SLICED PORK in HOFAN NOODLES
The original plan is to cook Beef Hofan. Kaso, ang mahal kasi ng beef ngayon. Yung malambot na part ng beef na para sa ganitong lutuin nasa P300+ ang presyo. Aba, ay pang dalawang ulam na namin yun. hehehehe. Kaya eto, nauwi sa sliced pork ang dapat sana ay beef. Pero okay na din. Yung lasa na gusto kong mangyari at nagawa ko naman. Less the beef ofcourse....hehehehe. The first time na naka-kain ng beef Hofan sa isang chinese restaurant dito sa may Jupiter Makati, nagustuhan ko na. Ang sarap kasi nang pagkaka-blend nung alat at tamis ng sauce. Remember yung Chicken Liver in Hofan noodles na recipe ko? Ganito din ang mga sangkap nun maliban dun sa chicken liver nga. At panalo na naman sa mga anak ko ang lutuing ito. hehehe. Try it! Naisip ko lang...parang masarap din itong lagyan ng chopped wansuy leaves...hehehe..next time. SLICED PORK in HOFAN NOODLES Mga Sangkap: 1/2 kilo Sliced Pork (Pigue ata ito....yung puro laman) 250 grams. Hofan noodles (ibabad sa tubig ng mga 10 minuto) 1/2 c