PANGANGALULUWA O TRICK or TREAT?
Pangangaluluwa o Trick or Treat? Hindi ko alam kung alam nyo ang ibig sabihin ng 'pangangaluluwa'. Pero ito ay matandang kaugalian na naabutan ko naman kung saan ang mga bata o matatanda na din ay nananapatan sa mga bahay-bahay at kumakanta (parang nagka-caroling) at binibigyan ng kung ano man pero madalas ay pera ang ibinibigay. May parte nga dun sa kinakanta na ganito...."kaluluwa kaming tambing...sa purgatoryo po ay nang-galing...kung kami'y lilimusan...dali-daliin lamang....baka kami mapag-sarhan ng pintuna ng kalangitan". Pwede din naman kumanat ng kahit ano. Kahit nga pamasko ay pwede. Ganito noon ipinagdiriwang ang ang mga araw baago ang todos los Santos. Ngayon iba na. Nahawa tayo sa impluwensya ng mga Western countries at sa komersiyalismo ng mga malalaking mall, naging trick or treat ang naging in lalo na sa mga bata. Dito, nagsusuot ang mga bata ng mga costume na nakakatakot at yung iba naman ay yung mga super heroes at pumupunta s