Posts

Showing posts from August, 2010

BACON, MUSHROOM and CHEESE FRITTATA

Image
Paborito sa bahay ang fried bacon lalo na pag-almusal. Yun lang hindi masyadong madalas namin itong kainin dahil may kamahalan nga ang bacon. Imagine, yung 250 grams nasa P100+ na ang halaga. Hindi naman kakasya sa aming lima ang 250 grams lang. Kaya ang ginawa ko sinamahan ko ng pamparami ang bacon na ito at ginawa kong frittata o torta. Ang kinalabasan? Isang masarap na almusal na hindi bitin sa mga kumakain. BACON, MUSHROOM and CHEESE FRITTATA Mga Sangkap: 250 grams Bacon cut into 1/2 inch cube 1 cup Sliced button mushroom 1/2 cup Grated Cheese 1 pc. large White Onion sliced 1 pc. large Tomato sliced 4 cloves Minced Garlic 3 tbsp. Olive oil 4 Eggs beaten salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang bacon sa 2 tbsp. ng olive oil hanggang sa pumula lang ng bahagya. 2. Itabi lang sa gilid ng kawali ang bacon at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. halu-haluin 3. Ilagay ang sliced mushroom at timplahan ng asin at paminta. 4. Ihalo ang nilut

TUNA STEAK ala POBRE

Image
Pobre di ba ang ibig sabihin ay mahirap? Well, kung itong fresh tuna na ito naman ang lulutuin mo ala pobre, hindi na siguro ito pagkain ng mahirap. hehehehe. Medyo may kamahalan kasi ang ganitong isda dito sa atin sa Pilipinas. Ginamit ko lang kasi ang salitang ala pobre sa dish na ito dahil sa kasimplehan ng mga sangkap at paraan ng pagluluto. TUNA STEAK ala POBRE Mga Sangkap: 1 kilo Sliced Fresh Tuna 2 pcs. large White Onion cut into rings 1 head Minced Garlic 5 pcs. Calamansi 1/2 cup Soy sauce 1 tsp. Cornstarch 1/2 cup Cooking oil for frying 1 tsp. Maggie magic Sarap salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ng asin at paminta ang hiniwang tuna. Hayaan ng mga 15 minuto. 2. I-prito ito sa mantika hanggang pumula nag magkabilang side. Hanguin sa isang lalagyan. 3. Sa parehong kawali, i-prito ang bawang hanggang sa pumula. Hanguin sa isang lalagyan. 4. I-prito din ang sibuyas ng bahagya at hanguin din sa iang lalagyan. Mag-iwan lang ng kauntin sa

BEEF ALA KING

Image
Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa dish na ito. Nung una White Beef Afritada ang ipinangalan ko dito. Kaya lang, baka akalain ng mga mambabasa ay kulay puting baka ang ginamit ko dito. Hehehehe. Naisip ko na lang, bakit hindi Beef Ala King? Tutal naman halos magkapareho ang sangkap at paraan ng pagluluto nito. Masarap. It is so creamy at kahit sauce pa lang nito ay ulam na ulam na. Try nyo ito. Winner talaga! BEEF ALA KING Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket 2 pcs. Potato cut into cubes 1 pc. large Carrot cut into cubes 1 pc. large Red Bell Pepper cut into cubes 1/2 cup Green Peas 2 cups All purpose Cream or 2 cups of Evaporated milk 1/2 cup butter 1/2 cup grated cheese 1 large White Onion chopped 5 cloves Minced Garlic salt and pepper to taste 1 tsp. Cornstarch Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola pakuluan ang baka sa tubig na may asin hanggang sa lumambot. Panguin at palamigin. 2. Hiwain ang baka ayon sa nais na nipis o kapal. 3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuya

PORK CALDERETA ala LINA

Image
Idol ko ang aking namayapang Inang Lina pagdating sa pagluluto. Ang isa pang magaling sa kanya, napapasarap niya ang kanyang mga lutuin sa mga simpleng sangkap na available sa kanya. Katulad ng kanyang chicken pork adobo, sa totoo lang, panalong panalo ang dish na ito. Hanggang ngayon hindi ko alam kung papaano niya ito napapasarap ng ganun. Katulad ng entry kong ito sa araw na ito. Pork Caldereta. Marami na ding version akong nai-post sa blog na ito sa dish na ito. Pero itong versiong ito ay ang natatandaan kong version kung papaano ito niluluto ng aking Inang. PORK CALDERETA ala LINA Mga Sangkap: 1 kilo Pork kasim or Liempo cut into cubes 2 cup tomato Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1/2 cup Vinegar 1 small can Liver Spread 2 tbsp. Peanut Butter 2 tbsp. Pickle Relish 1 large Potato cut into cubes 1 large Red Bell pepper cut into cubes 1 large Carrot cut into cubes 1/2 cup Grated Cheese 5 cloves minced garlic 1 large Onion chopped 2 pcs. Tomatoes chopped Salt and pepper to taste Paraan ng pagl

BRAISED PORK TENDERLOIN in OYSTER & HOISIN SAUCE

Image
Another special dish na pwedeng ihanda sa mga espesyal na okasyon o kahit na sa pang-araw-araw pa. Masarap na may kakaibang lasa. Sabagay, ano ba ang hindi sasarap kapag may oyster sauce na at may hoisin sauce pa. Dalawang klase ng sauce na pangunahin sangkap sa mga lutuin chinese. Alam nyo mula nung mag-blog ako ng aking mga niluluto, naging challenge sa akin ang mga putaheng niluluto ko. Kung hindi man experimental ay nilalagyan ko ng twist ang mga classic na na pagkain. Although may mga palpak din...hehehe....pero madalas naman ay wagi. BRAISED PORK TENDERLOIN in OYSTER and HOISIN SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Tenderloin (lomo) 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1/2 cup Hoisin Sauce 3 pcs. Calamansi 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion chopped 1 thumb size ginger 1 tbsp. Brown sugar 1 tsp. Sesame oil salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Tusok-tusukin ng kutsilyo o icepick ang karne ng baboy. 2. I-marinade ang ito sa asin, paminta, toyo, katas ng calamansi,

TORTANG SARI-SARI

Image
Hindi ko alam kung anong breakfast ang iluluto ko nitong isang araw. Nakakasawa na din kasi ang hotdog, longanisa, tocino, itlog etc. Nagiisip ako ng madali lang lutuin na alam kong magugustuhan ng mga anak ko. I check the fridge at may nakita ako konti noon at konti nito. Mga sangkap tira-tira nitong mga nakaraang araw. So sayang naman kako kung hindi ito magagamit at masisira lang. Ang naisip ko? Bakit hindi ko ito i-recycle para maging isang bagong putahe na naman. At ang torta nga ang naisip ko. Ang torta ang pinaka-mainam na luto sa mga tira-tira na pagkain. Kaya eto, tinawag kong itong tortang sari-sari. hehehehe. TORTANG SARI-SARI Mga Sangkap: 3 pcs. Regular Hotdogs sliced 3 pcs. Sweet Ham cut into small square 1 cup Bologna cut into small pieces 1 cup Cooked Corned beef 4 pcs. Egg beaten 3 cloves minced garlic 1 medium size Onion sliced 1 large tomato 4 tbsp. olive oil salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang, sibuyas at

HONEY-BARBECUE GLAZED BABY BACK RIBS

Image
Ito yung is apang dish na ni-request ng anak kong si James para sa kanyang kaarawan last August 19. Ang problema ko dito wala akong turbo broiler o oven na gagamitin para i-roast. Di ba nasira nga yung turbo broiler ko at hindi pa naman ako nakakabili ng kapalit? So ang ginawa ko na lang, pinalambot ko siya at saka pinirito then glaze ng honey at barbecue sauce. Masarap naman ang kinalabasan. Yun lang, iba talaga kung iro-roast mo siya o ibo-broil. Ayun ubos agad ang dish na ito....hehehe. HONEY-BARBECUE GLAZED BABY BACK RIBS Mga Sangkap: 1.5 kilo Baby back Ribs (hiwain para magkasya sa kaserolang paglalagaan) 2 cup Juice from Fruitcocktail or pineapple juice 1 head Minced Garlic 1/2 cup Barbecue Sauce 1 tsp. Ground pepper 1 tbsp. Rock Salt or to taste 1/2 cup Brown Sugar 1/2 cup Soy Sauce 1 tbsp. Roasted Sesame seeds For glazing: 3/4 cup Honey 3/4 cup Barbecue Sauce 1 tbsp. Soy Sauce Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang baby back ribs sa asin, paminta, juice ng fruitcocktail o

FOUR CHEESE CHICKEN PASTA

Image
Ito ang pasta dish na inihanda ko sa 10th birthday ng pangalawa kong anak na si James. Kung titingnan mo parang ordinaryong pasta dish o spaghetti lang ito. Pero ang totoo, ang spaghetting ito ay nabuo sa gusto at nais ng may birthday. Gusto daw niya ay yung red na may hotdogs at maraming ham. Mahilig din siya sa chicken kaya grounf chicken naman ang inilahok ko kapalit ng ground pork. Also, mahilig din siya sa spaghetti na ma-cheese kaya naman ang sauce na ginamit ko dito ay hindi yung ordinaryong spag sauce lang. Ang ginamit ko dito ay yung 4 cheese spag sauce ng Del Monte. I didn't expect na ganun kasarap ang kakalabasan ng spaghetti kong ito. Masarap siya at hindi katulad nung mga nakakain natin sa mga fastfood. Try nyo ito...winner talaga. FOUR CHEESE CHICKEN PASTA Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti Pasta cooked al dente 3/4 kilo Ground Chicken 5 pcs. Jumbo Purefoods Tender Juicy Hotdog sliced 5 slices Square Sweet Ham cut into small squares 1 big can Del Monte Four

KIWI TOPS FRUITCOCKTAIL SALAD

Image
Ito ang dessert na inihanda ko sa birthday ng aking anak na si James Last August 19. It's a simple dessert pero naging mas espesyal dahil nilagyan ko pa ito ng kiwi as a toppings. Hindi naman ako nagkami at masarap ang kinalabasan ng dessert na ito. KIWI TOPS FRUITCOCKTAIL SALAD Mga Sangkap: 1 can Del Monte Fruitcocktail 2 pcs. Kiwi fruit 1 cup All Purpose Cream 1 cup Condensed Milk Paraan ng paghahanda: 1. I-chill muna ng mga 2 oras ang all purpose cream at condensed milk 2. I-drain ang fruitcocktail at itabi ang sabaw nito (Gagamitin yng syrup sa spareribs) 3. Balatan ang kiwi at i-slice. 4. Paghaluin ang fruitcocktail, cream at condensed milk. 5. Ilagay sa ibabaw ang hiniwang kiwi 6. I-chill muna uli sa fridge bago ihain. Enjoy!!!!

JAMES 10TH BIRTHDAY - 2010

Image
Ang pangalawa kong anak na si James ay nag-celebrate ng kanyang ika-10 karawan last August 19. Kahit papaano ay ipinagdiwang namin ito sa isang simple pero espesyal na hapunan. Wala namang imbitado na bisita, kami-kami din lang. Basta ang request lang ng may birthday ay ipagluto ko siya ng spaghetti at baby back ribs. At yun nga ang inihanda ko. Dinagdagan ko na lang ng dessert at bumili ng cake naman ang asawa kong si Jolly. Nag-halfday ako at nag-undertime naman ang aking asawa para sa kaarawan ityo ng aking anak. Nakakatuwa naman at masaya ang may birthday. Kagaya nang nasabi ko nung birthday ni Anton, pinipilit ko talagang ipagdiwang ang kanilang mga karawan na kahit papaano ay may konting handa. Yun din naman kasi ang ginwa sa amin ng aking mga magulang. Parang kailan lang nung pinanganak siya. parang napakabilis ng panahon na isa na siya ngayong 10 years old na bata. Wish ko sa kanya na sana ay lumaki siyang mabait, mapagmahal sa kanyang mga magulang at kapatid

COCO-BAGOONG BEEF

Image
Here's another dish na maipagmamalaki ko talaga. Masarap talaga at maging ang asawa ko at mga anak ay nagustuhan. Hindi ko alam kung may ganito nang luto sa baka. Basta ang inspiration ko dito ay ang classic nating pork binagoongan. Binago ko na lang ang pangalan para mas may dating at parang original siya. Also, nakadagdag ng sarap yung toasted garlic na inilagay ko sa ibabaw. The main key sa dish na ito ay ang klase ng bagoong na gagamitin. I suggest yung nasa bote na lang ang gamitin. Yung sweet and spicy. Try nyo ito, another beef dish na tiyak kong magugustuhan ng inyong pamilya. COCO-BAGOONG BEEF Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket cut into cubes 200ml or 2 cups Kakang Gata 3 tbsp. Bagoong Alamang 3 pcs. Siling pang-sigang sliced 1 tangkay Lemon grass o Tanglad sliced (white portion only) 1 head Minced Garlic 1 large Red Onion chopped salt and pepper to taste 1 tsp. maggie magic Sarap (optional) Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, pakuluan ang karne ng baka sa tubig na ma

HONEY COATED CAMOTE FRIES

Image
Ang kamote Q o kaya naman ay banana Q ang masasabi nating meryenda ng masa. Bakit naman, masarap ito at abot kaya pa ang halaga. Kahit dito sa office namin sa Makati may nagtitinda din ng mga ganitong klase ng pagkain. Gustong-gusto ko ito kaya naman nitong nakaraang Linggo, nagluto ako nito para snack ng aking mga anak. Yes, kamote o sweet potato ang niluto ko. Pero sa halip na kamote Q, kamote fries ang ginawa ko. Also, nilagyan ko ng kaunting twist para mas lalo pang magustuhan ng mga bata. Nilagyan ko siya ng honey at toasted sesame seeds. Ang kinalabasa? Ubos lahat....hehehehe. HONEY COATED CAMOTE FRIES Mga Sangkap: 1 kilo kamote (Balatan at hiwaing pahaba katulad ng french fries) 2 tbsp. Pure Honey Bee 1 Cup Brown Sugar (tunawin sa 1/2 cup na tubig) 2 tbsp. Toasted Sesame seeds cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang non-stick na kawali, magpakulo ng mga 2 tasang mantika. 2. I-prito ang hiniwang kamote hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lala

TINUMIS

Image
Marami sa mga pagkaing Pilipino ang magkakapareho lang ng sangkap at paraan ng pagluluto pero nagkakaiba sa tawag o pangalan nito. Katulad na lang ng entry kong ito for today. Tinumis. Kung ikaw ay taga-Bulacan o kaya naman ay parte ng Pampanga, kilalang-kilala ang tinumis na ito. Pero kung nasa Manila ka naman Dinuguan ang tawag dito. At kung sa may parte ka ng Batangas o Laguna, eh Pinalabuan naman ang tawag nila dito. Yes, isa lang yun. Maybe may pagkakaiba sa ilan sa mga sangkap, pero basta ang pangunahing sangkap nito ay karne ng baboy at dugo nito. May entry na ako sa archive ng Pinalabuan. Pero itong version ko ngayon ay base naman sa alam kong tamang pagluluto sa amin sa Bulacan. TINUMIS (Dinuguan/Pinalabuan) Mga Sangkap: 1-1/2 kilo Pork Liempo (Mas mainam yung may ribs. Cut into small cubes) 6 cups Fresh Pork Blood 5 pcs. Siling pang-sigang 1 cup Sukang Puti 2 large Red Onion chopped 5 cloves Minced garlic 2 pcs. Large Tomatoes chopped 1 tbsp. Ground Black Pepper

AMPALAYA con TOKWA

Image
Another simple but delicious dish ang handog ko sa inyo sa araw na ito. Hindi ko alam kung marami sa sumusubaybay sa food blog kong ito ang kumakain ng amplaya. Mapait kase eh....hehehe. Dapat daw pag nagluluto ng amplaya huwag daw sisimangot kasi mas lalong papait ang ampalaya. hehehehe. Kasabihan lang yun. But ofcourse kagaya nung sinasabi ko, dapat mula sa puso o bukal sa puso ang paglulutong ginagawa. Dapat ang nasa isip natin ay sana magustuhan ng kakain ang ating niluluto. Subukan nyo at hindi gaanong mapait ang ampalaya nyo. Isa pa, kung bibili kayo ng ampalaya, piliin nyo yung malalaki ang kulubot ng balat. Pag-pino kasi ang balat mas mapait. Well base yan sa experience ko...hehehehe...walang scientific explanation...hehehe AMPALAYA con TOKWA Mga Sangkap: 1 pc. Large Ampalaya (alisin ang buto at hiwain ng palihis at ayon sa nais na kapal) 250 grams Tokwa (cut into cubes) 2 Eggs beaten 50 grams Chicharon Baboy 1/2 cup Oyster Sauce 5 cloves Minced garlic 1 large W

TORTANG ALAMANG ver 2

Image
May entry na ako sa archive para sa tortang alamang. But this time nag level up na ang dish na ito dahil sa iba pang mga sangkap na aking idinagdag. Nakakatuwa naman at masarap ang kinalabsan ng tortang ito. Kung tutuusin napakatipid ng dish na ito. Ayos na ayos ito sa mga nagba-budget sa kanilang ulam na hindi naman tipid sa lasa TORTANG ALAMANG ver 2 Mga Sangkap: 250 grams Alamang 1/2 cup Raisin 1/2 cup Chopped Onion 1/2 cup Chopped Parsley 1/2 cup Flour 1 tbsp. Finely chopped Ginger 3 Eggs 1 tsp. Maggie magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. Pagsama-samahin ang lahat ng sangkap maliban sa mantika. 2. Magpakulo ng mantika sa isang non-stick pan. 3. Sa isang platito maglagay ng nais na dami ng pinaghalong alamang at mga sangkap. I-form ito na parang burger patties. 4. I-prito ito hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay. 5. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel. Ihain na may kasamang paborito ninyong catsup o

PINAKBET with PORK CHICHARON

Image
Sa bahay, masasabi kong balance ang kinakain naming pagkain. Basta in a week, ikot lang ang klase ng ulam na kinakain namin. Ibig kong sabihin, basta ikot lang sa manok, baboy, baka at isda. Yung gulay naman ay isinasama ko na sa bawat putahe na niluluto. Kung hindi naman may isang klaseng ulam pa na gulay. Katulad nitong entry ko for today. Pritong dalagang bukid at may kasamang pinakbet. Wow, naparami ang kanin ko nung ito ang ulam namin. hehehehe. Bakit ba naman? Bukod kasi sa bagoong, nilagyan ko pa itong ng chicharong baboy. Yes, as in yung masarap isawsaw sa suka. Bigay lang ito ng aking kapatid na si Shirley nung minsang dumalaw kami sa amin sa Bulacan. Di ba sikat ang Bulacan partikular ag Bocaue sa masarap na chicharong baboy? Try nyo ito, hindi lang sa ginisang munggo masarap ang chicharong baboy, kahit sa pinakbet ay panalo pa rin...hehehehe. Also, yung gulay na ginamit ko dito ay yung nabibili sa supermarket o palengke na naka-pack na na pang-pin

BEEF WITH HONEY-CALAMANSI SAUCE

Image
Una, pasensya na at nagloloko na naman ang digicam na ginagamit ko. Eto medyo may kalabuan na naman ang pict ng dish na niluto nitong isang araw. Hindi ko na sana ito ipo-post kaya lang nanghihinayang ako sa dish na ito. Kaya eto, kahit pangit ang pict pinost ko pa din. Madali lang actually lutuin ang dish na ito. Ang matagal lang dito ay yung pagpapalambot ng karne. Dalawang way ang pwedeng paraan sa pagluluto nito. Pwede nyong i-try ito para malaman nyo kung alin ang mas masarap. For me, yung #2 ang gusto ko. BEEF with HONEY-CALAMANSI SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket or Spareribs cut into cubes 5 pcs. Calamansi 1/2 cup Pure Honey bee 1/2 cup Soy Sauce 1 thumb size Ginger Sliced 4 cloves Minced Garlic 1 large White Onion sliced 2 tbsp. Brown Sugar salt and pepper to taste 1 tsp. Sesame seeds Paraan ng pagluluto #1: 1. Sa isang kaserola, pakuluan ang karne ng baka hanggang sa lumambot. Hanguin sa isang lalagyan. 2. Sa isang kawali o non-stick pan, igisa ang luy

PORKCHOPS with TOMATO LIVER SAUCE

Image
The last time nag-groceries ako, nakita ko itong bagong product ng Del Monte. Sauce Sulit Sarap Liver Spread ang nakalagay. Kumuha ako ng isa kahit hindi ko pa alam ang paggagamitan ko nito. Syempre ang una agad na naiisip ko na paggagamitan nito ay lutong caldereta. Nitong isang araw, may nabili akong more than 1 kilo na porkchops. Hindi ko pa alam kung anong luto ang gagawin ko dito. Kung ipi-prito naman kako, baka naman masyadong matigas para sa mga bata. Unang plano ay i-pork steak ko ito. Per last minute ay nabago ang lahat ng plano. No regrets, masarap naman ang kinalabasan ng dish na ito...hehehehe. It's a dish in between pork steak at caldereta....hehehehe. PORKCHOPS with TOMATO LIVER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Porkchops 1 tetra pack Del Monte Sauce Sulit Sarap Liver spread 2 pcs. Potatoes cut into cubes 1 cup Soy Sauce 2 tbsp. Worcestershire Sauce 1/2 cup chopped Parsley 1 tsp. ground black pepper Salt to taste 1 tsp. Maggie Magic Sarap 1 tbsp. Cornstarch 5 c

PORK EMBOTIDO

Image
Ang pork embotido marahil ang isang dish na nakikita lang natin sa mga espesyal na okasyon kagaya ng fiesta, kasalan o kaya naman ay binyagan. Kinukonsidera kasi ito na iang espesyal na pagkain. Marahil ay sa dami ng sangkap nito kaya ito naging espesyal. Maraming pwedeng ipalaman sa embotido. Kung susuruin nyo ang ibang mga recipe, magkakaiba ito talaga. At may kani-kaniya ding paraan kung papaano ito mapapasarap pa. PORK EMBOTIDO Mga Sangkap: 1/2 kilo Ground Pork 1 large Carrot cut into small cubes 2 large White Onion finely chopped 1 head Minced garlic 1/2 cup Pickle relish 1/2 cup Raisin 2 cups Breadcrumbs 4 pcs. Eggs beaten 3 pcs. Egg Hard boiled 1 cup grated Cheese Cheese cut into log about an inch 2 tbsp. Sesame Oil 1 tbsp. Maggie Magic sarap 1/2 cup Flour salt and pepper to taste Aluminum foil Paraan ng pagluluto: 1. Paghaluin ang lahat ng sangkap, maliban sa hard boiled eggs at cheese sticks. Hayaan muna ng mga 30 minuto. Maaring kumuha ng kaunti at i-steam para matikman kung

ANTON'S 8TH BIRTHDAY - 2010

Image
Birthday kahapon August 8 ng bunso kong anak na si Anton. Nakakatuwa ang batang ito, as in July pa lang ay panay paalala niya na malapit na ang birthday niya. hehehehehe. Kaya naman kahit umuulan ay inilabas pa rin namin sila ng aking asawa para makapag-celebrate kahit papaano. Nagsimba muna kami sa EDSA Shrine at pagkatapos nun ay tamang-tama naman na lunch na. Gusto ng asawa ko na maiba naman daw ang restaurant na kakainan namin. Kaya sa Burgoo kami napadpad. First time ko rin na makakain sa resto na ito at hindi ko alam kung ano ang mayroon. Laking gulat ko naman sa presyo ng mga pagkain dito...hehehehe. Bakit ang mamahal? Well, napasubo na ako...bahala na kako....hehehehe Tatlong dish lang ang in-order namin. Siguro napansin din ng asawa ko na may kamahalan ang food, tama na daw yung dalawang order namain. Kaya lang, baka kako bitin yung 2 dish na yun..so dinagdagan ko pa ng isa. Nagdagdag lagn ako ng appetizer. Etong ngang nachos na ito ang napili ko. Okay

STEAMED CHICKEN with HERBS ver. 2

Image
Una, pasensya na at hindi kagandahan ang kuha ng picture ng dish natin for today. Hindipa nga ito lutong-luto nung kuna ko ng picture. Steam kasi ang dish na ito at medyo nagmamadali ako dahil papasok pa ako sa akinbg trabaho...hehehehe. Simple ang dish na ito pero punong-puno ng flavor. Ofcourse hindi naman na-over power ng mga herbs and spices ang lasa ng manok. May steamed chicken na ako sa archive pero may improvement akong inilagay sa dish na ito. Sa totoo lang mas nagustuhan ko ang version ko na ito kumpara dun sa una. STEAMED CHICKEN with HERBS ver. 2 Mga Sangkap: 1/2 Chicken 1 tsp. Dried Thyme 1 tsp. Dried Basil 1 tsp. Ground Black pepper 2 tbsp. Olive oil 1 tsp. Rock salt 1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional) 1 thumb size pinitpit na luya 1 tangkay ng Lemon grass 1 whole Onion quartered For the sauce: 1 tbsp. Soy sauce 2 tbsp Oyster sauce 1 tsp. Liquid seasoning 1 tsp. Brown sugar 1 tsp. Sesame oil Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang bowl, paghaluin ang dried basil, thyme

FISH with TOFU in SWEET and SOUR SAUCE

Image
Another classic dish ang handog ko para sa lahat ng taga-subaybay ng munting food blog kong ito. Fish fillet with tofu in sweet and sour sauce. May 1 kilo ako na fish fillet (cream of dory) sa fridge na mga ilang araw na din. Hindi ko alam kung anong luto ang gagawin ko dito. Bigla na lang tumama sa isip ko na bakit hindi ko na lang lagyan ito ng sweet and sour sauce. Yung parang chinese dish ang dating. At para dumami siya, dinagdagan ko ng tofu o tokwa. Hindi kasi magkakasya sa aming 7 kung puro fish fillet lang. hehehehe FISH with TOFU in SWEET and SOUR SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Fish Fillet (any white fish...cream of dory, lapu-lapu, tilapia, etc.) 1 block Tofu cut into cubes (depende na lang kung gaano karami ang gusto ninyong ilagay) 1 large Carrot sliced 1 large Red/Green Bell pepper cut into cubes 1 small can Pineapple chunk 1 cup Sweet tomato or banana catsup 1 large White onion sliced 5 cloves Minced Garlic 1 thumb size Ginger thinly sliced 1 tbsp. Cornstarch 1/2 cup Sugar 2 t

PORK ADOBO with OYSTER SAUCE

Image
Isa sa mga madaling lutuin na ulam ay ang classic nating adobo. Kapag medyo tinatamad akong magluto o kaya naman ay wala akong maisip na lutuin, adobo palagi ang kinauuwian ang aming ulam. Bakit ba naman? e basta pagsama-samahin lang ang lahat ng sangkap saka lutuin ay okay na. At sa mga bago pa lang natututong magluto, ito ang mainam na una nyong pag-praktisan. Hehehehe. Hindi ko na alam kung ilang adobo dish ang nai-post ko sa blog nating ito. But ofcourse may mga variation ito. Katulad nitong entry natin for today. May nag-email sa akin na masarap daw ang adobo kung lalagyan mo ito ng oyster sauce. At yun nga ang ginawa ko sa dish na ito. Try nyo ito. Masarap nga. PORK ADOBO with OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim cut into cubes 1 head Minced Garlic 1 cup Vinegar 1 cup Soy Sauce 1/2 cup Oyster Sauce 1 tsp. Ground Black pepper 1 tbsp Brown Sugar 2 pc. Potatoes cut into cubes Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang bowl, i-marinade ang karne ng baboy sa suka, toyo, paminta at bawan

PINE-SOY CHICKEN BREAST FILLET

Image
Here's another dish na napaka-simple at napaka-daling lutuin. Kahit first time na magluto ay kayang-kaya itong lutuin. Papaano ba naman, bukod sa simple lang ang mga sangkap, simpleng-simple din ang paraan ng pagluluto. Siguro magtataka kayo kung ano yung pine-soy? Pineapple juice at toyo lang yun. hehehehe. Pero alam nyo pag pinag-combine ang dalawang ito? Parang hamonado or tocino ang kakalabasan. Lalo na kung tutuyuin mo talaga yung sauce nito. Try it! Ito din pala ang ipinabaon ko sa aking mga anak sa school. Mamaya pag-uwi nila malalaman ko kung nagustuhan nila o hindi. hehehehe. Pero, ano ba naman ang iniluto ko ng hindi nila nagustuhan?...hehehehe. PINE-SOY CHICKEN BREAST FILLET Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Breast Fillet cut into cubes 2 cups Sweetened Del Monte Pinapple Juice 1/2 cup Soy Sauce 1 cup Brown Sugar 2 large White Onion sliced salt and pepper to taste 1 tsp. cornstarch (optional) Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang bowl, i-marinade ang chicken fillet sa asin, pamin

SINIGANG na ISDA sa MANGGA

Image
Ang sinigang katulad ng adobo ay isang pagkain na masasabi nating pinoy na pinoy talaga. At katulad nating mga Pilipino, napaka-flexible ng pagkaing ito. Pwede mo itong lahukan ng isda, baboy, baka o kahit na mga seafoods. Maging sa mga gulay at pang-asim na ginagamit maraming pwedeng ilahok dito. Ang pang-asim na ginagamit dito ay nag-iiba-iba depende na lang kung ano ang pwede sa lugar. Kagaya na lang sa amin sa Bulacan komo maraming sampalok, kamyas at bayabas, madalas ito ang ginagamit naming pang-asim sa sinigang. Sa ibang lugar naman ay may gumagamit ng calamansi, santol at ang iba naman ay ito ngang mangga. At dito nga sa entry natin for today ay mangga ang ginamit ko na pang-asim sa isdang aking isinigang. Hindi naman ako nagkamali. Masarap at tamang-tama lang ang asim ng aking sinigang. Yun lang masyadong mahal ang pang-asim na ito na ginamit ko........hehehehe SINIGANG NA ISDA SA MANGGA Mga Sangkap: 1 kilo Talakitok o kahit anong isdang pang-sigang 1 tali Sitaw (hiwain ng m

PORK TINOLA

Image
Ang tinola ang isa sa mga klasikong soup dish sa ating mga Pilipino. Di ba dun nga sa awiting pamasko nabanggit na ang inihahandang noche buena ni ate ay tinola? hehehehe. Ganun ka sikat ang dish na ito. Ofcourse alam natin na ang tinola ay manok ang pinaka-main na sangkap. Pero na try nyo na ba na pork ang gamitin dito? Siguro naman. Yun ang kagandahan sa ating mga Pinoy. Napa-flexible natin sa pagluluto. Also, nagagawa nating i-stretch ang isang dish para magkasya ito sa ating pamilya. Ibig kong sabihin ay ang paggamit ng extender sa ating mga niluluto nalagi kong sinasabi. Kagaya nitong entry natin for today. Dapat sana ipi-prito ko lang ang pork liempo na ito. Kaya lang naisip ko, hindi ito magkakasya sa amin kung ganung luto lang. So ang ginawa ko, tinola ko siya at nilagyan ng maraming sayote. Dinagdagan ko na din ang sabaw para ma-sulit na....hehehe. Ang nangyari? satisfied ang lahat ng kumain at hindi feeling bitin. PORK TINOLA Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liempo cut into cubes 2 p

BEEF and TOFU with BLACK BEANS SAUCE

Image
Sa aming bahay, masasabi kong balanse ang kinakain naming pagkain. Basta ikot lang ang isda, manok, baboy at baka na pang-ulam sa buong linggo. Ang gulay naman ay inilalahok ko na lang sa kung anon mang luto ang gagawin. Isang beses lang kami mag-ulam ng baka sa isang linggo. Bukod sa may kamahalan ang karne nito, matagal pa itong palambutin. Tiyak ubos ang cooking gas mo pag ito ang lulutuin mo. Kapag nga ganitong may kamahalan ang baka, ang ginagawa ko ay lahukan ng gulay o kaya naman ay gamitan ko ng extender. Kagaya nitong entry natin for today. Kung hindi ko lalagyan ng tofu o tokwa, baka isang kainan lang ang 1 kilong baka na ito. Hehehehe.... BEEF and TOFU with BLACK BEANS SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket 500 grams block Tofu (cut into 1/2 inch cube) 1 cup Salted Black beans 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Brown Sugar 4 cloves Minced garlic 1 large Onion chopped 5 slices Ginger 1 tbsp. cornstarch salt and pepper to taste Paraan ng Pagluluto: 1. Pakuluan hanggang sa lumambot