Posts

Showing posts from October, 2010

BRAISED CHICKEN IN HONEY-LEMON SAUCE

Image
Pansin nyo siguro na after kong magkasakit nitong mga nakaraan na araw, puro mga madadali lang na recipe ang aking pino-post. Hindi pa kasi ganun ka okay ang pakiramdam ko at may mga gamot pa ako na iniinom. Pero kahit ganun pa man, tinitiyak kong masasarap pa rin ang mga dish na pino-post ko. :) Katulad nitong entry ko for today. Braised Chicken in Honey-Lemon Sauce. As in tambog-tambog lang ang mga sangkap at presto may masarap ka nang ulam. Ayos na ayos ito sa mga busy na mga nanay na parang kailangan pa ng isang pares pa na kamay sa dami ng mga gawain sa bahay. Hehehehe Try nyo ito masarap talaga. Ni-request nga ng anak kong si jake na magluto ulit ako ng ganito. hehehehe BRAISED CHICKEN in HONEY-LEMON SAUCE. Mga Sangkap: 1 Kilo Chicken Drumstick 1/3 cup Worcestershire Sauce 1/2 cup Pure Honey 1/2 cup Soy Sauce 1 pc. Lemon 2 tbsp. Brown Sugar 1 head Minced Garlic Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang non-stick na kawali i-brown ang mga mano

SAUSAGE & EGG SCRAMBLED

Image
May mga mail akong natatanggap na nagre-request na sana daw ay mag-post naman ako ng ulam na pang-breakfast. Sa totoo lang, yan din ang problema ko...hehehehe. Ang hirap kasing mag-isip ng pang-almusal na ulam. Nakakasawa na din kasi ang itlog, longanisa, tocino, hotdog, luncheon meat, corned beef at marami pang ba. Siguro ang mainam na gawin ay lagyan ng kaunting twist ang mga ito para magkaroon ng bagong lasa at itsura. Katulad na lang ng entry kong ito for today. Simpleng sausage or hotdogs nilagyan ko lang ng itlog at kaunting sweet-chili sauce and presto, isang masarap na pang-ulamang kinalabasan. Pwede din ito na palaman sa tinapay. Try no ito. All in one pang-almusal at pang-snacks din. SAUSAGE & EGG SCRAMBLED Mga Sangkap: 8 pcs. Jumpo size Hotdogs or sausages sliced 4 Eggs beaten 1 large White Onion sliced 4 cloves Minced Garlic 1 large Tomato sliced 1/2 cup Sweet-chili Sauce 2 tbsp. Butter Salt and pepper to taste Paraan ng Pagluluto: 1. Sa isang non-stick

PAKSIW na PATA ala ELO

Image
Elo ang pangalan ng biyenan kong babae. Matanda na siya...siguro mga 85 or 86 na ang kanyang idad. Kapag nakakauwi kami sa kanila kasama ang aking pamilya, natitikman ko din ang mga luto niya katulad ng sinaing na tulingan, pinalabuan at ito ngang kanyang paksiw na pata. Hindi naman siya sabihin natin na expert sa pagluluto. Simple lang... lalo na sa mga sangkap na kanyang ginagamit. Kung baga, kung ano lang ang available sa paligid. Ang maganda dito, napapanatili niya yung totoong lasa ng kanyang niluluto. Ika nga, simple pero masarap. Kumpara sa mga luto ngayon na ang daming mga herbs and spices, yung sa kanya as in to the simpliest version. Katulad nitong paksiw na pata na ito. Kahit ang mga taong hindi marunong magluto ay magagawa ito with flying colors. Eh bakit naman hindi basta pabsama-samahin mo lang ang lahat ng sangkap...maghintay lang hanggang sa maluto a okay na. For me, this is the best paksiw na pata. PAKSIW na PATA ala ELO Mga Sangkap: 1.2 kilo Pata ng

TORTANG GINILING with 5 SPICE POWDER

Image
After ng aking pagkakasakit nitong mga nakaraang araw, narito ang una kong recipe na gusto kong i-share sa inyo. Tortang Giniling with 5 spice powder. Simple lang at madali lang itong lutuin. Ayos na ayos ito sa mga nag-ba-budget na misis. Matipid sa bulsa pero hindi sa lasa. TORTANG GINILING with 5 SPICE POWDER Mga Sangkap: 400 grams. Ground Pork 1 tsp. 5 Spice powder Juice of 1/2 Lemon 4 pcs. Eggs beaten 2 pcs. Medium Size Potatoes cut into small cubes 2 pcs. Tomatoes cut also into small cubes 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion finely chopped salt and pepper to taste 1 tbsp. Butter or Olive oil Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa butter. 2. Ilagay ang giniling na baboy at halu-haluin. 3. Timplahan ng asin, paminta at 5 spice powder. Ilagay na din ang katas ng lemon. 4. Ilagay na din ang patatas at 1/2 tasang tubig. Maaring takpan hanggang sa maluto ang patatas at konti na lang ang sabaw o tubig. 5. Ihalo ang nilutong ginili

I'M SICK

Pasensya na po kung hindi ako nakakapag-post nitong mga nakaraang araw. Nagkasakit po ako at ako ay na-confine sa hospital ng ilang araw. Abangan nyo na lang po ang mga darating kong post sa mga darating na araw. Salamat po sa inyong patuloy na pagbisita sa food blog kong ito.

ASIAN CHICKEN with MIX VEGETABLES

Image
Pasensya na kung hindi ako nakapag-post ng entry ko nitong nakaraang araw. Ilang araw na din kasi na medyo masama ang aking pakiramdam. Eto nga habang tinitipa ko ang entry kong ito for today hindi pa rin ok ang pakiramdam ko. Kaya lang hindi ko matiis na hindi mai-share ang dish na ito na talaga namang masarap. Dun sa posting kong about the fieldtrip of Anton, nung nasa Clark Field kami, nakasama sa mga pinuntahan namin ang Duty Free. Kahit papaano naman ay bumili ako ng konting goods dun at isa na dito ang isang malaking bote ng Oyster sauce. At nang mag-groceries ako nitong nakaraang linggo, yun ang agad ang naisip ko na iluto para masubukan ko nga ang oyster sauce na nabili ko. Winner! Masarap ang Asian Chicken na ito. Bakit Asian chicken? Gumamit ako ng 3 sangkap o sauces na asian na asian talaga. Itong ngang Oyster sauce at Hoisin sauce. Samahan mo pa ng Sesame oil. Stir fried ang lutong ito kaya madali lang. Try it! ASIAN CHICKEN with MIX VEGETABLES Mga Sangkap: 1 kilo Chicken F

ANTON'S GRADE 2 FIELD TRIP

Image
Sinamahan ko ang aking anak na si Anton sa kanyang annual field trip sa school. Gusto ko lang i-share sa inyo ang naging experience naming mag-ama sa isang araw na trip na ito. Sa taun-taon na pag-sama ko sa kanila sa kanilang field trip, masasabi kong ang isang ito ang educational talaga. First stop nila ang Kulturang Pilipino sa may CCP Complex malapit sa Boom na Boom. Sa lugar na ito ipinakita ang mga ibat-ibang laong Pilipino na kinagiliwan natin nung tayo ay mga bata pa. Kagaya ng larawan sa itaas kung saan sinubukan ni Anton na mag-laro ng piko. Meron ding sipa, sungka, luksong lubid at marami pang iba. Sa ikalawang room naman ay ipibnakita ang ibat-ibang festival at mga sayaw sa ating bansa. May participation din ang mga bata at iginawa sila ng short na movie. Ang ikatlong room naman ay tungkol sa values education. Ipinakita dito ang mga mabubuting kaugalian nating mga Pilipino na hindi natin dapat makalimutan. Ipinakita din dito ang isang presentasyon ng &#

FRIED CHICKEN ala ANTON

Image
Natatandaan nyong yung fried chicken na niluto ko na minarinade ko sa evaporated milk? Masarap di ba? Nung tinanong ko ang asawa kong si Jolly kung ano ang masasabi niya, mas gusto daw niya yung original na roast chicken na ginagawa ko. Ang ibig niyang sabihin ay yung Antons Chicken na niluluto sa turbo broiler. Ang problema, di ba nasira na nga ang turbo broiler namin at wala akong option kundi i-prito nalang ang manok na aming paborito. At ito nga ang entry ko for today ang kinalabasan. Timpla na pang roasted chicken ala Anton pero pinirito. Masarap naman ang kinalabasan. Lasa mo talaga yung flavor ng tanglad at sarap ng bawang at calamansi. Try nyo din ito. Another version ng paborito nating lahat na fried chicken. FRIED CHICKEN ala ANTON Mga Sangkap: 8 pcs. Chicken Legs 3 tangkay na Tanglad o Lemon grass (White parts only. Hiwain ng pinong-pino) 8 pcs. Calamansi 2 heads Minced Garlic 1 tbsp. Rock Salt 1 tsp. Ground Black Pepper 1 tsp. Maggie Magic Sarap coo

LECHON KAWALI version 3

Image
Pangatlong version ko na ito ng Lechong Kawali. At ano naman ang bago sa version na ito? Ang lasa syempre. Hindi tayo dapat makuntento sa mga nakasanayan na natin lalo sa mga pagluluto. Ang importante mas napapasarap pa natin ang mga pagkain na nakagisnan na natin. Katulad din ng lechong baboy. Sa Cebu, ang lechon dito ay walang kasamang sarsa. Kasi ang ginagawa nila nilalagyan nila ang loob ng baboy ng kung ano-anong pampalasa (herbs and spices)kaya naman hindi mo na kailangan ng sauce pa. Yung iba naman asin at bawang lang ang inilalagay. Dito sa 3rd version ko ng lechon kawali, ibang pampalasa naman ang ginamit ko habangng pinapakuluan ang liempo. At yun nga, naging masarap ang kinalabasan ng ang lechon. Try nyo ito...masarap at malasa talaga. LECHON KAWALI Version 3 Mga Sangkap: 1+ Kilo Pork Liempo (Piliin yung manipis lang ang taba...cut into 2 pcs.) 1/2 cup Rock Salt 2 tangkay Lemon Grass o tanglad 1 head Garlic 1 tsp. Freshly ground Black pepper Cooking oil for frying Paraan ng

CALLOS - My own version

Image
This is the first time na magluto ng Callos. Kaya naman todo research ako kung papaano ba talaga magluto nito. Marami akong nakitang version but I think itong version ko ang pinaka-simple. Mayroon pa nga akong nabasa...talagang nagtalo pa sila sa mga sangkap at pagtawag sa lutuing ito. Hehehehe. Ang masasabi ko lang, nasa cook na kung ano ang gusto niyang gawin sa kanyang lutuin at kung ano ang gusto niyang itawag dito. Ang adobo sa atin ay iba sa adobo sa ibang bansa. So bakit tayo magtatalo kung alin ang tamang terms o words? Ang importante nai-improve natin ang mga classic dish na matagal na nating nagustuhan. Here is my simple version of the classic spanish favorite dish na callos. CALLOS - My own version Mga Sangkap: 1/2 kilo Beef tripe/tuwalya ng baka (boiled until tender) 1 cup Tomato Sauce 1 cup or 1 can Garbanzos 2 pcs. Chorizo de Bilbao cut into cubes or sliced 1 large Carrot sliced 1 large Red Bell pepper slices 1/2 tsp. Dried Thyme 2 tbsp. Olive Oil 5 cloves

SPICY CHICKEN FILLET in PEANUT-LIVER SAUCE

Image
Mahilig ako sa mga spicy food. Yung hindi naman super anghang ha. Kaso hindi ako masyadong makapagluto ng ganun kasi nga baka hindi makain ng mga anak ko. Ang ginagawa ko na lang konting anghang lang ang itinitimpla ko. Kagaya nitong entry ko for today. Spicy chicken fillet. Para siyang chicken caldereta na may nkaunting twist. Also, thigh fillet ang ginamit ko dito. Ang masasabi ko lang? winner ang dish na ito. Tamang -tama lang ang anghang at yung lasa ng liver spread at peanut butter...panalo. SPICY CHICKEN FILLET in PEANUT-LIVER SPREAD SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh Fillet cut into serving pieces 1 small can Reno Liver spread 1 tbsp. Peanut Butter 1 tbsp. Pickle relish 1 tsp. Worcestershire Sauce 1 tsp. Cayene powder 2 pcs. Potatoes cubes 1 large Carrot cubes 2 pcs. Siling pang-sigang sliced 5 cloves Minced Garlic 1 large Red Onion chopped 2 tbsp. Olive oil 1/2 cup Soy sauce Salt and Pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. I-marinade ang manok sa asin,

Mga Luto ni Dennis Now on Facebook

Sa lahat ng mga taga-subaybay ng food blog kong ito mag-register lang po kayo sa ating facebook account mgalutonidennis@yahoo.com Dito ko sasagutin ang inyong mga tanong in public man o in private. Salamat po... Dennis

LIVER STEAK with LIVER SPREAD SAUCE

Image
Sa amin sa Bulacan, kapag kakagaling mo lang sa sakit, pinapakain kami ng inihaw na atay ng baboy. Yung medyo half-cooked lang ang pagkaluto. Nakakapag-bigay daw ito ng lakas sa may akit. Ewan ko kung totoo ito. Siguro...hehehehe. Paborito ko ring i-ulam ang atay ng baboy. Gustong-gusto ko itong ilahos sa adobong baboy o kaya naman ay sa mga lutong gulay o pancit. Gustong-gusto ko kasi ito dahil masarap talaga at malasa. Kaya nga nitong isang araw ay nagluto ako ng liver steak para matapos na ang craving ko dito. Nilagyan ko pa ng twist para naman mas lalo pang sumarap ang liver steak ko. At tama ang aking ginawa. Mas masarap at mas malasa ang aking niluto. LIVER STEAK with LIVER SPREAD SAUCE Mga Sangkap: 500 grams Pork Liver thinly sliced 8 pcs. Calamansi 1 small can Reno Liver spread 1/2 cup Soy Sauce 1 head Minced Garlic 2 large Red Onion cut into rings 1/2 tsp. maggie magic Sarap salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kawali o non-stick pan, s

PANCIT MIKI

Image
Isa sa mga na-miss kong pagkain nung aking kabataan ay itong pancit miki. Kaya nga niutong nakaraang Linggo ay nagluto ako nito para maging almusal namin. Ang sarap mag-luto ng ganito ang aking Inang Lina. Ang gulay na madalas niyang ilagay dito ay patola. Nilalagyan din niya ito ng hipon at yung ulo nito ay dinidikdik ng pino at isinasama sa pancit. Nagiging mas malasa ito dahil dito. Wala pa kasi nung magic sarap...hehehe Kahit ano naman ay pwedeng ilagay sa pancit. Ang pinaka-importante dito ay yung sabaw o broth na gagamitin mo. Kung wala ka naman nito, pwedeng knorr cubes o kaya naman ay yung dinikdik na ulo ng hipon ang ilagay. Kayo na ang bahala kung anong mga sahog ang gusto nyong ilagay. Ika nga ang sahog para sa pancit ay endless. PANCIT MIKI Mga Sangkap: 500 grams Miki noodles 250 grams Chicken Liver (cut into small pieces) 250 grams Chicken Breast (boiled also and cut into small pieces) 100 grams Pork Liver (thinly sliced) 50 grams Baguio Beans (sliced side

JELLY PLAN in LEMON GRASS FLAVOR

Image
Narito ang version 2 ng aking isa sa mga paboritong dessert ang Jelly Plan. Version 2 kasi ginamitan ko ito ng lemon grass para maging flavor sa halip na vanilla o kaya naman ay lime zest. Masarap naman ang kinalabasan. Gumawa ako nito bilang pabaon sa nanay ng aking kapitbahay na si Ate Joy na bumalik na sa Ilo-ilo niong nakaraang Linggo. 1 week sila dito. Syempre sa ating mga Pilipino kung may nagpapasalubong kapag may dumarating, may mga nagpapabaon din kung may umaalis naman. Natutuwa naman ako at nagustuhan nila ang aking pinabaon. Hindi ko lang alam kung nakarating pa ito sa Ilo-Ilo. Hehehehehe JELLY PLAN in LEMON GRASS FLAVOR Mga Sangkap: 1 sachet Mr. Gulaman powder (Yellow color) 3 pcs. Fresh Eggs 3 cups White Sugar 1 big can Alaska Condensed Milk 1 big can Alaska Evaporated Milk 4 tangkay Lemon grass (yung white portion lang. pitpitin) 1 cup Brown Sugar at 1/3 cup Water (gawing syrup bago pa lutuin ang jelly plan) 6 cups Water Paraan ng pagluluto: 1. Sa Blender,

CHICKEN BREAST FILLET in BARBEQUE-HONEY SAUCE

Image
Nitong mga nakaraang araw, mapapansin nyo na madadali lang ang mga recipe na pino-post ko. Yun din kasi ang mga binabaon ng mga anak ko sa school kaya yung madadali lang lutuin ang ginagawa ko. Kagaya nito dish na ito na entry natin for today. Simpleng braising lang ang ginawa ko at nilagyan ko lang ng mga sauces then presto. Isang masarap na dish ang nabuo. Try ny0 din it0 CHICKEN BREAST FILLET in BARBEQUE-HONEY SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Breast Fillet 1/2 cup Soy Sauce 1/2 cup barbeque sauce 1/2 cup Pure Honey Bee 1/2 cup Brown Sugar 1 tbsp. Sesame Seeds 1 Head Minced Garlic salt and pepper to taste Paraan ng Pagluluto: 1. Timplahan ng asin at paminta ang manok. Hayaan ng mga ilang minuto. 2. I-toast ang sesame seeds. Hanguin sa isang lalagyan. 3. Sa kaunting mantika, igisa ang bawang sa isang kawalin o non-stick pan. 4. Ilagay ang manok sa isang layer sa kawali. Hayaan hanggang sa pumula ng kaunit ang balat nito. Baligtarin. 5. Ilagay ang toyo, barbeque

BOILED PORK with POTATOES

Image
Sa mahigit na 1 taon kong pagba-blog, ito na siguro ang pinak-simple at pinaka-madaling recipe na nagawa ko. Bukod sa simpleng mga sangkap, simple din kasi ang ginawa kong luto. Hindi pala nilagang baboy lang ito ha...hehehehe Actually ganito ang naging istorya nito. Ako kasi ang gumigising ng maaga para mag-prepare ng baon ng tatlong kong anak na pumapasok sa school. Ang ginagawa ko, kung papalambutin pa ang iluluto, pinapalambot ko na ito sa gabi pa lang para madali ang pagluluto sa kinabukasan. Ang problema nung araw na yun, tinaghali ako ng gising at wala na akong time para magluto pa ng de-rekadong ulam. Ang nangyari? Itong entry ko na ito for today. Simple lang siya pero masarap. Try nyo. BOILED PORK with POTATOES Mga Sangkap: 1 kilo Pork Butterfly (cut in the middle) 2 large size Potatoes cut into cubes 1/2 cup Butter 3 tbsp. Casava Flour or Ordinary flour 1/2 cup Alaska Evaporated Milk 1 tsp. Maggie magic Sarap Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.

FISH FILLET & STRING BEANS in COCONUT MILK

Image
Komo may tatlo akong anak na maliliit pa, bihira akong bumili ng isda na matinik. Madalas mga fish fillet ang binibili ko o kaya naman ay yung isdang hindi masyadong matinik. Mainam na yung nag-iingat....ang hirap kaya ng matinik ng tinik ng isda. Hehehe Mula nung maging available sa supermarket itong isdang cream of dory, naging instant fan na ako ng isdang ito. Marami-rami na ring dish ako nagawa gamit ang isdang ito at halos lahat naman ay masasarap. Sa mga mahihilig sa mga lutong may gata, try nyo ito. Masarap. FISH FILLET & STRING BEANS in COCONUT MILK Mga Sangkap: 1/2 kilo Fish Fillet (Cream of Dory or any kind of white fish) String Beans or Sitaw cut into 1 inch long 2 cups Pure coconut milk 1 thumb size Ginger cut into strips 5 cloves Minced garlic 1 large Onion sliced 2 tbsp. Chopped Kinchay 2 tbsp. Cooking oil 5 pcs. Siling pang-sigang 1 tsp. Maggie magic Sarap salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas

MILKY FRIED CHICKEN

Image
Lahat naman siguro tayo ay mahilig sa fried chicken. Lalo na ang ating mga anak. Talaga namang basta pritong manok o fried chicken ang ulam, siguradong ubos ang kanin. Hehehehe. Yun lang nakakasawa na din ang pare-parehong timpla ng ating fried chicken. Marami nga sa atin ang pilit ginagaya ang mga timpla at luto ng mga paborito nating fastfood chain katulad ng Jollibee at McDonald. Isama na din natin ang KFC at Max Restaurant. Ako ganun din. Komo paborito ng mga anak ko ang fried chicken, naghahanap talaga ako ng ibang timpla nito. Katulad na lang nitong entry natin for today. Simple pero masarap ang kinalabasan. Try nyo na magugustuhan din ninyo ito. MILKY FRIED CHICKEN Mga Sangkap: 8 pcs. Chicken Legs 1 cup Alaska Evaporated Milk 1 tsp. Dried Rosemary 1/2 tsp. Ground Black pepper 2 cups Casava Flour 1 tsp. Maggie magic Sarap salt to taste cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. Tusuk-tusukin ng kutsilyo ang lahat na bahagi ng manok at timplahan ng asin. 2. Sa isang bowl, pagh

PANCIT BIHON GUISADO

Image
Ang pancit ang isang pagkain na marahil ay namana natin sa ating mga kapatid na Intsik. Bidang-bida ito sa ano mang mga handaan lalong-lalo na kapag may birthday. Sa mga Tsino, ang mga noodles katulad ng pancit at nagpapahaba ng buhay sa may kaarawan. Maraming klase ng pancit. Depende na rin kung ano-ano ang mga sahog at kung ano ang noodles na gagamitin. Pero pinaka-common ang bihon sa marami dito sa atin sa Pilipinas. mas kilala ito sa ibang bansa as rice noodles. Nitong nakaraang Linggo nagluto ako nito para naman maiba ang aming almusal. Ito ang in-almusal namin kasama ang mainit na kape at pandesal. PANCIT BIHON GUISADO Mga Sangkap: 500 grams Bihon (rice noodles) 300 grams Chicken Breast Fillet 300 grams Chicken Liver 100 grams Squid Balls quartered 1 cup Sliced Baguio beans 1 carrot cut into strips 1/2 small size Repolyo cut also into strips 1/2 cup Kinchay 1/2 tsp. Ground Black Pepper 1/2 cup Oyster Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 tsp. Maggie magic sarap 5 cloves Minced Ga

CHICKEN MENUDO with CHUNK PINEAPPLE

Image
Here's another simple but delicious dish na tiyak kong magugustuhan ng inyong mga anak. It's the classic menudo pero chicken fillet ang ginamit ko dito. Yung product ng del monte na tomato sauce na may liver spread ang ginamit ko para mas lalong sumarap. And to add that sweet sour taste, nilagyan ko ito ng pineapple chunk. Ang suma total, isang masarap na ulam para sa buong pamilya. CHICKEN MENUDO with PINEAPPLE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Breast Fillet cut into cubes 200 ml. Del Monte Tomato Sauce with Liver spread 6 pcs. Hotdogs cut into 1/2 inch lenght 1 large Potato cut into cubes 1 large Carrots cut into cubes 1 large Red or Green Bell pepper cut also into cubes 1 small can Del Monte Pineapple chunk (itabi ang syrup) 5 cloves Minced garlic 1 large Onion chopped salt and pepper to taste 1 tsp. maggie magic Sarap (optional) Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ang manok ng asin, paminta at syrup ng pineapple chunk. Hayaan muna ng mga 15 minuto. 2. Sa isang kawali

CALANDRACAS

Image
Ang entry nating ito for today ay isang dish na nabasa ko lang sa isa sa mga paborito kong food blog ang The Eating Room ni Ms. Caren Yrastorza http://theeatingroom.wordpress.com Nag-research ako ng kaunti sa net para malaman kung ano ba itong calandracas na ito. Wala akong masyadong nakitang result. Ang isang nabasa ko lang ay isa itong dish na nag-origin sa Italia. Sa recipe ni Ms. Caren para lang itong ordinaryong nilagang baka. Ang pagkakaiba lang ay mayroon itong pasta at chorizo de bilbao. Ofcourse, ang version ko naman ay nilagyan ko ng carrots at leeks para naman kako mas maging masarap at malasa ang sabaw. Winner ang dish na ito. Try nyo. CALANDRACAS Mga Sangkap: 1 kilo Beef Brisket cut into cubes 2 cups Pene or Macaroni pasta 2 stick Chorizo de Bilbao sliced 1 medium size Carrots cut into cubes 2 large Potatoes cut into cubes 2 stem Leeks cut into 2 inches 1 small Cabbage quartered 2 large Onion sliced Salt and pepper to taste 1 tsp. maggie Magic sarap Paraan ng pa

PAN-GRILLED CHICKEN BARBEQUE

Image
Paborito ng aking mga anak ang manok. Kahit anong luto basta manok siguradong marami silang makakain. Kaya naman talagang todo isip ako sa mga dish na manok ang pangunahing sangkap. Mapapansin nyo din siguro na mas marami ang entry ko na chicken as compared to pork or beef. At isa na namang chicken dish ang handog ko sa inyong lahat. Actually, napakadali lang lutuin nito at tiyak kong magugustuhan ng inyong mga anak at asawa. Hehehe PAN-GRILLED CHICKEN BARBEQUE Mga Sangkap: 1 kilo Chicken legs quatered 1 cup Barbeque Sauce 1/2 cup Soy Sauce 1 cup Brown Sugar 1 tsp. Salt 1/2 tsp. Ground Black Pepper 1 head minced Garlic 1 cup water 1/2 cup Pure Honey Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ang manok ng asin at paminta. Hayaan muna ng mga 15 minuto. 2. Sa isang kaserola, ilagay ang manok at iba pang mga sangkap maliban sa Honey. 3. Pakuluan ang manok hanggang sa maluto. Mga 30 minuto. Hanguin sa isang lalagyan. 4. Sa isang non-stick na kawali o stove griller, i-ihaw ang manok. Pahiran ng pinag