Posts

Showing posts from June, 2016

PENNE PORK and BASIL PASTA

Image
Ito ang pasta dish na inihanda ko nitong nakaraang fiesta sa aming lugar.   Penne Pork and Basil Pasta. Wala naman talaga akong balak na maghanda pero nag-sabi ang anak kong si Anton na may pupunta daw siyang mga ka-klase.   So naghanda na nga ako kahit kaunti.   At komo nga mga kabataan ang magiging bisita, naisip ko na maghanda nga ng pasta dish na alam naman nating paborito ng mga bata. Actually, simpleng spaghetti recipe din lang itong dish na ito.   Penne pasta lang ang aking ginamit at fresh Thai basil naman ang inilahok ko pa para magkaroon ng strong na flavor sa pasta.   And perfect!   Nagustuhan ng mga bata ang pasta dish ko na ito. PENNE PORK and BASIL PASTA Mga Sangkap: 500 grams Penne Pasta (cooked according to package directions) 500 grams Ground Pork 2 cups Grated Cheese 8 pcs. Regular Hotdogs (sliced) a Bunch of Fresh Thai  Basil 1 Medium pack Del Monte Sweet Style Spaghetti Sauce 1 tsp. Freshly Ground Black pepper 1/2 tsp. Dried Basil 1 head Minced

PORK HAMONADO ESPESYAL

Image
Pangalawa sa mga dish na nai-post ko sa food blog kong ito way back January 16, 2019 ay itong Pork Hamonado.   May isang nag-comment nga doon na sa mga fiesta o handaan lang siya nakakatikim ng dish na ito.  And yes isa ito sa mga dish na inihanda ko sa nakaraang fiesta sa aming lugar. May twist akong ginawa sa pork hamonado na ito.   Bukod sa fried saba na inilagay ko for garnish,  nilagyan ko din ng lemon soda o 7up (pwede din ang sprite) ang marinade mix para kako lumambot ang karne at madaling hiwain.   At tama nga, bukod sa malambot ang kinalabasan ng nalutong karne, mas malasa at masarap ito.   Talaga naman nagustuhan ng aking mga bisita ang dish na ito.   try nyo din po. PORK HAMONADO ESPESYAL Mga Sangkap: 2 kilos Pork Kasim or Pigue (cut into 4 pcs. logs) 1 can Sweeten Pineapple Juice (miduim size can) 1 can 7Up or Sprite Soda 2 pcs. Onion (chopped) 1 head Minced Garlic 1 cup Soy Sauce Brown Sugar Salt and pepper to taste 1 tbsp. Flour or Cornstarch Fried

TUNA STEAK in OYSTER SAUCE

Image
May nakita akong sariwang isdang tuna nitong huli kong pamamalengke.   Tinanong ko ko kung magkano ang kilo at P340 daw.   Mahal.   Parang karne ng baka ang presyo.    Pero pikit mata ko pa rin itong binili at ang nasa isip ko ang ang gagawin kong luto dito.  Dapat sana ay parang bistek ang gagawin kong luto.   Nabago na lang ang isip ko dahil kaka-bistek lang namin na baka nitong nakaraan araw.    So, niluto ko nga ito na parang steak at nilagyan ko ng oyster sauce.   Wow!   sulit na sulit ang lasa at ang kamahalan ng isdang ito.    Hehehehehe. TUNA STEAK in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Fresh Tuna (slice to 1/2 inch thick) 1 cup Oyster Sauce 1/3 cup Soy Sauce 1 thumb size Ginger (cut into strips) 3 pcs. White Onion (cut into rings) 1 head Minced Garlic 1 tsp. Cornstarch (dissolved in 1 cup water) 1 tbsp. Brown Sugar 1 tsp. Sesame Oil Cooking Oil for frying Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng asin at paminta ang hiniwang isdang

CHICKEN ASADO with HOISIN SAUCE - Chinese Style

Image
Ang lutong asado sa mga bansang kagaya ng Brazil at Argentina ay barbeque.   Pero dito sa atin sa Pilipinas sa pagka-alam ko, may dalawang klase ng asado.   Yung asado na may tomato sauce at yung isa naman ay yung Chinese style na medyo manamis-namis na parang palaman ng siopao. Ang nakalakihan ko ay yung nuluto sa tomato sauce.   Malaking hiwa ng laman ng baboy na niluto ng matagal sa tomato sauce at iba pang pampalasa at kapag ise-serve na ay hinihiwa ng manipis at nilalagyan ng saue sa ibabaw. But today, yung Chinese style ang ishe-share ko sa inyo.   And this time manok ang aking gagamitin sa halip na laman ng baboy. Madali lang ang dish na ito na tiyak kong magugustuhan ng inyong mga mahal sa buhay. CHICKEN ASADO with HOISIN SAUCE - Chinese Style Mga Sangkap: 8 pcs. Chicken  Legs (cut into 2) 3 pcs. Star Anise 2 tbsp. Oyster Sauce 2 tbsp. Hoisin Sauce 1/2 cup Soy Sauce 2 tbsp. Brown Sugar A Bunch of Bok Choi or Chinese pechay 1 tsp. Sesame Oil 1 thumb size G

@ MASFLEX 25th ANNIVERSARY

Image
Naimbitahan ako ng isang kilalang brand ng mga gamit sa kusina ang MasFlex para sa pagdiriwang ng kanilang ika-25 anibersaryo.   Kasabay din nito ang pagpapakilala nila ng kanilang bagong Brand Ambassadress na si Ms. Nancy Reyes - Lumen. 1pm ang nakalagay na start ng programa kaya naman nag-halfday ako sa aking trabaho at pumunta na ako sa venue ng events.    Sa La Pavillon sa may MOA complex ito ginanap. Nakakatuwa naman at during the registration ay may nakita akong pamilyar na mukha at ito ay si Ms. Maridel Pacleb na nakasama ko sa isang event naman ng Alaska. 2pm nagsimula ang programa at habang naghihintay kami ay nag-ikot-ukot muna kami sa venue kung saan naka-display ang lahat ng produkto ng MasFlex. Habang naghihintay sa pag-start ng programa, mayroon ding contest ng pagandahan ng paggawa ng pancake.   Ofcourse gamit ang pan na gawa ng MasFlex. Habang naghihintay ay napapalabas din ng mga videos ng mga tips sa tamang paggamit ng kanilang producto at ang ib

BEEF STROGANOFF

Image
Ang Beef Stroganoff ay isang Russian dish na kinuha ang pangalan kung kanino nag-origin ito.   Nanalo daw ang dish na ito sa isang paligsahan at mula noon at naging tanyag na ito sa ibat-ibang bansa at nagkaroon na din ng maraming bersyon. Ilang beses na din ako nakapagluto nito pero ordinary cream lang ang aking ginagamit.   Sa original recipe kasi sour cream ang inilalagay.   Hindi ako pamilya sa lasa ng sour cream kaya hindi ko ito nasusubukan.   Not until nitong huling try ko na magluto ulit nito.   Kahit may kamahalan ang halaga ng sour cream ito ang ginamit.   Pero hindi ako nagsisi,  mas masarap ang kinalabsan ng aking beef stroganoff.   For sure magugustuhan din ito ng inyong pamilya. BEEF STROGANOFF Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced into bite size pieces) 2 cup Sour Cream 1 can Sliced Button Mushroom 1/2 cup Melted Butter 2 head Minced Garlic 1 pc. Large Onion (sliced) 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Sa is

CHICKEN CALDERETA using UFC Caldereta Mix

Image
Classic favorite nating mg Pilipino itong caldereta.   Dati, sa mga handaan lang natin ito natitikman.   Pangkaraniwan, karneng baka ang ginagawang ganito o kaya naman ay karne ng baboy o kambing. Ngayon, hindi na pahirapan ang pagluluto ng caldereta.   Marami na kasing available na mga sauces at marinade mixes sa mga paborito nating classic na filipino dishes sa mga supermarket o palengke man.   Ako basta may bago akong nakita sa supermarket sinusubukan ko ito para malaman ko din kung alin ang masarap.   Hindi naman ako nagre-rely lang sa mga instant mixes na ito.   Nilalagayan ko pa din ng iba pang mga sangkap para mas lalo pa itong mapasarap. Katulad nitong Chicken Caldereta na ito.   Bukod sa UFC Caldereta Mix, nilagyan ko pa din ito ng sweet pickle relish at Reno Liver spread na pangkaraniwang nilalahok natin sa caldereta.   The result?    Isang masarap na ulam para sa ating mahal sa buhay. CHICKEN CALDERETA using UFC Caldereta Mix Mga Sangkap: 1 whole Chicken (

INIHAW NA BANGUS using ELECTRIC GRILLER

Image
Paborito ko itong Inihaw na Bangus na may palaman na Kamatis at sibuyas.   Yun lang hindi ko maluto ito ng madalas komo nga sa isang condo kami nakatira.   Dati ang ginagawa ko ay sa turbo broiler ko na lang niluluto na pwede naman din talaga, kaso nasira na ang aming turbo broiler. Buti na lang at nakabili kami ng electric griller na naka-sale sa SM Department store.    P1,500 ang actual price niya.   Pero komo sale nga, kapag nakapamili ka ng P3,000 mabibil mo na lang ang griller na ito ng P799.   So nakatipid ka ng P700 sa griller na ito.   At bumili nga kami ng isa. Hanabishi ang tatak ng griller.    At nito ngang nakaraang Linggo ay sinubukan ko itong gamitin at ito ngan Inihaw na Bangus ang aking niluto. Hindi ko alam kung talagang ganito itopng griller na ito.   Namamatay kasi siya after ng ilang minuto at nabubuhay ulit.   Akala ko nga nasira agad ito ng mapansin kong nag-stop o namatay ng power indicator, Pero ganun pa man, naluto ko ang inihaw na bangus na ito

CHICKEN BINAGOONGAN

Image
Paborito ko din ang Binagoongan.   Mapa-baboy man o manok, tiyak mapaparami ang kain ko.  Hehehehe.   Bakit naman hindi?   Sauce pa lang kasi ay ulam na.   Kaya naman kapag nagluluto ako nito, dinadamihan ko sadya ang sauce o sabaw.   Ang sarap kasi itong ihalo sa mainit na kanin.   hehehehe. Basta ang tip lang na masasabi ko sa dish na ito ay dapat good quality ang bagoong alamang na gagamitin.   Otherwise, hindi masarap ang kakalabasan ng inyong binagoongan.   Better kung home made na gaboong ang gamitin para sigurado. CHICKEN BINAGOONGAN Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 1 cup Bagoong Alamang (Sweet flavor) 1 can Coconut Cream or 3 cups Kakang Gata 5 pcs. Siling pang-sigang 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1 head Minced Garlic 1 pc. large Onion (sliced) 3 tbsp. Cooking Oil 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng kaunting asin at paminta ang hiniwang manok.    Hayaan ng ilang sandali.

KITAKITS with MY HIGHSCHOOL CLASSMATES

Image
Last Saturday June 4, 2016, nagkaroon kami ng pagkakataon na magkita-kita ng aking mga ka-klase noong high school.   Dumating kasi ang classmate namin na si Filo mula sa America at ninais niya na magkaroon kami ng munting pagkikita-kita. Dapat sana ay reunion ng aming section pero hindi ito nag-materialize sa maraming kadahilanan. Ito ang isa sa magandang naidudulot nitong FB.   Mas madali ang communication.   kahit ang mga nasa ibang bansa ay naaabot nito at the same time.   Kaya nga naging mas madali ang pagpa-plano nitong kitakits na ito. 1pm ang usapan pero late na ako nakadating dahil pumasok pa ako sa aking trabaho.   15 kami lahat na nakarating at ang bawat isa ay may kani-kaniyang dalang pagkain.   Sa totoo lang hindi namin naubos ang lahat ng pagkain at iniuwi na lang ang natira. Walang katapusang kwentuhan ang nangyari at talaga naang na-enjoy ng lahat ang pagkikita-kita.   Lahat kami ay umuwi na masaya at baon ang mga ala-ala ng aming mga kabataan. For su

BRAISED CHICKEN IN PINEAPPLE JUICE

Image
Here's another chicken dish na tiyak kong magugustuhan ninyo na napakadali lang lutuin.   Konti din lang ang mga sangkap pero hindi tipid ang lasa. For sure magugustuhan din ito ng mga bata komo manamisnamis ang lasa nito.   Much better kung ibababad ng matagal muna ang chicken sa pineapple juice bago ito i-braise.   Try nyo din po. BRAISED CHICKEN IN PINEAPPLE JUICE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken (legs and wings) 1 medium size can Pineapple Tidbits 2 tbsp. Brown Sugar 1 head Minced Garlic 1 pc. Onion (chopped) Salt and pepper to taste 3 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Ibabad ang manok sa pineapple syrup ng pineapple tidbits at sa kaunting asin at paminta.   Overnight mas mainam. 2.   Sa isang non-stick na kawali, i-brown ng bahagya ang bawat piraso ng manok sa mantika.  Hanguin muna sa isang lalagyan. 3.   Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas. 4.  Ibalik sa kawali ang na-brown na manok at ang syrup na pinagbabaran ng manok at ang brown