FISH FILLET SPRING ROLL
Maraming klase ng lumpia. Ito marahil ang isa sa mga pagkain na minana natin sa ating mga ninunong Intsik. May lumpiang sariwa o yung ginisang gulay ang laman. Meron din yung giniling na baboy ang laman. Pini-prito ito...pangkaraniwan nating tawag dito ay lumpiang shanghai. Katulad ng adobo, maraming variety ang lumpia. Nasa sa atin na kung ano ang guso nating ipalaman dito. Katulad ng recipe natin for today. Ang pagka-alam ko dito, original recipe ko ito. Kagaya ng palagi kong sinasabi, kailangan lang lawakan natin ang ating imahinasyon. Try nyo ito....masarap talaga. FISH FILLET SPRING ROLL Mga Sangkap: 500 grams Fish Fillet (Cream of Dory ang ginamit ko dito. Hiwain na parang stick) a bunch of Kinchay or Wansuy (Gayatin o hiwain ng pino) 1 sachet Lee Kum Kee Char Sui sauce 1 egg Lumpia wrapper Cooking oil Salt and pepper Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang bowl, timplahan ng asin, paminta, char sui sauce ang fish fillet 2. Ilagay na din ang ginayat ng wansuy o kinchay at halu-haluin 3.