Posts

Showing posts from August, 2011

PORK BINAGOONGAN with CREAM

Image
Isa sa mga paborito kong ulam ang binagoongan na baboy. Gustong-gusto ko kasi yung alat ng bagoong at yung lasa ng baboy combined. Para mas lalo pang sumarap ang paborito kong ito, nilagyan ko ito ng cream sa halip na gata ng niyog. Although, mas panalo kung gata ito ng niyog, masarap pa rin ang kinalabasan ng pork binagoongan ko na ito. PORK BINAGOONGAN with CREAM Mga Sangkap: 1 kilo Pork kasim cut into cubes 1 cup Sweet Bagoong Alamang (yung nasa bottle na available naman sa mga supermarket) 2 cups All Purpose Cream 2 head Minced Garlic 1 large Red Onion sliced 2 pcs. Talong sliced 1/2 cup cooking oil 5 pcs. Siling pang-sigang Sat and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola, i-prito ang talong hanggang sa mag-brown at maluto. Hanguin sa isang lalagyan. 2. Sa parehong lutuan, i-prito ang bawang sa mahinang apoy hanggang sa ma-tusta at mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan. 3. Igisa na din dito ang sibuyas at ila

FAMILY DAY @ AQUINAS SCHOOL 2011

Image
Last August 27, 2011 ay dumalo kami ng aking pamilya sa Family Day ng Aquinas School ng aking panganay na anak na si Jake. It was a wonderful day. Kahit na may kalakasan ang ulan ay marami pa rin ang nakapunta at nagsidalo. Mula kinder hanggang fourth year highschool ay present lahat at bawat level ay may kani-kaniyang kulay ng t-shirt. Nagsimula ang program sa pamamagitan ng isang parada at sinundan naman ng panalangin bilang pagbubukas ng programa. Masayaang lahat. Bakas sa mukha ng mga batang mag-aaral ang exitement sa mga palaro na ginawa. Nandoon din ang number 23 ng Philippine Azkal na si Ian Araneta na nagpaunlak naman sa amin ng isang picture. Nagpa-sign din ang aking mga anak sa kanya sa kanilang mga t-shirt. Nang matapos ang programa at mga palaro ay nagtuloy naman kami sa kani-kaniyang mga classroom parapagsaluhan ang mga pagkain na kanya-kanya naming mga share. Rosted chicken ang aking dinala. Maraming pagkain. may nagdala ng pancit, fried chicken, pa

FRIED ADOBONG GIGI (Galunggong)

Image
Sa mga isda, ang galunggong ang isa sa mga paborito ko. Nung araw, madalas itong ulam namin sa bahay. Ofcourse prito ang pangkaraniwang luto dito ng aking Inang Lina. Tig-kakalhati lang kami sa bawat piraso ng isda at ang pinipili ko lagi ay yung parte ng buntot. Habang inuulam ko ito, ini-imagine ko na hita ng manok ang aking kinakain. Hehehehe. Gustong-gusto ko ang isdang ito kasi hindi siya matinik. Malasa din ang laman nito. Konting kurot lang ng laman nito at isasawsaw mo sa toyo na may calamansi sabay sama sa mainit na kanin ay tiyak kong magana ang iyong kain. Masarap na ternuhan ito ng adobong kangkong o kaya naman ay sitaw. Naisipan kong magluto nitong entry natin for today dahil sa isang article na nabasa ko sa Lifestyle feature ng Inquuirer. Nakalimutan ko lang yung pangalan ng author. Pero tungkol ito sa pritong galunggong na in-adobo muna bago i-prito. Ang pagkakaiba? Mas lalong sumarap ang hamak na galunggong. Try nyo din. FRIED ADOBONG GIGI (Galunggong)

CRISPY CHICKEN SKIN

Image
Ito ang tinatawag na pagkaing pampabata. Hehehehe. Pampabata kasi hindi ka na tatanda...mapapa-aga ang buhay mo...hehehehe. Pero syempre naman ang lahat ng sobra ay nakakasama. Kung paminsa-minsan ka lang naman kakain nito ay okay lang. Just make sure na iinom ka ng tsa-a pagka-kain mo nito. Hehehehe. Magluluto kasi ako ng chicken cordon bleu (abangan yung post ko para dito). Yung nabili kong chicken breast fillet ay may nakasama pang balat. Nanghihinayang naman ako na itapon lang ito kaya naman naisipan kong gawin itong chicharon. And you know what? Ang sarap ng kinalabasan ng crispy chicken skin na ito. Pero sabi ko nga, hinay-hinay lang sa pagkain nito, lalo na yung matataas ang cholesterol. CRISPY CHICKEN SKIN Mga Sangkap: 1/2 kilo Chicken skin 1 tbsp. Ginisa Mix 1 cup Cornstarch salt and pepper to taste 2 cups Cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang chicken skin sa Ginisa mix, asin at paminta. Hayaan ng mga 15 minuto. 2. Ihalo ang

FISH & TOFU in BLACK BEANS SAUCE

Image
Isa na naman espesyal na ulam ang handog ko sa inyong lahat. Fish & Tofu in Black Beans Sauce. May nabili akong 1 kilo na isdang malasugi sa SM Makati. Malaking klase ng isda ito na parang tanigue o kaya naman ay tuna. Hindi din ito masyadong matinik. Yung kalhati nito ay ipinaksiw ko sa tuyong kamias at ito ngang kalhati pa ay nilagyan ko ng tokwa at black beans sauce o tausi. Sa dish na ito pwede ding gumamit ng kahit anong isda na white ang laman at hindi masyadong matinik. Pwede dito ang tuna boneless bangus o kaya naman ay tilapia. FISH & TOFU in BLACK BEANS SAUCE Mga Sangkap: 1/2 Kilo Fish Fillet cut into serving pieces (any white meat fish) 1 block Tofu cut into cubes 1/2 cup Unsalted Black Bean Sauce 3 tbsp. Oyster Sauce 3 tbsp. Soy Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 1 tsp. Sesame oil 1 tsp. Cornstarch 2 tbsp. Ginisa Mix 2 cups cooking oil 3 cloves minced Garlic 1 thumb size Ginger sliced 1 medium size Onion sliced salt and pepper to taste Paraa

CHIX LIVER with MIX VEGETABLES

Image
Ito yung vegetable dish na niluto ko para sa birthday ng anak kong si James. Para din siyang chopsuey yun lang brocolli at iba pang gulay ang ginamit ko dito. Also, sa halip na lutuin ko siya sa iisang lutuan at kagaya ng nakagisnan natin, nilubog ko sandali ang gulay sa kumukulong tubig (blanching) at saka ko inihalo sa naluto ko nang iba pang sangkap. Ang resulta? Hindi na-overcooked ang gulay at naging mas masarap itong kainin. Nagustuhan ko ang vegetable dish na ito. Yun lang hindi ko na naisama pa ang iba pang gulay (baguio beans at sayote) dahil sa pagmamadali ko. hehehehe CHIX LIVER with MIX VEGETABLES Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Liver 300 grams Squid balls (cut into half) 2 heads Brocolli cut into bite size pieces 1 large Red Bell Pepper 1 large Carrot 100 grams Celery 100 grams Young Corn 1/2 cup Oyster Sauce 1 tsp. Brown Sugar Salt and pepper to taste 5 cloves minced Garlic 1 large White Onion sliced 1 tsp. Cornstarch Paraan ng pagluluto: 1.

NAKED FRIED CHICKEN

Image
Ito ang isa pa sa mga dish na niluto ko sa kahilingan na rin ng nag-birthday kong anak na si James. Nagustuhan kasi niya ito nung minsang umuwi kami ng Bulacan. Ito yung pinaulam sa amin ng kapatid kong si Shirley. Kaya nga ang sabi sa akin ng may birthday yung fried chicken daw na kagaya nung sa Tita Shirley niya. Hehehe. At bakit naman naked fried chicken ang tawag dito? Naked fried chicken kasi walang kung ano-anong breadings o pampalasa na inilagay. Kung baga, yung tunay na lasa lang ng manok ang malalasahan mo dito. Sa madaling salita, ito yung pinoy fried chicken na nakagisnan na natin na matagal na. NAKED FRIED CHICKEN Mga Sangkap: 4 whole Spring Chicken cut into serving pieces 1 tsp. ground black pepper 2 tbsp. Rock salt or 1 cup patis Cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ang manok ng asin at paminta o kaya naman patis at paminta at hayaan ng overnight. 2. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Palamigin

PASTA CARBONARA version 3

Image
Ito ang pasta dish na niluto ko nitong nakaraang birthday ng anak kong si James. Ito kasi ang hiniling niya na lutuin kaya naman pinagbigyan ko ang may birthday. Sa mga anak kong nagbe-birthday, tinatanong ko sila kung ano ang gusto nilang iluto ko. At sa anak ko nga si James ay itong carbonara at naked fried chicken ang aking iniluto. Pang-3rd version ko na ang carbonara na ito. Sa katunayan, tuwing magluluto ako nito ay tiyak na hit sa mga kumakain. Sa lahat nga ng inihanda ko nitong birthday ni James, ito ang puring-puri nila. Kaya naman hindi ko matiis na hindi ito i-post muli. Syempre naman may mga improvements akong idinagdag. PASTA CARBONARA version 3 Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti Pasta 300 grams smoked ham cut into strip 500 grams Bacon cut into small pieces 1 tetra brick Nestle all purpose cream 1 tall can Alaska Evap (Red label) 1 big can Sliced mushroom 1 bar cheddar cheese grated 1/2 cup butter 2 large red onion chopped 1 head minced garlic salt an

JAMES 11th BIRTHDAY

Image
Ipinagdiwang kahapon August 19, 2011 ng pangalawa kong anak na si James ang kanyang ika-11 kaarawan. Kaya naman kahit papaano ay naghanda ako ng mga pagkain na gusto niya. Ang hiling lang talaga niya ay pasta carbonara at yung fried chicken daw na kagaya nung niluluto ng Tita Shirley niya. At yun nga ang dalawa sa mga inihanda ko. Sinamahan ko na din ng Chicken Liver with Mix Vegetables at broiled na pork liempo. Alam nyo ang nakakatawa sa handaan na ito? Pumasok pa kasi ako sa office ng araw na yun. Half day kung baga. Ang asawa ko namang si Jolly ay um-attend ng seminar kaya napagkasunduan namin na mag-sabay na lang pag-uwi. Sa kasamaang palad ay naipit kami ng traffic sa EDSA. may sale kasi sa SM Makati at napaka-traffic talaga. 3pm na kami nakadating sa bahay at talaga namang hilong talilong ako dahil 5pm ang dating ng aming mga bisitan na manggagaling pa ng Bulacan. Sa madaling salita kulang 2 oras lamang ang aking iginugol sa pagluluto ng lahat ng mga put

HOISIN-HONEY-LEMON GLAZED PORK CHOPS

Image
Kapag nagpapabaon tayo ng pagkain sa ating mga anak, importante na yung mga ulam na hindi madaling mapanis ang ating inihahanda. O kaya naman, bago natin takpan ang lalagyan, palamigin muna natin ito ng sandali. Kahit sa kanin, pasingawin muna natin ito ng sandali bago natin takpan. Itong entry ko for today ay okay na okay na pambaon sa school ng mga bata. Hindi kasi ito madaling mapanis at magugustuhan talaga nila dahil lsang barbeque ito. Pagsamahin mo ba ang hoisin sauce, honey at lemon, papaanong hindi ito sasarap. Hehehehe. Isa pa, madali lang itong lutuin. HOISIN-HONEY-LEMON GLAZED PORK CHOPS Mga Sangkap: 10 pcs. Pork chops 1/2 Lemon (juice at yung zest nito ang kailangan) 2 tbsp. Hoisin Sauce 2 tbsp. Honey 2 tbsp. Soy Sauce 1 thumb size grated Ginger 5 cloves minced Garlic 1 medium size Onion chopped 1 tbsp. Brown Sugar salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ng overnight ang porkshops sa asin, paminta, katas ng lemon at yung ginag

TENGALING - CRISPY PORK EARS

Image
Eto ang pagkaing pampabata...hehehehe. Masarap ito pag may kasamang malamig na beer. Pwede din itong pang-ulam. Remember yung entry ko kahapon na Lugaw Tokwa Baboy? Ito yung part ng tenga ng baboy. Masyado kasing marami kung isasama ko pa ito sa tokwa't baboy kaya naisipan kong i-prito na lang hanggang sa maging crispy. Ang isa pang gusto kong i-share sa inyo ay ang pagluluto nito na hindi masyadong napupuputok o nagtitilamsikan ang mantika. Bukod pa sa delikado ito sa atin ay kalat talaga ang mantika sa ating kusina. Ang dapat lang nating tandaan ay ilagay muna natin sa freezer ang pinalambot na tenga ng baboy ng mga 2 araw bago natin ito lutuin. Tingnan nyo wala putok-putok o tilamsik ng mantika. hehehehe. Garantisado ito. TENGALING - CRISPY PORK EARS Mga Sangkap: 2 pcs. Tenga ng Baboy 1 pcs. Onion sliced 2 pcs. Dahon ng Laurel 2 tbsp. Rock Salt 1/2 tsp. paminta (durugin ng bahagya) 1 tsp. Maggie magic Sarap (optional) 3 cups

PORK & MUNG BEANS SPRING ROLL

Image
Ito yung isa sa mga niluto ko nitong nakaraang birthday ng aking bunsong anak na si Anton. Marami sa atin ang tawag dito ay lumpiang shanghai. Pero ito ang aking itinawag dito komo nga iba ang aking inilaman sa lumpia at isa pa iniba ko ang paraan ng pagluluto. Nakuha ang ganitong idea sa aking kapit bahay na si Ate Joy. Pag may kainan din sa kanila madalas din siyang magluto nito. Nung una bakit daw ito pa ang niluto ko sabi ng aking asawang si Jolly. Matrabaho daw masyado. Sabi ko naman okay lang. Ang mainam kasi sa dish na ito mura lang ang magagastos pero marami kang mapapalabas na lumpia. Ayos na ayos ito sa mga handaan. PORK & MUNG BEANS SPRING ROLL Mga Sangkap: 1/2 kilo Ground Pork 3 cups Mung Beans (ito yung green monggo beans na bahagya pa lang tumutubo. Yung wala na yung green na balat) 1/2 cup chopped Kinchay 1 large white Onion chopped 5 cloves minced Garlic 1 cup grated Cheese 2 tbp. Oyster Sauce Salt and pepper to taste 40 pcs. Lumpia wrapper 3

LUGAW TOKWA BABOY

Image
Noong araw, may maliit kaming carinderia at nagtitinda kami ng mga lutong ulam at meryenda na din. Nasa highschool ako noon at kami lahat sa pamilya ay tulong-tulong sa maliit naming tindahan na ito. Marahil dito ko din natutunan ang mga basics ng pagluluto. Pangkaraniwan na tinda namin na meyenda ay itong Lugaw Tokwa Baboy. Di ko na matandaan kung magkano ang benta namin nun. Pero murang-mura lang talaga. Ang secret namin sa lugaw baboy tokwa namin nun ay yung suka na ginagamit namin. Pinapakuluan muna ang suka, toyo, asin, sibuyas at kaunting asukal. Mas sumasarap ang suka pag ganito ang ginagawa. Ito ang almusal namin nitong nakaraang araw. At syempre naman, enjoy na enjoy dit ang mga bata at ako na rin. Para kasing bumalik ang pagkabata ko nung kinakain ko na ito. Hehehehe LUGAW TOKWA BABOY Mga Sangkap: 1 cup Malagkit na Bigas 1/2 cup Ordinary rice 1/2 Ulo ng Baboy (linising mabuti) 1 block Tokwa sliced 2 heads Minced Garlic 1 large size chopped Onion 1 cup S

PORK POCHERO

Image
This is my entry @ www.foodtripfriday.net . Isa sa mga paborito kong luto sa pork ay itong pork pochero. Gustong-gusto ko kasi yung manamis-namis na lasa ng sauce at yung kung ano-anong gulay na lahok dito. Kahit nga sauce lang at may konting gulay ay solve-solve na ang kain mo. Pero alam nyo ba na ang pochero sa Cebu ay hindi ganito? Ang pochero sa kanila ay yung Bulalo dito sa Manila. Sabagay, parang ganun din kasi ito niluluto. Nilalaga muna ang karne at lalahukan ng gulay. Yun lang walang tomato sauce ang pocherong Cebu. Try nyo ito. Para sa akin, espesyal na pagkain ito sa isang espesyal na okasyon. PORK POCHERO Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim cut into cubes 2 pcs. Chinese Sausages or Longanisang Macao sliced Pechay Repolyo 5 pcs. Saging na Saba cut into 2 1 small can Garbanzos 2 cups Tomato Sauce Brown Sugar to taste 5 cloves minced Garlic 1 large Onion sliced 2 tbsp. Olive oil salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Pakuluan ang karne

SPAGHETTI with CHEESY TOMATO & CREAM SAUCE

Image
Ito yung pasta dish na niluto ko para sa 9th birthday ng bunso kong anak na si Anton. Gusto kasi niya red kaya ito ang niluto ko. Actually, may idinagdag ako sa sauce para mas maging masarap. Natutunan ko ito sa aking Tia Ineng sa Bulacan. Nung minsan kasi na mauwi kami, ni-request niya na ako ang magluto ng spaghetti sauce na lulutuin niya. Nagulat na lang ako na pinalalagyan niya ito ng all purpose cream. At nagulat naman talaga ako dahil masarap nga ang kinalabasan. Kahit ang aking mga anak at ang ilan kong bisita ay nagustuhan din ang spaghetti ko na ito. Try nyo din. SPAGHETTI with CHEESY TOMATO & CREAM SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti pasta (cooked al dente) 300 grams Smoked Sausages sliced 300 grams Sweet Ham sliced 1 big can Del Monte Four Cheese Spaghetti sauce 1 tetra brick All Purpose Cream 2 cups grated Cheese 1 tsp. Dried Basil 1 tsp. Sugar 3 tbsp. Olive oil 1 tsp. grounf Black pepper 5 cloves minced Garlic 1 large Red Onion chopped Salt to

CHICKEN SALPICAO

Image
Another simple but delicious dish ang muli kong hatid sa inyong lahat. Simpleng sangkap...simpleng paraan ng pagluluto. Okay na okay sa mga mommy na always on the go. The first time na magluto ako ng beef salpicao, nagustuhan ko talaga ito at ng aking pamilya. kaya naman sinubukan kong lutuin ulit ito gamit naman ang manok. Hindi naman ako nagkamali, masarap at malasa ang kinalabasan ng dish na ito. Try nyo din. CHICKEN SALPICAO Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Breast (cut into bite size pieces) 1/2 cup Soy Sauce 2 head minced Garlic 1 tbsp. Worcestershire Sauce 1 tbsp. Oyster Sauce 1/2 tsp. ground black pepper 3 tbsp. Knorr Liquid Seasoning 3 tbsp. Olive oil Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang manok sa toyo, worcestershire sauce, oyster sauce at paminta. Hayaan ng mga 1 oras. 2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang bawang sa olive oil hanggang sa mag-golden brown. hanguin sa isang lalagyan. 3. Sa parehong kawali, i-prito a

ANTON'S 9th BIRTHDAY

Image
Yesterday August 8, nag-celebrate ng kanyang ika-9th birthday ang aking bunsong anak na si Anton. Pag-gising pa lang niya sa umaga para pumasok sa kanyang school ay masiglang-masigla na siya. Alam kasi niya na espesyal na araw yun para sa kanya. Kaya naman pinaghandaan ko din siya kahit papaano. Hiling ng may birthday ang aking mga inihanda. Red spaghetti, roasted chicken ala anton, pork and mung beans spring roll, at waknatoy. Cake naman for the dessert. Bumili din ng cake ang aking asawang si Jolly na hiling na din ng may birthday. Naging bisita namin ng gabing yun ang pamilya nina Kuya Reggie at Ate Lau. Si Kuya Reggie ay isa sa mga ninong ng may birthday. Ang dalawang anak nila na sina Glen at Angelo ay mga kababata din ng aking mga anak. Dumating din ang kapatid ng aking asawa na si Lita. Natutuwa naman ako at nagustuhan nila ang simple kong mga handa. nagustuhan nila in particular ang spaghetti at ang waknatoy. Abangan nyo na lang ang posting for the spag at yung pork an

SQUID BALLS with HOMEMADE SAUCE

Image
Paborito kong street food ang squid balls. Pag may nadadaanan nga ako na kariton na nagtitinda nito ay talagang napapadaan ako para bumili. Ewan ko ba bakit masarap yung tinda nila as compare dun sa ikaw ang magluluto sa bahay. Yun lang mas mahal talaga kung dun ka bibili kesa ikaw ang magluto. Sa supermarket kasi ang P50 mo na squid balls ay marami na, samantalang sa kariton ay P2.50 ang isa. Sa request ng panganay kong si Jake, bumili ako ng 1/2 kilo nitong squid balls sa SM supermarket sa Makati. Ito ang naging snacks nila nitong nakaraang araw na walang pasok. Gumawa na lang ako ng sauce para mas masarap ang kalabasan. At ito ang ibabahagi ko sa inyo today. SQUID BALLS with HOMEMADE SAUCE Mga Sangkap: 1 cup Sweet Soy Sauce 5 cloves Minced Garlic 1/2 cup Cornstarch 1 tsp. Salt 1 cup Brown Sugar Siling labuyo (optional) Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang sauce pan, pagsama-samahin ang lahat ng sangkap maliban sa cornstarch. 2. Pakuluan ito ng mga 10 minuto. 3. Ilagay a

HONEY-GINGER CHICKEN

Image
Isa na namang masarap at madaling putahe ang handog ko sa inyong lahat. Ito yung palagi kong sinasabi na kahit hindi marunong magluto ay magagawa ito. Konti lang bilis ng kilos (para di masunog ang honey sauce) ay tiyak kong perfect ang kakalabasan ng dish na ito. Okay na okay din ito sa mga working mother na kailangan pang magluto pagkagaling nila sa opisina. Simple lang kasi ang mga sangkap at simpleng-simple lang ang procedure ng pagluluto. Siguro it will take only about 30 minutes at may ulam na kayo. Try it! HONEY-GINGER CHICKEN Mga Sangkap: 10 pcs. Chicken Thigh & Legs. 1 cup Pure Honey 1/2 cup Soy Sauce 2 thumb size Ginger grated Salt and pepper to taste 1 tbsp. Canola oil Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ang manok ng asin at paminta. Hayaan ng mga ilang minuto. 2. Sa isang non-stick na kawali i-prito sandali ang mga manok sa kaunting mantika. Iba-brown lang ng konti ang balat ng manok. 3. Ilagay ang toyo, grated ginger at 1 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto ang manok

BRAISED PORK RIBS in HOISIN SAUCE

Image
Paborito sa bahay ang pork ribs. Kahit anong luto ang gawin dito ay siguradong patok. Mapa-nilaga man o sinigang, may sabaw man o wala ay gustong-gusto ng pamilya ko lalo na ng aking mga anak. Minsan naman pinapalambot ko muna ito at saka ko niluluto ulit sa turbo broiler. Gamit ang kung ano-anong mga sauce, lalong nagiging masarap ang pork ribs na ito. At ito nga ang inulam namin nitong isang araw. As expected, ubos na naman ang aming kanin. hehehehe. Try nyo ito, madali lang lutuin. BRAISED PORK RIBS in HOISIN SAUCE Mga Sangkap: 1.2 kilo Pork Ribs (cut in between bones) 3 tbsp. Hoisin Sauce 3/4 cup Soy Sauce 1 head Minced Garlic 1 cup Brown Sugar 1 tsp. ground Black Pepper Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola na non-stick, pagsama-samahin ang ang lahat ng mga sangkap at lutuin hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan. 2. Halu-haluin lang paminsan-minsan para maging parehas ang pagkakaluto ng lahat ng mga ribs. 3. Tikman ang sauce a

HOMEMADE PORK TOCINO using CLARA OLE

Image
Isa sa mga paboritong pang-ulam sa almusal nating mga Pilipino ang tocino. Samahan mo pa ng mainit na sinangag at pritong itlog, siguradong panalo ang ating mga almusal. Huwag mo na ring kalimutan ang sawsawang suka na may sili at mainit na kape. hehehehe. Winner!!!! Sa panahon ngayon marami na rin ang instant instant sa mga pamilihan. Mula sa 3 in 1 na kape, ang mga noodles na lalagyan na lang ng mainit na tubig at kung ano-ano pa. Kahit ang pagluluto ng masasarap na pagkain pinoy ay madaling-madali na din. Kahit hindi ka marunong magluto ay magagawa mo ito. Kagaya nitong entry natin for today. Basta mayroon kang hiniwa nang maninipis na baboy at itong Clara Ole Tocino mixes, may masarap ka nang pork tocino. Yun lang para kapos pa rin ang lasa para sa akin kaya in-adjust ko na lang ito. But in general, okay naman ang lasa nito. HOMEMADE PORK TOCINO using CLARA OLE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or pigue (thinly sliced) 1 pouch Clara Ole Tocino Mixes 1/2 cup Brown Sugar Salt to taste P

CRUNCHY CHICKEN NUGGETS

Image
Naka-tikim na ba kayo nung chicken nuggets na bagong product ng Jollibee? Ako din hindi pa...hehehehe. Pero ito ang inspirasyon ko nung ginawa ko at niluto ang crunchy chicken nuggets ko na ito. At katulad din ng chicken nuggets na nabibili sa supermarket o sa mga fastfood store, ang sauce o ang dip nito ang nagdadala sa nuggets. Sabagay, ano ba ang iba pang lasa na makukuha mo sa giniling na manok? Well sa tulong na rin ng mga pampalasa ay napasarap ko ang chicken nuggets ko na ito. Basta ang na-perfect ko dito ay yung pagka-crunchy nito. Papaano? sundan nyo na lang sa recipe at procedures. Hehehehe CRUNCHY CHICKEN NUGGETS Mga Sangkap: 1/2 kilo Ground Chicken (mas mainam kung kasama yung balat para hindi dry yung meat) 1 Medium size Carrot (cut into very small pieces) 1 tbsp. Garlic Powder 1 tsp. Ground Black pepper 1 tsp. Maggie Magic Sarap 1/2 cup Cornstarch 3 pcs. Eggs beaten 2 cups Japanese Bread crumbs 2 cups Rice Flour Salt to taste For the dip: 1 cup Bottled Barbeque Sauce 1/2

CHAMPORADO at TUYO Espesyal

Image
Kapag ganitong umuulan, dalawa lang ang masarap gawin sa bahay. Ang matulog at ang kumain ng mga pagkain nababagay sa panahon. Katulad nitong champorado at tuyo na masarap kainin sa umagahan. At ito ang inalmusal namin nitong nakaraang araw. Wow! Yummy talaga. Ewan ko ba kung bakit ang ka-terno ng champorado ay tuyo. Siguro dahil magka-kontra ang mga lasa nito. Matamis at maalat. Pero ito ang mga pagkain na hinahanap-hanap ng mga kababayan natin na nasa ibang bansa. Sa champorado ko nga palang ito, ginamitan ko ito ng purong tablea na bigay ng aking biyenan na si Inay Elo. Apat na piraso ang ginamit ko para maging mas malasa at nilagyan ko pa ng butter para mas maging espesyal. CHAMPORADO at TUYO Espesyal Mga Sangkap: 1-1/2 cup Malagkit na Bigas 4 - 5 pcs. Tablea (cacao) Brown Sugar to taste 1/2 cup Butter Evaporated milk Fried Tuyo (mas masarap yung may kaliskis) Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kaserola pakuluan ang malagkit na bigas hanggang sa madurog. 2. Ilagay ang tablea o cacao.