Posts

Showing posts from April, 2013

PORK ADOBO with STRING BEANS

Image
Isa sa mga dish na una kong natutunang lutuin ay itong Pork Adobo.   Bakit naman hindi?  Walang ka-effort-effort kasi itong lutuin.   Kung baga, ilagay mo lang ang lahat ng sangkap sa lutuan at hayaan lang na maluto hanggang sa lumambot ang karne.   At sino ba namang pinoy ang hindi marunong magluto ng adobo?   Siguro ay wala....hehehehe.   Ako siguro kahit ano pa ang i-adobo ay gusto ko.  Baboy, manok, baka, gulay..kahit ano.   Gusto ko kasi yung alat at asim at kung minsan ay may tamis din ang adobo natin.  Di ba nga parang ito ang pambansang ulam nating mga Pilipino?   Hehehehehe. Basta adobo... sigurado...ubos ang kanin nyo.   Hehehehe PORK ADOBO with STRING BEANS Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes) 1 tali String Beans o Sitaw (cut into 2 inches long) 1 cup Cane Vinegar 3/4 cup Soy Sauce 1/2 cup Oyster Sauce 2 tbsp. Brown Sugar 1 head Minced Garlic 1 tsp. ground Black Pepper Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng konting

BRAISED CHICKEN in PINEAPPLE and MANGO

Image
Hindi na bago sa atin ang paglalagay ng prutas sa ating mga lutuin lalo na sa mga pang-ulam na dish.  Pangkaraniwang nilalagay natin ay ang pinya o mangga komo marami nito sa ating paligid.   Ako, madalas pinya ang ginagamit ko, fresh man o yung nasa lata.   Na-try ko na din na gumamit ng fresh oranges sa mga niluluto ko. This time, sinubukan kong pagsamahin ang pinya at mangga sa isang chicken dish na ito.   Komo nga mainit ang panahon ngayon at pahirap ang magtagal sa harap ng kalan, ito ang naisip kong gawin sa 1 kilo ng chicken legs na nabili ko.  Simple lang ang paraan ng pagluluto at mga sangkap pero wag ka, ang sarap ang finish product nito.  Try nyo din po. BRAISED CHICKEN in PINEAPPLE and MANGO Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Legs (cut into 2) 1 small can Crush Pineapple 2 pcs. Ripe Mango (hiwain ng maliliit) 2 tbsp. Brown Sugar 3 tbsp. Soy Sauce 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (sliced) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.  Timplahan ang manok

ENSELADANG TALONG na may ITLOG NA MAALAT at BAGOONG

Image
Kahit napakainit ng panahon at kung pwede lang ay sa loob ka na lang ng isang kwartong may aircon maglagi, hindi napigilan na magluto at gumawa ako nitong enseladang inihaw na talong.   Ewan ko ba, parang nag-crave ako dito nitong nakaraang mga araw. At para makumpleto ang aming pang-ulam, nag-prito ako ng galunggong.  Yung maliliit lang.  Pinirito ko ito na tustado at swak na swak sa enseladang ginawa ko.  Kahit nga ang anak kong si Jake ay naka-dalawang balik ng kanin sa ulam naming ito.   Hehehehe. ENSELADANG TALONG na may ITLOG NA MAALAT at BAGOONG Mga sangkap: 4 pcs. Talong 3 pcs. Itlog na maalat 3 pcs. Kamatis (cut into small cubes) 1 medium size White Onion (chopped) 2 tbsp. Bagoong Alamang (sweet style) Paraan ng pagluluto: 1.  I-ihaw ang talong at alisin ang balat.   Hiwain sa nais na laki at ilagay sa isang bowl. 2.  Hiwain din ang itlog na maalat sa nais na laki.  Ihalo ito sa inihaw na talong. 3.  Isama na din ang hiniwang sibuyas at kamatis at ilagay na

PAKSIW na PATA na may MIRIN

Image
Isa pang easy to cook na ulam ay itong paksiw na pata.   Tamang-tama dahil sa init ba naman ng panahon at walang sino man ang magti-tyagang mag-stay sa kitchen na matagal.   Ang inam ng dish na ito, pagsama-samahin mo lang ang lahat ng mga sangkap at hayaan na lang maluto hanggang sa lumambot ang karne.   Ang huling gagawin lang ay tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa nito. Second, may ilang paksiw na pata version na rin ako sa archive.   In this version, nag-experiment ako na lagyan ito ng mirin (japanese rice wine) kung ano ang magiging lasa.  Alam ko naman na mas lalo itong sasarap dahil sa flavor na mayroon ang mirin.   At yun nga, masarap ang kinalabasan ng new version kong ito ng paksiw na pata.   Try nyo din. PAKSIW na PATA na may MIRIN Mga Sangkap: 1 pc. Pata ng Baboy (sliced) 3 tbsp. Mirin 1 cup Cane Vinegar 1 head Minced Garlic 1 pc. large Onion (sliced) Bulaklak ng Saging (dried) 1 tsp. Whole Pepper Corn 2 tbsp. Brown Sugar Salt to taste Paraan ng paglul

BINYAGANG LEA NAOMI

Image
Si Lea Naomi ay apo ng aking asawang si Jolly sa pamangkin niyang si Marissa.   Nag-balikbayan sila from Paris, France para dito makauwi at mapabinyagan na din ang bata.   Bale isa ang aking asawa si Jolly na naging abala sa paghahanda ng binyagan komo 3 weeks lang ang bakasyon nila dito sa Pilipinas. Pasko ng Pagkabuhay naganap ang binyaga (March 31, 2013).   Bale may ni-rent ng venue at ang mga pagkain din ay ipi-cater. Puro mga kamag-anak lang din ang invited sa okasyong ito.   Kung baga, parang reunion na din ng buong pamilya. Ang naging papel ko lang sa binyagang ito ay ang mag-suggest sa mga pagkain na ipapahanda sa caterer.  Syempre may mga veggie salad at assorted fruits para starter. May camaron rebusado. Relyenong alimasag na nagustuhan ko talaga ang pagkaluto at timpla. Beef caldereta na hindi ko man natikman ay mukhang masarap naman kahit sa picture lang. Mayroon ding squid rings o calamares. Chicken cordon bleu Ihinihaw na liempo

ROASTED CHICKEN with CURRY and MILK

Image
Paborito ng aking pamilya ang roasted chicken o turbo broiled chicken.   Kaya naman basta may espesyal na okasyon o kahit ordinaryong kainan, hindi nawawala ito sa aming hapag.   Di ba nga ipinangalan ko pa ang aking recipe sa aking bunsong anak na si Anton, ang Anton's Chicken? Marami-rami na din akong version o flavor sa roasted chicken.   Kung gusto nyong i-check punta lang kayo sa archive at i-select ang may label na chicken.   Dagdag na itong entry natin for today.   This time, minarinate ko ito sa gatas (evap), curry powder.   At gamit ang pinagbabaran ay ginawa ko naman itong sauce.   Masarap naman at kaiba sa mga pangkaraniwang lechong manok o rasted chicken na nakakakain natin.  Best talaga kung kakainin naitn ito ng bagong luto lang.   Try nyo din po. ROASTED CHICKEN with CURRY and MILK Mga Sangkap: 4 pcs. Chicken Legs & Thigh 1 tsp. Curry Powder 1 cup Evaporated milk 1/2 cup Chopped Lemon Grass o Tanglad (white portion only) 1 tbsp. grated Ginger 1 h

TUNA FLAKES with SPINACH, TOMATOES, ONION and CHEESE

Image
Remember nung nagluto ako ng baked tahong na may spinach?   Pansin nyo din ba na wala akong sukat na inilagay para sa mga sangkap?   Depende kasi yun sa dami ng tahong na lulutuin.   Kaya ang nangyari nun, may natira na spinach mix na mga 1 cup din siguro ang dami. Bukod pa sa spinach mix na yun, may tira-tira ding ginisang canned tuna na ulam namin ng nakaraang araw.   Dun ko naisipan na bakit hindi ko ito pagsamahin at initin para naman di masayang.   At laking gulat ko sa kinalabasan.   Masarap ito at pwedeng pangulam sa tinapay o kahit sa kanin man. In this recipe, gagawin ko siyang hindi mula sa tira-tira para masundan ninyo ng ayos.  Although, mga estimate lang ang gagawin ko sa mga sukat ng mga sangkap, pero halos ganito na din ang kakalabasan nito.   I-try nyo po. TUNA FLAKES with SPINACH, TOMATOES, ONION and CHEESE Mga Sangkap: 1 can Tuna Fillet in Water (i-drain yung sabaw) 3 pcs. Tomatoes  (cut into small cubes) 2 cups Fresh Spinach Leaves (chopped) 1 medium

MEGAWORLD SUMMER OUTING @ THE ENCHANTED KINGDOM 2013

Image
Last week April 12, 2013, ginanap ang summer outing ng kumpanyang aking pinapasukan ang Megaworld Corporation sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna. Pangatlong beses ko pa lang makapunta dito pero masasabi kong ito ang the best.   Yung last na visit kasi namin ng pamilya ko hindi namin ito masyadong na-enjoy dahil sa dami ng tao.   This time hindi ganun karami ang tao at talaga namang na-enjoy namin ang mga rides. Maaga pa lang ay nandoon na kami.  2pm kasi ang bukas nito sa public.   Para di mainip, picture-picture lang muna with my officemates. Sa pila pa lang ay pinlano na namin ng officemate ko at kumpareng si Pareng Darwin ang aming strategy para ma-maximize namin ang oras namin.   Baka kasi kako dumami ang tao at mahirapan na kami sa pagpila. Pag-pasok pa lang namin, inuna na namin itong Disco Magic ride (picture sa itaas.).   Ito ata ang pinaka-bagong attraction ng EK at kahit may konting takot ako ay inuna namin itong sinakyan. Grabe!   Parang kang pinagba

BAKED TAHONG with SPINACH, ONION and TOMATOES

Image
Matagal-tagal na ding hindi ako nakaka-kain ng baked tahong.   Ang sarap pa naman nito lalo na kung mataba ang laman ng tahong.   Kaya naman nang makita ko ang matatabang tinda ng tahong sa may Farmers market sa Cubao, hindi ako nagdalawang isip na bumili kahit isang kilo lang para i-bake nga. Sa version kong ito, nilagyan ko lang ito ng spinach, tomatoes, onions at cheese syempre.   First time kong gumamit ng spinach dito at laking gulat ko na masarap pala ito sa ganitong dish.   Ang maganda pa sa dish na ito, pwede mo itong lutuin sa oven, turbo broiler, oven toaster o kahit sa microwave oven.   Ang importante lang kasi dito ay matunaw ang cheese na inilahok.   Pwede din pala itong i-ihaw sa baga na parang barbeque.....hehehe   Try nyo po.....masarap talaga. :) BAKED TAHONG with SPINACH, ONION and TOMATOES Mga Sangkap: 1 kilo large size Tahong Fresh Spinach Leaves (chopped) Tomatoes (cut into small pieces) White Onion (chopped) Quick Melt Cheese (grated) Olive Oil

BRAISED PORKCHOPS ala ASADO

Image
Sobrang init talaga ng panahon dito sa Pilipinas at ayon sa PAGASA tatagal pa ito hanggang sa buwang ng mayo.  WOW!   Parang ayaw ko nang umalis ng opisina dagil aircon dito...hehehehe. Joke only.  Hehehehe Sa totoo lang, kapag ganito kainit ang panahon, nakakatamad magluto o magbabad sa kusina.   Kaya lang, ano naman ang kakainin namin?   Puro pa-deliver o kaya naman ay bumili sa mga carinderia? May solusyon naman.   Bakit hindi tayo magluto ng pangulam na hindi naman kailangan na nakabantay ka sa kalan ng niluluto mo.   Kagaya nitong dish na ito for today.   Walang ka-effort-effort.   Just put everything sa isang kaserola at yun na...hintayin na lang na maluto ang karne.  O di ba?   BRAISED PORKCHOPS ala ASADO Mga Sangkap: 1 kilo Porkchops 2 pcs. Star Anise 1 pc. Cinamon bark 3 tbsp. Oyster Sauce 3 tbsp. Soy Sauce 1/2 cup Brown Sugar 1 tsp. Sesame oil 1 large Onion (sliced) 5 cloves minced Garlic Salt and pepper to taste 1 tsp. Cornstarch Paraan ng pagluluto:

SUMMER 2013 @ ANILAO BATANGAS

Image
Last April 6, 2013, nagkayayaan na mag-outing ang mga pamilya sa side ng aking asawang si Jolly.   Bale ang pamilya Briones, Intalan, Santos at kami nga Glorioso. Dapat sana sa isang swmming pool na resort kami pupunta, kaso ayaw ng host (Lita) na gabi at mas gusto niya ang beach resort o dagat.   Maging ang aking biyenan ay beach din ang gusto.   Kaya ang nangyari, sa Anilao sa Batangas kami nagawi. Sa Aguila beach Resort kami napunta after ng ilang tingin ng resort sa area na yun.   Mura lang naman sa beach resort na ito.   Babayaran mo lang yung mga cottages o cabana at wala nang entrance fee per person.   Yun lang may limit ang bawat cottages na kukuhanin.   Ibig sabihin kung good for 20 person lang yung cottages at 30 person kayo, kailangan mong kumuha pa ng isa para dun sa 10.   Wise di ba?   hehehe Pagdating pa lang namin sa cabana o cottage namin, inihanda muna namin ang mga pagkain na aming kakainin komo tanghali na noong nakarating kami sa lugar.   Kami ng bi

STRAWBERRY PLAN

Image
Pinasalubungan ng strawberries ang asawa kong si Jolly ng kanyang officemate na nagbakasyon sa Baguio.   Siguro mga 1 kilo ito at komo 2 lang naman kami sa bahay, hindi namin ito mauubos ng isang kainan lang.   Hindi naman pwede na i-stock ito ng matagal dahil madali itong mabulok dahil sa init ng panahon natin.   Kaya naman ginawa ko na lang itong isang dessert. Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa espesyal na dessert na ito.   Panna cotta ba o strawberry jelly.   Bandang huli, naisip kong pangalanan na lang ito na Strawberry Plan.  Para kasi siyang leche plan na strawberry.   Also, gumawa ako ng strawberry syrup na ginawa kong panglagay sa bottom ng hulmahan sa halip na caramel syrup.   At ayun nag-create na parang toppings ito kapag itinaob mo na sa isang lalagyan. Try nyo din po.   Tamang-tama ngayong summer na mura pa ang mga strawberries. STRAWBERRY PLAN Mga Sangkap: 1/2 kilo Fresh Strawberries 1 tetra brick All Purpose  Cream 1 small can Evaporated Milk 1

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE

Image
Ito yung isang dish na niluto ko nitong nakaraang birthday ng aking kaibigang si Pareng Franny.   Maaga kasi kaming dumating sa bahay nila that day.   Mas ginusto naming maaga para kako mas mahaba ang kwentuhan.   Sa tagal ba naman ng huli kaming nagkita. Nag-volunteer na din ako na tumulong sa pagluluto at isa nga sa dish na hindi pa naluluto ay itong hipon.  Yung ibang handa ay ipinaluto na lang nila sa Dampa. Malapit lang kasi ang bahay nila dito. Nai-suggest ko na mas mainam na halabos o simpleng luto na lang ang gawin sa hipon.   Nag-agree naman ang may bahay at sinabi kong ihalabos na nga lang ito sa sprite, bawang at margarine.   At yun na nga ang ginawa ko.   Masarap ang kinalabasan at hindi natabunan ang tunay na lasa ng hipon. HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE Mga Sangkap: 2 kilos Hipon (yung medyo malaki ang size) 3 tbsp. Margarine or Butter 1 head Minced Garlic 1 bottle (12oz) Sprite or 7-Up 1 tbsp. rock Salt Paraan ng pagluluto: 1.   Timp

ARAW NG KAGITINGAN, MABUBUTING KAIBIGAN at MASASARAP na PAGKAIN

Image
Ang April 9 ay ang araw kung saan ginugunita ng buong Pilipinas ang Araw ng Kagitingan.   Ito ang araw kung saan nagsimula ang Martsa ng Kamatayan o Death March kung saan may 60-80,000 ang kasama at may 2,500 hanggang 10,000 naman ang namatay bago makarating sa Camp O-Donnell.   Inilalarawan din dito ang kagitingan ng ating mga kababayan na hindi sumuko hanggang kamatayan.  Sa araw ding ito naman ay ipinagdiriwang ng aking kaibigan na si Franny ang kanyang kaarawan.   Last year, hindi siya nakapaghanda komo natapat na Mahal na Araw ang petsang yun. Kami-kami lang din na magkakaibigan ang bisita niya.   Kaming mga magkakaibigan na magkakaksama pa sa nirerentahang apartment sa Baclaran way back 1990's pa.   Yung dalawa nasa Amerika na at ang isa naman ay nasa Australia.   4 na lang kaming nandito sa Pinas.   Hehehehe.   Kaya naman basta may pagkakataon na ganito ay pumupunta talaga kami para magkita-kita. Maaga kami ng asawa kong si Jolly na pumunta para makapag-kwentuhan d