Posts

Showing posts from June, 2010

PAN-GRILLED BONELESS BANGUS

Image
Masarap talaga ang inihaw na pagkain katulad ng liempo, manok, tilapia, bangus at kahit ano mang lamang dagat. Masarap kasi nare-retain yung tunay na lasa ng iniihaw. At isa pa, masarap atang kumain ng inihaw ng naka-kamay. Hehehehe. Tapos, may sawsawan kang toyo na may calamansi at sili. Panalo talaga ang kain mo. Hehehe Ang problema ko, saan ako mag-iihaw? Hindi naman pwedeng mag-ihaw sa loob ng condo…hehehehe. Kaya naman ang solusyon, bakit hindi na lang sa stove griller o sa kawali ito i-ihaw. Although, mas masarap pa rin talaga ang ihaw sa baga, pe-pwede na din ang ganito…hehehe. At ito ang ginawa ko sa boneless bangus na nabili ko nitong nakaraang mag-groceries ako. Boneless ito. At para mas sumarap pa ang masarap nang bangus? Pinalamanan ko ito ng kamatis, sibuyas, luya na hinaluan ko ng olive oil. Winner talaga….Ang mga bata, nakaalawang balik sa kanin at humihirit pa ng bangus. Hehehehe PAN-GRILLED BONELESS BANGUS Mga Sangkap: 1 large Boneless Bangus 1 pc. large White onion ch

MISUA SOUP with CANNED MACKEREL and POUCH EGG

Image
Importante sa bahay na kahit papaano ay mayroon tayong stock na mga de lata o kaya naman ay yung pagkaing madali lang iluto. Hindi lamang magagamit ito kung may mga bagyo o masamang panahon. Okay din ito sa mga biglaang sitwasyon katulad nitong nangyari sa amin last Friday. Komo Biyernes nga, mahirap kumuha ng sasakyan at sobrang traffic, late na kami nakauwi ng mga bata mula sa school nila. At isa pa, nakalimutan kong magpalabas mula sa fridge ng lulutuing ulam sa aking asawa. Kaya ang nangyari, sa de lata nauwi ang ulam namin for dinner. At ito ang entry natin for today. Simple pero masarap. MISUA SOUP with CANNED MACKEREL and POACHED EGGS Mga Sangkap: 1 big can Mackerel in oil 5 pcs. Fresh Eggs 1 pc. Misua noodles 1 large Tomato Slices 1 medium size Onion chopped 4 cloves Minced Garlic Salt and pepper to taste ½ tsp. Maggie magic Sarap Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika. 2. Ilagay na agad ang sabaw ng canned mackerel.

BEEF in SESAME PEANUT SAUCE

Image
Sa lahat ng klase ng ulam na pwedeng iluto, sa karne ng baka ako nahihirapan na mag-isip kung anong luto ang gagawin. Bukod pa ito sa tagal ng pagpapalambot ditto. At isa pa may kamahalan din ito kumpara sa baboy o manok. Kaya tuwing baka ang aming uulamin, challenge talaga ito para sa akin. Katulad na lang nitong entry for today. Impromptu talaga ang luto na ginawa ko ditto. Wala akong pinagbasihang recipe. Basta kung ano ang makita ko sa fridge at sa cabinet naming yun na lang ang ginamit ko. Ang mga nakita ko? Sesame seeds, peanuts, muscovado na asukal. Ang kinalabasan? Isang masarap na beef dish. Try nyo ito. Masarap talaga. BEEF with SESAME PEANUT SAUCE Mga Sangkap: 1 Kilo Beef Brisket (pakuluan hanggang sa lumambot at hiwain ng pa-cubes) 1 cup ground peanuts (giniling sa blender) ½ cup toasted peanuts 1 tbsp. Sesame seeds 2 tbsp. Sesame oil ½ cup Soy Sauce 2 cups Beef broth (pinaglagaan ng baka) ¾ cups Muscovado or Brown Sugar 1 large Onion chopped 4 cloves Minced garlic 1 thumb

TORTANG GINILING with CHEESE

Image
Pumapasok na ulit ang 3 kong anak sa school. Whole day lahat ang pasok nila so kailangan na magbaon na sila ng lunch. At yun ang napakalaking challenge sa akin. Kailangan kong mag-isip ng mga ulam na madali lang lutuin at hindi nakakasawa para sa mga bata. Isa sa mga unang nailuto ko ay itong tortang giniling na entry natin ngayon. Para naman mapasarap ko pa ito, nilagyan ko ito ng mix vegetables, dried basil at grated cheese. Masarap naman talaga ang kinalabasan. Napuri pa nga ito ng mga anak ko at talaga namang ubos pati ang mga kanin nila. Try nyo ito. Tamang-tama ito na pambaon sa school o sa office man. TORTANG GINILING with CHEESE Mga Sangkap: 1/2 kilo Ground Pork 1 cup Mix vegetables (corn, carrots, green peas) 1 medium size Potato cut into small cubes 1 medium Onion chopped 5 cloves Minced Garlic 1/2 tsp. Dried basil 1 cup grated Cheese 4 eggs beaten salt and pepper to taste 1 tsp. Maggie Magic Sarap 2 tbsp. Olive oil Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang non-stick na kawali, i-prit

PAN-FRIED TANIGUE in OLIVE OIL

Image
Nitong nakaraang Father's Day, kahit dapat rest ako ng araw na ito, (hehehehe) naisipan kong sanang magluto ng espesyal na dinner para sa aking pamilya. Kaya nung araw na iyon sa aking pag-go-grocery, bumili ako ng medyo may kamahalan na isda na tanigue na hindi ko pa naman alam nung time na yun kung anong luto ang gagawin ko. Kaso, sa dami ng nakain namin nung lumabas kami ng araw na yun, napag-desisyunan na wag na lang lutuin ang isdang ito at kumain na lang ng light snack. Kaya ang nangyari nitong nakaraang araw ko lang nailuto ang napakamahal na isdang ito. hehehehe. Imagine, 3 slices lang siya pero P320 pesos ang halaga.....hehehehe. Okay lang father's day naman....hehehehe Sa ganitong klase ng isda, mainam na hindi lagyan ng kung ano-anong herbs and spices. Natatabunan kasi yung tunay na sarap ng isda. Kaya naman ang ginawa ko dito, tinimplahan ko lang ng asin at paminta at saka ko pinirito sa olive oil. Healthy si ba? Take note, dapat malakas ang apoy n

BAKED ALASKA / DULCE DE LECHE

Image
Nito ko lang nalaman na Dulce de leche pala ang tawag dito sa entry natin for today. Noong araw as in my elementary days, Baked Alaska ang tawag namin dito. Gustong-gusto ko itong papakin o kaya naman ay ipalaman sa tinapay o pandesal. Sinubukan kong gumawa nito after kong mabasa sa isa pang food blog ang tungkol dito. Doon ko din nalaman na Dulce de Leche pala ang tawag dito. Nagbalik tuloy sa aking ala-ala nung araw na gustong-gusto ko ito sa tinapay. Kaya naman gumawa agad ako nito at pinatikim sa aking mga anak. Ipinalaman ko ito sa tinapay na baon nila sa school at talaga namang nagustuhan nila. nag-worry lang ng konti ang aking asawa dahil masyado daw matamis ito. Well, hindi naman lagi itong kinakain kaya okay lang. Para gumawa ng Baked alaska o Dulce de Leche, magpakulo ng tubig sa isang kaserola. Dapat lubog dito ang lata ng condensed milk. Kapag kumukulo na ilagay ang lata ng condensed milk at hayaang maluto ito sa loob ng 1-1/2 hanggang 2 oras sa mahina

TUNA PINEAPPLE PASTA

Image
Nitong nakaraang Father's Day. Although it's my Day...hehehehe, nagluto pa rin ako ng espesyal na breakfast para sa aking pamilya. Nakakasawa na din ang paulit-ulit na almusal natin sa umaga kaya naman pasta dish at pandesal ang inihanda ko. Nakuha ko ang idea sa dish na ito noong nag-work ako sa Balanga, Bataan. May natikman akong spaghetti na may halong pineapple tidbits. Nagustuhan ko naman kasi naghahalo yung asim at tamis ng pinya at tomato sauce. At para mas healthy komo father's day nga, corned tuna ang ginamit kong sangkap kasama ng pineapple chunk. Masarap naman at nagustuhan ng aking asawa at mga anak. Try nyo din. TUNA PINEAPPLE PASTA Mga Sangkap: 1/2 kilo Spaghetti pasta (cooked al dente) 2 cans Century Corned Tuna 2 cups Pineapple tidbits or chunks 2 pouch Del Monte Tomato Sauce 1 cup Grated Cheese 2 tbsp. Olive oil 1 head Minced garlic 2 medium chopped onion 1/2 cup Chopped Parsley 1 tbsp. brown sugar Salt and pepper to taste Paraan ng Pagluluto: 1. Lutui

HAPPY FATHERS DAY sa LAHAT NG DADDY TULAD KO

Image
Ang ama ang haligi ng tahanan. Kapag nawala ang ama, maaring masira o humina ang pundasyon ng isang pamilya. Sila ang hinuhugutan ng lakas ng pamilya. Sila ang nagpo-provide ng mga kailangan natin sa araw-araw. Sabi nga, the number 1 responsibility of a father is to provide. Nasa picture sa itaas ang aking ama na si Tatang Villamor. Ofcourse, kasama niya ang ang mahal na mahal niyang mga apo...hehehe. Bakit ba naman hindi e mga Glorioso lahat yan....hehehehe. Sila ang magdadala ng apelyido namin....hehehe May kasabihan na sa isang magulang, isusubo mo na lang ay ibibigay mo pa sa iyong mga anak. Totoo ito. Hindi baleng wala nang para sa akin...basta mayroon ang mga anak ko. Dalangin ko lang, na sana ay bigyan pa ako ng lakas, para maitaguyod ko ang aking mga anak. Sana'y ilayo ako sa kapahamakan at sa mga sakit at karamdaman dahil gusto ko pang makitang lumaki at maging AMA sin ang aking tatlong anak. I know, sa tulong ng aking asawang si Jolly, mapapalaki nami

BEEF & POTATOES in CHEESY CREAMY SAUCE

Image
Narito ang isang dish na tiyak kong magugustuhan ninyong lahat. It's a simple dish na talaga namang napakadaling lutuin. Simple din lang ang mga sangkap pero hindi simple ang lasa. Sabagay, ano ba naman ang hindi sasarap sa ulam na nilagyan ng cream at cheese? Tapos may dried basil pa. Nung una hindi ko maisip kung anong luto talaga ang gagawin ko sa beef brisket na ito na nabili ko. Basta in a flash ganito na ang nangyaring luto sa baka. hehehehe. Sa mga maybahay dyan na gustong ipag-luto ang kani-kanilang asawa sa Fathers Day, ito ang isa-suggest ko na dish. Tiyak kong mapupuri at matutuwa ang mga asawa nyo niyan. BEEF & POTATOES in CHEESY CREAMY SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket 2 large Potato cut into cubes 1 tetra brick All Purpose cream 1 cup Grated cheese 1 tbsp. Chopped parsley 4 cloves minced garlic 1 large White onion chopped tbsp. butter 1/2 tsp. Dried Basil leaves 1/2 tsp. Maggie magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa i

STUFFED CHICKEN BREAST with PARSLEY and CHEESE

Image
Hindi ko alam kung may ganitong luto ng chicken breast fillet. Basta nabuo na lang sa isip ko ang dish na ito. Actually, para siyang chicken cordon bleu pero hindi ham ang palaman nito. Ito nga pala ang baon ng aking mga anak sa kanilang 1st day in school. Ginawa kong espesyal ang baon nila sa 1st day nila sa school para naman ganahan silang mag-aral. Hehehe…. STUFFED CHICKEN BREAST with PARSLEY and CHEESE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Breast Fillet (hiwain sa gitna na lalagyan ng palaman) 1 cup Chopped Parsley 1 cup Grated Cheese 1 tbsp. Olive oil ½ Lemon (Juice) Salt and pepper to taste 1 egg beaten 2 cups Casava flour or All purpose flour 2 cup Cooking oil Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang chiken breast fillet sa katas ng lemon, asin, paminta at ginadgad na balat ng lemon. Hayaan ng mga 15 minuto. 2. Paghaluin ang chopped parsley, grated cheese, olive oil at kaunting paminta. 3. Ipalaman ito sa hiniwaang bahagi ng chicken breast. 4. Sa isang non-stick na kawali, painitin ang mant

STIR FRY BACON CUT PORK and MIX VEGETABLES

Image
Remember yung niluto kong Crispy Pancit Canton? Marami pa kasing natirang pangsahog na karne at gulay kaya naman naisipan kong iluto ito para pandagdag sa aming dinner nitong isang araw. Stir fry ang ginawa kong luto dito at dinagdagan ko na lang ng chopped parsley sa ibabaw. Masarap naman ang kinalabasan at talaga namang napasarap ang kain ko. STIR FRY BACON CUT PORK and MIX VEGETABLES Mga Sangkap: 250 grams Bacon cut Pork 100 grams Baguio beans cut into 1 inch long 1 carrot cut into 1 inch long 100 grams Cabbage cut into strips ½ cup Finely chopped parsley 1 large onion sliced 4 cloves minced garlic ½ cup Oyster sauce 2 tbsp. cooking oil 1 tsp. Maggie Magic Sarap 1 tsp. Cornstarch 1 tbsp. Soy sauce Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ang hiniwang baboy ng asin, paminta, toyo at cornstarch. Hayaan ng mga 15 minuto. 2. Sa isang non-stick na kawali i-prito ang hiniwa at tinimplahang bacon cut pork hanggang sa pumula at maluto. 3. Igisa ang bawang at sibuyas. Halu-

PRITONG MANOK na may ROSEMARY at LAUREL

Image
Kahit nung bata pa ako, paborito ko na ang pritong manok o fried chicken. Kung baga,noong araw, ito ang pinaka-espesyal na ulam namin sa mga importanteng okasyon. Kahit nga yung buntot na bahagi ng pritong galunggong ini-imagine ko na hita ng pritong manok eh.....hehehehe. Noong araw, basta inaasinan lang ang manok o kaya naman ay ina-adobo muna bago ito prituhin. Ito ang gusto kong luto ng pritong manok. Walang masyadong maraming rekado. Di tulad ng fried chicken ngayon, lalo na yung sa mga fastfood, puro mga harina ang nakabalot. Tuloy, natatabunan yung sarap ng laman ng manok. Ganito ang ginawa ko sa entry natin for today. Walang breadings na ginamit to hide the chicken. Kung baga, ala Max ang lutong ginawa ko dito. Ang resulta...linamnam ng manok at flavor ng rosemary at larel ang inyong malalasahan. Try nyo ito....Masarap. Sawsaw mo pa sa Jufran na banana catsup....hehehehe....panalo talaga. PRITONG MANOK na may ROSEMARY at LAUREL Mga Sangkap: 1 whole Chicken cut into half 5 pcs.

CRISPY PANCIT CANTON

Image
Natatandaan nyo ba yung entry ko about Cafe Adriatico? Yes, nabanggit ko dun na nagustuhan ko yung pancit canton na crispy o fried yung noodles. At naipangako ko sa sarili ko na gagawa din ako ng ganun sa bahay. At eto nga, last Monday June 14, komo nga holiday at walang pasok, naisipan kong iluto na ang pancit canton na iyun. Sa pag-go-groceries ko ng araw nay un, binili ko na ang mga sangkap na kakailanganin ko. Hindi man kumpleto ang sahog pero napasarap ko pa din ang crispy pancit canton ko. Winner! Nagustuhan talaga ng asawa ko at mga anak ang niluto ko. Try it! CRISPY PANCIT CANTON Mga Sangkap: 250 grams Pancit Canton noodles 300 grams Bacon cut pork (hiwain ng mga 1 inch) 100 grams Kikiam sliced 30 pcs. Hard boiled Quail eggs 150 grams Chicharo 1 large Carrot sliced 100 grams Cabbage sliced 4 cloves minced garlic 1 large white onion sliced ½ cup Oyster Sauce ½ cup Soy Sauce 1 pc. Shrimp flavor Knorr cubes Salt and pepper to taste 1 tbsp. corn starch 1/2 liter cookin

BRAISED PORK in 5 SPICE POWDER

Image
Here's another simple dish na tiyak kong magugustuhan ninyong lahat. Hindi kailangan na expert ka para mailuto mo ang masarap na pork dish na ito. Okay na okay ito lalo na sa mga maybahay na namamasukan o kaya naman ay pambaon ng mga bata sa school. Ang key sa dish na ito ay yung spice powder na gagamitin. Ang 5 spice powder ay mga pinaghalong spices na star anise, cinamon, cloves, sichuan pepper at fennel seeds. Yan ay ayon sa wikipedia. hehehehe. Try nyo ito. Masarap at madaling lang talagang lutuin. BRAISED PORK in 5 SPICE POWDER Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim cut into cubes 2 tsp. 5 Spice Powder 2 tbsp. Oyster Sauce 3 tbsp. Soy Sauce 1/2 cup Brown Sugar 2 Onions quatered 1 head Garlic 1/2 tsp. ground Black Pepper salt to taste 1 tbsp. Sesame oil 1 tsp. Toasted Sesame seeds 3 pcs. Hard boiled eggs Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang kaserola,pagsama-samahin ang lahat ng sangkap maliban sa sesame oil, sesame seeds, brown sugar at hard boiled egg. 2. Lagyan ng 2 tasang

MALIGAYANG ARAW NG KASARINLAN

Image
Maligayang Araw ng Kasarinlan sa lahat ng Pilipino dito sa Pilipinas at saan mang sulok ng mundo. Kahit man lang sa munting posting ko na ito ay maipahayag ko ang aking pagiging proud sa aking pagiging Pilipino. Dalangin ko lang na sana ay tunay na maging malaya tayo hindi lamang sa mga manlulupig kundi maging sa kahirapan ng buhay. Dalangin ko din na sana ay maging proud tayo sa ating pinagmulan at huwag nating itatwa ang ating pagka-Pilipino. Muli sa inyong lahat....Maligayang Araw ng Kalayaan!!!!

CAFE ADRIATICO @ THE MALL OF ASIA

Image
Last June 10, tinawagan ako ng kaibigan kong si Shiela at may gusto daw kumausap sa akin. Nagtaka naman ako kung sino yun. Nang mabosesan ko, Si Dennis pala na kaibigan namin na nag-migrate na sa California. Mga 15 taon na din na hindi kami nagkikita ng kaibigan naming ito. Mula nung magkahiwa-hiwalay kami, hindi na kami nagkita. Nag-anyaya siya ng araw na yun na magkita-kita kami para naman daw magkabalitaan. Sa Cafe Adriatico sa Mall of Asia niya naisipan na magkita-kita. Kasama ang aking asawang si Jolly, nadatnan na namin sila sa Cafe Adriatico. Nadatnan namin si Tukayong Dennis, Si Franny, si Shiela at si Malou. Order agad kami ng pagkain at gusto kong i-share sa inyo ang ilan sa mga kinain namion ng gabing yun: Una, Lapu-lapu ito pero nakalimutan ko kung anong luto. Ito ang isa sa nagustuhan ko. Fried Canton noodles. Masarap. Crispy talaga ang noodles at malasa ang sauce. Gagayahin ko ito sa isang araw. Ang isa sa mga pampagana na in-order namin. Crispy hipon.

KALDERETANG BATANGAS

Image
Di ba nabanggit ko na hindi kami nag-handa nung tapusan sa mga biyenan ko sa Batangas at naki-fiesta na lang kami sa mga taga roon. Sa kapatid ng asawa kong si Jolly kami naki-tanghalian ng araw nay un at nagustuhan ko talaga yung beef caldereta na handa nila. Napansin ko lang na ibang-iba ang pagkaluto nila ng caldereta. Di katulad ng alam natin na luto na may tomato sauce ito. Yung sa kanila ay wala…pero malasa at malinamnam ang sauce. Kaya nung mapadalaw sa bahay naming ang pamangkin ng asawa ko na si Keth, tinanong ko sa kanya ang mga sangkap sa pagluluto ng calderetang Batangas at ibinigay naman niya. Nilagyan ko na lang ng kaunting twist para ma-improve ko pa ang dish. At hindi naman ako nabigo. Masarap at malasa ang calderetang Batangas na niluto ko. KALDERETANG BATANGAS Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket 1 small can Reno Liver Spread 2 tbsp. Lean Perins Worcestershire Sauce ½ cup Pickle Relish 1 cup grated Cheese 1 large onion chopped 1 cloves minced garlic 1 large tomato chopped

SINAING NA TULINGAN

Image
Kagaya ng naipangako ko sa inyo, narito ang recipe ng sinaing na tulingan gamit ang pinatuyong kamias. Alam nyo bago ko ginawa ito ay nagpaturo muna ako sa aking biyenan ng tamang pagluluto nito. Ang naiba lang sa turo niya ay ang ginamit kong lutuan. Sa palayok kasi niya ito niluluto. Komo wala naman kaming ganun sa bahay, ordinaryong kaserola na lang ang ginamit ko. Pwed din kayong gumamit ng ibang isda. Pwede din ang galunggong. Pero iba talaga ang tulingan. Malasa kasi ang isdang ito. Also, after nyo itong isaing, pwede ding i-prito nyo ito. Masarap talaga ang kakalabasan. Kung sinaing naman, masarap kainin ito after 1 to 2 days. Mas nanunuot na kasi yung asim ng suka at kamias sa isda. SINAING NA TULINGAN Mga Sangkap: 1/2 kilo Isdang Tulingan 1/2 cup Vinegar 1/2 cup Dried Kamias 6 cloves Minced Garlic Salt to taste 2 cups water 1 tsp. Maggie magic Sarap (optional) Paraan ng pagluluto: 1. Linising mabuti ang isda at lagyan ng hiwa o gilit na palihis sa katawan ng isda. 2. I-p

ADOBONG ATAY BALUN-BALUNAN AT SITAW

Image
Ang Adobo marahil ang maituturing nating pambansang ulam o pagkain. Bakit ba naman? Kahit saang panig ng ating bansa o maging sa mga pinoy na nasa ibang bansa, hindi maaring hindi nila alam lutuin ang adobo. Mapa manok man ito o baboy, isda man o gulay, patok na patok sa atin ang lasa nito. Kung gagawa ng cookbook, marahil sa adobo pa lang ay makakabuo ka na ng isang buong libro. Napakarami kasing klase, sangkap, pamamaraan ang pwede mong gawin dito. May nabasa nga ako ginawa pa niyang gourmet ang dating ng kanyang adobo. Kung magkakaroon nga tayo ng pambansang ulam, marahil ay ang adobo ang mangunguna sa pagpipilian. Marahil kaya naging popular ito sa kahit anong parte n gating bansa ay dahil sa simplicity at hindi komplikadong pagluluto nito. Hindi rin ito madaling mapanis dahil may suka itong sangkap. ADOBONG ATAY BALUN-BALUNAN AT SITAW Mga Sangkap: ½ kilo Atay at Balun-balunan ng Manok (cut into bite size pieces) 1 tali Sitaw (cut into 1 inch long) ½ cup Vinegar ½ cup Soy Sa

CHICKEN WINGS with CHILI-GARLIC SAUCE

Image
Bihira akong magluto ng mga pagkaing medyo spicy o yung maaanghang. Hindi kasi ito makakain ng mga bata. Kaya naman sinamantala ko ang pagbabakasyon nila sa bahay ng biyenan ko sa Batangas para makapagluto ako ng ganito. Pansin nyo ba na itong mga nakaraan kong entry ay medyo spicy? Yes, yan ang ginawa kong luto sa chicken wings na nabili ko. Simpleng luto na nilagyan ko ng chili-garlic sauce. Masarap siya. Tamang-tama lang yung anghang at lalong nakakapampagan habang kinakain. CHICKEN WINGS with CHILI-GARLIC SAUCE Mga Sangkap: 8 pcs. chicken wings 1 tbsp. Lee Kum Kee chili-garlic sauce 1 tbsp. Soy sauce 1 tbsp. Worcestershire Sauce 1 tsp. brown sugar 3 cloves minced garlic 1 thumb size sliced ginger 1 medium White onion sliced salt and pepper to taste 1 tsp. Cornstarch Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang chicken wings sa asin, paminta, toyo at worcestershire sauce. Hayaan ng mga 30 minuto. 2. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas. 3. Ilagay ang minarinade n

MUAR CHEE - Sticky Rice Cubes

Image
Una, pasensya po kung medyo malabo ang picture ng entry natin for today. Medyo nagloloko na talaga ang digicam na ginagamit ko. Pero hindi ko pa rin mapigil na hindi i-share ito sa inyo dahil masarap at kakaiba talaga. Nabasa ko lang ang recipe nito sa isa sa mga paborito kong food blog ang rasamalaysia.com. Nagustuhan ko ito dahil simple lang ito at madaling lang lutuin. Actually, para lang siyang palitaw. Ang pagkakaiba lang nila, yung palitaw niro-roll sa ginadgad na niyog, asukal at linga. Samantalang ang sa muar chee naman ay niro-roll sa giniling na mani, linga at brown sugar. Sa pagluluto din, ang palitaw niluluto sa kumukulong tubig hanggang sa lumutang. ang sa muar chee naman ay ini-steam hanggang sa maluto. Try nyo ito. Masarap itong snack kasama ang mainit na kape o tsaa. O kaya naman ay dessert matapos kayong kumain. MUAR CHEE - Sticky Rice Cubes Mga Sangkap: 2 cups Glutinous Rice flour 1-1/2 cup Cold Water Cooking oil for greasing 1 cup brown sugar

CHEESY PORK SPRING ROLL

Image
Wala naman kaming handa nitong nakaraang tapusan sa Batangas. Naki-kain na lang kami sa aming mga kapitbahay at sa mga pininsan ng aking asawa. Hehehehe. Bukod dun sa dessert na panna cotta na ginawa ko, nagluto din ako ng Lumpiang Shanghai. Para maiba naman nilagyan ko ito ng cheese. And presto, lalong sumarap ang paborito nating lumpiang shanghai. CHEESY PORK SPRING ROLL Mga Sangkap: ½ kilo Ground Pork 1 medium Carrot 1 medium Red Bell pepper 1 medium size White Onion 1 box Cheese cut into 2 inches stick 25 pcs. Large Lumpia wrapper (cut into 2) 1 tsp. Maggie magic sarap 2 egg beaten (yung kalhati ay para sa pandikit ng dulo ng lumpia wrapper) 1 tsp. Sesame oil Salt and pepper to taste 2 cups Cooking oil for frying Paraan ng Pagluluto: 1. Hiwain ang carrot, red bell pepper at sibuyas nga maliliit o pino. 2. Paghaluin ang giniling na baboy, mga ginayat na sangkap, Maggie magic sarap, asin, paminta, binating itlog at sesame oil. Hayaan muna ng mga ilang sandali bago balutin. 3. Maglaga

FRUIT COCKTAIL PANNA COTTA

Image
Ang panna cotta ay isang Italian dessert na may sangkap na gatas, asukal, cream at gelatin. Madali lang itong gawin. Konting luto at mix-mix lang ay okay na. Pwede mo ding lagyan ng kung ano-anong flavor o sangkap pa para ito mas sumarap pa. Nitong nakaraang tapusan nga sa baryo ng aking asawang si Jolly, ito ang dessert na ginawa ko. Actually, biglaan ang pagkakagawa ko nito. Dapat sana ay simpleng fruit cocktail salad lang ang gagawin ko. Pero yun nga para maiba naman ginawa ko itong panna cotta. Nakakatuwa naman at nagustuhan ng mga anak ko at asawa ko ang dessert na ito. Try it…madali lang itong gawin. FRUIT COCKTAIL PANNA COTTA Mga Sangkap: 2 boxes Ferna Powdered Gelatin (Almond Flavor) 1 big can Alaska Condensed milk 1 tetra brick All Purpose cream 1 cup of white sugar 1 big can Del Monte Fruit cocktail Paraang ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, ilagay ang syrup ng fruit cocktail. 2. Lagyan ito ng 2 tasang tubig at powdered gelatin at saka isalang sa apoy. 3. Kapag kumulo na, il

TAPUSAN sa MAYO 2010

Image
Ang May 31 ang tinatawag na Tapusan sa bayan ng aking asawang si Jolly s San Jose Batangas. Ito ang huling araw nang ginagawa nilang araw-araw na pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birheng Maria. Sa huling araw na ito ay nagkakaroon ng Banal na Misa sa umaga at sa hapon naman ay ang prusisyon at ang pag-aalay ng bulaklak. Ang prusisyon ay iniikot sa buong nasasakupan ng barangay at habang nagpu-prusisyon ay nagdaraal ng santo rosaryo. Pagkatapos ng prusisyon ay nagsasaboy ng bulaklak ang mga kabataan at isa na dito ang aking anak na si Anton. Ang imahe ng Mahal na Birhen ng Delos Flores. Syempre, masaya ang lahat pagkatapos ng alayan. At syempre pagkatapos ng alayan ay ang kainan sa mga bahay na may handa. hehehehe Happy Fiesta sa lahat ng taga San Jose, Batangas.