Posts

Showing posts from November, 2014

WAKNATOY ng MARIKINA : MENUDO sa amin sa BULACAN

Image
Ang Waknatoy ay isang pork dish na kilalang-kilala sa Lungsod ng Marikina.   Isa itong espesyal na dish na makikita natin sa mga handaan kagaya ng fiesta, kasalan, binyagan at iba pa.   Actually, ang dish na ito ay halos kapareho lang ng kilala nating Menudo.   Sa amin sa Bulacan ay ganito din ito niluluto.   Ang pagkakaiba lang marahil nito ay yung paglalagay nila ng sweet pickle relish o pickles sa dish para magkaroon ng kaunting asim at tamis. Try nyo din po.  Pwede nyo din pong i-consider ito para sa inyong Noche Buena Feast.   WAKNATOY ng MARIKINA : MENUDO sa amin sa BULACAN Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into small cubes) 1/4 kilo Pork Liver (cut also into small cubes) 2 tbsp. Sweet Pickle Relish 1 tetra pack Tomato Sauce 1 pc. large Potato (cut into cubes the same as the meat) 1 large Carrot (cut same as the potato) 1 large Red Bell Pepper  (cut same as the potato) 1 cup Garbansos (in can) 3 tbsp. Melted Butter 1 tsp. Freshly Ground Black P

CREAMY ALIGUE PASTA

Image
Ito ang pasta dish na niluto ko nitong nakarang kaarawan ng kapitbahay kong si Ate Joy.   Malayo pa ang kanyang kaarawan, iniisip ko na kung ano ngang pasta o noodle dish ang pwede kong lutuin para sa kanya.   At naisip ko nga itong Aligue Pasta.   Medyo may katagalan na din nung last time na nagluto ako kaya ito agad ang naisip ko gawin bukod pa sa masarap talaga ito at sa mga espesyal na okasyon ko lang inihahanda. Ofcourse nilagyan ko pa din ng twist ang version kong ito para mas lalo pa itong mapasarap.   Ang twist?   Nilagyan ko ito ng all purpose cream para mas maging creramy at malasa ang sauce at nilagyan ko din ng crab sticks para dagdag flavor din. Masarap po ito.   Pwede nyo ding i-consider para sa inyong Noche Buena. CREAMY ALIGUE PASTA Mga Sangkap: 1 kilo Spaghetti or Linguine Pasta (cooked according to package direction) 4 cups Aligue o taba ng Talangka (available po ito in bottled jar sa mga supermarket) 2 tetra brick Alaska Crema 10 pcs. Crab Sticks (him

ATE JOY'S BIRTHDAY CELEBRATION

Image
Si Ate Joy ay ang aking kaibigan at kapitbahay sa condo na aming tinutuluyan.   Nito ngang nakaraang Sabado November 22 ay nag-celebrate siya ng kanyang kaarawan.   Malayo pa ay panay tanong na niya kung ano ang masarap ihanda para nga sa celebration. Dalawa lang ang niluto ko sa mga pagkain na yan na kanyang inihanda.   Una, ay itong Cucumber and Crab Sticks Spring Roll at ang isa ay yung Creamy Pasta Aligue. Ito lang ang nailuto ko komo may pasok pa ako sa work ng araw na yun.   At isa pa, medyo matrabaho din yung pag-assemble nung spring roll. Maraming klase ng pagkain ang inihanda.   Ang iba dito ay in-order lang niya at ang iba naman ay bigay sa knyan ng kanyang mga kaibigan. Kagaya nitong Kilawing bangus na ito na napaka-sarap. At itong Kare-kareng Pata na nagustuhan ko talaga ang pagkaluto ng sauce. Mayroon ding assorted Maki na in-order naman sa isang Japanese Specialty store. Hindi ko na nabilang kung ilang putahe lahat ang nasa buffet table.   Bas

PORK STEAK in BARBEQUE SAUCE

Image
Every weekend ay espesyal na araw para sa aking pamilya.   Pinipilit ko talagang makapagluto ng espesyal na ulam para sa kanila.    Espesyal pero hindi naman yung gagastos ka pa ng mabigat para sa mga sangkap. Kagaya nitong pork steak na ito.   Simpleng-simple lang pero ang sarap at para ka na ring kumain sa mamahaling restaurant.   Ang laki ng naitulong nung leftover barbeque sauce na galing ng Racks.   Mas lalong sumarap yung sauce na inilagay ko.   Yummy!!!!! PORK STEAK in BARBEQUE SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Steak (ito yung parte ng baboy na marble ang itsura ng laman) 1 pouch Del Monte Barbeque Marinade Mix 1 cup Smokey Barbeque Sauce Brown Sugar to taste Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   I-marinade ng overnight ang karne ng baboy sa asin, paminta at barbeque marinade mix. 2.   Lutuin ito sa turbo broiler hanggang sa maluto.   Pwede ding i-pan grill ito gamit ang stove top griller o i-ihaw sa baga. 3.   Sa isang sauce pan, ilagay ang pinag

PESANG TANIGUE

Image
Kapag masarap na klase ng isda ang aking iluluto, hindi ko na ito nilalahukan pa ng kung ano-ano pang mga sankap.   Natatabunan kasi yung masarap na lasa ng isda. Kagaya nitong tanigue na nabili ko nitong isang araw.   Alam natin na medyo may kamahalan ang isdang ito dahil masarap naman ito talaga.   Nung una ipi-prito ko lang sana ito at lalagyan ng bistek sauce pero naisip ko na mas maganda siguro kung yung pinaka-simpleng luto ang gawin ko para malasahan talaga yung sarap ng isda.   At itong pesa nga ang aking ginawa.  Ang pinesa ang pinaka-simpleng luto na may sabaw na pwedeng gawin sa isda.   Pangkaraniwan ay dalag ang isdang ginagamit dito pero dito nga sa post ko na ito ay tanigue naman.   And yes, isang masarap na sinabawang isda ang kinalabasan. PESANG TANIGUE Mga Sangkap: 1 kilo Tanigue Repolyo (cut into smaller pieces) Pechay Tagalog Leeks (cut into 1 inch long) 2 pcs. Potatoes (quatered) 2 pcs. Onion (quatered) 2 thumb size Ginger (pitpitin) Salt or pat

RED SINAMPALUKANG MANOK

Image
Isa sa mga paborito kong luto sa manok ay itong Sinampalukan.   Madalas magluto nito ang aking Inang Lina lalo na kung maulan at masibol ang usbong ng sampalok. Yes, usbong ay yung murang dahon ng sampalok na ginagamit na pang-asim sa sinampalukan.   Ginagawa at ginagamit pa rin itong usbong ng sampalok sa amin sa Bulacan.   Yun lang dito sa siyudad sinigang mix na lang ang pwede nating magamit na pang-asim. Itong version ng sinampalukang manok ko na ito ay nabasa ko din lang sa website ng Del Monte.   Kung mayroon nang Red Sinigang at Red Bulalo, nadagdag pa itong Red Sinampalukang Manok. Actually, pareho lang siya ng orihinal na sinampalukang manok.   Ang pagkakaiba lang ay ang pagdagdag dito ng tomato sauce kaya ito nagkulay red.   Masarap naman siya.  Nandun yung natural sweetness at asim ng tomato sauce.   Try nyo din po. RED SINAMPALUKANG MANOK Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 1 (250grams) pack Del Monte Tomato Sauce 1 large pack Sinigang

MIX FRUIT GELATIN

Image
Hindi ganun kaganda ang pict nitong recipe natin for today.   Pero, hindi ko pa rin mapigilan na hindi ito i-post dahil sa sarap ng lasa nito. Yes, parang ordinaryong gelatin dessert lang siya pero dahil na rin siguro sa kombinasyon ng mga prutas na aking ginamit at sa prosesong aking idinagdag, lumabas talaga ang fruity flavor ng mga prutas. Sa totoo lang disaster ang dessert kong ito.   Nung una clear na gelatin ang aking ginamit para kako lumutang yung ibat-ibat kulay ng mga prutas.   Pero laking pagtataka ko dahil hindi ito nabuo kahit na lumamig pa at nailagay ko na sa fridge.   Ang ginawa ko, nag-boil ako ulit ng gulaman at nilagyan ko ng kaunting pandan essence at saka ko pinakuluan ang mga hindi nabuong clear na gelatin.   At ito na nga ang kinalabasan.   Isang masarap na dessert na pwedeng-pwede din nating ihanda sa nalalapit na Noche Buena. MIX FRUIT GELATIN  Mga Sangkap: 1 sachet Mr. Gulaman (Green color) 1 tsp. Pandan Essence White Sugar to taste Pakwan

STUFFED PORK BUTTERFLY

Image
Hindi na talaga mapigilan ang papalapit na Pasko.   Amoy na amoy na natin sa paligid ang diwa at saya na dala nito.   Hindi lamang sa mga palamuti kundi maging sa mga pagkainh ating ihahanda para sa Noche Buena ay atin din pinagiisipan. Syempre, ang gusto naman natin ay yung kakaiba o hindi pangkaraniwan nating nakakain.   At itong recipe natin for today ang isa sa mga pwede nating ikonsidera. Stuffed Pork Butterfly.   Actually para din lang itong Pork Cordon Bleu.   Pero sa halip na ham at cheese ang ipinalaman, chopped basil, crab sticks at cheese ang aking inilagay.    Masarap.   Kakaiba talaga ang lasa.   Espesyal ang dating at alam kong magugustuhan ito ng mga kakain.   Try nyo din po. STUFFED PORK BUTTERFLY Mga Sangkap: 8 pcs. Butterfly cut Pork Cheese (cut into sticks) Crab Sticks Fresh Basil Leaves (chopped) Breadcrumbs 2 pcs. Fresh Eggs (beaten) 2 tbsp. Flour 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking Oil for Frying Paraan ng paglulut

BABY POTATOES & CRAB STICKS in MAYO-CURRY DRESSING

Image
Paborito ng asawa kong si Jolly ang baby potatoes.   Marami-rami na rin akong nagawang recipe para dito. At nito ngang huling pag-go-grocery niya ay nakabili ulit siya nito at eto na nga at ginawa kong salad. This time crab sticks o kani ang aking nilagay na sahog bukod pa sa cashiew nuts at celery.   Also, bukod sa mayonaise, hinaluan ko din ito ng curry powder para dumagdag sa flavor ng mayonaise.   Ang sarap ng salad na ito, tamang-tama na pampagana lalo na sa nalalapit na Noche Buena.   Try nyo din po. BABY POTATOES & CRAB STICKS in MAYO-CURRY DRESSING Mga Sangkap: 1 kilo Baby Potatoes (cut into half) 15 pcs. Crab Sticks (himayin ng pahaba) 75 grams Toasted Cashiew Nuts 3 stalks Celery (cut into small pieces) 2 cups Lady's Choice Mayonaise 1 tsp. Curry Powder 2 pcs. Knorr Chicken Cubes Freshky Ground Black Pepper Salt to taste   Paraan ng pagluluto: 1.   Pakuluan ang baby potatoes sa kaserolang may kaunting asin at chicken cubes hanggang sa maluto.

MACARONI BACON & CHEESE OVERLOAD

Image
Pag naghahanda tayo ng pagkaing pang-Noche Buena hindi mawawala syempre ang pasta dishes at unang-una na dito ang spaghetti na paborito ng mga bata.   Kaya lang parang nakakasawa na din at palagi naman natin itong nakakain sa bahay at sa mga fastfood resto.   Syempre komo espesyal ang Noche Buena ng pasko marapat siguro na kakaiba at espesyal talaga ang mga pagkaing ating ihahanda para sa mga mahal natin sa buhay. Bakit hindi nyo subukan itong Macaroni Bacon & Cheese Overload?   Tiyak kong magugustuhan ito ng mga bagets at maging ang mga young at hearts.    Simple at madali lang gawin ito.   Bukod pa sa iilan din lang ang mga sangkap. Try nyo din po. MACARONI BACON & CHEESE OVERLOAD Mga Sangkap: 500 grams Pene or Macaroni Pasta (cooked according to package directions) 1 utility pack (200g) Del Monte Cheese Magic Sauce 1 (400g) Clara Ole Three Cheese Pasta Sauce 500 grams Smokey Bacon (cut into small pieces) 2 cups Grated Cheese 3 tbsp. Olive Oil 5 head Minced

PAKSIW na LECHON KAWALI

Image
Ilang linggo na akong nagke-crave sa paksiw na lechon.   Kaso, bibili pa ba ako ng lechon na pagkamahal-mahal at saka ko ipa-paksiw?   Although, malapit na ang Pasko at bagong taon na alam naman nating tiyak na maraming may lechon sa bahay.   Pero parang di ko na mahihintay pa ang Disyembre para mapawi na ang pagke-crave ko.   Hehehehe. Kaya nitong  huling pag-go-grocery namin, nakita ko itong pork belly na ito na tamang-tamang gawing lechon kawali.   Masarap na ang lechon kawali, pero gusto ko talaga yung pinaksiw nito.   Kaya et na ang naisagawa ko na din ang matagal ko nang kine-crave.   Ang Paksiw na Lechong Kawali.   Madali lang ito i-try nyo din po.   PAKSIW na LECHON KAWALI Mga Sangkap: About 1.3 kilos Pork Belly (whole slabs) 1 small bottle Mang Tomas Lechon Sauce 2 pcs. Red Onion (sliced) 1 head Minced Garlic 1 cup Japanese Breadcrumbs 1 cup cane Vinegar 1/2 cup Soy Sauce 1 cup Brown Sugar 1 tsp. Freshly ground Black Pepper 6 pcs. Saging na Saba (hiwain s

BROILED BANGUS with SALTED EGG

Image
Paborito ko ang Inihaw na Bangus.   Ang problema hindi naman pwedeng mag-ihaw na tinitirhan namin komo condo nga.   So ang solusyon ay ang gumamit ng turbo broiler o oven sa pagluluto.   Yun lang iba pa rin kasi yung luto sa baga.   Masarap kasi yung medyo may smokey taste. May ilang version na din ako nitong Inihaw na Bangus sa archive.   Nakakatuwa nga at may nag-message sa akin sa Fan page ng blog kong ito na nagustuhan daw ng kanyang pamilya yung version na may cheese ang palaman.   Kapag daw hindi niya nilalagyan ng cheese hindi nauubos ang inihaw niya.   hehehehe. In this version, nilagyan ko naman ng salted egg o itlog na pula ang palaman na aking inilagay.   One of my favorite din ang itlog na pula na may kamatis kaya naisip ko na bakit hindi ko ito ipalaman sa boneless bangus.   At yun na nga, success ang kinalabasan. BROILED BANGUS with SALTED EGG Mga Sangkap: 2 pcs. medium size Boneless Bangus 8 pcs. Tomatoes (sliced) 3 pcs. White Onion (sliced) 6 pcs. Salt

CREMA DE FRUTA ala DENNIS

Image
Tamang-tama ang recipe natin for today.   Ang dessert na Crema de Fruta.   Nalalapit na kasi ang kapaskuhan at alam kong marami sa ati ang nag-iisip ng mga pagkaing pwede natin ihanda sa Noche Buena.   Madali lang gawin ang dessert na ito.   Fruit cocktail ang pangunahing sangkap pero pwede din kayong gumamit ng fresh fruits na nais nyo.   Pero komo marami nitong fruit cocktail pag magpa-pasko, ito ang aking ginamit para sa aking bersyon. CREMA DE FRUTA ala DENNIS Mga Sangkap: 1 can Fruit Cocktail (drain then reserve syrup) 5 pcs. Chiffon Butter Cake Bar 1 tetra brick Alaska Crema or All Purpose Cream 1 tetra brick Alaska Condensed Milk 1 sachet Mr. Gulaman (White or Clear color) White Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1.    Hiwain ang Chiffon Butter Cake bar into 1/2 inch thick at ihilera sa isang square dish. 2.    Ilagay na din ang fruit cocktail sa ibabaw ng inihilerang cake bar. 3.   Sa isang kaserola pakuluan ang fruit cocktail syrup at asukal. 4.  

CHICKEN AFRITADA in SPAGHETTI SAUCE

Image
Isa sa mga paborito nating luto sa manok ay itong Afritada.   Masarap naman talaga ito.  Pero minsan mapapansin din natin na parang nagiging boring na din ito sa ating mga anak.   Kaya naisipan kong lagyan ito ng twist para maiba naman sa panlasa at maging mas katakam-takam sa kanilang mga mata. Naisipan kong sa halip na tomato sauce spaghetti sauce ang aking inilagay.   Nilagyan ko din ng slices na hotdogs para mas maging katakam-takam sa mata.   Nilagyan ko din ng grated para sa dagdag pang sarap.   So sino ngayong bata o young at hearts ang hindi mapaparami ang kain sa chicken afritada na ito.    Hehehehehe CHICKEN AFRITADA in SPAGHETTI SAUCE Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 1 pouch Sweet Style Spaghetti Sauce 5 pcs. Jumbo Hotdogs (sliced) 2 pcs. Potatoes (quatered) 1 pc. Carrot (cut same size as the potato) 1 large Red or Green Bell Pepper  (cut same size as the potato) 1 tsp. Dried Basil 1/2 cup Grated Cheese 5 cloves Minced Garlic 1 large

ADOBONG TSINO

Image
All time favorite ng mga Pinoy ang Adobo.   Kasi naman kahit ano ay pwede mong i-adobo.   Baboy, manok, baka, isda, gulay at maging mga shell fish ay pwede.   Kalaban nga sa pagiging national Dish nitong adobo ay ang sinigang.   Hehehehehe. Alam natin na maraming klase ng adobo at nagiiba-iba ito sa bawat lugar natin dito sa Pilipinas.   Pero nito ko rin lang nalaman na mayroon palang Adobong Tsino.   Pork Adobo Chinese Style.   Nabasa ko din lang ito sa isa pang blog at sinibukan ko ding lutuin para naman mai-share ko sa inyo. Actually, parang regular na adobo din lang natin.   Ang pagkakaiba lang ay yung paglalagay ng asukal at kaunting sesame oil.    Masarap siya lalo na kung 2 days old na itong naluto.    Hehehehe. ADOBONG TSINO Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly (cut into cubes) 2 pcs. Dried Laurel Leaves 1 head Minced Garlic 3/4 cup Cane Vinegar 1/2 cup Soy Sauce 1 tsp. freshly ground Black Pepper 3 tbsp. Brown Sugar Salt to taste 1/2 tsp. Sesame Oil  Paraan ng

PANCIT MIKI GUISADO

Image
Isa sa mga paborio kong noodles itong miki.  Matagal-tagal na din akong hindi nakakakain nito kaya naisipan kong magluto nito para sa aming almusal. Sa pancit miki guisado na ito pwede tayong gumamit ng kung ano-anong gulay.   Mas gusto ko sana kung patola ang ilalagay kaso wala akong makitang magandang patola sa palengke. Also, pwede din na lagyan ito ng chili-garlic sauce kung gusto nyo na medyo spicy ang inyong noodles.   Yun bang parang yaki sba ang dating. At syempre, huwag kakalimutan ang calamansi para mas lalo pang sumarap ang inyong pancit. PANCIT MIKI GUISADO Mga Sangkap: 500 grams Miki Noodles 1 whole Chicken Breast 4 pcs. Tofu or Tokwa (cut into cubes) Baguio Beans (cut into 1 inch long) Carrots (cut into strips) Sayote (cut into strips) Pechay Baguio Celery 3 tbsp. Oyster Sauce 2 tbsp. Soy Sauce 5 cloves Minced Garlic 1 pc. Large Onion (sliced) 1 tsp. Cornstarch 1 tsp. Brown Sugar 1/2 cup Cooking Oil Salt and pepper to taste Paraan ng pag

PORK STEW in BARBEQUE MARINADE

Image
Natutuwa ako sa mga messages na natatanggap ko sa email o maging sa facebook na ang laki daw ng naitutulong ng aking food blog sa kanila.   Basta daw naghahanap sila ng recipe para sa kanilang pang-ulam nagche-check lang sila dito at marami silang natututunan. Mahirap  naman talagang mag-isip ng pang-ulam na inihahanda natin para sa ating pamilya.   Kahit ako nahihirapan minsan kung ano ang ihahanda ko sa kanila.   Mahirap din para sa akin kasi nga may 8 hour job ako at medyo late na din ako nakakauwi sa aming bahay.   Isa sa malaking tulong sa akin ay ang mga instant sauces and marinade mixes na available sa market ngayon.   Kapag wala akong maisip na putahe ito ang instant solution ko. Kagaya nitong Barbeque marinade ng Del Monte, isang beses ko itong nasubukan at nagustuhan talaga ng mga anak ko ang kinalabasan.   Kaya naisipan kong ulitin ito pero hindi para sa barbeque na liempo kundi sauce para sa stew.   And yes, masarap at nagustuhan talaga ng aking mga anak. PORK S

PRITONG SUMAN with DULCE DE LECHE DIP

Image
PRITONG SUMAN with DULCE DE LECHE DIP Yun ang inam kapag nauuwi ka ng probinsya, nakakain mo yung mga paborito mong pagkain na miss na  miss mo nang kainin.   At isa na dito itong Sumang Malagkit. Nitong huling uwi namin sa amin sa Bulacan para sa Undas, may naglako ng sumang malagkit na matandang babae.    Maraming pagkain sa bahay pero naawa naman ako sa babae kaya napabili ako ng tatlong tali ng suman. Sinawsaw ko lang sa asukal ang suman komo wala naman kaming minatamis nang time na yun.   Pero naisip ko na mas masarap itong suman na ito kung ipi-prito sa mantikilya o butter hanggang sa medyo lumutong ang mga side.   At tamang-tama din naman, may ginawang Dulce de Leche ang aking Ate Mary Ann.   Ito ang ginamit kong dip at panalong-panalo talaga ang sarap. Wala akong recipe na maibibigay para sa post na ito.   Yung sa suman pwede naman mabili sa palengke.   Yung para sa dulce de leche, kailangan mo lang ng 1 can ng condense milk at pakukuluan mo ng mga dalawang oras sa k

LECHON KAWALI ni SHIRLEY

Image
Yup.   Sa title pa lang ng post kong ito ay alam nyo na na hindi ako ang nagluto ng dish na ito.   Hehehehehe.   Yes.   Si Shirley na kapatid naming bunso ang nagluto nito at hindi ko mapiguilang hindi ito ma-post dahil masarap talaga.  Ito pala ang panaghalian namin nitong nakaraang Linggo na may kasama ding tinolang manok.   Wow!   sira na naman ang diet ko.   hehehehe Ang sarap ng pagkaluto nito kaya tinanong ko sa aking kapatid kung papaano ang ginawa niyang timpla at pagluluto.   Crispy na crispy kasi yung balat at hindi nakakaumay kainin.   Lalo pa at may sawsawang suka na may bawang.   Oh my!    LECHON KAWALI ni SHIRLEY Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly o Liempo (pahiwa ng mga 1 inch ang kapal) Rock Salt 2 pcs. Onion (quartered) MSG (optional) Paraan ng pagluluto: 1.  Pakuluan ang pork belly sa tubig na may asin, sibuyas at vetsin hanggang sa  medyo lumambot ang karne.   Palamigin at hiwa-hiwain ng pa-cube. 2.  Lagyan pa ng asin at ilagay sa freezer at hayaan ng o