PORK STRIPS with HONEY-PINEAPPLE GLAZE
Eto na naman ang isang napaka-simpleng dish pero talaga namang masarap. Kahit siguro first timer sa pagluluto ay hindi mahihirapan. Bukod kasi sa simple ang pagluluto, simple din ang mga sangkap na kinakailangan. Ito pala ang dinner namin last night and it's a hit sa mga bata. Ito din pala ang baon ng mga bata sa school for their lunch kinabukasan. hehehehee PORK STRIPS with HONEY-PINEAPPLE GLAZE Mga Sangkap: 1 kilo Butterfly cut Pork (cut into strips) 1 can (120ml) Del Monte 100% Pineapple Juice 2 large white onion sliced 2 tbsp. Soy Sauce 1 cup Pure Honey bee salt and pepper 3 tbsp. cooking oil Paraan ng Pagluluto: 1. Timplahan ng asin at paminta ang karne ng baboy 2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito hanggang sa pumula ng kaunti ang karne. 3. Ilagay ang ginayat ng sibuyas at pineapple juice. 4. Takpan at hayaang maluto sa medium na apoy. I-tsek from time to time kung natutuyuan ng sabaw. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan. 5. Kung malambot na ang karne at kauntin na