Posts

Showing posts from February, 2010

FRIED CHICKEN - INASAL Flavor

Image
I love fried chicken. Kahit mga anak ko, basta pritong manok ang ulam, siguradong enjoy sila sa pagkain. Minsan nga nakakasawa na ang chicken joy at mc chicken. Nakakasawa talaga lalo na kung same old taste ang makakain mo. So ano ang pwedeng gawin? E di mag-experiment ng kung ano-anong flavor ng fried chicken. hehehehe. Totoo...kagaya nitong entry natin for today. Timplang chicken inasal siya pero pinirito ko instead na i-ihaw. Ang kinalabasan? Isang masarap na fried chicken. Try it! FRIED CHICKEN - INASAL Flavor Mga sangkap: 1 whole Chicken (hiwain sa nais na laki) 3 tangkay na Lemon grass (yung white na parte lang. hiwain ng maliliit) 1 thumb size Ginger (grated) 4 cloves Minced garlic 6 pcs. Calamansi (juice) 1/2 cup vinegar 1 tsp. freshly ground black pepper 1 tbsp. rock salt 1 tsp. maggie magic sarap or MSG (optional) 1 cup all purpose flour 1/2 cup cornstarch cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ang manok ng asin at paminta. 2. Sa isang bowl, paghaluin ang su

BEEF PINEAPPLE-HONEY STEW

Image
The last time na umuwi kami sa bayan ng asawa kong si Jolly sa San Jose Batangas, nakabili ako ng ilang kilong karneng baboy at baka. Mainam kasi na dito bumili kasi naman talagang sariwa at bagong katay ang mga karne. Kagaya nitong nabili kong 1 kilong sliced na baka. Nung una hindi ko maisip kung anong luto ang pwede dito. Balak ko sana i-stir fry ito sa amplaya kaso baka di magustuhan ng mga bata ang amplaya komo mapait. So naisip ko lang, bakit hindi with fresh pineapple. At sa pinya nga nauwi ang luto ng baka. Masarap.....yun lang ang masasabi ko. At nagustuhan naman talaga ng mga bata. Try it..ayos na ayos ito. BEEF PINEAPPLE-HONEY STEW Mga Sangkap: 1 kilo Beef thinly sliced 1 small Fresh Pineapple cut into cubes 1/2 cup butter 4 cloves minced garlic 1 large Onion chopped 1/2 cup honey 1/2 cup soy sauce 1/2 cup Oyster sauce salt and pepper to taste 2 tbsp. brown sugar 1 tsp. cornstarch Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang pinya sa butter. Hanguin s

PANGAT NA ISDA SA KAMIAS

Image
Ang pangat o pinangat ay isang lutuing pinoy na maihahalintulad natin sa sinigang na isda pero yun lang mas kakaunti ang sabaw ng sa pinangat. Kung baga parang braised fish konti lang ang sauce. At isa pa, walang masyadong gulay di tulad ng sinigang. Ang ginagamit na pangasim dito ay depende kung ano ang available sa inyong lugar. Pwede ang calamansi o kaya naman ay kamias. Last January 21 dinalaw namin ang ina ng aking asawang si Jolly sa Batangas. At sa pag-uwi namin pabalik ng Manila, hindi lang saging na saba ang naiuwi namin kundi isang supot ng sariwang kamias. At dito ko nga naisip na mag-pangat ng isda para maiba naman. Kung baga back to basic. Masarap ang pinangat lalo na kung sa palayok mo ito lulutuin. PANGAT na ISDA sa KAMIAS Mga Sangkap: 6 pcs. na isda (Hasa-hasa, bisugo, tilapia, etc. ay pwedeng gamitin dito) 8 pcs. na Kamias (hiwain ng pahaba) 4 pcs. Kamatis (pag-apatin) 1 large sibuyas (Sliced) Salt or patis to taste MSG (optional) Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang kaser

EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION - Nakalimutan na nga ba?

Image
24 taon na pala ang nakakaraan mula nung maganap ang rebolusyon sa EDSA o ang kauna-unahang People Power sa kasaysayan ng mundo. Ang people power na hinangaan ng buong mundo at naging inspirasyon din ng ibang mga bansa tungo sa isang tunay na pag-laya. 18 years old pa lang ako noon at proud akong sabihin na naging bahagi ako ng kasaysayan. Marami na ang nangyari, marami na ang nabago, pero ang tanong, nakalimutan na ba natin ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng ating kasaysayan? Hindi para sa akin. Tandang-tanda ko pa, ito yung araw kung saan nanumpa si Cory sa Club Filipino. Isinama ako ng aking pinsan na si Kuya Raul para pumunta sa EDSA at sa Club filipino para maiisa at saksihan ang kasaysayan. Bale apat kaming sakay ng kotse niya. Ako, si Kuya Raul nga, ang asawa niyang si Ate Badet at ang aking Tita Virgie. Hindi pa ako pamilyar sa maynila noon, pero ang natatandaan ko sa may Ortigas Center kami dumaan papuntang Club Filipino. Matalahib pa ang lugar na yun. I

POLLO CON GUISANTES

Image
Isa na namang simple pero masarap na putahe ang handog ko sa inyo sa araw na ito. Actually ito din ang baon ko at ng mga anak ko sa school. Ganun naman ata talaga ang pagkaing Pilipino. Simple ang paraan ng pagkaluto pero masarap. At dun siguro nasanay ang ating mga taste buds. hehehehe Pero bakit parang espanyol ang dating ng title ng pagkain natin? Well, di ba naman ang dami nating salita ngayon na sa Spanish natin nakuha. Kung tawagin nga natin yun ay mga salitang hiram...hehehe..Pilipino 101 ata yun ha? hehehe. Sa madaling salita ang dish nation for today ay manok (pollo) na may (con) guisantes. Di ba ang sosyal ng dating....hehehe. Oo, at sosyal din ang lasa. POLLO con GUISANTES Mga Sangkap: 1 kilo Chicken (kahit anong part..ang ginamit ko dito puro drumstick) 2 can Guisantes (cooked peas in can) 1 large Potato - cubes 4 cloves minced garlic 1 large onion chopped 1 tsp. maggie magic sarap 1 tsp. Dried basil 2 tbsp. olive oil or butter 1 tsp. cornstarch salt and pepper to taste 2 t

ANTON'S 2010 SCHOOL FIELDTRIP

Image
Last February 13, 2010, ay nag-fieldtrip ang bunso kong si Anton. Kasabay din ng kanilang fieldtrip ay ang kanilang scouting activities. Sa kampo Trexo sa Alfonso, Cavite ito kanilang ginawa. Ofcourse excited ang mga kids sa kanilang fieldtrip con scouting activities. Syempre pagkadating na pagkadating pa lang ay puro picture-an ang nangyari. Ang napakataas na wall climbing ang isa sa mga highlights na facility ng kampo. Syempre todo ikot sila sa lahat ng mga features ng kampo. May mga games din na ginawa. Isa na dito ang relay na ito na sinalihan ng anak kong si Anton. May small wall climbing din na para sa mga kids. Eto nag-try din si Anton na umakyat. Ang nakakatakot na hangging bridge na napakataas ng ilalim. Umuuga siya habang lumalakad ka dito. At ang zipline na sa una ay nakakatakot pero pag na-try mo na ay uulit kang talaga. Tingnan nyo itong si Anton, second try na niya ito nung kunan ko ng video. Yung una sabay kaming na nag-try. In general, masaya naman ang m

LUMPIANG TOGE

Image
Sa tatlo kong anak na sina Jake, James at Anton, si James lang ang talaga namang napakahirap pakainin ng gulay. Ewan ko ba, bukod tanging siya lang ang ganito. Magtyatyaga siya sa sabaw na ulam wag lang kumain ng gulay. Kahit anong gawin ko, di ko talaga mapilit na kumain ng gulay. Pero yung lumpiang prito o lumpiang toge na nabibili dun sa school nila na nilalagyan ng suka ay kumakain siya. Ito ang naging inspirasyon ko para magluto din nito sa bahay. Syempre mas espesyal ito kumpara dun sa nabibili sa mga laku-lako at sa mga palengke. Yung nabibili kasi dun puro toge lang at kamote ang laman. Sa pagluluto nito, ofcourse ang pangunahing sangkap ay ang toge. Bahala na kayo kung anong gulay pa ang gusto nyong ilagay. Ang sarap-sarap kainin nito as meryenda o kaya naman ay pampagana na may sawsawang suka na may sili...Sarapppppp...hehehehe. LUMPIANG TOGE Mga Sangkap: 250 grams Bean sprout o Toge 1 medium Singkamas (Hiwain na parang palito ng posporo) 1 medium Carrots (Hiwain na parang pa

ANTON'S CHICKEN - Improved version

Image
Sa bahay, basta roasted chicken ang ulam, talaga namang magana lahat kain. Dati tuwing espesyal na okasyon lang ako nagluluto nito. Pero nitong nakaraang araw, naisipan kong magluto nito dahil na din sa nabasa kong recipe sa net at sa request na din ng mga anak ko. Sa lahat ng chicken dish na naluto ko, itong roasted chicken na ito ang maipagmamalaki ko. Kaya nga ipinangalan ko ito sa aking bunsong anak na si Anton. Masarap kasi talaga. Marami na nga ang nakapuri dito ng matikman nila. Actually simple lang ang timpla nito. Siguro nasa tamang timpla lang talaga ang sekreto para mapasarap pa kakalabasan. Nasubukan ko nang gumamit ng ibat-ibang sangkap sa roasted chicken, pero iba talaga yung original recipe ko. Iba talaga ang sarap. Ito pa rin pala ang original recipe ko at dinagdagan ko lang ng parsley. Try it! ANTON'S CHICKEN - Improved version Mga Sangkap: 1.5 kilo Whole Chicken 2 tbsp. Rock salt 1 tsp. Freshly ground black pepper 8 pcs. Calamansi 1/2 cup Soy Sauce 1 head finely c

SINIGANG na BANGUS sa MISO

Image
Nung bata pa ako, madalas na sinigang na bangus ang ulam namin sa bahay. Maraming klase ang sinigang, depende na lang sa pang-asim na gagamitin dito. Komo nga mura lang ang bangus sa amin nung araw, kaya siguro madalas namin itong i-ulam. Hindi ko na matandaan kung kailan huling beses ako nakakain nito. Not until last February 6 sa Giligan restaurant sa Glorietta 5. Package meal yung in-order namin at kasama nga dito ang sinigang na bangus belly. Nagustuhan ng anak kong si James ang sinigang kaya naman ito ang naisipan kong iluto nitong nakaraang ash wednesday. Ang pagkakaiba nga pala nitong niluto ko dun sa sinigang na nakain ko noong araw ay boneless ang ginamit ko dito. Matinik kasi ang bangus kaya hindi ko ito niluluto sa bahay.... baka matinik ang mga bata. At mula nung makakain ako ng boneless na bangus, hindi na ako sanay kumain nito ng may tinik.....hehehehe. SINIGANG na BANGUS sa MISO Mga Sangkap: 2 pcs. Boneless Bangus (hiwain sa nais na laki) 1 taling Kangkong (Gamitin lang

STEAMED MIX VEGETABLES

Image
Ang entry natin for today ay isa sa mga inihanda ko last valentines. Actually it's a very simple dish. Ang kailangan lang gawin dito ay yung timing ng pag-i-steam sa mga gulay. Kung baga yung tamang luto lang. Remember yung cauliflower na niluto ko nung isang araw? Ito naman ay nilagyan ko ng olive oil just to add more flavor sa sarap ng gulay. In general, this is a very healthy food. Tamang-tama sa araw ng mga puso. Gulay for the heart. STEAMED MIX VEGETABLES Mga Sangkap: 250 grams Broccoli cut into bite size pieces 250 grams Cauliflower cut into bite size pieces 1 pc. medium size Carrots 100 grams Baguio beans cut into 2 inches long 3 tbsp. olive oil salt and pepper to taste Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang kaserolang may steamer, magpakulo ng mga 3 tasang tubig. 2. Kung kumukulo na ang tubig, ilagay sa steamer ang mga hiniwang gulay. 3. I-steam ito hanggang sa maluto ang gulay. Huwag i-over cooked. 4. Hanguin sa isang bowl at timplahan ng asin, paminta at olive oil. Ihain habang

MIYERKULES de ABO - SIMULA NG MGA MAHAL NA ARAW

Image
It's Ash Wednesday today o Miyerkules de Abo. Sa ating mga Katolikong Kristiyano, ito ang simula ng cuaresma o ang tinatawag nating mga Mahal na Araw. Sa araw na ito, nilalagyan tayo ng mga pari ng abo sa ating noo at pinapaalala na sa alabok tayo nagmula at sa alabok din tayo magbabalik. Pinapaalala sa atin kung papaano naghirap ang ating Panginoong si Hesus para lamang maligtas tayo sa ating mga kasalanan. Ito ang mga panahon kung saan inaalala natin ang ating mga nagawa lalo na yung hindi kanais-nais sa Diyos at ito ay ating pinagsisisihan. Sa araw ding ito, tuwing Biyernes at sa mga mahal na araw ay pinapaalalahanan tayo sa pag-iwas sa pagkain ng karne. Kaya naman narito ang ilan sa mga pagkain na pwede nating ihanda sa mga panahong katulad nito: Shrimp in Lemon and Butter Sweet and Sour Fish Tuna Steak in Creamy Basil Sauce Shrimp tempura Fish Fillet in Oyster Sauce Sinigang na Hipon Fish Steak Enseladang talong at Itlog na Maalat Pritong Tilapia Escabecheng Isda Matatagpuan n

ROAST PORKLOIN in CHAR SIU SAUCE

Image
Here is the second dish na niluto ko last Chinese New year con Valentines day. Actually, it's a very simple dish. Kung may oven ka o kaya naman ay turbo broiler, makakagawa ka na ng isang espesyal na dish. Marami na din akong roast pork recipe na nai-post sa blog na ito. Meron din naman na mga sablay but ofcourse marami dito ang succesful....hehehehe. Pangkaraniwan pata or liempo ang ginagamit ko. But this time, sinubukan ko naman na porkloin ang gamitin. Hindi naman ako nabigo at naging extra special ang valentine dinner naming mag-asawa. ROAST PORKLOIN in CHAR SIU SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Porkloin or pork lomo 1/2 cup Char siu sauce 3 tbsp. Worcestershire Sauce 1 tsp. freshly ground black pepper 1 tsp. rock salt 1 tbsp. sesame oil Paraan ng Pagluluto: 1. Paghaluin ang asin at paminta at ibudbod o ikiskis sa laman ng karne. 2. Ilagay na din ang Char siu sauce, worcestershire sauce at sesame oil sa karne. Hayaan ng mga 1 oras. Overnight mas mainam para mas manuot sa karne ang mga

LOVE DAY 2010

Image
Happy Valentines Day!!! Ito ang araw na ipinagdiriwang natin ang araw ng mga puso. Hindi lamang ito para sa mga 2 taong nagmamahalan kundi sa mga taong walang pagod na mag-mahal. Sana lang araw-araw ay valentines day. Di ba naman ang sarap kaya na mag-mahal. Last Sunday, nag-celebrate kami ng valentines day ng aking pinakamamahal na asawa na si Jolly at aming mga anak na sina Jake, James at Anton. Inumpisahan namin ito ng pagsisimba sa Glorietta at sinundan naman ng isang simpleng tanghalian sa Pizza Hut restaurant sa Glorietta 4 din. Sa gabi naman ay nagluto ako ng special na dinner para sa aking mahal na asawa. Di ba sa pagluluto ko naman na-e-express ang aking pagmamahal? Kaya naman enjoy ang aking mga anak at asawa sa aking niluto. Ang tatlong nilalang na naging bunga ng aking pagmamahal. Sina Jake, James at Anton. Sana araw-araw ay Valentines day...para wala nang awayan...wala ng sakitan at wala nang luluha. Kung pag-ibig lang sana ang namamahay lagi sa ating mga puso, di ba ka

CHINESE SAUSAGE in HOFAN NOODLES

Image
Ito ang isa sa mga niluto ko nitong nakaraang Chinese New year con Valentines day. Kahit wala kami ni katiting na dugong tsino, sinusunod din namin kahit papaano ang ilan sa kanilang mga kaugalian. Kagaya nga nitong pag-celebra ng Chinese New Year. Madali lang lutuin ang dish na ito. At ang maganda pa nito, asian na asian ang dating at lasa. Tamang-tama sa okasyon kung baga. CHINESE SAUSAGE in HOFAN NOODLES Mga Sangkap: 360 grams Hofan Rice noodles 3 pcs. Chinese Sausages slice thinly 1 cup Oyster Sauce 1/2 Cup Soy sauce 4 cloves minced garlic 1 onion chopped 1 thumb size grated ginger 1 tsp. freshly ground black pepper 2 tbsp. brown sugar. 2 tbsp. Sesame oil salt to taste 2 eggs beaten Paraan ng pagluluto: 1. Ibabad muna ang rice noodles sa tubig 1 oras bago lutuin. 1. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang binating itlog sa kaunting mantika. Lutuin at hanguin sa isang lalagyan. 2. Dagdagan pa ng kaunting mantika ang kawali at igisa ang luya, bawang at sibuyas. Halu-haluin. 3.

CHINESE NEW YEAR 2010

Image
It's Chinese New Year today. February 14, 2010. Nasabay din ito sa Valentines Day. Nakakatuwa naman dahil pulang-pula talaga ang paligid. Sa SM sa Makati nga may promo pa na pag may couple na parehong nakapula na mamimili may prize na bulaklak para sa girl....hehehehe Sa ating mga Pilipino hiundi maikakaila ang impluwensya sa atin ng mga Intsik. Mapa sa kaugalian man, kultura, pagkain at maging sa mga pamahiin, kitang-kita sa atin ang mga kaugaliang ito. Isa na dito ang pagkain ng tikoy at mga pagkaing nagpapaswerte daw sa pamumuhay ng isang tao. Papaanong hindi tayo maniniwala kahit papaano sa kaugaliang ito, halos marami sa mga pinakamamayamang tao dito sa Pilipinas ay mga Intsik. Kaya join lang....hehehehe. Gayun din ang mga purtas na bilog-bilog. Mawawala ang ang mga oranges, ponkan at kiat-kiat sa hapag kainan kapag ganitong chinese new year? Kahit ano pa mang pamahiin yan, ang mahalaga ay ang pananalig natin sa nagiisang Diyos. Basta manalig tayo sa Kaniya at huwag tayo

ADOBONG PUSIT

Image
Simple pero masarap ang entry natin for today. Sino ba naman ang aayaw sa adobo. Kung pambansang pagkain siguro ang paguusapan, ay itong adobo sigurado ang bida. Maraming klaseng adobo. Kung baga kahit ano pwedeng i-adobo. Pangkaraniwan ay ang adobong baboy o kaya naman ay manok. Ang pusit ay isa sa mga pwedeng i-adobo. At isa ito sa mga gustong-gusto ko na kainin. Yun lang may kamahalan ang pusit kaya naman bihira din ako makakain nito. Nitong iang araw, nakakita ako ng sariwang pusit sa palengke at itong adobong pusit agad ang naisip kong gawin dito. Simple lang lutuin ito pero ginawa kong espesyal sa pamamagian ng butter at maraming bawang. Try nyo ito masarap talaga. ADOBONG PUSIT Mga Sangkap: 1 kilo medium size pusit 1/2 cup Suka 1/2 cup soy sauce 1 head minced garlic 1/2 cup butter 1 tsp. ground black pepper 1 tbsp. brown sugar 1 tbsp. maggie magic sarap 1 tsp. cornstarch Paraan ng pagluluto: 1. I-prito ang bawang sa butter hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Ha

MELON-MANGGO-JELLY SALAD

Image
Sa SM supermarket sa Makati, may isang section doon na makakabili ka ng fruits and vegetables salad na pwedeng ikaw ang gagawa. Meaning, ikaw yung pipili kung ano ang ilalagay mo sa iyong salad. Maraming klase ng prutas. Kung vegetable salad naman, marami ding pagpipilian na gulay. Basta ikaw na ang bahalang pumili at ipapakilo mo na lang para malaman mo kung magkano ang iyong babayaran. Kung ikaw lang ang kakain, I think mas makakatipid ka kung bibili ka na lang ng ganito yung ikaw pipili. Pero kung marami kayo na kakain mas mainam na gumawa ka na lang ng sarili mong salad with all the goodies na guysto mong ilagay. Ganun ang ginawa ko sa entry natin for today. Gusto lang ng mga bata ng mangga at melon. So yun lang nga ang binili ko na prutas na gagawin kong salad. Meron pa naman akong condensed milk at gulaman sa bahay. MELON-MANGGO-JELLY SALAD Mga Sangkap: 2 pcs. Hinog na Mangga 1 whole Melon 1 cup Condensed Milk 1 cup All Purpose Cream 1 bar Green colored Gulaman 1/2 cup sugar 1 ts

STIR FRIED BEEF with CHICHARO and CARROTS

Image
Another simple but delicious dish ang entry natin for today. Actually, Beef Hopan dapat ang gagawin kong luto sa Yakiniku beef na ito na nabili ko. Pero nagbago at ni-request ng wife kong si Jolly na lagyan ko na lang ng oyster sauce. At ganun na nga ang lutong ginawa ko. Nilagyan ko na lang ng chicharo at carrots para naman may kasamang gulay. Try nyo ito...simple pero masarap. STIR FRIED BEEF with CHICHARO and CARROTS Mga Sangkap: 1 kilo Yakiniku Beef or any thinly sliced beef 1 medium size Carrot cut into strips 100 grams chicharo 1 large Onion chopped 4 cloves minced garlic 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy sauce 1 tbsp. Brown sugar 1 tsp. cornstarch salt and pepper to taste Paraan ng Pagluluto: 1. Timplahan ng asin at paminta ang sliced na baka. Hayaan ng mga ilang minuto. 2. Sa isang non-stick na kawali i-prito ang sliced beef sa kaunting mantika. 3. Kung medyo naluto na ang karne, ilagay sa gilid ng kawali at igisa ang bawang at sibuyas. 4. Ilagay ang toyo at oyster sauce. Takpa

MY SON JAMES 2010 FIELDTRIP

Image
Last January 31, 2010, nag-fieldtrip ang pangalawang anak ko na si James. Halos taon-taon naman ako lagi ang pinasasama ng aking asawa sa kanila. Pag Grade 4 and up pala wala nang companion. At ganun na nga...and destinasyon pala ng kanilang fieldtrip ay sa Laurel, Batangas. Ang name nung place ay La Haciendas. It's a long trip. Bale sa Talisay kami dumaan going to Laurel. At habang nagbibiyahe kami Picture-picture muna pagkadating sa venue. Syempre, pwede ba naman na hindi ako ma-picture-an...hehehehe. Picture din ang lolo nyo...hehehe Isa sa mga picture on our way to Ambon-ambon falls. The beautiful Ambon-ambon falls. Nun ko nalaman kung saan nakuha ang name ng falls na ito. Ang taas kasi ng falls na ito. At pag nasa baba ka nito, parang uma-ambon. Dun siguro nakuha ang name nito. heheheeh Pict ko dun sa baba ng ambon-ambon falls. James after he try the giant mud slide. Ayun nagustuhan kaya nag-try siya ulit. I think it's morethan 100 meters ang haba ng slide na ito. One o