CRISPY PATA at ESPESYAL na SAWSAWAN
Isang espesyal na pang-ulam ang handog ko sa inyo para sa weekend na ito. Crispy Pata. Sino ba naman ang hindi mapaprami ang kain kapag ito ang ulam? hehehehe. Kaya nga ang mga anak ko ay enjoy na enjoy habang nilalantakan ang crispy pata na ito. Kawawa naman ang aso, kasi simot na simot ang laman hanggang buto. hehehehe Actually, ang pinaka-highlight ng post kong ito ay ang sawsawan. Although, simpleng suka at toyo lang ito, pero masarap ito at tamang-tama sa simpleng timpla ng crispy pata. Hindi ko kasi nilagyan ng kung ano-anong pampalasa ang pata haban pinalalambot ito. Gusto ko kasi na yung natural na lasa ng karne at yung sarap ng sawsawan ang lumutang sa dish na ito. Try nyo din po. CRISPY PATA at ESPESYAL NA SAWSAWAN Mga Sangkap: 1 pc. Pata ng Baboy (back part) 1/2 cup Rock Salt 1 tsp. Freshly crack Black Pepper Para sa Sawsawan: 1 cup Cane Vinegar 3/4 cup Soy Sauce 1 tbsp. Brown Sugar 1 small Onion (chopped) 3 cloves Mince Garlic 1/2 tsp.