Posts

Showing posts from May, 2016

INIHAW NA PUSIT

Image
Nitong huling pagdalaw namin sa aking biyenan na si Inay Elo sa Batangas, may dala kami fresh na pusit na binili ng aking asawang si Jolly at gusto niyang ihawin ko ito para na din sa mga darating na mga pamangkin niyang balikbayan. Hindi naman kalakihan ang mga pusit na ito at tamang-tama lang na pang-ihaw.   Simple din lang ang aking mga ipinang-timpla para hindi matabunan ang natural na lasa ng pusit.   Tamang ihaw din lang ang ginawang luto para hindi tumigas ang laman nito. INIHAW NA PUSIT Mga Sangkap: 1 kilo Medium size Pusit (linising mabuti) Kamatis (chopped) Sibuyas (chopped) Maggie Magic Sarap Asin at Paminta Paraan ng pagluluto: 1.   Linising mabuti ang pusit.  Tiyakin na naalis yung tinta sa loob. 2.  Paghaluin ang hiniwang sibuyas at kamatis at timplahan ng asin, paminta at Maggie Magic Sarap. 3.   Ipalaman ang pinaghalong kamatis at sibuyas sa loob ng pusit.   Note:   Okay lang na ali...

TINAPA FRITTERS (Tortang Tinapa)

Image
Ito po yung sinasabi ko sa previous post ko na isa pang dish na niluto ko sa Batangas.   Tinapa Fritters o Tortang Tinapa. Dapat sana ay bola-bola ang gagawin ng helper ng aking byenan pero naki-alam nga ako at ito ang ginawa kong bersyon.   Hehehehe. Masarap siya.   Malasa at tamang-tama sa misua soup na akin ding niluto.   Nakakatuwa nga dahil nagustuhan ng aking biyenan ang aking niluto.   Naka-dalawang balik ng kanin eh.   hehehehehe TINAPA FRITTERS (Tortang Tinapa) Mga Sangkap: Tinapang Bangus o Galunggong Itlog Harina Puting Sibuyas (chopped) Maggie Magic Sarap Asin at paminta Cooking Oil for Frying Note:   Hindi ko na po nilagyan kung gaano karami ang mga sangkap dahil depende na po ito sa dami ng tinapa na hihimayin. Paraan ng pagluluto: 1.   Himayin ang tinapa at tiyakin na wala na itong tinik. 2.   Sa isang bowl batihin ang itlog at ihalo ang harina. 3.   Timplahan ng...

MISUA HIPON at PATOLA SOUP

Image
Last Saturday, umuwi kami ng aking mga anak sa bahay ng aking biyenan na si Inay Elo sa San Jose Batangas.  Last Holy week pa kami huling nakadalaw at nung magkasakit nga siya ay nito lang kami naka-dalaw. Pagdating namin, nag-aayos ng lulutuing pang-ulam pang-tanghalian ang helper.  Bola-bolang tinapa at ito ngang Misua na may hipon at patola.   Nag-volunteer ako na siyang magluluto na ng mga ito at ito na nga ang kinalabsan. Ang maidadagdag  ko na lang o tip para sa soup dish na ito, ay dapat fresh o hilaw na hipon ang gamitin para mas malasa ang sabaw.   Yung ginamit ko kasi dito ay naluto na na hipon.   Try nyo din po.   Ayos na ayos ito lalo pa ngayon maulan na ang panahon. MISUA HIPON at PATOLA SOUP Mga Sangkap: 300 grams Sariwang Hipon (alisin ang balat at kuhanin yung katas ng ulo) 2 pcs. Patola (sliced) 2 pcs.  Misua Noodles 1 tangkay na Celery (cut into small pieces) 1 head Minced Garlic 1 pc. Onio...

CREAMY BEEF, MUSHROOM and POTATOES

Image
Minsan lang kami mag-ulam ng karneng baka.   Bukod kasi sa may kamahalan ang per kilo nito, may katagalan din itong lutuin lalo na kung may katigasan ang karne.   Kung yun namang malambot na parte ang bibilhin, panigurado doble o triple pa ang presyo nito.   Isa pa, very limited lang din ang alam kong luto sa baka kaya pangkaraniwan nilaga, bistek o caldereta ang nagiging luto ko dito. This time, isang espesyal na beef dish ang ibinibigay ko sa inyo na alam kong magugustuhan ng inyong pamilya.   Try nyo din po. CREAMY BEEF, MUSHROOM and POTATOES Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced) 1 can Button Mushroom (sliced) 2 pcs. Potatoes (cut into sticks) 1 tetra brick All Purpose Cream 1 head Minced Garlic 1 pc. Onion (sliced) 3 tbsp. Butter 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter. 2.   Isunod na agad ang hiniwang ka...

ROTINI PASTA in ITALIAN SPAGHETTI SAUCE

Image
My family loves pasta.   Kahit ano pa ang kulay ng sauce na ilagay dito ay panalo pa din sa aming lahat.   Kaya naman nung bigyan kami ng iba't-ibang klase na pasta ng aking kapatid na si Ate Mary Ann (padala ng kanyang anak na si Ichan), natuwa ako at may mailuluto na naman akong kakaiba para sa aking pamilya. Nagpa-package kasi ang aking pamangkin na si Ichan na nasa Abu Dhabi.   At marami nga sa laman nito ay mga pasta at kung ano-ano pa.   Tatlong klaseng pasta ang ibinigay sa akin.   Ito ngang Rotini o twisted pasta,  shell pasta at elbow macaroni pasta. In this pasta dish, Italian spaghetti sauce ang aking ginamit.   Luncheon meat naman ang aking isinahog at dinagdagan ko ng maraming grated cheese.   And as expected, nagustuhan ng aking mga anak ang pasta dish na ito. ROTINI PASTA in ITALIAN SPAGHETTI SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Rotini Pasta (Twisted) 1 can Maling Luncheon Meat or Spam (Cut i...

BABOY at SITAW sa GATA

Image
Dapat sana ay Pork Binagoongan ang gagawin kong luto sa pork liempo na nabili ko para sa aming pang-ulam.   Kaso hindi ko napansin na wala na pala kaming bagoong alamang na pangunahing sangkap para dito.   Ang natitira na lang ay wala pang 1 kutsara na bagoong.  Hindi ko naman magawang Bicol Express at baka naman hindi makain ng mga anak ko sa anghang. E di ang ginawa ko na lang pinag-ubra ko kung ano ang meron at eto na nga ang kinalabasan.    Isang masarap pa din na dish na nagustuhan ng aking mga anak. BABOY at SITAW sa GATA Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo (cut into cubes or strips) 3 cups Kakang Gata Sitaw (cut into 1 inch long) 1 tbsp. bagoong Alamang 5 pcs. Siling Pang-sigang 2 pcs. Siling Labuyo 1 thumb size Ginger (cut into strips)  1 head Minced Garlic 1 pc. Large Onion (sliced) 2 tbsp. Cooking Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang non-stick na kaserola o kawali, ilagay ang kar...

CHAMPORADO ESPESYAL

Image
Paborito nating mga Pilipino itong champorado sa almusal.   Lalo pa kung sasamahan mo ng pritong tuyo ay paniguradong mapaparami ang kain mo.   Pwede din itong ipang-meryenda. Kapag weekend, minamabuti kong maiba naman ang aming almusal sa bahay.   So sa halip na kanin at ulam ang almusal, minsan nagluluto naman ako ng pasta, o kaya naman ay sopas.    Minsan naga-arroz caldo din ako at nitong nakaraan nga ay itong champorado. May nagbigay kasi sa amin ng purong tablea nitong nakaraang Pasko at ito nga ang ginamit ko sa champoradong ito.   Ngayon nilagyan ko pa ng pampasarap kaya mas lalong naging espesyal ang champoradong ito.   Alam nyo kung ano?   Nilagyan ko ng butter kapag kakainin na.    Sa pamamagitan nito, mas nagiging malinamnam ang inyong champorado.   Try nyo din po. CHAMPORADO ESPESYAL Mga Sangkap: 2 cups Purong Malagkit na Bigas 4 pcs. Tablea Sugar to taste Gata...

CRISPY SISIG ala JAKE

Image
Nagluto ako ng Lechon Kawali nitong isang araw.   Bale bago ako pumasok sa aking trabaho niluluto ko na ang pang-ulam ng aking mga anak para sa tanghalian at hapunan na din.   Isang ulam lang pangkaraniwan ang niluluto ko para di matrabaho. Pagdating ko ng bahay kinagabihan laking gulat ko nang ang lechon kawali na niluto ko ay ginawa namang sisig ng panganay kong anak na si Jake.   Tinanong ko siya kung papaano niya ito ginawa at nakakatuwa naman dahil masarap ang niluto niya.   Kaya naman eto at ibinabahagi ko sa inyo ang version ng sisig ng anak kong si Jake.   Try nyo din po. CRISPY SISIG ala JAKE Mga Sangkap: 1.5 kilos Pork Belly o Liempo (piliin yung hindi masyadong makapal ang taba) 2 pcs. Dried Laurel leaves 2 pcs. Onion (sliced) 1 head Garlic 1 tbsp. Whole Pepper Corn 3 tbsp. Rock Salt Cooking Oil for Frying 1 cup Mayonaise 2 pcs. White Onion (chopped) 1/2 cup Butter or Margarine 3 pcs. Siling Pang-sigang (sl...

SWIMMING sa BULACAN 2016

Image
Nakagawian na ng aking pamilya sa Bulacan na magkaroon ng summer outing o swimming.  At nitong nakaraang Linggo nga ay nangyari ito.   Kahit noong maliliit pa ang aking mga anak ay sumasama talaga kami dito.   Hindi na lang naulit nang mga nakaraang taon sa hindi ko matandaang kadahilanan.   But this year, sumama talaga kami komo walang pasok naman ng kina-lunisan dahil eleksyon.  Sa King Leonard Resort kami pumunta.   Kalapit baryo lang namin ito kaya madali lang puntahan.   Kasama din ang aking Tatang Villamor at aking mga kapatid.    At syempre mawawala ba ang masaganang pagkain.    Kanya-kanyang share ang bawat pamilya.   Hotdogs ang aking dinala.    May nagdala din ng ihawing liempo,  Adobong Manok,  Sinampalukang manok,  Lechong manok at marami pang iba. Syempre enjoy ang aking mga anak kahit napaka-tindi ng sikat ng araw. Ang maganda d...

MACAPUNO-PANDAN version 2

Image
Sa paghahanda ng pagkain para sa ating mga mahal sa buhay importante din yung presentation o plating ng ating mga niluto.   Hindi ko naman sinasabi na parang pang-hotel o fine dining restaurant na plating kundi yung kaaya-aya lang tingnan.   Sabi nga, ang ating mga mata at isipan ang unang kumakain bago ang ating bibig at tiyan. Kagaya nitong Macapuno-Pandan na nai-post ko na nitong mga nakaraang araw.   Yung una, as in the ordinary na pinaghalo ko lang yung gulaman na hiniwa ko ng pa-cubes at yung sweet macapuno.   That time din, gumawa pa ako ng isang version.   At ito na nga yun. Sa version 2 na ito, gumamit ako ng hulmahan ng gulaman gamit ang mga recycled na pastry or plastic food pack.   Yung may magagandang design ang bottom.   With that mas maganda ang kinakalabasan ng inyong gulaman.   Just like the photo above.  Try nyo din po. MACAPUNO-PANDAN version 2 Mga Sangkap: 4 cups Ready to eat Pure Mac...

IGADO - An Ilocano Dish

Image
Ang Igado ay isang sikat Ilocano dish na maihahalintulad mo sa adobo o menudo.   Hindi ko alam ang ibig sabihin ng igado pero isa lang ang masasabi ko sa dish na ito.   Masarap. Masasabi kong para siyang adobo dahil may sangkap din itong suka at toyo.   Yun lang may kasama din itong carrots, red bell pepper at green peas.   Para din siyang menudo pero ang pagkakaiba lang nito ay wala itong tomato sauce at ang hiwa ng mga sangkap ay pahaba. Dapat sana Batchoy Tagalog ang gagawin kong luto sa pork lomo at atay na ito na nabili ko nitong huli kong pamamalengke.   Nabago lang ang una kong plano nang maisip ko na tinolang manok pala ang gagawin ko namang luto sa manok.   E halos pareho lang ang sangkap at pagluto sa batchoy talagalog at tinola.  Parehong may luya at papaya o sayote. Kaya eto, isang masarap na Ilocano dish para sa inyong lahat. IGADO - An Ilocano Dish Mga Sangkap: 1 kilo Pork Lomo 1/2 kilo Pork Liver ...