Posts

Showing posts from November, 2009

CHIX LIVER and CHINESE SAUSAGE PASTA

Image
Sa palagay ko original recipe itong entry natin for today. Parang kasing wala pa akong nababasang pasta dishes na ang sahog ay chicken liver and chinese sausage. Hehehehe. Ang totoo experimental talaga ang nangyari sa dish na ito. Wala kasi akong maisahog sa pasta na gusto kong lutuin. Nang o-check ko ang fridge, yung 1/2 kilo ng atay ng manok ang napagdiskitahan ko. Why not kako? Dapat sana ia-adobo ko ang atay ng manok na ito. Pero eto, sa pasta siya nauwi...hehehehe. Pero sa totoo lang, nagulat talaga ako sa kinalabasan ng pasta dish na ito. Masarap siya. Malinamsam ang sauce at kakaiba talaga ang lasa. Try nyo ito. Promise, hindi ako mapapahiya sa inyo. CHIX LIVER and CHINESE SAUSAGE PASTA Mga Sangkap: 400 grams Flat spaghetti (cooked according to directions) 300 grams Chicken liver cut into small pieces 2 pcs. Chinese Sausages cut thinly 1 sachet Del Monte Italian Style Spaghetti Sauce 1 large onion chopped 1 cloves minced garlic 1 tsp. dried basil 1 cup grated cheese 3 tbsp. oliv

BEEF PARES

Image
First time ko pa lang magluto ng Beef Pares. Bago ko sinubukang magluto nito, kuta-kutakot na research ang ginawa ko sa net para makakuha ng tamang sangkap at pamamaraan ng pagluluto nito. Aba mahirap na, ang mahal kaya ng baka. Actually, I combined lahat ng nabasa ko na recipe and I come up with this as our entry for today. Dapat sana simple nilagang baka lang ang gagawin ko. Kaya lang, with those pictures sa mga food blog ng beef pares, parang natakaw ako sa subukan na ito ang lutuin ko. Hindi naman ako nagkamali. Masarap ang kinalabasan ng beef pares ko. Parang Korean beef stew na naluto ko na rin before. Syanga pala, kaya pala beef pares ang tawag dito ay inihahain ito na may kasama o ka-pares na garlic rice o sinangag. Sikat na sikat itong putahe sa mga kariderya o mga tapsihan dito sa Maynila. BEEF PARES Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket cut into cubes 1 head minced garlic 1 medium size onion quartered 1 large onion chopped 1 tbsp. grated ginger 1/2 cup soy sauce 1/2 cup brown sug

SPECIAL CHICKEN BINAGOONGAN

Image
Hindi ko alam kung mag dish na ganito talaga. Yes, pork bonagoongan meron. Pero chicken? Hindi ako sure. The idea for cooking this dish is ofcourse dahil sa pork binagongan. Gustong-gusto ko ang lasa ng pinaghalong lasa ng bagoong at ang creamy taste ng gata ng niyog. Eto natuloy din na makapagluto ako ng binagoongan using chicken. And you know what? Nilagyan ko din ng twist para mas lalong sumarap ang lutuing ito. Try nyo ito. Nagustuhan talaga ito ng mga anak ko lalo na ang bunso kong si Anton. Sa tatlo kong anak, ito ang pinakapihikan sa pagkain. Pero nung ito ang ulam namin, aba, una pa siyang humingi ulit ng rice....hehehehe. SPECIAL CHICKEN BINAGOONGAN Mga Sangkap: 1/2 kilo Skinless Chicken breast fillet but into cubes (bite size) 1 cup Pure Coconut milk 2 tbsp. Sweet Bagoong (Yung nasa bottle ang ginamit ko. Barrio Fiesta) 1 tsp. Dried rosemary 5 pcs. calamansi 5 pcs. siling pang-sigang 1 pc. Talong hiwain ng pahaba 3 cloves minced garlic 1 medium white onion chopped Salt and pe

ROASTED PORK in PINEAPPLE SAUCE

Image
Hindi lahat ng ine-experiment kong lutuin ay nagiging succesful. Well, ganun naman talaga. Ang importante nasubukan ko kung ano ang kakalabasan ng finish product.....Kung pumalpak, e di try mo na lang ulit next time. hehehehehe. Pero kung naging successful ka naman iba ang satisfaction na nararamdaman. Lalo na kung napupuri ang iyong niluto......hehehehe Ganun naman sa pagluluto. Okay na gumamit ng mga recipe as a guide pero iba ang satisfaction kung ikaw mismo ang gagawa ng sarili mong putahe. Pwede nga ikaw na mismo ang magbigay ng pangalan dito. Katulad ng recipe ng recipe natin for today. Wala akong ginayahang recipe para dito. Basta minarinade ko lang ang nabili kong karne sa pinaghalo-halong sangkap and viola may isang espesyal na lutuin na naman akong nagawa. Ito nga pala ang Pang-Paskong lutuin #1 natin. Pwede nyo itong i-try para sa inyong Noche Buena. Ito ang ipamalit ninyo sa napakamahal na hamon. Actually, the taste is almost the same. Ofcourse mas masarap at iba syempre ku

PESANG BISUGO

Image
First time ko lang mag-pesa ng isda na ang isdang ginamit ay Bisugo. Sa amin sa Bulacan ang tawag namin dito ay istang pula. Bukod pa dyan, sa halip na ordinaryong pechay tagalog, chinese pechay o bokchoy ang ginamit ko dito. Kung alam nyo lang kung gaano kasarap ang sabaw ngmaluto ito. Ang dali lang lutuin nito. Tambog-tambog lang and presto may pang-ulam ka na....hehehehe. Try nyo ito. Tamang-tama ito sa mga low-sodium low-fat diet. Di ba nga after kong ma-operahan ito na ang advise sa akin? hehehe....Ang hirap kaya...hehehe. PESANG BISUGO Mga Sangkap: 1/2 kilo Bisugo (Istang Pula) 1 tangkay na leeks 150 grams Chinese pechay (Bokchoy) 1 thumb size ginger (pitpitin ng kutsilyo) 1 medium size white onion 1/2 tsp. ground pepper 1/2 tsp. maggie magic Sarap salt to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola magpakulo ng tubig at ilagay ang pinitpit na luya, sibuyas at leeks. 2. Hayaang kumulo ng mga 5 minuto. 3. Ilagay ang isda at isunod na din ang chinese pechay. 4. Timplahan ng asi

2 SAUSAGES & SPINACH OMELLET

Image
Another breakfast entry tayo for today. May mga nag-email sa akin na sana daw ay mag-post pa ako ng maraming dish na pwedeng pang-almusal at pambaon sa school ng mga anak nila. Eto na ang kasagutan sa mga nag-email sa akin. Madali lang lutuin ito. Actually, ang maganda sa dish na ito ay yung kakaibang sarap kumpara sa pangkaraniwang almusal na inihahain natin sa ating mga pamilya. Mula nung masubukan at matikman ko ang Chinese sausage na ito naging part na din ito tuwing ako ay mag-go-grocery. Masarap kasi ito sa omellet o kaya naman ay sa mga saucy dishes like caldereta o kaya naman ay pasta dishes. Di ba yung last na entry ko may sausage din? Try nyo ito...masarap...yun lang medyo may kamahalan ng kaunti...hehehe 2 SAUSAGES & SPINACH OMELLET Mga Sangkap: 3 pcs. Chinese Sausages thinly sliced 3 pcs. Mekeni Hamonado Longanisa thinkly sliced 4 eggs beaten a bunch of chopped spinach 2 pcs. large tomato chopped 1 large white onion chopped 3 cloves minced garlic 1/2 cup butter 1 tbsp.

PASTA with CHORIZO and PESTO CHEESE SAUCE

Image
Here is my second pasta dish na ginamitan ko ng Del Monte gourmet spaghetti sauces. This time Pesto and Cheese Sauce ang ginamit ko. Also, instead of regular spaghetti pasta, yung flat na pasta ang ginamit ko. At alam nyo ba kung ano lang ang sahog ng pasta dish na ito? Chinese Sausage. Mula nung matutunan kong gamitin ang sausage na ito na-inlove na talaga ako dito. Gustong-gusto ko ang lasa. Sarap din nga nito sa omellet. hehehehe Ito pala ang naging breakfast namin nung isang araw. Syempre, wagi na naman ito sa mga anak ko....hehehe. Try it. PASTA with CHORIZO and PESTO CHEESE SAUCE Mga Sangkap: 300 grams Flat Spaghetti noodles 1 tetra pack Del Monte Pesto and Cheese Spaghetti Sauce 4 pcs. Chinese Sausage/Chorizo thinly sliced 1 tsp. dried basil leaves 2 tbsp. Olive oil 1 cup grated cheese 5 cloves minced garlic 1 large chopped red onions 2 tbsp. butter o cooking oil Salt and pepper Paraan ng pagluluto: 1. Lutuin ang pasta sa tamang paraan. I-drain...ilagay sa isang lalagyan. 2. Sa

BEEF SHANK CALDERETA

Image
Caldereta marahil ang isa sa mga pagkaing Filipino natin na hindi mawawala sa mga handaan o mga espesyal na okasyon. Maraming version ng lutuing ito depende na lang siguro sa panlasa ng nagluluto. Hindi lang baka ang pwedeng i-caldereta. Pwede din sa manok, baboy, kambing, itik at marami pang iba. Nagkakaiba ang mga sangkap nito depende na lang kung saang lugar ito niluluto. Sa version kong ito ng caldereta, beef shank ang ginamit ko. Nito ko napatunayan na masarap pala itong i-caldereta. Ang inam kasi ng beef shank, may mga litid ito at bone marrow na nagpapasarap pa sa sauce ng caldereta. Also, sa version kong ito, nilagyan ko ng chinese sausage na mas lalo pang nagpasarap sa kabuuan ng lutuin. Try nyo ito. Ayos na ayos lalo na't malapit na ang Pasko at bagong Taon. BEEF SHANK CALDERETA Mga Sangkap: 1 Kilo Beef Shank 2 medium size potatoes cut into cubes 1 large carrots cut into cubes 1 large red bell pepper 1 pc. slice chinese sausage 1 small can Reno Liver spread 1 cup tomato s

CHICKEN in OYSTER and HOISIN SAUCE

Image
Mula nung maumpisahan ko ang food blog kong ito, natuto akong mag-research ng mga bago at kakaibang lutuin sa internet. Natutunan ko din ang gumamit ng mga herbs, spices at kung ano-anong sauces. Isa na nga dito ang hoisin sauce. Ang mainam sa mga sauces na ito, nae-enhance talaga niya ang lasa ng mga lutuin at kakaiba talaga ang lasa kumpara sa pangkaraniwang nakakain natin. Ang inam pa dito, the best siya sa mga biglaang lutuin mapa pork man o chicken. Katulad ng entry natin for today. Wala akong maisip na ulam na pambaon ng 2 kong anak na nag-aaral. Nang makita ko ang 3 pcs. na chicken breast na ito at hoisin sauce and presto may pambaon na sila. Madali lang lutuin ito. Pang biglaan talaga. At huwag ka, puring-puri ng mga bagets ko ang lutuing ito. So ano pa ang hinihintay ninyo? Try nyo na....hehehehe CHICKEN in OYSTER and HOISIN SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken breast or any part meaty parts 1/2 cup Hoisin sauce 1/2 cup Oyster sauce 1/2 cup Soy Sauce 5 cloves minced garlic 1 medi

ALIMASAG, SITAW at KALABASA sa GATA

Image
Another seafood dish tayo ngayon. Di ba sabi ko nga sa nakaraan kong entry na medyo bawas muna ako sa karne? Kaya eto, my 3rd seafood dish para sa ating munting tambayan. Actually, madali lang itong dish na ito. Tambog-tambog lang ng mga sangkap and presto may masarap na ulam ka na. Pwede din palang lagyan ito ng spinach o kangkong kung gusto ninyo. Also, komo nga may kamahalan ang alimasag, nilagyan ko na lang ng kalabasa at sitaw as extender. Alam nyo ang laki ng idinagdag na sarap sa dish ng nilagyan ko ng mga gulay na ito. Sabagay, ano ba ang hindi sasarap sa lutuing may gata ng niyog? hehehehe. Try nyo ito...masarap talaga. ALIMASAG, SITAW at KALABASA sa GATA Mga Sangkap: 1 kilo Female Alimasag (Hiwain sa gitna) 300 grams Kalabasa cut into cubes 1 tali Sitaw (Hiwain ng mga 2 inches ang haba) 1 thumb size Ginger 5 cloves minced garlic 1 large chopped onion 2 cups Kakang gata Maggie Magic Sarap salt and pepper Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sib

FISH FILLET and STRING BEANS WITH BLACK BEANS SAUCE

Image
After ng aking operasyon, pinayuhan ako ng aking doktor na maghinay-hinay sa pagkain ng karne, kanin at matatabang pagkain. Kaya eto kung mapapansin nyo, mga seafoods at isda ang pangkaraniwang entry natin nitong mga nakaraang araw. Syempre, nagpapatuyo pa ng sugat eh...hehehehe. By next week mga meat recipes na ulit.....hahahaha. Sabagay, after that operation, naging eye opener sa akin to watch kung ano-ano ang mga kinakain ko and ofcourse my family. Kaya mapapansin nyo siguro na laging may lahok kahit kaunting gulay ang mga recipes ko. Well, ang bottom line lang naman ay dapat in moderation ang lahat ng ating kinakain. Pag sobra syempre masama na. Here's another dish na chinese na chinese ang dating. Chinese dish na kayang-kayang gawin sa bahay. Simple pero tiyak kong magugustuhan ng mga miyembro ng pamilya. Try it! FISH FILLET and STRING BEANS WITH BLACK BEANS SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Fish fillet (Cream of dory ang ginamit ko dito. Pwede kahit anong white meat fish) 1 tali S

SQUID and BAGUIO BEANS in OYSTER SAUCE

Image
Ito ang isa sa mga unang dish na nauna kong niluto after my operation. Sa kalagayan ko nung time na yun, yung mga madadaling lutuin lang talaga ang pwede kong gawin. At isa na nga ang entry natin for today. Nung una calamares sana ang gusto kong gawing luto dito. Pero komo bawal pa sa akin ang mga mamantikang pagkain, dito nga nauwi ang pusit na ito. Sa pagluluto ng pusit hindi dapat ito masyadong pinagtatagal ang pagluluto. Habang tumatagal kasi bukod sa lumiliit ito ay tumitigas din ang laman. So kung baga, dapat sandaling-sandali lang ito maluluto sa kalan at hanguin kaagad. Another simple dish pero masarap.....try nyo. SQUID and BAGUIO BEANS in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1/2 kilo Pusit cut into rings 1/2 cup Oyster Sauce 150 grams Baguio Beans cut into 2 inches long 1 thumb size ginger 4 cloves minced garlic 1 medium size onion chopped 1 tbsp. brown sugar 1 tsp. cornstarch 1 tsp. sesame oil salt and pepper Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa

BEEF MACARONI in TOMATOES, BASIL and CHEESE SAUCE

Image
Ang hirap mag-isip ng pagkain na pang-almusal. Nakakasawa na ang paikot-ikot na hotdog, cornedbeef, itlog, lucheon meat, etc. etc. Alam naman natin na ang breakfast ang pinaka-importanteng meal sa isang araw. For a change, nagluto ako ng pasta for breakfast. At ito nga ang entry natin for today. It's a simple pasta dish na ginamitan ko ng gourmet pasta sauces ng Del Monte. For this entry, I used tomatoes and basil spaghetti sauce. There are other varieties like pesto and Cheese or mushroom and cheese, etc. Try nyo ito. Masarap...at para maiba naman sa mga ordinary breakfast na inihahanda natin. I'm sure magugustuhan ito ng mga anak ninyo. BEEF MACARONI in TOMATOES, BASIL and CHEESE SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Macaroni pasta 300 grams Ground beef 1 tetra pack Del Monte Tomato and Cheese Sauce 1 cloves minced garlic 1 large chopped red onion 3 tbsp. Olive oil 1/2 tsp. Dried basil 1 cup grated cheese 2 tbsp. butter salt and pepper Paraan ng pagluluto: 1. Lutuin ang pasta macaroni

SLICED BEEF with KANGKONG and YOGURT

Image
Hindi ko alam kung anong luto ang gagawin sa 1 kilo (whole) na beef brisket na nabili ko. Kung ilalaga ko naman kako, parang kakatapos lang namin na magnilaga nitong isang araw. Wala naman akong stock na gulay sa fridge kasi nga sobrang mahal ng gulay ngayon at natutuyo lang. Ang meron lang ay kangkong na para sana sa sinigang na isda. May nakita akong mango flavored yogurt sa fridge at naalala ko tuloy yung isang luto ni Ms. Connie ng Pinoycook.net na chicken na may yogurt. So why not sa beef? Actually, lakas loob ang ginawa ko sa recipe na ito dahil hindi ko pa ito na-try. Nang tikman ko ang yogurt, medyo nag-alinlangan ako sa lasa. para kasing maasim na matamis.....pero yung flavor ng mango nan dun. So sinubukan ko. At ang kinalabasan? Isang masarap na putahe nakakaiba ang lasa. Try nyo ito....masarap talaga. SLICED BEEF with KANGKONG and YOGURT Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket whole 1 cup Mango flavored yogurt 1 taling kangkong (Hiwain ng mga 1 inch ang haba) o kaya naman ay spinac

PORK LOMO in CHAR SIU SAUCE

Image
Here's another dish na tiyak kong magugustuhan ninyo. Madaling lutuin at talaga namang masarap talaga. Isa din ito sa mga dish na naluto ko na before ako maoperahan. Eto nga, I'm trying to recall kung papaano ko ito niluto....hehehehehe ...Ano yun? naapektuhan ng pampatulog? hehehehe PORK LOMO in CHAR SIU SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pork lomo 1/2 cup Char Siu Sauce 2 tbsp. Soy sauce 5 cloves minced garlic 1 chopped onion 1 thumb size grated ginger 2 tbsp. brown sugar 1 tbsp. sesame oil salt and pepper Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang pork lomo sa asin, paminta, toyo at char siu sauce. Hayaan ng 1 oras. Mas matagal mas mainam. 2. Sa isang non-stick pan, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika. 3. Ilagay ang binabad na pork lomo kasama ang marinade mix. 4. After mga 5 minutes, ilagay ang brown sugar. 5. Hayaan hanggang sa maluto at mag-caramelized ang sauce. 6. Ilagay ang sesame oil bago hanguin. I-slice ang nilutong karne at ihain na may sa

ORANGE CHICKEN

Image
I'm back! After ng aking major operation last October 27, eto ako at patuloy pa rin sa pagpapagaling ng aking sugat. Mahirap pala ang maoperahan....para ka na ring na CS nun...hehehehe. Una sa lahat nagpapasalamat ako sa inyong lahat na nagdasal para sa aking mabilis na paggaling. Sa lahat ng mga nag-email sa akin, taos puso akong nagpapasalamat sa inyo. Orange Chicken. Ito yung nabitin nating recipe the last time na nag-post ako. Kaya eto ituloy na natin para sa mga nag-aabang ng recipe na ito. Actually, experimental ang recipe na ito. Sino ba naman ang mag-iisip na ang instant juice powder ay pwede ding gamiting pang-marinade sa manok? hehehehe. Tama ang nabasa nyo. Instant powder juice ang ginamit ko dito at masarap ang kinalabasan. Ang inspiration kio nung niluluto ko ito ay yung lemon chicken na nakakain natin sa mga chinese restaurant. Try nyo ito para maiba naman ang pangkaraniwang fried chicken na ginagawa natin. ORANGE CHICKEN Mga Sangkap: 1 kilo Chicken breast fillet 1/2

I'M BACK!!!! . . . ABANGAN ANG MULI KONG PAGBABALIK

I'm back in my office. Kailangan na...hehehe...dabing bills na naghihintay...hehehe. Salamat at nakaraos na din ako sa aking operasyon. Getting better each day...yun lang medyo kumikirot pa ang sugat ko. Pero kayang-kaya na na muling makibaka at magluto ng masasarap na pagkaing magugustuhan ng lahat. Kaya't abangan ang muling kong pagbabalik sa munting tambayan nating ito. Maraming na akong naka-line-up....di ko pa lang naisusulat ang mga recipe. By this coming Saturday expect na may posting na akong sa munting food blog nating ito. Salamat sa inyong lahat......sana patuloy nyong suportaha ang munting tambayan nating ito. Mabuhay tayong lahat!!!! Dennis