Posts

NOCHE BUENA 2017

Image
Almost a year na din nung huli akong mag-post sa food blog kong ito.   Pasensiya na at nagkaroon lang ng problema.  Sana lang ay maipagpatuloy ko pa ito at marami na din ang nag-aabang sa aking pagbabalik.   I just hope na patuloy nyo pa din akong suportahan. Siguro mainam na bumalik ako sa isang post na magandang simulan.   At ito nga ay itong Noche Buena namin nitong nakaraang Pasko.   Syempre naman kapag sinabing Noche Buena...maraming pagkain ito.   But for this year, isang simple at espesyal na pagkain ang aking inihanda para sa aking pamilya. Favorite ng mga anak ko itong Cheesy Bacon and Baby Potatoes kaya ito ang niluto kong appetizer. Isa pa sa paborito nila ay itong Baby back Ribs. Pan-grilled Pink Salmon with Buttered Carrots and Broccoli.   And for the pasta, nagluto ako nitong Penne Pasta with Pesto Sauce. Ofcourse hindi mawawala ang Keso de Bola, Hamon at Fruit Salad sa hapag. I...

HAPPY BIRTHDAY to ME

Image

ABANGAN!!!! Ang Pagbabalik.....

Image

TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)

Image
Nitong nakaraan kong pamamalengke may nakita akong himay na na laman ng alimasag (crab) na ibinebenta sa parte ng mag-iisda.   Kahit hindi ko pa itinatanong kung magkano ang kilo nito at napabili na ako agad at ang nasa isip ko lang ay masarap itong gawing torta.  Masarap ito na ang kasamang sawsawan ay patis na may calamansi o kaya naman ay toyo na may calamansi.   Pwede din naman ang sweet-chili sauce or ordinaryong catsup.   Try nyo din po. TORTANG ALIMASAG (Crab Meat) Mga Sangkap: 1/2 kilo Crab Meat / Hinimay na laman ng alimasag 2 pcs. medium size Potatoes (cut into small pieces) 1 cup Green Peas 1 pc. large size Red Bell Pepper 4 pcs. Calamansi 3 tbsp. Soy Sauce 5 cloves Minced Garlic 1 pc. White Onion (chopped) 2 pcs. Tomatoes (diced) 3 tbsp. Canola Oil / more for frying Salt and pepper to taste 1 tsp. Maggie Magic Sarap 5 pcs. Fresh Eggs (beaten) Paraan ng pagluluto: 1.    Sa isang kawali igisa ang bawang, sibu...

CRAB STICK and CUCUMBER SPRING ROLL

Image
Ito ang isa sa mga inihanda ko nitong nakaraan naming media noche.   Crab Stick and Cucumber Spring Roll. Actually, marami na din akong na-post na recipe nito sa archive.   Minarapat ko lang na i-post ulit with the latest picture para sa mga bago pa lang na sumusubaybay sa food blog kong ito.   Mayroon ding nag-message sa akin na i-post ko nga daw ang recipe para magaya niya. Madali lang naman ang appetizer na ito.   Ang mahirap ay yung pag-hanap ng mga sangkap at yung mismong pag-assemble.   Kapag hindi ka kasi mabilis sa pag-roll masisira o mapupnit lang yung wrapper. Pero winner talaga ang spring roll na ito.   Hina-hanap-hanap talaga sa akin ito kapag may espesyal na okasyon sa amin.   Try nyo din po. CRAB STICK and CUCUMBER SPRING ROLL Mga Sangkap: Rice Paper Crab Sticks (cut into strips) Cucumber (cut into strips) Romaine Lettuce Cashiew Nuts (durugin) For the sauce:Mayonaise All Purpose Crea...

STEAMED LAPU-LAPU

Image
December 31, 2016 habang naghahanda ako para sa mga ihahanda para sa media noche, nagdala ng pagkalaki-laking lapu-lapu ang pamangkin ng aking asawa na si Japok.   Pinapaluto daw ito ng aking bayaw na kanyang tatay para pagsaluhan nga sa media noche. Sa isip ko, dalawang luto ang pwedeng gawin sa isda.  Yung may sweet and sour sauce at yung steam.   Nag-suggest ako ng steam.   Sa isip ko kasi mas madali ang trabaho at hindi masyadong marami ang sangkap na gagamitin. Ang naging problema ko lang dito ay ang steamer na gagamitin.   Sa laki ng lapu-lapu, walang steamer na ganun kalaki para magkasya ito.   Ayoko namang putulin ang isda para magkasya.   Ang ginawa ko na lang pinakuluan ko ito sa kumukulong tubig na tinimplahan ng mga pampalasa.   Ayos din naman. At ito na nga ang kinalabasan ng aking Steamed Lapu-lapu.   Masarap at pang-espesyal na okasyon talaga.   Yum yum yum!!!! STEAMED LAPU-LAPU ...

CALIFORNIA MAKI with CRAB SALAD TOPPINGS

Image
Basta espesyal na okasyon espesyal din at mga kakaiba ang inihahanda o niluluto ko.   Yun din kasi ang gusto ng aking asawang si Jolly.  Kagaya nitong nakaraan naming noche buena, mga kakaiba o espesyal na putahe ang aking inihanda. Isa na dito itong California Maki with Crab Salad Toppings.   Nagaya ko ito sa isang Japanese restaurant na nakainan ko.   Yun lang hindi ganun kaganda ang hiwa komo ordinary knife lang ang ginamit.   Pero panalo ang lasa at sarap nito.  Para ka na ding kumain sa isang mamahaling Japanese restaurant. CALIFORNIA MAKI with CRAB SALAD TOPPINGS Mga Sangkap: Japanese Rice Crab Sticks Nori (that black seaweeds sheets) Japanese Mayonaise Ripe Mango (cut into strips) Salt and pepper to taste Note:    Ang dami ng mga sangkap ay depende sa dami ng lulutuin.   Paraan ng pagluluto/assemble: 1.   Isaing ang Japanese rice katulad ng pagsasaing sa ordinaryo na bigas.   ...

PENNE PASTA with CREAMY PESTO SAUCE

Image
Ito ang pasta dish na niluto ko nitong nakaraang media noche.  Penne Pasta with Creamy Pesto Sauce. Gusto ng asawa kong si Jolly na ang mga ihahanda namin ay yung bihira lang namin makain.   Naisip kong pesto sauce naman ang ilagay sa pasta dahil nagustuhan namin yung natikman namin na ganito ding luto sa isang Italian restaurant na nakainan namin.   At para mas maging masarap nilagyan ko din ito ng twist.   Nilagyan ko pa ito ng toasted cashiew nuts sa ibabaw to add additional texture.   Also, pinaghalong mozzarela at cheddar ang inilagay kong cheese. PENNE PASTA with CREAMY PESTO SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Penne Pasta (cooked according package directions) 250 grams Cooked Sweet Ham (cut into small pieces) 100 grams Fresh Basil Leaves 1 cup Olive Oil 250 grams Cashiew Nuts 1 cup Mozzarela Cheese 1 cup Cheddar Cheese 2 tetra brick All Purpose Cream 1/2 cup Melted Butter 2 head Minced Garlic 2 pcs. Onion (chopped) 5 clov...

BABY BACK RIBS in HICKORY BARBEQUE SAUCE

Image
Pasensya na po kung ngayon lang po ulit ako nakapag-post sa munti nating tambayan na ito.   Medyo naging busy lang po talaga sa nakaraang holidays at dito na din po sa office.   Pero promise po babawi po ako sa inyo.   Hehehehe Ito po ang isa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraang Noche Buena.   Itong Baby back Ribs in Hickory Barbeque Sauce. Actually may recipe na po ako nito sa archive pero naisipan kong mag-post ng panibagong recipe dahil sa tingin ko ay may masarap ang version na ito at talaga namang nagustuhan ng panganay kong anak na si Jake.   For sure kahit po kayo ay magugustuhan nyo din ito. BABY BACK RIBS in HICKORY BARBEQUE SAUCE Mga Sangkap: About 1.5 kilos Baby Back Ribs 2 tetra pack Clara Ole Hickory Barbeque Marinade Mix 1 Head Minced Garlic 2 pcs. Chopped Onions 1 tsp. Freshly Ground Black Pepper 1 can Sprite or 7Up Soda 1/2 cup Soy Sauce 1 tbsp. Worcestershire Sauce Salt to taste 1/2 cup Brown ...

MEDIA NOCHE 2017

Image
Sa bahay ng aking biyenan na si Inay Elo sa San Jose, Batangas kami nag-media noche at sumalubong sa Bagong Taong 2017.   Dapat simple lang naman ang aking inihanda at yung iba naman ay dala ng aking mga hipag.   Birthday din kasi ng January 1 ang namayapa kong biyenang lalaki na si Tatay Tonying kaya napagkaisahan na sa bahay na lang ng biyenan kong babae magkainan ng media noche. Late yung ibang kapamilya na dumating.   Ang lakas kasi ng ulan nung bago sumapit ang bagong taon. Nagluto ako ng Creamy Penne Pasta with German Sausage and Pesto Sauce.   Ito ang naisip kong gawin sa pasta dahil nasrapan ako dun sa nakain naming pasta sa isang Italian resto sa Resorts World.   Bitin ang naging kain namin dun kaya naisip kong magluto nito para naman sa media noche.   To add a twist, nilagyan ko din ito ng toasted cashiew nuts as toppings. Ito naman yung Steamed Lapu-lapu na pinaluto sa akin ng bayaw ko.   Aba...

NOCHE BUENA 2016

Image
Ang Noche Buena ay isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino sa panahon ng Kapaskuhan.   Hinihintay natin ang alas-12 at sabay-sabay na pinagsasaluhan ng ating pamilya ang masasarap na pagkain. This year, sa bahay ng aking biyenan na si Inay Elo kami nag-spend ng aming Noche Buena.   Simple lang naman ang aking inihanda komo kabi-kabila din naman ang mga kainan.    Para sa pampagana, gumawa ako ng California Maki na nilagyan ko din ng strip crab sticks at Japanese Mayo sa ibabaw. For the main course, nagluto ako nitong Roasted Chicken na sinamahan ko din ng baby potatoes.  Mayroon din nitong Baby Back Ribs in a bed of buttered beans.  Panalo ang sauce nito sabi ng anak kong si Jake. Mawawala ba ang pasta dish kapag ganitong okasyon.   Dapat sana ay with mix sausages ang gagawin ko dito.   Kaso, naiwan ko sa Manila yung nabili kong sausages.   Kaya ang nangyari, simpleng ala carbonara ang aking naluto. ...

MALIGAYANG PASKO po sa INYONG LAHAT!!!

Image

FRIED RICE MEAT OVERLOAD

Image
Last last Sunday, nagkaroon ng Family Day ang pangalawa kong anak na si James sa Don Bosco Mandaluyong.   Bale ang nangyari, nag-toka ang mga parents officer ng mga pagkain na dadalihin ng bawat estudyante.  Buti na lang at medyo madali-dali ang na-toka sa aking anak.   Rice o kaya naman ay Fried Rice.  Yang Chow Fried Rice ang naka-specify pero ang ginawa ko ay all meat or meat overload na fried rice. Nakakatuwa naman kasi nung pinapanood ko yung mga nagkukuhanan ng pagkain, marami ang kumuha nung niluto ko.   Sabagay, sino ba naman ang hindi matatakaw sa fried rice ko?   Ito pa lang ay kumpleto na.   Hehehehe. FRIED RICE MEAT OVERLOAD Mga Sangkap: 10 cups Cooked Rice (jasmine or yung long grain ang gamitin) 250 grams Ground Pork 250 Grams Sweet Ham (cut into small pieces) 250 grams Bacon (cut into small pieces) 4 pcs. Chinese Chorizo (cut into small cubes) 2 cups Mix Vegetables (corn, carrots, peas) 4 pcs. Fr...

DAING na BANGUS with OYSTER SAUCE

Image
Kapag kumakain daw tayo, ang unang kumakain ay ang ating mga mata at pag-iisip.   Kung baga, mas ginaganahan tayong kumain kapag maganda ang itsura nakakatakam ang pagkaing naka-hain sa atin. But ofcourse hindi dapat makalimutan ang lasa ng pagkain na ating ihahain.   Baka naman maganda nga tingnan pero wala namang lasa.   Kaya nga sa mga buffet na kainan tinitingnan ko muna lahat ng nakahain bago ako kumuha.   Balik na lang ulit kung nagustuhan ko ang pagkain. Ganito ang ginawa ko sa simpleng daing na bangus na ito.   Simpleng timpla sa daing na bangus at pagkatapos ay nilagyan ko ng ginisa sa luya na pyster sauce.   At para maging katakam-takam sa mata, nilagyan ko pa ito ng caramelized onion at toasted garlic bits sa ibabaw. Di ba nakakatakam naman talaga?   Try nyo din po. DAING na BANGUS with OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 2 pcs. medium size Boneless Bangus 1/2 cup Oyster Sauce 1 thumb size Ginger (cu...

SPAGHETTI MEAT OVERLOAD in ITALIAN SAUCE

Image
Amoy na amoy na natin talaga ang kapaskuhan.   Hindi lamang sa ating mga nakikitang dekorasyon sa mga tahanan, mga daan at maging sa mga mall ay bakas na bakas at dama natin ang nalalapit na pasko. Marami din sa atin ay abalang-abala na sa pag-iisip kung ano ang masarap ihanda para sa ating Noche Buena.   Yung iba gusto ay yung kakaiba at hindi pangkaraniwan nating kinakain.   Yung iba naman gusto yung traditional o classic na inihahanda sa kapaskuhan at ginagawa na lang nilang extra special. Medyo mahirap din na kakaiba yung ihanda.  Una:   baka pumalpak ang pagkakaluto...pangalawa:   baka hindi magustuhan ng mga bata kasi hindi nila kilala yung pagkain... pangatlo:   baka magastos.    Hehehehe So para sa akin okay siguro na yung classic dishes na lang ang ating ihanda pero gawin natin extra special ang sahog at ang pagkakaluto. Kagaya nitong classic spaghetti na ito.  Madali la...

BEEF CHAYOTE in OYSTER SAUCE

Image
Hindi kami madalas mag-ulam ng karneng baka.   Bukod kasi sa may kamahalan ang presyo nito, hindi din ganun karami ang luto na alam kong gawin.   Pangkaraniwan luto na nagagawa ko lang dito ay ang nilaga at ang bistek. Minsan sa pamamalengke ko, may nakita akong magandang cut at klase ng karneng baka.   Kaya naman kahit medyo may kamahalan ang kilo nito ay bumili na din ako.   Naisip ko na lutuin ito with oyster sauce at lalagyan ng broccoli.   Kaso, walang akong nabiling broccoli sa palengke.   Ang ginawa ko na lang sayote ang aking inilagay at okay naman din ang kinalabasan.   Halos pareho lang din ng beef broccoli na gustong lutuin. BEEF CHAYOTE in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced) 1/2 cup Oyster Sauce 1 pc. large Chayote or Sayote (cut into sticks) 2 thumb size Ginger (cut into strips) 5 gloves Minced Garlic 2 pcs. Large White Onion (cut into rings) 1 tsp. Sesame Oil 1/2 ...

CHEESY INIHAW na BANGUS with BASIL

Image
Pangkaraniwang ipinapalaman natin sa inihaw na bangus ay ang sibuyas at kamatis.   Sa probinsya nga binabalot pa natin ito sa dahon sa saka iihaw sa baga.   Masarap ito dahil nandun yung smokey taste ng nasunog na dahon ng saging na nagdadagdag ng flavor sa bangus. Marami na din akong version na nagawa sa inihaw na bangus na ito.   At ang isa sa pinaka-sikat nga ay itong Cheesy inihaw na bangus.   Meron pa ngang nag-email sa akin na nasa ibang bansa at naging standard na sa kanilang tahanan na lagyan ng cheese ang kanilang inihaw na bangus.   Nakakatuwa di ba? In this version, bukod sa keso, nilagyan ko din ito ng fresh basil leaves para magkaroon ng kakaibang lasa.  Sa Italy nga daw perfect combination ang basil, tomatoes at cheese kay naisip ko na gawin din ito sa hamak na bangus.   At hindi nga ako nagkamali.   Isang masrap na version ng inihaw na bangus ang naluto ko.    Try nyo din po. ...

CRISPY CHICKEN with SPICY BARBEQUE GLAZE

Image
Hello po sa lahat ng tagasubaybay ng food blog kong ito.   Pasensya na po kung hindi po ako nakakapag-post nitong mga nakaraang araw at linggo.   Nagkasakit po kasi ako at naoperahan.   Pero okay na nama po ako ngayon.   Pipilitin ko po na makapag-post na ng mga masasasarap na putahe sa abot ng aking makakaya. Today, isang simple at masarap na chicken dish ang aking handog sa inyo.   For sure ay magugustuhan ito ng inyong mga anak. Simple din kasi ang mga sangkap at paraan ng pagluluto nito.   Try nyo din po. CRISPY CHICKEN with SPICY BARBEQUE GLAZE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Drumstick or Thigh 1 pc.Lemon 1 cup Flour 1 cup Cornstarch 1 tsp. Maggie  Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying For the Glaze: 1 cup Hickory Barbeque Sauce 1 tbsp. Chili-Garlic Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 1 tsp. Grated Ginger 2 pcs. White Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic 3 tbsp. Melted Butter Paraan ng p...

PORK HAMONADO ESPESYAL

Image
Isa sa mga recipes na nauna kong na-post sa blog na ito ay itong Pork Hamonado.   Sabi nga nung isang nag-comment sa mga espesyal na handaan lang daw siya nakakatikim ng pork dish na ito.   Sabi din niya, di daw niya masabi ang kakaibang sarap at linamnam nito.   Kahit ang kaibigan kong si Ate Joy, gustong-gusto din niya ang pork dish na ito. Akala ng marami ay mahirap gawin o lutuin ito pero sa totoo lang ay napakadali lang.   Kahit baguhan lang sa pagluluto ay matututunan ang dish na ito.   Bakit naman?   Bukod kasi sa simple lang ang paraan ng pagluluto, ay iilan din lang ang sangkap na kinakailangan.   Try nyo din po. PORK HAMONADO ESPESYAL Mga Sangkap: 2 kilos Pork Kasim or Pigue (Yung may balat pa at taba.   Ipahiwa na parang log o pahaba) 3 cups or 1 medium size can Pineapple Juice (sweetened) 2 pcs. Onion (chopped) 1 head Minced Garlic 1 cup Brown Sugar 1/2 cup Soy Sauce Salt and pep...

POCHERONG MANOK

Image
Ang pochero ay isang dish na sa mga espesyal na okasyon natin natitikman.   Pero syempre basta para sa ating pamilya kahit simpleng araw ay the best i-serve ito. Pangkaraniwan ay karne ng baka o baboy ang ginagamit dito.   Pero pwede din naman ang manok lalo na sa mga may health issue and yes ito siguro ang healthy version. Madali lang itong lutuin kahit siguro bago pa lang natututong magluto ay magagawa ito.   Ang importante ay ang tamang sangkap at yung tamang lasa ng sauce na nag-aagaw yung alat, asim at tamis.  Try nyo po masarap ito. POCHERONG MANOK Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Legs (cut into half) 1 tetra pack Tomato Sauce 2 pcs. Chorizo de Bilbao 5 pcs. Saging na Saba 2 pcs. Kamote (cut into cubes) Pechay Baguio Beans Repolyo Brown Sugar 1 pc. Onion (sliced) 5 cloves Minced Garlic Salt and pepper to taste Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ang manok ng asin at paminta.  Hayaan ng ilang sandali 2...