kaserola, ilagay ang bawang, sibuyas, luya at paminta sa 5 na tasang tubig. Maaring dadagan pa ng asin. Hayaang

Turbo Broiled Liempo with Rosemary

Image
Lately lang ako natutong gumamit ng mga herbs and spices sa pagluluto. At napatunayan ko na iba talaga ang nagagawa nito sa lasa ng lutuin. Alam ko lang kasi basa igisa yun at timplahan ng asin at paminta, okay na yun. Hindi pala. Nagiging espesyal ang mga pagkain kung mas napapasarap mo ito ng mga herbs and spices na mga ito. Isa na dito ang rosemary and ofcourse ang love na love ko na sweet basil. It's always a hit pag may ganito ang mga niluluto ko. Kagaya last Tuesday, nagluto ako ng Turbo broiled liempo. Sa halip na yung dating recipe ang ginamit ko, gumamit ako ako ng rosemary. Masarap at kakaiba ang naging lasa ng karne at nagustuhan talaga ng pamilya ko ito. TURBO BROILED LIEMPO WITH ROSEMARY Mga Sangkap: 1 to 1 1/2 kilo Pork Liempo (Piliin yung hindi masyadong makapal ang taba) 2 tbsp McCormic Rosemary 3 tbsp salt 1 tsp pepper 1 sachet maggie magic sarap Para sa sawsawan: 1/2 cup vinegar 1/2 cup soy sauce juice from 6 pcs. calamansi 1 tsp sugar 1 small onion Paraan ng pagl

Beef with Mushroom and Cream

Image
Hello! Dahil nga sa mga balita-balita ng mga sakit sa baboy, minabuti kong medyo umiwas muna sa pagluluto nito. Kung baga mas mainam na ang nag-iingat kesa naman makasama pa sa kalusugan natin. Ang recipe natin for today ay masasabi kong one of my best. Hindi ko alam ang tunay na tawag sa lutuing ito but this inspired dun sa niluto ng Ate Mary Ann ko na Lengua with Mushroom and cream. Ito nga lang beef ang ginamit ko. Try this and I will assure you na magugustuhan nyo ang luting ito. BEEF WITH MUSHROOM ANF CREAM Mga Sangkap: 1 kilo Beef 2 tbsp. oyster sauce 1/4 cup soy sauce 1 big can whole button mushroom cut into half 1 tetra pack all purpose cream 2 medium size potato cut into cubes juice from 5 pcs. calamansi olive oil or butter 1 cloves garlic 1 medium size onion Maggie Magic Sarap salt and pepper Paraan ng pagluluto: 1. Hiwain ang baka into cubes 2. I-marinade ito sa calamansi juice, asin at paminta. Hayaan ng mga 1 oras. 3. Sa isang non-stick pan, i-prito ang karne hanggang sa

Sinampalukang Manok

Image
According to our latest blog survey, nangunguna ang chicken sa mga luting gusto nyo pang i-post ko. Marahil takot ang marami sa atin sa mga sakit ng baboy na laman lagi ng mga balita at maging sa tv. Kahit nga ang asawa kong si Jolly, sinabihan akong huwag munang bumili ng baboy at may baka o manok na lang daw muna kami.....hehehehe So eto nga, a chicken dish na masasabi kong Pilipino talaga. Sinampalukang Manok. Sa amin sa Bulacan, usbong ng sampalok ang ginagamit sa luting ito. Ito ang nagpapa-asim sa lutuin at nagpapasap dito. So komo nga wala namang puno ng sampalok dito sa Manila, ginawan ko ng twist ang ang recipe. At alam nyo? Sobrang nagustuhan ng mga anak ko ang lutuing ito. SINAMPALUKANG MANOK Mga sangkap: 1 kilo Manok (Wings ang ginamit ko dito) 1 taling sitaw 1 taling kangkong Luya (ginayat na parang match sticks) 2 pcs. siling pang-sigang 1/2 cloves garlic 1 medium size onion 2 pcs. tomato 1 small sachet Knorr Sinigang Mix Patis Magie magic Sarap Paraan ng Pagluluto: 1. Sa

Ginisang Munggo at Pritong Isda

Image
Hello! Pangkaraniwang pagkain ang ginisang munggo at pritong isda sa ating mga Pilipino lalo na pag nalalapit na ang mahal na araw. Ewan ko, pero natatandaan ko nung bata pa kami, kapag Biyernes, asahan mo na gulay at isda ang ulam.....hehehehehe. Last Friday,ito nga ang naisip kong ulam namin for dinner. Nag-enjoy ako sa pagkain lalo na sa ginisang munggo. Sabi ko nga, sa mga simpleng pagkain katulad nito, hindi naman kailangang i-sacrifice natin ang sarap para i-enjoy ang pagkain. Isa pa, dapat ang isasahog ko sa ginisang munggo ay tinapang isda. Komo nagmamadali na ako pauwi ng bahay, nakalimutan kong bumili ng tinapa. Buti na lang at may nakita pa akong kaunting bacon sa refrigerator at yun nga ang sinahog ko dito. And promise, masarap ang kinalabasan nito. GINISANG MUNGGO at PRITONG ISDA Mga sangkap: 1 kilo Isda (Talakitok ang ginamit ko dito) Olive oil or butter salt and pepper Maggie magic sarap 250 grams. munggo dahon ng ampalaya 250 grams. bacon 1/2 cloves garlic 1 medium oni

Pata Tim My own version

Image
I love Pata Tim. The first time na maka-tikim ako ng lutong ito talagang nasarapan ako. Ilang beses ko nang pinlano na magluto nito pero hindi matuloy-tuloy. Kaya the last time na mag-grocery ako, talagang ini-schedule ko na maging ulam namin ito for the week. Last Sunday pala may naging bisita kami sa bahay. Sina Franny anf Shiela. Wala akong maisip na desserts kaya gumawa na lang ako ng fruit salad. Nanghinayang naman ako dun sa syrup ng fruit cocktail kaya tinabi ko. Yun ang ginamit ko for this Pata tim. In this recipe, medyo binago ko ang mga sangkap at mas sinimplehan ko ang paraan ng pagluluto. And you know what? Ang sarap ng kinalabasan. Sabi nga ni Ms. Connie at naniniwala din ako sa ganun na walang exact recipe sa bawat lutuin na ginagawa natin. Kung baga, okay lang na lagyan natin ng iba o twist ang mga niluluto natin. So umpisahan na natin.... PATA TIM - My Own version Mga sangkap: 1 1/2 kilo na Pata ng baboy (Yung malaman) Fruit cocktail syrup 2 pcs. star anise 1 cloves gar

Thai Chicken Basil

Image
Hello! I have a kilo of chicken drumstick sa bahay at ilang araw nang di matuloy-tuloy na iluto. Papano kasi wala akong maisip na luto bukod sa prito o kaya naman tinola. Para namang pangkaraniwan kung ganitong luto parin ang gagawin ko. So I decided to surf in the net to look for a recipe for the chicken. At eto nga, napunta ako sa isang food blog na nag-po-promote ng mga thai sauces. Doon ko nakita ang recipe na ito. Although, hindi ko sinunod ang iba na nakalagay sa recipe at yung sauce na sinasabi na kailangan, masarap pa rin ang kinalabasan ng luto kong ito. THAI CHICKEN BASIL Mga sangkap: 1 kilo chicken drumstick (Pwede din kahit na anong part ng manok) 1 bunch of fresh basil leaves chopped 1 cloves garlic 1 large onion salt and pepper Maggie magic sarap (optional) 1 cup water 2 tbsp oyster sauce 2 tbsp dark soy sauce 2 tbsp fish sauce or patis 1 tbsp sugar 1 tbsp cornstarch carrots and onion leaves for garnish (Hiwain ng pahaba sinlaki ng palito ng posporo) Paraan ng pagluluto:

Fish Fillet with Creamy White Basil Sauce

Image
Hello! Ang recipe natin sa araw na ito ay maituturing ko na experimental. Tinawag ko itong Fish Fillet with Creamy White Basil Sauce. I don't know kung may ganitong recipe talaga. hehehehehe. Ito ang dinner namin last Tuesday and its a hit lalo na sa panganay ko na si Jake. Try nyo ito....hindi ko sinasabi ito dahil ako ang nagluto...pero ang sarap talaga ng kinalabasan. Para ka nang kumain sa isang hotel....hehehehe Excited na ako so let's start the ball rolling..... Fish Fillet with Creamy White Basil Sauce Mga Sangkap: 1 kilo Fish Fillet (Ang ginamit ko dito blue marlin. Pwede din ang tuna, lapu-lapu or any white meat na fish) Calamansi salt and pepper Maggie magic Sarap (optional) Olive oil For the sauce.... 1 small can Alaska Evap (Yung red ang label, matamis kasi yung white) 1 cup chopped fresh Basil leaves 1/2 cup flour 1/2 cup butter salt and pepper Maggie magic Sarap (optional) Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang isda sa katas ng calamansi, asin, paminta at maggie m

Foods @ Jenica's 18th Birthday

Image
Last Saturday February 28, umuwi kami ng Bulacan sa Bocaue my home town, para um-attend ng 18th birthday ng aking pinsan na si Jenica. Syempre basta may birthday ibig sabihin may kainan....hehehehe. At pag may kainan syempre yung masasarap ang inihahanda...kung baga food for special occasion. Ang Ate Mary Ann ko ang naatasan na magluto para sa okasyon na ito. Di ba nabangit ko na sa 1st entry ko na lahat kami sa pamilya ay marunong magluto? Sabagay sino pa nga ba? Wala kundi siya lang...hehehehe. Eto ang mga pagkaing inihanda: In the first pict, Lechong Kawali with liver sauce at Crispy chicken Fillet with gravy. Sa second picture, Asadong Dila ng Baboy and ofcourse mawawala ba sa birthday ang Pancit. Pancit Canton ito na may atay ng manok at squid balls. Sa third picture, Mix Vegetables with Chicken fillet and Liver in Creamy Sauce. Ofcourse, pwede ba naman na mawala ang cake sa birthday? As promised, na-i-post ko na din ang pict ng mag debut si Jenica. Happy Birthday again Jenica.

Beef Pochero

Image
Nung minsang mapunta ako ng Cebu for an assignment, niyaya ako ng counterpart ko doon para i-try ang mga sikat na night spot. Siguro mga 2am na noon ng yayain pa nila ako na i-try daw namin na kumain ng pochero para daw mabawasan ang pagkalasing namin. Nagtataka ako what so special with their pochero na kailangan pa naming puntahan kahit madaling araw na. Ang alam ko sa pochero, ito ay ulam na may tomato sauce at gulay at medyo manamis-namis ang lasa. Ang Inang ko pag nagluluto nito, nilalagyan niya ito ng pritong saging na saba. Sa aking pagkagulat, ang sinasabi pala nilang pochero sa kanila ay ang bulalo dito sa atin sa Manila. Ang hindi ko alam ngayon kung alin ang tama. Yung version ba nila o yung alam ko na version......? hehehehe. Pero isa lang ang alam ko, masarap ang lutong ito. Sa pochero, pwede kang gumamit beef, pork o kaya naman chicken. Sa recipe natin for today, beef ang gagamitin natin. May nabili kasi akong beef sa SM supermarket na galing ng Australia. And you know wha