Posts

Showing posts from April, 2012

TORTANG DALAGANG BUKID

Image
No.   Hindi burger patties yan....hehehehe.   Tortang Dalagang Bukid yan...hehehe Noon ko pa gustong gumawa nitong tortang dalagang bukid na ito.   Yun lang kapag gagawin ko na tinatamad na ako.  Alam nyo naman siguro na kapag wala kayo sa mood na magluto, hindi masarap ang kalalabasan ng inyong niluluto.   Mabusisi o matrabaho din kasi ang pagluluto nito.   Kagaya ng pagluluto ng relyenong bangus, kailangan mong ilaga muna ang isda at saka pagitityagaang alisan ng tinik.   Yun ang medyo matrabahong part. Also, ang dish na ito ay nagpapabalik sa aking ala-ala noong araw na mga bata pa kami.   Komo nga mahirap lang kaming pamilya, madalas ay isda ang aming iniuulam.   At para hindi maging kasawa-sawa ang paksiw o pritong isda, minsan ay tinotorta ito ng mahal kong Inang Lina.   At itong tortang dalagang bukid ang pinaka-paborito sa mga niluluto niyang ulam para sa amin.   Tansa ko pa na marami akong nakakain kapag ito ang aming ulam.   Ang masarap dito ay yung may sawsawan kang c

HOME MADE MANGO MILK TEA

Image
Dahil sa sobrang init ng panahon dito sa Pilipinas, dalawa lang ang masarap gawin.   Ang tumambay sa mall para malamigan at kumain ng halo-halo o uminom ng pampalamig.   Sobra.   Kahapon nga ng 36 ang init dito sa Manila.   Buti na lang at malamig dito sa office.   Hehehehe. Kaya naman click na click ngayon ang mga halo-halo sa mga kanto o tapat ng bahay.  hehehehe.   Natatandaan ko noong araw.... kapag ganitong summer... naglalagay kami ng mesa sa harap ng aming bahay at nagtitinda kami ng mga pampalamig kagaya ng halo-halo nga, gulaman at sago o kaya naman ay scramble.   Mabiling-mabili ito lalo na sa mga tricycle driver na babad talaga sa init ng araw. Dito sa Manila, click na click din ngayon ang mga milk tea na tindahan.   Kung noong mga nakaraang taon ay Zagu o mga flavored shakes ang nauso, milk tea naman ngayon ang IN.   At dahil ito ngayon at masarap din naman talaga, naisipan kong gumawa ng sarili kong version.   Yung sa akin sa halip na gulaman or sago ang isinasama,

BURGER STEAK with ROASTED GARLIC and MUSHROOM GRAVY

Image
Last Sunday sa lunch namin sa Jollibee, burger steak ang in-order ng panganay kong anak na si Jake.   Yun daw ang gusto niya as compare sa mga kapatid niya na chicken joy at spag ang kinain.   Pagkatapos kumain ay humingi pa siya ng kapirasong burger sa kanyang kapatid na sa tingin ko ay nabitin siya sa kina niyang burger steak.   Kahit 2 pcs. pa yung patties parang kulang talaga para sa akin ang size nun for a rice meal.   Kaya naman nasabi ko sa kanya na ipagluluto ko siya nito sa bahay.   At ito nga ang niluto kong dinner nila that day.   Burger steak with roasted garlic and mushroom gravy. Mayroon na din akong burger steak sa archive.   Ang pagkakaiba lang nito ay yung sauce o gravy na aking inilagay.   Nilagyan ko pa kasi ito ng roasted garlic para mas sumarap pa ang gravy.   At hindi naman ako nagkamali, masarap at malasa ang gravy na aking nagawa.   Also, nilagyan ko pala ng raisins yung burger for extra flavor.   Ayos naman, may kakaibang lasa habang kinakain mo ito.

ENSELADANG PAHUTAN with SALTED EGG

Image
Na-try nyo na ba ang enseladang pahutan?   Well, dapat matikman nyo din.   Yun lang may kahirapan na humanap ng manggang pahutan lalo na dito sa Manila.   Pwede din siguro ang ordinaryong manggang hilaw sa enseladang ito pero iba pa rin talaga ang lasa ng pahutan. Ginawa ko ang enseladang ito nung magluto ako ng crispy tawilis na ulam namin nitong nakaraang araw.   At para mas mapasarap pa ang aking enselada, nilagyan ko pa ito ng itlog na maalat. The result?   Nasira na naman ang diet ko.   Ewan ko, pero masarap talaga itong enseladang pahutan na ito sa mga pritong o inihaw na ulam ma-isda man o karne.   Ty nyo din. ENSELADANG PAHUTAN with SALTED EGG Mga Sangkap: 1 cup sliced Pahutan 4 pcs. sliced Tomatoes 1 large white Onion chopped 1/2 cup Bagoong Balayan or bagoong isda 4 pcs. Itlog na maalat Paraan ng paggawa: 1.   Sa isang bowl, paghaluin lamang ang lahat ng sangkap maliban sa itlog na maalat. 2.   Ilagay sa ibabaw ang binalatan at hiniwang itlog na maalat sa

PAHO / PAHUTAN / PAHUHUTAN

Image
Ang paho, pahutan o pahuhutan ay isang uri ng mangga na matatagpuan dito sa Pilipinas. Sa amin sa Bulacan paho ang tawag dito. Sa Batangas naman ay pahuhutan. Pahutan talaga ang tawag o pangalan ng klase ng manggang ito. Masarap itong gawing enselada na masarap isabay sa pagkain ng mga prito o inihaw na isda o karne. Pangkaraniwang inihahalo ito sa sibuyas, kamatis at bagoong isda. May kamahalan kung bibilhin ito sa mga palengke. katulad na lang nung minsang nagtanong ako sa palengke ng San Jose sa Batangas, P2.00 ang bawat isang piraso ng pahutang ito. Ang mahal di ba? Last Thursday, umuwi ng Batangas ang asawa kong si Jolly para samahan ang kanyang ina (my biyenan ofcourse..hehehe) para magpa-opera ng mata. At sa kanyang pagbalik ng Manila ay may dala siya nitong pahutan at iba pa. Mabuti naman at may bagoong balayan pa ako sa cabinet at tamang tama ito sa piniritong tawilis na aking niluto. Batangas na Batangas talaga ang dating. Hehehehe Enjoy!!!

SINIGANG na ULO ng SALMON

Image
Hindi ako mahilig sa mga ulam na kutkutin pa.   Ibig kong sabihin ay yung mga ulam na kailangan mo talagang mag-kamay para makain ka ng ayos.   Katulad ng hipon, alimango o alimasag, isdang matinik o ulo ng isda.  Mas gusto ko yung ulam na hiwa, subo at nguya na lang.   hehehehe.   Para kasing hindi ako nabubusog kapag may kinukutingting pa.   hehehe Kagaya ng ulo ng isda.  Hindi ko talaga nakalakihan na kumain nito.   Bukod kasi sa matinik ay parang nalalansahan ako.   Not until nung ma-try kong kumain nito nung minsang isinama ako at ang aking pamilya na mag-dinner sa Dampa sa may Farmers market sa Cubao.   Dumating kasi nun ang kapatid ng asawa kong si Jolly na si Lita na balikbayan.   Bukod sa mga seafoods na aming ipinaluto, ay ito ngang sinigang na ulo ng salmon sa miso ang aming iniulam. Nagustuhan ko siya.   Salmon ba naman....hehehehe.   Kaya naman naisip kong magluto din nito nitong nakaraang Friday.   May kamahalan din ang uo ng salmon.   P150 ang per kilo nito at dal

SINAMPALUKANG MANOK

Image
Ang sinampalukang manok ang kadalasang luto na ginagawa ng aking Inang Lina noong araw sa manok kapag tag-ulan. Pasibol kasi ang puno ng sampalok at marami itong usbong o yung mura nitong dahon na ginagamit na pampa-asim sa sinampalukan. May recipe na ako nito sa archive pero ang walang dahon ng sampalok akong inilagay. Kaya masasabi kong itong version ko na ito for today ang masasabi kong mas authentic. Biglaan lang talaga ang pagluto kong ito ng sinampalukang manok. May nakita kasi akong usbong ng sampalok sa palengkeng aking nadaraanan. Nagtataka din ako dahil tag-araw ngayon pero may tinda silang usbong ng sampalok. Well, ewan ko kung saan sila nakakuha nito. Ang masasabi ko, nagbalik ang aking kabataan ng humihigop na ako ng sabaw ng sinampalukan kong ito. Yun yung lasa ng nakagawian naming iulam noong kami ay bata pa. Naalala ko tuloy ang ang namayapang Inang Lina. She's the best pagdating sa sinampalukan at adobong manok. SINAMPALUKANG MANOK Mga Sangkap: 1 whole Ch

DOUBLE CHEESE MAC and SARDINES

Image
Sa kapitbahay kong si Ate Joy ko natutunang gumawa ng Fruity Macaroni Salad. Ito yung Macaroni Salad na fruit cocktail ang sahog. Walang kahit anong karne o chicken. Check nyo na lang sa archive under pasta yung recipe. Last week nagluto siya nitong fruity macaroni salad na babaunin ata nila pagpunta nila ng Boracay. After niyang maluto ang macaroni, napagtanto niyang naparami o sobra ang naluto niya as compare sa fruit cocktail na ilalagay. So ibinigay niya sa akin ang sobra, thinking kung ano ang ilalahok ko dito. Thursday night noon at halos papaubos na ang laman ng aming fridge at can goods cabinet. Ang natitira na lang ay malaking Ligo Sardines (premium brand), konting cheese at kontin ding Cheese magic ng del monte. So dun nabuo itong pasta dish na ito na entry ko for today. Ang kinalabasan? Isang masarap at kakaibang macaroni dish. Try it! DOUBLE CHEESE, MAC and SARDINES Mga Sangkap: 400 grams Macaroni pasta (cooked according to package direction) 1 big can Lig

A DAY @ AMANA WATER PARK 2012

Image
Last Sunday April 15, 2012, nagkayayaan ang aking mga pamangkin at pinsan na mag-swimming sa AMANA Water park sa Pandi, Bulacan. Nagkayayaang dito pumunta komo kabi-kabila ang promotion nito sa TV at maganda nga daw talaga. Ang AMANA Water park ay isang resort dito sa Bualcan na may theme na mga Cartoon Charcter. Sa pagpasok mo pa lang sa entrance ng resort ay makikita mo na ang malaking rebulto ni Sandman na huli-huli ng spider web ni Spiderman. Hehehe. Ang pinaka-highlight ng resort na ito ay ang kanilang ipinagmamalaking wave poll na tinatawag nilang Diamond Wave na may taas na 9 feet. May mga kiddie pool din na may mga theme din kagaya nang: Avatar pool, Madagascar pool, Dragon ball Z pool, at Kung Fu Panda Pool. Sa mga cottages naman, lugar sa Pilipinas ang groupings at tawag nila. Mayroong Boracay, Palawan, Davao, etc. Sa Subic kami nakakuha ng pwesto. Maaga pa lang (as early as 4:30) ay ginising ko na ang aking mga anak komo plano nga namin na maagang pumunta sa

CREAMY BEEF and POTATOES

Image
Have you tried yung packed yakiniku beef sa frozen section ng SM Supermarket? Minsan, basta maganda ang cut (yung hindi masyadong makapal ang taba) bumibili ako dahil masarap at madaling iluto. Ito yung beef slices na parang bacon ang itsura pag naka-pack na. I think imported ito. May ilang recipe na rin ako nito sa archive but this time simpleng luto lang ang ginawa ko. At wag ka, iilan lang ang sangkap na ginamit ko dito. Ang nakakatuwa, nagustuhan ito ng aking mga anak. Sa mga beginners sa pagluluto, itong dish na ito ang maisa-suggest ko para ma-impress ang inyong mga loveones. For sure magugustuhan din nila ito. CREAMY BEEF and POTATOES Mga Sangkap: 1 kilo Beef thinly sliced 3 pcs. Potatoes cut into cubes 1 tetra brick All Purpose Cream 5 cloves minced Garlic 1 large Onion sliced 1/2 cup Butter 1 tsp. Maggie magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter. 2. Ilagay na agad ang karne ng baka at t

@ KABISERA with OLD FRIENDS

Image
(From left: Me, Bong, Paul, Allan, Baldo, Mike) 1996 nung pag-resigned ako sa dating kong company na IT Works Corporation. Isa ito sa mga kumpanya ng dating Customs Commissioner Alberto Lina under Linaheim Properties, Inc. Dahil sa sobrang pressure at dami ng trabaho that time, hindi ko ito kinaya at nauwi nga sa aking pagre-resign. Ilang buwan din akong nabakante. May konti mang pagsisisi, pero hinarap ko pa rin kung ano man ang aking magiging kapalaran. After about 16 years, since my resignation, nagkaroon muli n pagkakataon na magkita-kita kaming magkaka-opisina para sarwain ang aming pinagsamahan hindi lamang bilang officemate kundi bilang magkakaibigan. Ang last namin palang pakikita-kita ay December 2010 pa. Eto nga last April 9, 2012, nagkita-kita kami muling dahil dumating ang isa sa aming mga kasamahan na si Bong Gines. Nag-migrate na siya at ang kanyang pamilya sa bansang America at itong taon ngang ito ay umuwi sila para

HERBED PINK SALMON & MIXED VEGGIES

Image
Bihira lang kaming makakain nitong pink salmon. May kamahalan kasi ang kilo nito. Siguro from P450 to P550 ang per kilo. Pero kahit may kamahalan, sulit na sulit naman talaga ang lasa nito. Kahit kainin mo ito na raw parang sashimi, panalo talaga sa sarap. Nitong nakaraang mahal na araw, ito ang isa sa mga niluto ko para sa aming dinner. 1/2 kilo lang ang niluto komo may kamahalan nga. Sinamahan ko na lang ng ginisang gulay para pandagdag sa aming ulam. Sa gulay, yung packed mixed vegetables lang ang binili ko. May kamahalan din kasi kung bibili ako ng paisa-isang klase. Mura lang ang isang pack nito P50 lang. Ito ang masasabing penitensya sa karne pero hindi sa sarap. Hehehehe. HERBED SALMON and MIXED VEGGIES Mga Sangkap: 1/2 kilo Boneless Pink Salmon (cut into 1 inch thick) 1 tsp. Dried Basil 1 tsp. Dried Oregano Salt and pepper to taste Olive oil for frying 1 pack Mixed Vegetables 2 tbsp. Oyster Sauce 3 cloves minced Garlic 1 medium size Onion sliced Paraan ng paglu

PORK AFRITADA (Nueva Ecija Version)

Image
Afritada is basically a dish cooked in tomato sauce. Pwede itong pork, chicken or beef. Sa ibat-ibang parte ng ating bansa, ibat-iba ang version at paraan nila ng pagluluto maging ang mga sangkap na ginagamit. Basta ang common lang sa lahat ay ang tomato sauce. May nabasa akong version ng pork afritada na version sa Nueva Ecija. Ang pagkakaiba ng version na ito ay ina-adobo muna ang karne at saka nilalagyan ng tomato sauce. Napaka-simple ng afritada na ito. Sa sangkap at paraan ng pagluluto ay talaga namang madaling sundan. Ang isa pang napansin ko sa version na ito ay mas masarap itong kainin kung kinabukasan na. Mas na-absorbed na kasi nung karne yung mga sangkap na inilagay. Try nyo din. Just imagine adobo and afritada in one? Yummy!!!! PORK AFRITADA (Nueva Ecija Version) Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes) 3/4 cup Vinegar 1/2 cup Soy Sauce 1 pouch Tomato Sauce 1 head minced Garlic 1 large Onion sliced 2 pcs. Tomatoes sliced 2 large Potatoes cut

FLORES REUNION SA ILOG 2012

Image
Tuwing Sabado de Gloria ay nagkakaroon ng reunion ang pamilya sa ina ng aking asawang si Jolly sa San Jose, Batangas. Ginagawa ito sa ilog o batis na pag-aari din ng kanilang angkan. May article na din akong naisulat sa archive tungkol pero minarapat ko pa rin na isulat muli ito sa isa pang pagkakataon. Taun-taon pala ay nage-elect sila kung sino ang mamumuno o pangulo sa susunod na taon. Ang marami naman ay nag-aambag in cash or in kind para na din sa kasayahan ng reunion na ito. Ang pangulo pala sa taong ito ay si Kuya Horacio. Maaga pa lang ng Sabado de Gloria ay maaga nang gumigising ang mga kalalakihan para katayin ang baboy na ihahanda. Dalawa ang kinatay this time. Isang pang ulam at ang isa naman ay ini-lechon. Maaga pa lang ay maaga nang nagsimula ang kainan. Ang mga kalalakihan ay busy na sa tagay at ang mga bata naman ay busy na rin sa paliligo sa batisan. Maraming ulam na inihanda para sa lahat. Hindi nawawala sa handaan nila ang pinalabuan o dinuguan sa mga

PANCIT LOMI GUISADO

Image
Ang Pancit Lomi Guisado ay para din lang pancit canton o pancit miki na niluluto natin. Aang pagkakaiba lang nito ay yung noodles na ginagamit. Dito kasi, yung noodles na ginagamit ko ay yung ginagamit din sa loming Batangas. The last time kasi na umuwi kami ng San Jose, Batangas ay bumili ako ng 1 kilo nitong noodles na ito at nasa isip ko nga na magluto nitong Pancit Lomi. Hindi ko alam kung sa Batangas talaga ginagawa ang noodles nilang ito. Ang maganda sa noodles na ito, hindi siya maalat o kaya naman ay parang may pait habang kinakain as compare dun sa nabibili sa palengke ng Manila. Santo miki ba ang tawag dun? PANCIT LOMI GUISADO Mga Sangkap: 1 kilo Batangas made Egg noodles 1/2 kilo Chicken Breast fillet (sliced) 1/2 cup Oyster Sauce 1 pc. Carrot (cut like a match sticks) 1/2 Repolyo (chopped) 100 grams Baguio Beans (cut into 1 inch long) Kinchay to garnish 1 Knorr Chicken Cubes 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion sliced Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.

SI HESUS AY NABUHAY! HALLELIUA!...HALLELIUA!

Image
MALIGAYANG PASKO NG PAGKABUHAY SA LAHAT!!!! Nawa ang pag-ibig, kapayapaan at biyaya ni Hesus na muling nabuhay ay suma-ating lahat. AMEN

JESUS DIED....For you and me

Image
THE PASSION OF THE CHRIST (From the movie with the same title) ISANG PAGNINILAY Sa simula pa lang ay alam na Niya ang mangyayari....pero tinupad pa rin niya ang utos ng Kanyang Ama. Nang dahil lamang sa kaunting piraso ng pilak..ipinagkanulo niya ang kanyang kaibigan..... Pero kahit anong sama pa rin natin....handa pa rin Siyang kumalinga at magpatawad... Nagtagpi-tagpi sila ng bintang para Siya ay maparusahan....anong lupit naman... Isa ba tayo sa nag-usig sa Kanya sa kasalanang hindi naman Niya ginawa? Dahil sa atin inako niya ang lahat ng ating mga kasalanan..... Kahit madalas ay pinipili natin ang mga kamalian...bulag pa rin tayo sa layaw ng buhay... At patuloy ang pagsasamantala sa kabuktutan.... Bawat sugat sa Kanyang katawan ay kasalanan nating Kanyang pinagbabayaran.... Anung sakit.....anong hapdi....pero tiniis Niya ang lahat. Para sa iyo at sa ating lahat. Wala nang hihigit pa sa taong nag-alay ng Kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Hanggang kailan? hanggang kailan