Posts

Showing posts from November, 2013

BIBINGKANG MALAGKIT

Image
Kakanin na masarap na dessert o kaya naman ay pang-meryenda kasama ang mainit na tsaa.  Try po ninyo itong ginawa kong Bibingkang Malagkit. Yes.  Noon ko pa gusto gumawa at magluto nito.  Pero sa totoo lang, first time ko lang gumawa nito sa bahay.   Hindi kasi ako sure kung papaano at kung ano ang mga sangkap nung toppings na inilalagay.   Not until na mabasa ko yung inag recipe dito sa net at sa tulong na din ng aking Tiya Ineng. Actually, madali lang gawin ito.   Simple lang ang mga sangkap pero masarap talaga ang kakalabasan.   Nagustuhan ng ng mga anak ko at nag-request na gumawa ulit ako nito.  Try nyo din po.  Pwede din ito sa nalalapit na Noche Buena sa Pasko. BIBINGKANG MALAGKIT Mga Sangkap: 2 cups Malagkit na Bigas 1 cup Long Grain na Bigas 3 cups Kakang Gata g Niyog 1/2 tsp. Salt Brown Sugar to taste 1 tsp. Ginadgad na balat ng dayap o lemon Paraan ng pagluluto: 1.   Isaing ang malag...

PORK-APPLE BURGER with COLE SLAW

Image
Saturday at Sunday ang mga paborito kong araw sa buong linggo.  Wala kasing pasok ang aking mga anak at may oras kami para mag-bonding.   Kaya naman, hanggat maaari ay espesyal ang pagkaing aking inihahanda para sa kanila mula almusal hanggang hapunan. Kagaya nitong nakaraang Linggo, gumawa ako ng hamburger para sa aming almusal.   Gusto din kasi ng asawa kong si Jolly na light lang daw ang breakfast komo maaga kami nagla-lunch pagkatapos naming mag-simba.   At eto nga, pork burger na may cole slaw ang aking niluto para sa kanila.   Masarap ha.   Kakaiba kumpara sa mga commercial burger na nakakain natin sa mga sikat na fastfood store.   Why?   Nilagyan ko kasi ng ginadgad na mansanas.   So naging mas juicy at medyo fruity ang lasa.   Masarap talaga. PORK-APPLE BURGER with COLE SLAW Mga Sangkap: 1/2 kilo Ground Lean Pork 1 medium size Fuji apple (grated) 1 medium size White Onion (...

NOCHE BUENA SUGGESTION #1

Image
Ilang araw na lang ay Pasko na.   Alam ko marami sa atin ang busy na sa kaiisip kung ano ang masarap na ihanda sa ating Noche Buena.   Ako man ay ganun din.   Wala pa din akong final na menu.   Pero sabi nga ng kapatid ng asawa ko na si Lita, mainam daw ay yung hindi namin madalas na nakakain.   At dun na nga ako magsisimula ng pagiisip kung ano nga ang masarap na ihanda. Dahil ang blog kong ito ay isang food blog at katulad ng ginagawa ko nitong mga nakaraang taon, narito ang isa sa mga suggestions ko na pwede nyong i-konsidera para sa inyong Noche Buena: Para appetizer o main dish na din, try nyo po itong Stuffed  Bell Pepper with Chicken, Crab Sticks and Basil.   Eto po ang link ng recipe:   http://mgalutonidennis.blogspot.com/2013/02/stuffed-bell-pepper-with-chicken-crab.html Syempre dapat may noodles na handa.   Masarap po itong  Shrimp Crab and Aligue Pasta.   http://mgaluton...

CRISPY PUSIT (Calamares)

Image
Noon pa nire-request ng pangalawa kong anak na si James na magluto daw ako ng calamares.   Nitong nakaraang Sabado ko lang napagbigyan ang kanyang hiling. Pangkaraniwang calamares na nakikita natin ay yung hiniwa na pa-ring ang pusit.  Pero dito sa niluto ko, buong pusit at hindi ko na hiniwa.   Hindi kasi kalakihan ang pusit na nabili ko.   Kaya mapapansin nyo sa pict na ito na parang hindi ito pusit.    hehehehe. Pero ganun pa man, nagustuhan ito ng aking mga anak at humihiling na magluto ulit ako nito sa darating pang mga araw.   Hehehehe.   Nakakatuwa naman di ba?   Kahit nakakapagod itong lutuin pero kung positive feedback naman ang iyong maririnig ay okay na din. CRISPY PUSIT (Calamares) Mga Sangkap: 1 kilo medium size Pusit (linising mabuti) 3 cups Harina 3 cups Japanese Bread crumbs 2 pcs. Eggs 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying Pararaan ng p...

PANCIT MIKI with CHICKEN FILLET

Image
Matagal-tagal na din akong hindi nakaka-kain ng pancit miki.   Noong araw kasi madalas magluto nito ang aking Inang Lina na nilalahukan din niya ng patola.   Madalas magluto nito ang aking Inang komo matipid itong pangulam at nakakapagparami ang miki sa karne o manok na inilalagay.   Masarap ang pancit miki na pang-ulam o pang-meryenda man.   Mainam na pigaan muna ito ng calamansi bago kainin.  Pwedeng-pwede ito sa kanin o sa tinapay man. Try nyo din po. PANCIT MIKI with CHICKEN FILLET Mga Sangkap: 1/2 kilo Chicken Thigh Fillet 1/2 kilo Fresh Miki Noodles 1/2 cup Oyster Sauce 1/4 cup Soy Sauce 1 medium size Carrot (cut into strips) 100 grams Baguio Beans (cut itno 1 inch long) 100 grams Repolyo (sliced) 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (Sliced) 2 tangkak Leeks (chopped) 1 tsp. Cornstarch 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste 2 tbsp. Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang kawal...

PORK in CREAMY MUSHROOM-ROSEMARY SAUCE

Image
This is a simple pork dish na hindi nyo aakalain na ganun kasarap.   Kahit nga ang mga anak ko ay nagustuhan ito.   Simple at ilan lang ang mga sangkap pero punong-puno ng flavor o lasa at madali pang lutuin. Actually, wala naman ankong sinunod na recipe.   Basta ginawa o niluto ko lang ito base sa kung ano ang nasa isip ko.   Yung dried rosemary nga last ko na naisip para kako mas lalong sumarap.   At tama nga, nakadagdag ito ng flavor sa kabuuan ng dish. PORK in CREAMY MUSHROOM-ROSEMARY SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Belly (cut into 2 inches long) 1 tetra brick All Purpose Cream 1/2 cup Butter 1 small can Sliced Mushroom 1 tsp. Dried Rosemary 5 cloves Minced Garlic 1 largeWhite Onion (Sliced) 1/2 tsp. Maggie Magic Sarap 1 tsp. Cornstarch or Flour Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Timplahan ng pork belly ng asin at paminta.   Hayaan ng ilang sandali. 2.   Sa isang non-stick na kawal...

BANGUS STUFFED with EMBOTIDO

Image
Natatandaan nyo ba yung Pork Embotido na niluto ko nitong nakaraang araw?   Yes.   Panalo ang lasa at sarap ano? Nung una pa lang na binalak ko na magluto nito, nasa isip ko na gawing palaman din ito sa boneless bangus at pagkatapos ay i-grill o i-broil.   At yun nga ang ginawa ko nitong nakaraang Linggo. Marami na din akong recipe nitong boneless bangus na ito and I think ang isang ito ang the best sa lasa at sarap.   Bakit naman hindi?  Para na ring rellenong bangus ang nangyari dito.  hehehehe.   Pero siguro kung naghahanap kayo ng fish dish na pwede sa espesyal na okasyon, pwedeng-pwede ito.   Try nyo din po. BANGUS STUFFED with EMBOTIDO Mga Sangkap: 2 pcs. medium to large size Boneless Bangus 4 cups. Pork Aloha Embotido mixture (Pleae get the recipe here:  http://mgalutonidennis.blogspot.com/2013/11/pork-aloha-embotido.html) 3 pcs. Tomatoes (chopped) 2 pcs. White Onion (chopped) 2 tbsp. Sesa...

ATCHARANG PAPAYA

Image
Sa mga handaan ako madalas makakita ng atcharang papaya.   Fiesta, kasalan, binyagan at iba pa.   Ang Inang lina ko ang masarap na gumawa nito.   Masarap ito na side dish sa mga pritong karne o isda man.   Kaya nitong isang araw naisipan kong gumawa nito gamit ang natirang green papaya na ginamit ko sa aking escabeche. Madali lang naman gumawa nito.   Ang pinaka-key lang dito ay ang tamang timpla ng suka at gagamitin.   Siguro nasa sa inyo na kung anong timpla ang gusto ninyo.  Ibigay ko lang ang basic procedure at mga sangkap. ATCHARANG PAPAYA Mga Sangkap: 1 medium size Green Papaya (balatan at gadgarin sa nais na laki) 2 cups Cane Vinegar 3 tbsp. Sugar 1 tbsp. Salt or salt to taste 1 cup grated Carrots Freshly ground Black Pepper 1 medium size Red Onion 5 cloves minced Garlic Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang sauce pan, pakuluan ang suka, bawang, sibuyas, asin, asukal at paminta.  Huwa...

PORK ALOHA EMBOTIDO

Image
Una, pasensya na sa picture nitong dish entry ko for today.   Actually, dito sa office ko kinuhanan yan at yan ang baon ko for today.   Hehehehe Naisipan kong magluto nitong embotido una dahil nadismaya ako sa nabili namin sa Batangas nung umuwi kami nung Undas.   Naawa lang talaga ak sa nagtitinda kaya kami bumili pero hindi talaga masarap ang tinda niya.   Pangalawa, papalapit na ang Pasko at sa palagay ko ay pwedeng-pwede itong idagdag natin para sa ating Noche Buena. Unang beses ko pa lang nasubukan ang recipe na ito.   Hindi ko alam kung may ganitong version kaya pinangalanan ko na lang itong Pork Aloha Embotido.   May kasama kasi itong crushed pineapple kaya yun ang tinawag ko.   Hindi sa pagbubuhat ng bangko pero masarap talaga ang version kong ito ng embotido.  try nyo din po. PORK ALOHA EMBOTIDO Mga Sangkap: 1 kilo Ground Lean Pork 12 pcs. Vienna Sausages 1 medium can Crushed Pineapple 1 l...

ESCABECHENG DALAGANG-BUKID

Image
Ang Escabeche ay isang pinoy dish na halos katulad lang ng alam nating sweet and sour na luto.   Ang pagkakaiba lang nito, ginadgad na hilaw na papaya ang gulay na inilalagay dito sa halip sa alam nating carrots, red bell pepper at iba pa. Lumaki din ako sa ganitong luto ng escabeche ng aking Inang Lina.  Katulad ng sarciadong isda, kahit anong pritong isda ay pwede dito.   Pangkaraniwan, yung mga tira-tirang pritong isda ang ginagawang lutong ganito para hindi naman nakakasawa.  Ganun ka-inovative ang aking mga sinaunang kababayan noon na namana naman natin maging sa kasalukuyan. Kagaya nga ng nasabi ko, kahit anong isda ay pwede sa lutuing ito basta huwag lang yung masyadong matitinik.   Yung lumang pritong isda ay okay din dito. ESCABECHENG DALAGANG-BUKID Mga Sangkap: 10 pcs. Dalagang-Bukid 1/2 medium size Green Papaya (grated) 2 thumb size Ginger (cut into strips) 1/2 cup Vinegar 1 large Onion (sliced) 5 cloves minced Garlic ...

CABBAGE and EGG DROP SOUP

Image
Natatandaan nyo ba yung Pork Binagoongan dish na niluto nitong mga nakaraang araw?   Nung niluto ko ito naparami ang tubig na nailagay ko para palambutin ang karne.  Kaya ang ginawa ko, binawasan ko ito at itinabi.  Baka kako may mapag-gamitan pa.  Sayang naman kasi.   Guisado na kasi yun at malasa na din ang sabaw. Nitong pritong manok ang ulam namin sa bahay, naisipan kong gawing soup ang natirang pinagpakuluan na ito.   Ang ginawa ko lang ay pakuluin ito muli at ng kumukulo na ay inilagay ko ang binating itlog.   Hinalo ko agad para hindi magbuo-buo ito sa sopas.   Huli kong inilagay naman ang ginayat na repolyo at saka ko tinimplahan ng kaunting asin at paminta. Ang sarap pala ng ganitong klase ng sopas.   Simple pero punong-puno ng lasa.   Tamang-tama talaga ito lalo na ngayong maulan pa rin ang panahon. Enjoy!!!!

CHICKEN, MUNG BEANS and WANSUY SPRING ROLL

Image
Ang lumpiang shanghai ang isang ulam na masasabing kong matipid sa budget.   Bakit naman hindi?   Kahit half kilo lang ng pork o kung ano mang pang-laman ang iyong gagamitin ay marami na din ang magagawa mong lumpia. Pero sa dish na ito importante na ang ihahalo mong iba pang sangkap ay yung malasa.   Otherwise, hindi masarap ang kakalabasan ng inyong lumpia.   Ang mga sangkap na pwede nating ilagay pa ay katulad ng red bell pepper, kinchay, smoked tinapa o bacon, cheese syempre at iba pang herbs o spices. Sa version kong ito ng lumpiang shanghai, ground chicken ang ginamit ko.  Alam naman natin na hindi gaanong malasa ang laman ng manok kaya naman hinaluan ko pa ito ng cheese, mung beans at wansuy.   Masarap naman ang kinalabasan.   Try nyo din po. CHICKEN, MUNG BEANS and WANSUY SPRING ROLL Mga Sangkap: 1/2 kilo Ground Chicken o Pork 1 cup grated Cheese 2 cups Mung Beans o Toge na pasibol pa lang. 1/2 cup c...

PAGHAHANDA sa PASKO

Image
Papalapit na talaga ang Pasko.   Mapapansin natin ang mga Christmas display at decorations sa mga malls at maging sa maraming tahanan.   Yung iba nga pagpatak pa lang ng buwan ng Septyembre ay naglalagay na sila ng palamuting pamasko.   Ako ginagawa ko naman ito tuwing makatapos ang Undas o araw ng mga patay. Inumpisahan namin sa bahay ng aking biyenan na si Inay Elo.   Ayaw pa nga niya magpalagay ng decor kasi nga mahihirapan daw siya pagliligpit naman.   Pero napitlit din namin dahil sabi namin once a year lang naman tayo nagdiriwang ng kapaskuhan. Nitong nakaraang linggo naman ako naglagay sa aming tahanan dito sa Manila.   Same decor lang naman din ang ginamit ko pero binago ko ang ayos at gamit.   May nahiram din kami ng extra Christmas tree decor sa Batangas kaya yun ang mga pinaglalagay ko.   Nakakatuwa naman at nagustuhan ng aking asawa ang aki g ginawa. Ang gandang tingnan ng ilaw sa ...

NILAGANG BAKA with SHELL MACARONI

Image
Alam ko namang ang nilagang baka o anumang ulam na nilaga ang pinaka-madaling soup dish na lutuin.   ang gagawin mo lang ay pakuluan ang mga sangkap, timplahan ng asin, paminta at iba pag pampalasa at presto may nilaga dish ka na. Pero papaano kung limitado an budget at may kamahalan ang ulam na ilalaga kagaya ng baka?   Papaano natin mapagkakasya ang ulam na ito?   Pwede dagsdagan na lang natin ang gulay at sabaw.   Pwede din...lagyan natin ng macaroni pasta.   With this, nadadagdagan yung laman sa ating nilaga.   At tiyak kong kahit sabaw lang at ito ay mabubusog na din tayo. NILAGANG BAKA with SHELL MACARONI Mga Sangkap: 1 kilo Karne ng Baka (cut into cubes) 2 cups Shell macaroni Pechay Repolyo Patatas 2 pcs. Onion (quartered) Salt and pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Pakuluan ang karne ng baka sa isang kaserolang may tubig at asin. 2.   Kung malambot na ang karne, ilagay nam...

MIX FRUIT JELLY

Image
Papalapit na talaga ang pasko.   Bukod sa mga regalo at mga damit, ang pagkain ang isa pang pinaghahandaan natin sa napaka-sayang araw na ito.    Kaya naman naisipan kong mag-post nitong dessert na ito na pwedeng-pwede para sa ating Noche Buena. Simple lang ang dessert na ito at madali lang gawin.   Ang pinaka-key sa dessert na ito ay yung combination ng prutas na gagamitin.  At syempre dapat yung hinog na talaga.   Amg maganda dito, nagko-compliments sa isat-isa yung lasa ng mga prutas.   Hindi ko masabi kung o-okay ang fruit cocktail.   Pero para sa aking yung fresh ripe fruits ang the best sa dessert na ito.   Try nyo din po.   MIX FRUIT JELLY Mga Sangkap: 1 sachet Mr. Gulaman (white or clear flavor) 5 cups Water Sugar to taste 1 tbsp. Vanilla Pakwan Melon Tagalog Honey Dew Pinya Manga Papaya Paraan ng pagluluto: 1.   Hiwain ng maliliit ang mga prutas.   Bite si...

CHICKEN BRAISED in PINEAPPLE and LIME

Image
Nitong nakaraang pagdalaw ko sa aming probinsya sa Bocaue Bulacan, napansin ko ang puno ng dayap o lime ng aking tita Melda na hitik sa bunga.  Natatandaan ko noong araw, ang dahon ng dayap na ito ang ginagamit naming pang-flavor kapag gumagawa ng leche plan.   Naisip ko na ayos na ayos ito sa mga lutuin kaya humiling ako sa aking tita kung pwede akong magdala nito sa Manila.   At yun nga ang nangyari at dito nabuo ang chicken dish na ito. Masarap siya.   Nalalasahan mo yung citrus flavor ng dayap at nagpasap pa lalo nung inihalo sa pinya.   Ayos na ayos ito na toppings sa mainit na kanin.   Try nyo din po. CHICKEN BRAISED in PINEAPPLE and LIME (DAYAP) Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 1 medium size can Pineapple Chunk 1 pc. Dayap o Lime 1 thumb size Ginger (grated) 2 tbsp. Pure Honey Bee 5 cloves minced Garlic 1 large Onion (sliced) 2 tbsp. Cooking Oil 1 tbsp. Brown Sugar 2 tbsp. Soy Sauce S...

NYNIA ALTHEA'S 2ND BIRTHDAY

Image
Nitong huling pagdalaw namin sa Bualacan para bumoto at dumalaw na din sa aking namayapang Inang Lina, nagkataon din na nagse-celebrate pala ng kanyang ikalawang kaarawan ang aking pamangkin sa pinsan na si Nynia Althea.   Siya yung kinu-kwento ko sa post ko kahapon sa Kalabasang Okoy.   Ipinaghanda siya ng kanyang Lola Ineng na aking tiya ng iang simpleng meryenda.   Narito ang mga pagkaing inihanda ng aking tiya. Nagpaluto siya nitong pancit palabok sa aking kapatid. Puto Cuchinta Karamba o Kalabasang Okoy Goto Syempre, hindi mawawala ang birthday cake. Present nang hapong yun ang lahat ng kanyang lolo at lola at mga kamag-anak. Mawawala ba ang aking mga anak kapag may kainan na ganito?  Hindi syempre.  hehehehe Nasira na naman ang diet ko.  Hehehehe.   Lahat kasi ng handa ay paborito ko.  Pero syempre, tikim-tikim lang ang ginawa at baka tumaas ang aking sugar.   Hehe...

KARAMBA / KALABASANG OKOY

Image
Gustong-gusto kong umuwi sa aming probinsya sa Bulacan.  Bakit naman hindi?   Dito ko natitikman ang mga pagkain na paborito ko at hindi ko madalas matikman. Kagaya nitong huling uwi namin bago mag-undas at para bomoto.   Nagkataon na birthday din ng aking pamangkin sa pinsan na si Nynia Althea.  Ipinagluto ng kanyang lola Ineng na akin naman tiya siya ng handa na meryenda.  Pancit palabok, goto, puto, cuchinta at ito ngang karamba na pang-ulam sa goto. Okoy na kalabasa ang tawag ng marami pero sa amin sa Bulacan Karamba ang tawag namin dito.   Masarap itong meryenda na kasabay kainin kasama ang mainit na lugaw o goto. Pwede din itong side dish o pampagana.  Sawsaw lang sa suka na may toyo at bawang.  Solve na solve tiyak ko an ating pagkain.  Try nyo din po. KARAMBA / KALABASANG OKOY Mga Sangkap: 1/2 kilo Kalabasa (hiwain na parang palito ng posporo) 250 grams Halabos na Hipon 3 pcs. Eggs 1 cup All Purpo...

GINATAANG PINIPIG

Image
Ito ang isa pang dish na matagal ko nang hindi natitikman.   Ginataang Pinipig.   Ito rin ang isa pang dish na hiniling ko sa aking kapatid na si Shirley nung umuwi kami ng Bulacan nitong nakaraang halalan. Ang kapatid kong si Shirley ang nagluto o gumawa nito.   Ang dish na ito ay madalas ding ginagawa kung dumarating ang Undas o Araw ng mga Patay.   Madali lang naman itong gawin.  Bale yung paglalaga lang ng gabi ang niluluto dito.   Yung ibang sangkap ay paghahalu-haluin lamang. Masarap ang dish na ito na panghimagas o kaya naman ay pang-meryenda.  Masarap ito na medyo malamig.   Try nyo din po Paalala lang po.   Wala pong eksaktong sukat ang mga sangkap na inilagay ko dito.  Kayo na po ang bahala kung gaano karami ang gusto ninyo.. GINATAANG PINIPIG Mga Sangkap: 1/2 kilo Pinipig 1/2 kilo Gabi Gata ng Niyog mula sa 3 Niyog (gamitin yung sabaw sa pagpiga ng gata) 3 cups na Sago 2 pc...

ESTOFADO ala LINA

Image
Estofado simply mean stew.   Kaya kung mag-che-check kayo ng recipes para sa estofado, iba-iba ang makukuha nating results.   Pwedeng may beef o kaya naman ay pork at chicken.  Pero ang napansin kong common sa mga recipe nito ay ang paglalagay ng mga herbs at spices. Kagaya nitong beef estofado na ito na nakalakihan kong niluluto ng aking Inang Lina lalo na kapag sumaapit ang Undas.   Pwede din siguro itong pang-ulam pero pangkaraniwan sa amin ay kinakain ito kasama ang pandesal o monay. Ilang araw bago mag-undas, umuwi kami ng aking pamilya sa Bulacan para bomoto sa barangay election at dumalaw na din sa aking namayapang ina.   Nahiling ko sa aking kapatid na si Ate Mary Ann na magluto nga nitong estofado.   At ito nga ang kanyang niluto.  Pina-kwento ko na lang sa kanya kung papaano ito niluto at ang mga sangkap na ginamit.   Sa maraming beses na nagluto nito ang aking Ate Ann, masasabi kong ang isang ito ang...

UNDAS 2013

Image
Taon-taon tuwing November 1 at 2, inaalala natin ang ating mga namayapa nang mahal sa buhay.   Ito marahil ang isa sa mga kaugaliang Pilipino na iba sa mga ibang lahi.   Na kahit wala na o namatay na ang ating mahal sa buhay, inaalala pa din natin sila habang tayo ay nabubuhay.   Yung iba umuuwi pa ng kanilang probinsya para madalaw lang ang kanilang mga puntod.   Dala ang mga bulaklak at kandila at kasabay ang panalangin, inaalala natin ang mga kabutihang ginawa nila nung sila ay nabubuhay pa. Dalangin ko ang isang mapayapang araw ng mga patay at mga santo sa ating lahat. Amen.