Posts

Showing posts from September, 2010

ADOBONG LIEMPO at ATAY na may HONEY

Image
Sino bang Filipino ang hindi nakaka-alam ng lutong Adobo. Kung mayroon siguro tayong pambansang ulam, ito ay ang Adobo. I love Adobo. Mapa manok man o baboy...o kaya naman ay kahit ano pa man ay pwedeng i-adobo. Hindi ko pa rin mahigitan ang adobo ng aking namayapang Inang Lina. Ewan ko ba... but I'm still trying. Itong adobo entry ko for today ay wala namang masyadong pagkakaiba sa mga adobo na nai-post ko na sa blog kong ito. Ang pagkakaiba lang nito ay ang pamamaraan na ginawa ko na nabasa ko naman sa isa sa mga paborito kong food blog ang http://homecookingrocks.com/ ni Connie Veneracion. Sinunod ko ang pamamaraan niya ng pagluluto ng adobo at masarap nga ang kinalabasan. Ako kasi basta pagsasama-samahin ko lang ang lahat ng sangkap at yun na. Pero dito sa version kong ito yun na nga ang ginawa ko. Try nyo din. ADOBONG LIEMPO at ATAY na may HONEY Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Liempo cut into cubes 1/2 kilo Pork Liver cut also into cubes 1/2 cup Vinegar 1 cup Soy Sauce 1 h

SHRIMP and STRING BEANS in OYSTER SAUCE

Image
Nitong isang araw simpleng pritong isda ang ulam namin for dinner. Normally, kapag ganito ang ulam namin sinasamahan ko pa ito ng gulay o kaya naman ay soup. Nang i-check ko ang fridge kung ano ang available, nakita ko itong isang taling sitaw at may kaunti pang hipon o swahe n a ginamit ko nung magluto ako ng sinigang na hipon. Ang nakakatuwa sa halip na isang simpleng side dish ang gagawin ko, isang masarap na ulam na ang kinalabasan. Try nyo ito at masarap talaga. SHRIMP and STRING BEANS in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 250 grams Shrimp (Swahe or sugpo) 1 tali (abount 15 pcs.) String beans / Sitaw - hiwain ng mga 2 inches ang haba 1/2 cup Oyster Sauce 2 tbsp. Soy Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 5 cloves Minced Garlic 1 medium size Red Onion sliced 1 thumb size Ginger sliced Salt and pepper to taste Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika. 2. Ilagay ang sitaw at tasang tubig. Timpahan na din ng asin at paminta. Takpan at hayaa

HUMBA - (Braised Pork Belly)

Image
Ang Humba o Umba ang katumba ng mga Bisaya sa Adobo ng mga nasa katagalugan. Ang pagkakaiba lang nito ay medyo matamis ito at may kakaibang lasa. May iba't-iba ring pamamaraan sa pagluluto ng Humba pero siguro itong entry kong ito for today ang pinaka-common. Madali lang itong lutuin. Basta pagsama-samahin mo lang ang mga sangkap at saka lutuin ay ayos na. Sa ibang lugar, maituturing na espesyal na dish ito. Makikita mo ito sa mga fiesta, kasalan o kaya naman ay binyagan. Masarap kasi talaga. HUMBA - (Braised Pork Belly) Mga Sangkap: 1.5 Kilo Pork Belly (Liempo) 2 tbsp. Black Bean Sauce (Tausi) 1 cup Soy Sauce 1/2 cup Vinegar 1 cup Brown Sugar 1 Head Minced Garlic 1 tsp. Ground Black Pepper 2 pcs. Dried Laurel leaves 2 pcs. hard boiled Eggs 1 tbsp. Cornstarch Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, paghalu-haluin lang ang lahat ng mga sangkap maliban sa itlog. 2. Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang karne. Maaaring lagyan ng tubig kung kinakailangan pa. 3. Hangui

BABY BACK RIBS in HONEY BARBEQUE SAUCE

Image
Itong entry nating ito for today ang isa pa sa hiniling ng anak kong si Jake na lutuin ko para s kanyang birthday. Actually, may entry na ako na ganito sa archive pero iba ang pamamaraan ng pagluto na ginawa ko. Ang isa pa, kahit ako mismo bukod sa mga nakatikim ng spare ribs na ito ang nasiyahan sa lasa at lambot ng karne nito. nahilingan pa nga ako ng kapitbahay kong si Ate Joy na ipag-timpla ko daw siya isang beses ng spareribs na ito. Ang kaibigan ko namang si nelson ay talaga namang kinulit ako kung papaano ko daw ito niluto. Ang buong akala niya ay in-oven ko pa ito. Hehehe. BABY BACK RIBS in HONEY BARBEQUE SAUCE Mga Sangkap: 1.2 kilos Baby back Ribs 1 head Garlic (alisin lang ang balat) 1 cup Barbeque Sauce 1 cup Soy Sauce 1/2 cup Oyster Sauce 1 tsp. Ground Black Pepper 1 cup Brown Sugar 1 cup Pure Honey bee Paraan ng pagluluto: 1. Hiwain in between the bones ang baby back ribs 2. Ilagay sa isang kaserola at ilagay ang lahat ng sangkap maliban sa honey bee. 3. Pakuluan ito ha

CHICKEN LOLLIPOP - My own version

Image
Itong dish na ito ang isa sa mga nilutonitong nakaraang birthday ng panganay kong anak na si Jake. Noon ko pa gustong mag-luto nito, ewan ko ba kung bakit hindi matuloy-tuloy. Hehehehe Para gumawa ng chicken lollipop sundin ang pamamaraan sa link na ito: ttp://justbento.com/handbook/recipe-collection-mains/how-make-chicken-lollipops Salamat sa may-ari ng blog na ito na si Makiko itoh for the picts and the articles. Yung pamamaraan kuha ko sa site na ito pero ang recipe ng entry kong ito ay akin. Actually, wala akong pinagkopyahan ng recipe. Basta pinaghalo ko lang ang mga sangkap na pang-marinade and presto isang masarap na chicken lillipop ang kinalabasan. Ayos na ayos ito sa mga parties lalo nat mlapit na ang pasko at new year. Try nyo... CHICKEN LOLLIPOP - My own version Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Wings 1 tbsp. Cayene powder 1 tsp. Garlic Powder 5 pcs. Calamansi 1 cup Flour 1/2 cup Cornstarch 1/2 cup Rice Flour 2 eggs beaten 1 tsp. Maggie magic Sarap Salt and pepper to tas

TUNA PASTA ORIENTAL

Image
Kung titingnan mo ang picture ng dish na ito para bang napaka-simple lang...pasta na nagkaroon ng kulay. Pero ang totoo, punong-puno ito ng flavor. Ginaya ko yung isang pasta dish na natikman ko sa isang fastfood sa may Glorietta 4. World of Chicken ba yun (libreng promo yan ha...hehehehe) Asian noodles ata ang tawag nila dun. Para maiba naman ang breakfast namin, ito ang niluto kong breakfast nitong nakaraang araw. Ang ka-partner nito ay simpleng toasted bread na may butter. Nakakatuwa at nagustuhan na naman ito ng mga anak ko. TUNA PASTA ORIENTAL Mga Sangkap: 500 grams Spaghetti pasta cooked according to package direction 2 cans Century Tuna flakes in brine 5 cloves Minced garlic 1 large Red Onion chopped 1/2 cup Hoisin Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1/2 cup Oyster Sauce 2 tbsp. Brown Sugar 1 tbsp. Toasted Sesame seeds 1 tsp. Sesame Oil Salt and Pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Lutuin ang pasta according to package direction. Huwag i-overcooked. 2. Sa isang kawali o n

JAKES' 12th BIRTHDAY - 2010

Image
Napaka-bilis ng panahon. Dati, pangko-pangko ko lang ang aking panganay na si Jake, pero ngayon ang laki-laki na niya. He's now 12 years old. At nagbibinata na ha...hehehehe. Kahapon nga September 22 kahit papaano ay naghanda ako para sa kanyang kaarawan. Nag-halfday ako sa office para ipagluto siya ng ibig niyang kainin para sa kanyang birthday. Spaghetti at barbeque spareribs lang naman ang hiling niya na iluto ko. Bukod sa dalawang dish na hiling niya, nagluto din ako ng crispy chicken lollipop at bumili naman ang asawa kong si Jolly ng espesyal na cake. Sa picture kasama niya ang dalawa niyang kapatid na sina Anton at James. Nagustuhan nila pareho ang chicken lollipop at spareribs. Gusto pa nga nila yun daw ang baunin nila sa school kinabukasan. Hehehehe. Masaya naman naming itong nairaos at talaga namang nabusog ang lahat. Naging bisita lang namin ang kapitbahay kong si Ate Joy at ang kainigan naming si Nelson. All praises sila sa aking barbeque spareribs

CRISPY GARLIC PORK BELLY

Image
Isa na namang simple at masarap na lutuin ang handog ko sa inyo sa araw na ito. Simple as in simple ang mga sangkap at paraan ng pagluluto. Kaya tuloy pati ang sasabihin ko ay napaka-simple. hehehehe CRISPY GARLIC PORK BELLY Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly (Liempo) Hiwain ng mga 1/2 inch ang kapal. 2 tbsp. Garlic Powder 1 tsp. Salt 1/2 tsp. Ground Black pepper 1 cup All Purpose flour 1 pouch Crispy Fry Breading mix Garlic flavor 1/2 cup Cornstarch 1/2 cup Rice flour 1 tsp. Maggie Magic Sarap Cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang pork belly sa asin, paminta, maggie magic sarap at garlic powder. Hayaan ng mga 1 oras. Tusuk-tusukin ng kutsilyo ang karne bago i-marinade. 2. Sa isang plastic bag, paghaluin ang breading mix, all purpose flour, cornstarch at rice flour. 3. Ilagay dito ang karne ng baboy. Lagyan ng kaunting hangin ang plastic bag at isara. Alug-alugin ito hanggang sa ma-coat ang lahat ng karne. 4. Magpakulo ng mantika sa isang kawali

BEEF STROGANOFF - My simple version

Image
According to Wikipedia ang Beef stroganoff ay nagmula sa bansang Russia matagal na panahon na ang nakakalipas. Nanalo ito sa isang kompetisyon sa pagluluto at ipinangalan ng chef ang pagkaing ito sa kanya employer na ang pangalan ay Count Pavel Alexandrovich Stroganov. Nung binabasa ko ang mga recipe ng dish na ito sa net, ang dami din palang version. At marami sa mga version dun ang hindi ko alam ang mga sangkap. Ang ginawa ko, gumawa naman ako ng sarili kong version na napakadali lang at hindi mahirap hanapin ang mga sangkap. Try nyo ito at tiyak kong magugustuhan ninyo. BEEF STROGANOFF - My simple version Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket 200ml All Purpose Cream 1/2 cup Butter 1 big can Whole Button Mushroom (slice each piece into 3) 1/2 tsp. Dried Basil 5 cloves Minced Garlic 1 large Red Onion chopped salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserolang may tubig at kaunting asin, ilaga ang karne ng baka hanggang sa lumambot. 2. Kung malambot na, hanguin sa isang la

PORK BINAGOONGAN ala MAX

Image
Ang pork binagoongan ang isa sa mga paboritong luto sa pork. Gustong-gusto ko yung lasa ng pork at alat ng bagoong na nagsama. Kasama na din yung kaunting anghang ng sili at lasa ng toasted na bawang. May na post na akong ganitong dish sa archive. Ang pagkakaiba lang nito ay wala itong gata ng niyog. Naging inspirasyon ko sa dish na ito yung bagong item ng Max Restaurant na pork bonagoongan nga. Kung madadaan ka ng EDSA matatakaw ka talaga sa billboard nila na ito ang pinakikita. Una ko agad napansin ay wala nga itong gata. Sinubukan kong gayahin ang binagoongang ito ng Max at hindi naman ako nagkamali, masarap at malinamnam talaga ang dish na ito. Sa tingin ko ang tamang bagoong ang pinaka-importante sa dish na ito. Otherwise, hinsi siya magiging ganun kasarap. Ang bagoong pala na ginamit ko dito ay yung bagoong recipe na na-post ko na sa blog na ito. Yummy talaga ito. PORK BINAGOONGAN ala MAX Mga Sangkap: 1 kilo Pork kasim cut into cubes 1/2 cup Ready to eat Bagoong

PAKIUSAP LANG PO.......

Okay lang po na kopyahin nyo ang mga recipes ko sa food blog kong ito. Pero for personal consumption lang sana. Kung gusto nyong i-post ito sa inyong sariling food blog, sana lang ay humingi muna kayo ng permiso sa akin. At sana din ay i-acknowledge nyo naman ang food blog ko kasama sa recipe na kinopya nyo. Kung maari din ay ilagay nyo naman ang pangalan ko. Meron kasing nangongopya ng recipes ko at pino-post sa food blog niya nang hindi ko alam. O na-post na bago ko pa nalaman. Nakakalungkot lang kasi na basta na lang kinopya ang recipes ko kasama pa ang mga pictures. Wala pong nagbabayad sa akin o kinikita sa blog na ito. Yung ma-acknowledge lang ay okay na sa akin. Salamat sa pang-unawa. Dennis

WHITE CHICKEN AFRITADA with CHEESE

Image
No. Hindi puting manok ang ginamit ko dito....hehehehe. Wala lang kasi akong maipangalan sa dish na ito kaya ito na lang ang inilagay ko. Actually, halos kapareho lang ito ng classic na chicken afritada. Yun lang wala itong tomato sauce. Also, nilagyan ko pa ito ng cheese at dried thyme para mas lalo pang sumarap. At yun nga, nagustuhan ng mga anak ko ang dish na ito. Sabi nga ng panganay kong si Jake, ano daw yung iniulam nila at masarap daw. WHITE CHICKEN AFRITADA with CHEESE Mga Sangkap: 1 Whole Chicken cut into serving pieces 4 pcs. Tomatoes chopped 2 large Potatoes 1 pc. Carrot 1 pc. large Green or red bell pepper 1 cup Green peas 1 cup grated cheese 1 tsp. Dried Thyme 2 tbsp. Olive oil 5 cloves minced garlic 1 large Red onion chopped salt and pepper to taste 1 tsp. Cornstarch Paraan ng Pagluluto: 1. Timplahan ng asin at paminta ang manok. Hayaan muna ng mga 15 minuto. 2. Hiwain ang patatas, carrots at bell pepper into cubes. Ilagay muna sa isang lalagyan. 3. Sa isang non-stick na

PINAPUTOK NA PLA-PLA

Image
No, hindi yung pla-pla na pinapaputok kung bagong taon ang tinutukoy ko sa entry ko na ito. Although, pinaputok na pla-pla ang tawag dito. And yes, pla-pla ang tawag sa tilapia na malalaki at tumitimbang ng mga 1/2 kilo ang bawat isa. Pinaputok...ewan ko kung bakit ganito ang tawag sa luto na ito basta ang alam ko nilagyan siya ng kamatis at sibuyas at kung ano-ano pang pampalasa at saka binalot ng aluminum foil. Pe-pwede itong i-ihaw o kaya naman ay i-prito sa kawali. Hindi kagandahan ang picture ng aking pinaputok na pla-pla. Pero sabi nga, don't judge the book by its cover. Correct! Medyo pangit nga ang picture pero ang lasa naman ng kinalabasan nito ay super. Yes! Super sarap lalo na at may sawsawang calamansi at toyo na may sili. The best! PINAPUTOK NA PLA-PLA Mga Sangkap: 4 pcs. (2 kilos) Large Tilapia (Pla-pla) - alisin ang mga kaliskis at palikpik 4 pcs. Tomatoes (hiwain ng maliliit) 2 pcs. Red Onion (hiwain din ng maliliit) 1 tbsp. Garlic powder salt and

CREAMY PASTA with PARSLEY, BACON and HAM

Image
Eto naman ang isa pang dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan. Creamy Pasta with Parsley, bacon and Ham. Syempre, mawawala ba ang pancit o spaghetti sa mga nagbe-birthday? Ito ang naisip ko na lutuin komo mahilig sa ganitong pasta dish ang mga anak ko. Ako na rin siguro....hehehehe. Actually para siyang Carbonara, yun lang nilagyan ko pa ito ng fresh parsley. Ang laki ng pinagkaiba nito sa carbonara nung malagyan ng parsley. Parang mas naging malinamnam ang sauce nito. CREAMY PASTA with PARSLEY, BACON and HAM Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti pasta cooked al dente 1 big can Whole Button Mushroom quartered 300 grams Bacon cut into small pieces 300 grams Sweet Ham cuto into strips 2 tetra brick All Purpose Cream 2 cups Evaporated Milk (Alaska red label) 1 cup Chopped Parsley 1/2 bar Grated Cheese 1 tsp. Maggie Magic Sarap 1 cup Butter 1 tsp. Dried Basil 1 head Minced Garlic 2 pcs. Red onion chopped Salt and Pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Lutuin ang spaghetti p

CRAB in OYSTER SAUCE

Image
Eto naman ang isa pa sa mga dish na iniluto ko sa aking nakaraang birthday. Crab in Oyster sauce. Ang wife kong si Jolly ang nagpabili nito para ihanda sa aking kaarawan. Ginawa kong simple lang ang luto sa crab na ito para hindi mawala ang natural na lasa at linamnam. At ano naman ang hindi sasarap kapag oyster sauce ang inilagay mo? Kasama ang maraming bawang at kaunting brown sugar masarap ang kinalabasan ang luto kong ito. CRAB in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 2 kilos Live Crab (about 4 or 5 pcs.) 3/4 cup Oyster sauce 1 Head Minced Garlic 2 large Red Onion sliced 1 tbsp. Brown Sugar Salt and pepper to taste 1 tbsp. Cornstarch 1/2 cup Butter Paraan ng pagluluto: 1. Magpakulo ng tubig sa isang kaserola. Kapag kumulo na, ibuhos ito sa buhay na alimango para mamatay. 2. Kung patay na, alisin ang mainit na tubig at palitan naman ng ordinaryong tubig. I-brush ang katawan ng alimango para maalis ang mga dumi o putik o lupa na naka-kapit dito. Kung hindi na buhay ang nabili

SPICY SHRIMP in COCONUT MILK

Image
Narito yung isang dish na inihanda nitong nakaraan kong kaarawan. Spicy Shrimp in coconut Milk. Actually, yung pamangkin ng asawa kong si Keth ang nagbigay sa akin ng idea na ito. Ang plano ko talaga ay basta lutuin ito sa butter at garlic. Suggestion kasi niya, lutuin ko daw na parang laing. So, medyo spicy nga at may gata ng niyog. Ganun nga ang ginawa ko. Simpleng-simple lang ang paraan ng pagluluto at masarap talaga ang kinalabasan. Tamang-tama lang ang anghang at yung pinakasabaw nito ay masarap talagang isama sa mainit na kanin. Try it! Sarapppp....hehehe SPICY SHRIMP in COCONUT MILK Mga Sangkap: 1 kilo medium to large size Shrimp (alisin ang balbas at hugasang mabuti) 3 cups Pure Coconut Milk 1 head Minced Garlic 2 large Red Onion chopped 5 pcs. Siling pang-sigang (alisin ang buto at hiwain ng palihis) salt and pepper to taste 1/2 cup Butter 1 tsp. Maggie Magic Sarap Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kawali o kaserola igisa ang bawang at sibuyas sa butter. 2. Il

MY 43rd BIRTHDAY - 3 Day Celebration

Image
Last September 12 bag-celebrate ako ng aking 43rd birthday. Pero September 10 pa lang ay nagsimula na ang celebration. Nag-start ito with a gift from my wife Jolly. Ang ginawa niya? Pinag-parlor niya ako para magpakulay ng buhok at kasama na din ang manicure at pedecure. Pagkatapos nito ay dinala naman niya ako sa Wensha Spa sa may Macapagal Blvd. para magpa-masahe. First time ko lang sa spa na ito. Ang maganda dito, pagkatapos mong mag-enjoy sa kanilang mga jacuzzi, steam at sauna bath, at pagkatapos naman ay sa isang oras na full body massage, ay isang eat all you can buffet with shabu-sabu naman ang iyong ie-enjoy. Nakauwi kaming mag-asawa ng mga 12 na nang hating-gabi. September 12 naman na mismo kong kaarawan ay nagkaroon ng kaunting handa. Ofcourse ako pa din ang nag-luto. Hehehehe. Mga simpleng dish lang ang inihanda ko komo nagmamadali ako ng araw na yun. Nag-simba kasi kami ng 8:00am (syempre kailangna ko namang magpasalamat sa isang panibagong taon na nam

GARLIC FRIED CHICKEN

Image
Sa picture, mukhang isang ordinaryong fried chicken lang ito. Pero ang totoo, masarap ito as compare sa ibat-ibang fried chicken na niluluto natin . Ang fried chicken na ito ay ginamitan ko ng brine solution. Isang paraan kung saan ang manok o karne ng baboy o baka ay ibinababad sa tubig na may asin at iba-iba pang sangkap na pampalasa. Nabasa ko lang din ito sa isang food blog na lagi ko ding pinupuntahan. Try nyo ito. Masarap at hindi nawala yung natural na lasa ng manok. GARLIC FRIED CHICKEN Mga Sangkap: 4 pcs. Chicken Legs 1 cup Rock salt 6 cups of water 2 tbsp. of Garlic powder 1 tsp. Dried Rosemary 1 tsp. Ground Black pepper 1 tsp. Maggie magic Sarap cooking oil for frying Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang medyo malaking bowl paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa manok. Haluin mabuti. 2. Sa ilalim na bvahagi ng mga hita ng manok, lagyan ng gilit o hiwa sagad hanggang sa buto. 3. Ibabad ang manok sa brine solution na ginawa. Dapat lubog ang lahat na manok. Ibabad ito ng mga dal

PORK and SHRIMP SIOMAI

Image
Ito yung isa pang dish/pulutan (pulutan ba ito? hehehe) na niluto ko nung mag-inuman yung mga ka-officemate ng asawa ko sa bahay. Actually, 3rd time ko nang na-try na magluto ng ganito and I think the best pa rin yung una kong try...hehehe. Bakit naman? Mas kumpleto kasi ang sangkap nung una kimpara dito sa entry ko na ito for today. Masarap pa rin ito. Nagustuhan talaga ng mga bisita namin at ubos talaga bago pa sila mag-uwian. Hehehehe. PORK and SHRIMP SIOMAI Mga Sangkap: 1/2 kilo Ground Pork 250 grams Shrimp (alisin ang ulo, balatan at hinwain ng maliliit) 1 cup Singkamas or water chestnut (hiwain din ng maliliit) 1/2 cup Carrots (hiwain din ng maliliit) 1/2 cup Mushroom (hiwain din ng maliliit) 1 large Onion finely chopped 2 large Eggs 1 cup Cornstarch 2 tbsp. Sesame oil 1/2 cup Soy Sauce 1 tsp. maggie magic sarap (optional) Salt and pepper to taste Wanton wrapper Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang mixing bowl paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa wanton wrapper.

CHICKEN FINGERS with HOISIN and BARBEQUE DIP

Image
Last Friday nagkayayaang mag-inom ng konti ang mga kaopisina ng aking asawa sa bahay. Sabagay, mas matipid nga naman kung sa bahay na lang o kaya naman ay gumimik pa sa mga bar. At bilang share ko komo sa bahay namin nga ginawa, nagluto ako ng pulutan nila at ito nga ang naisip ko na gawin Actually, madali lang itong entry nating ito for today. Masarap siya na pulutan o kaya naman kahit na pang-ulam. Okay na okay din ito sa mga party as finger foods na tiyak kong magugustuhan ng mga kids. Try it! CHICKEN FINGERS with HOISIN BARBEQUE DIP Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Breast fillet cut into strips 4 pcs. Calamansi 2 pcs. Egg beaten 1/2 cup Flour 2 cups Japanese breadcrumbs salt and pepper to taste cooking oil for frying For the dip: 1/2 cup Hoisin Sauce 1/2 cup Barbeque Sauce 1/ cup Soy Sauce 1/2 cup Brown Sugar 1 tbsp. Sesame oil Paraan ng Pagluluto: 1. I-marinade ang chicken breast fillet sa asin, paminta at katas ng calamansio. hayaan ng mga 15 minuto. 2. Ihalo ang binating itlog at har

LAING ala VENUZ RAJ

Image
Siguro naman kilala ng marami sa atin si Venus Raj ang naging pambato ng Pilipinas sa nakaraang Miss Universe Pageant sa Las Vegas, Nevada kung saan nag-4th place siya. Ano ang kinalaman niya sa entry ko for today? Nitong nakaraang araw habang nag-pe-prepare akong pumasok sa aking trabaho, napanood kong guest siya sa Unang Hirit sa channel 7 at nagluluto siya ng Laing. To my surprise, iba ang paraan kung papaano niya ito niluto. Ang nasa isip ko nung time na yun ay gayahin ito para malaman ko kung ano ang pagkakaiba sa nakagawian kong paraan. Also, di ba taga-Bicol siya? So sa malamang ito ang paraan nila kung papaano ito niluluto. Try nyo at masarap nga. Nagustuhan nga ito ng mga naging bisita ko sa bahay that day. LAING ala VENUS RAJ Mga Sangkap: 100 grams Dried Dahon ng Gabi 500 grams Pork Liempo cut into cubes 1 thumb size Ginger finely chopped 1 large Onion chopped 5 cloves Minced Garlic 1/2 kilo Gata ng Niyog or 2 can na 200ml 5 pcs. Siling pang-sigang (alisin ang but

BAGOONG ALAMANG ESPESYAL

Image
Hindi ko alam kung may pinoy na hindi kumakain ng bagoong. Siguro yung lang may mga allergies...hehehehe. Bakit naman? e masarap naman talaga ang bagoong lalo na syempre kung ikaw ang nagluto nito . Hehehehe Masarap talaga ang bagoong lalong-lalo na sa hilaw na mangga. Hindi masarap ang kare-kare mo kung walang bagoong. At ang nagdadala sa pork binagoongan syempre ay ang bagoong. Although marami namang nabibiling ready to eat na bagoong alamang, ninais ko pa ding i-share ang entry kong ito at syempre added tips na din. BAGOONG ALAMANG ESPENSYAL Mga Sangkap: 1/2 kilo Bagoong Alamang (Nabili ko ito sa farmers market sa Cubao) 1/2 kilo Pork Liempo cut into small pieces 3 pcs. siling pang-sigang (alisin ang buto ang hiwain ng maliliit) 1 head Minced Garlic 1 large Red Onion chopped Brown sugar (depende kung gaanong kaalat ang bagoong) Paraan ng pagluluto: 1. Hugasan ang bagoong sa pamamagitan ng paglalagay ng tubig dito at pagkatapos ay salain using a strainer. Maaring ulitin ito ng 2 - 3

BEEF POCHERO ver. 2

Image
I love pochero. Kahit pa manok, baboy o baka man, gustong-gusto ko ang dish na ito. Masarap kasi yung naglalabang alat, asim ng tomato sauce at tamis ng sauce nito. Pero alam nyo ba na ang pochero sa Cebu ay hindi kagaya nito na may tomato sauce? Opo. Ang pochero sa kanila ay yung bulalo natin. Laking gulat ko nga nung minsang mapunta ako ng Cebu at yayain ako ng aking kasama na kumain ng pochera at 3am o as in madaling araw. Sa loob-loob ko, anong meron sa pochero dito at madaling araw pa kakainin? Hehehehe. Yun pala, sabaw ng bulalo na pangtanggal ng tama namin sa nainom naming alak. hehehehe Balik tayo sa dish na ito. Maraming version ang pochero. Kung baga, bawat rehiyon o lugar dito sa Pilipinas ay may kani-kaniyang version. Siguro depende na din sa available na mga sangkap ang pinagkakaiba nito. Sa version kong ito, nilagyan ko ng chorizo de bilbao. May nabasa kasi ako na nilagyan niya ng ganito kaya naman sinubukan ko. Hindi naman ako nagkamali. Masarap at malasa ang kinalabasan

PAN-GRILLED PORK BUTTERFLY ala INASAL

Image
Gustong-gusto ko talaga ang lasa ng Chicken Inasal. Ibang-iba kasi ang lasa nito as compare dun sa ordinary chicken barbeque na kinakain natin. Ewan ko ba, gustong-gusto ko talaga ito. Salamat at nagsulputan na parang kabute ang mga fastfood chain na nagse-serve ng ganitong klase ng pagkain. But ofcourse iba pa rin yung ikaw mismo ang nagluto. May entry na ako ng recipe nito sa archive. Paki-check na lang. Ang chicken inasal ang naging inspirasyon ko ng lutuin ko ang dish na ito na entry natin for today. Yun nga lang pork ang ginamit ko dito. Ginamit ko lang yung basic na sangkap ng inasal to marinade at isang masarap na ulam na ang kinalabasan. Try nyo din....baka magustuhan ninyo. PAN-GRILLED PORK BUTTERFLY ala INASAL Mga Sangkap: 1 kilo Pork Butterfly or Liempo 2 tangkay Lemon grass o Tanglad (yung white portion lang - cut into small pieces) 1 thumb size Ginger finely chopped 1 head Minced garlic 1/2 cup Vinegar 8 pcs. Calamansi 2 tbsp. Soy sauce 1 tbsp. brown sugar sa

CHICKEN and MUSHROOM in HOISIN SAUCE

Image
Here's another simple and delicious dish at tiyak kong magugustuhan ninyo. Simple kasi madali lang itong lutuin ang kakaunti lang ang mga sangkap. Actually, para siyang adobo pero nag-level-up. Kakaiba talaga yung lasa ng hoisin sauce at yung lasa ng tanglad. CHICKEN and MUSHROOM in HOISIN SAUCE Mga Sangkap: 1 Whole chicken cut into serving pieces 1/2 cup Hoisin Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 big can Sliced Button mushroom 1 stem Lemon grass sliced 4 cloves minced garlic 1 large Onion chopped 1 tbsp. Shaoxing Rice wine 1 tbsp. Brown Sugar salt and pepper to taste 1 tsp. cornstarch Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ang manok ng asin at paminta. Hayaan ng mga 15 minuto. 2. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang, sibuyas at lemon grass sa kaunting mantika. 3. Ilagay ang manok at timplahan ng toyo at shaoxing rice wine. Ilagay na din ang sabaw ng sliced mushroom. 4. Takpan at hayaang maluto hanggang sa kumonte na lang ang sauce. 5. Ilagay ang sliced mushroom, hoi

SHANGHAI BISTRO @ Paseo De Roxas

Image
Pangalawang beses na kaming nakakain sa Shanghai Bistro Restaurant, pero yung una ay sa Eastwood City branch. Itong pangalawang beses naman ay sa Paseo De Roxas sa Makati naman. The last time na pumunta kami sa Eastwood branch nila, nagtaka kami bakit naka-sara. Yun pala ay under renovation. So nitong nakarang Sabado August 28, we decided na dito sa Paseo branch kami mag-lunch ng aking pamilya after ng scheduled flu vaccination sa office. Dun na lang kako para magamit namin yung gift check na natanggap ko pa last Christmas. Masarap ang food sa Shanghai Bistro. Authentic na Shanghai at Hong Kong cuisine according sa kanilang brochure. Maraming choices at talaga namang parang gusto mong tikman lahat. Hindi ko pala nakunan ng picture ang soup na in-order namin. Crab & Corn Soup. Masarap. Talaga namang nagustuhan ito ng anak kong si Anton. Sa drinks, fresh ripe mango juice ang in-order ng tatlo kong mga anak. Kami naman ng aking asawa ay watermelon shake at green mango