YELLOW PIN TUNA in COCONUT CREAM
May nabili akong sariwang Yellow Pin tuna sa palengke. Nung makita ko ito isang luto lang ang pumasok sa isip ko at ito ay ang lutuin ito sa gata. Masarap naman talaga ang luto sa gata. Kahit ano siguro basta nilagyan mo ng gata ng niyog ay tiyak na sasarap. Samahan mo pa ito ng sili para pampa-anghang ay tiyak na mas gaganahan kang kumain. Try nyo din po. YELLOW PIN TUNA in COCONUT CREAM Mga Sangkap: 1 kilo Fresh Yellow Pin Tuna (sliced) 2 cups Fresh Coconut Cream 2 thumb size Ginger (sliced) 1 head Minced Garlic 1 pc. large Onion (sliced) A bunch of Pechay Tagalog 5 pcs. Siling Pang-sigang Salt and pepper to taste 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional) 3 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ng asin at paminta anag bawat piraso ng isda. Hayaan ng ilang sandali. 2. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika. 3. Sunod na ilagay ang kakang gata at siling pang-sigang. Hayaang kumulo ng ilang sandali