Posts

Showing posts from January, 2014

@16 WITH MY LOVE ONES

Image
Today January 31, ipinagdiriwang namin ng asawa kong si Jolly ang aming ika-16 na taong anibersaryo ng aming kasal.   Tamang-tama din naman dahil nataon din ito sa araw na walang pasok sa trabaho at sa mga paaralan ng aking mga anak dahil Chinese New Year. Ito ang mga pagkain inihanda ko sa aming pagdiriwang: Canton-Sotanghon con Lechon.   Ito ang inalmusal namin with matching putong puti. Para sa panghalian, nagluto ako nitong Sinigang ma Tiyan ng Tuna.  SArap!!! Mayroon din nitong Baked Tahong with Spinach. At itong Turbo Broiled na Tuna Belly din Wala namang masyadong handa.   Nagluto lang ako ng simpleng pagsasaluhan ng aming pamilya.  But for sure ishe-share ko sa inyo sa darating na mga araw ang mga recipes ng mga pagkaing ito. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil naabot namin ang 16 na taong ito.  Hindi man ganun kadali para sa amin pero alam kong ginagabayan kami ng Diyos sa lahat ng aming mga gawain.   Alam kong hindi NIya kami pinababayaan sa mga pro

CRISPY TOKWA'T BABOY

Image
Pangkaraniwang tokwa't baboy na alam natin ay yung iniuulam natin sa mainit na lugaw o congee.   Actually, itong recipe natin for today ay halos pareho lang nun.   Ang pagkakaiba lang ay ang pagkaluto sa baboy.   In this recipe, minarinade muna siya, nilagyan ng breadings at saka pinirito hanggang sa maluto at maging crispy.   Pwede din naman itong ipang-ulam sa lugaw pero masarap na masarap din ito na pang-ulam mismo sa kanin.   Nagustuhan nga ito ng aking mga anak. CRISPY TOKWA'T BABOY Mga Sangkap: 1/2 kilo Pork Liempo 5 pcs. Tokwa 1 tsp. Garlic Powder 1 cup Flour or Cornstarch 1 tsp. Maggie Magic Sarap Salt and pepper to taste Cooking Oil for frying 1 cup Cane Vinegar 1/2 cup Soy Sauce 1 tsp. Salt 1 tbsp. Sugar 1 pc. White Onion (sliced) Ground Black Pepper to taste Paraan ng pagluluto: 1.   Hiwain ang pork liempo ng mga 3 inches ang haba. 2.   Timplahan ito ng asin, paminta, maggie magic sarap at garlic powder.  Hayaan ng mga 30 minuto. 3.   Sa isa

RAIZA DEE'S 1ST BIRTHDAY

Image
Last Saturday January 26, umuwi kami sa amin sa Bocaue Bulacan kasama ang dalawa kong anak na si James at Anton para dumalo sa 1st Birthday ng inaanak ko sa binyag na si Raiza Dee.   Anak siya ng pamangkin ko na si Donna. Syempre komo ang blog kong ito ay isang food blog, nais kong i-share sa inyo ang mga pagkaing aming natikman at nakain sa birthday party na ito.   Ang nagluto pala ng marami sa mga pagkaing ito ay ang aking mga kapatid na sina Ate Mary Ann at Shirley. As expected, panalo ang lasa ng Pancit Palabok.   Alam nyo kung anong ang isa sa secret na sangkap ng pancit na ito?   Hinahaluan ng utak ng baboy ang caldo o ang sauce.   Yes pig's brain.   Kaya nagiging mas malasa at malinamnam ang pancit. Syempre hindi mawawala ang Pinoy Spaghetti.   Paborito ng mga bata at ng matatanda na din. Fried Chicken Lollipop ay winner din sa lasa.   Ano ang sinabi ng mga fastfood na chicken.   Yummy talaga. Mayroon ding Pork barbeque na tamang-tama ang timpla

QUICK & EASY CHICKEN CALDERETA

Image
Hindi ako nawawalan ng mga instant sauces sa aking kitchen.   Tamang-tama kasi ito sa mga busy na mommy at tagapagluto na kagaya ko.   Madali lang kasi itong gamitin at siguradong may lasa ang kakalabasan ng inyong niluluto. Hindi naman sa pino-promote ko ang mga instant sauces na ito, pero para sa akin nakakatulong ito lalo na kapag nagmamadali ka na na makaluto.   Di ba may isang produkto pa na ilalagay mo lang sa plastic at isasama sa sinaing tapos ay may ulam ka na.   Ofcourse, mas gusto ko pa din yung tradisyunal na pamamaraan ng pagluluto.   Kaya nga sa recipe na ito nilagyan ko pa talaga ng liver spread at atay ng manok para mas lalo pang sumarap.  Paalala pala....free advertisement po ito...hehehe...wala pong ibinayad ang Del Monte sa akin.  Hehehehe QUICK & EASY CHICKEN CALDERETA Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 250 grams Chicken Liver 1 sachet Del Monte Quick n Easy Caldereta Sauce 250 grams. Baby Potatoes (cut into half) 1 pc. Carro

CHOCO CHOCO CHAMPORADO

Image
Tuwing Sabado at Linggo, sinisikap kong iba naman ang aming almusal kumpara sa araw-araw na kanin at ulam.   Para kasi sa akin espesyal ang mga araw na ito.  Wala kasing pasok ang mag bata at pagkakataon naming magkasabay-sabay kumain. Nitong nakaraang Sabado, nagluto ako ng champorado at pritong tuyo at sapsap.   Pero bakit may choco choco pa ang umpisa ang tawag ko sa champoradong ito?   Nakita ko kasi yung chocolate syrup sa ang fridge at sinubukan kong lagyan pa nito ang champorado sa halip na gatas lamang.   Nakakagulat pero mas lalong sumarap ang paborito na nating champorado at tuyo.   Try nyo din po. CHOCO CHOCO CHAMPORADO Mga Sangkap: 2 cups Malagkit na Bigas 3 pcs. Chocolate na Tablea 2 cups Brown Sugar o depende na lang sa tamis na nais nyo Evaporated Milk Chocolate Syrup Pritong Tuyo o Sapsap Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola pakuluan ang malagkit na bigas kasama ang tablea.   Halu-haluin at tiyaking hindi naninikit ang bottom

CHICKEN SKEWERS MARINATED IN COCO & CURRY POWDER

Image
May nabili akong 1 kilo na chicken breast fillet.   Dapat sana gagawin ko itopng crispy chicken burger, pero nabago ito at naisip kong lutuin na lang ito na parang barbeque. Para maiba naman, naispan kong i-marinade ito sa curry and coconut cream powder.   May nabasa kasi ako sa isang food blog na ganito ang ginawa.  Sa mga asian restaurant partikular sa Thailand at Malaysia ay may ganitong luto ng chicken barbeque. Masarap at malasa ang kinalabasan ng chicken skewers ko na nito.   Pwedeng-pwede na ihanda sa mga party o handaan.   Okay din ito palagay ko na pulutan.   Try nyo din po. CHICKEN SKEWERS MARINATED IN COCO & CURRY POWDER Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Breast Fillet (Hiwain ng pahaba) 1 tsp. Curry Powder 1 sachet Coconut Cream Powder 1 thumb size Ginger (Grated) Salt and Pepper to taste 1 tsp. Sesame Oil Paraan ng pagluluto: 1.  Sa isang bowl, i-marinade ang chicken breast fillet sa curry powder, coco milk powder, asin, paminta, grated ginger at sesame o

SARCIADONG GALUNGGONG: Nag-level Up

Image
Noong araw itinuturing na pagkaing mahirap ang isdang galunggong.   Mura lang kasi itong mabibili at marami talaga nito sa mga palengke.   Pangkaraniwang luto na nagagawa natin sa isdang ito ay prito.   Yung iba ipinapaksiw din ito pero ako hindi.  Medyo nalalansahan kasi ako dito.  Pwede din i-steam muna tapos ay hihimayin ang laman at saka gagawing torta o palaman sa lumpia. Noong araw komo nabibili ng mura ang isang ito, marami bumili nito ang aking Inang.  Kapag natitira ang prito nito, nilalagyan niya ng ginisang kamatis na may itlog para maging sarciado naman.   Sa version ko namang ito, nag-level up ang sarciadong galunggong.   Nilagyan ko pa ito ng dried basil na nakadagdag ng flavor sa kabuuan ng dish.   Try nyo din po. SARCIADONG GALUNGGONG:   Nag-level Up Mga Sangkap: 1 kilo medium size Galunggong 8 pcs. medium size na Kamatis (hiwain ng maliliit) 1 pc. large na Sibuyas (hiwain ng maliliit) 1 ulo na Dinikdik na Bawang  2 pcs. Itlog (batihin) 1/2 tsp. Dried B

INIHAW NA LIEMPO: Pinaka-simple

Image
Nitong nakaraang Linggo hindi kami lumabas ng aming bahay dahil na din sa dami ng mga gawain na kailangan tapusin.   At dahil minsan lang kami magkasabay-sabay kumain, naisipan kong magluto ng isang simple pero espesyal na tanghalian. Tinanong ko ang aking asawang si Jolly kung ano ang gusto niyang pang-ulam.   Ang ilan sa mga nabanggit niya ay Sinigang na isda, steamed na alimango o alimasag at inihaw na isda.   Ang nasa isip ko naman ay sinigang na hipon . Pero nung nasa palengke na ako (Farmers market sa Cubao), nabago lahat at hindi ko napagbigyan ang hiling ng aking asawa.   Bakit ba naman e sobrang mamahal ng mga ito.   Imagine ang hipon nasa P350 to P600 ang per kilo.   Ang alimango naman ay nasa P400 to P500 din ang per kilo mga lalaki pa at mukhang mapapayat.   Ang sida naman na sigangin ay ganun din sa mahal.   Gusto ko mang pagbigyan ang aking asawa pero over over the budget talaga ang magiging lunch namin that day. So naisipan kong baguhin na lang ang menu.   May n

PORK STEW KOREAN STYLE

Image
Wala akong maisip na pangalan para sa pork dish na ito.   Biglaan kasi ang pagkaluto ko nito at wala talagang kaplano-plano kung anong luto ang gagawin.   Basta niluto ko na lang ito kung ano ang mayroon sa aming kusina. Actually, ang luto niya ay parang pork hamonado na para ding pork humba.    Niluto ko kasi yung pork sa pineapple juice hanggang sa lumambot.   Pero naisip kong parang Korean dish ang lasa at dating kaya nilagyan ko naman ng sesame seeds at sesame oil.   At nilagyan ko na din ng chopped spring onions para mas lalong maging katakamtakam.   Sa pag-gisa naman nilagyan ko din ng grated ginger o luya.  Masarap siya ha....try nyo din. PORK STEW KOREAN STYLE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes) 1 can Pineapple Juice 1/3 cup Soy Sauce 1 thumb size Ginger (grated or cut into strips) 5 cloves Minced Garlic 1 pc. large Onion (chopped) 2 tbsp. Brown Sugar 1 tsp. Toasted Sesame Seeds 1 tsp. Sesame oil 2 tbsp. Canola Oil Salt and pepper to ta

BEEF and BROCCOLI in OYSTER SAUCE

Image
Nagkaroon ng munting salo-salo ang mga kaibigan ng asawa kong si Jolly nitong isang araw.   Mga dating katrabaho niya ito at minsan-minsan lang talaga sila nagkikita-kita.   Isang araw bago ang kanilang salo-salo, tinawagan ako ng aking asawa at nagpapaluto ng dadalhin niyang food.   Medyo late ang nagin abiso niya sa akin kaya kung ano ang meron na lang sa fridge ang siya kong niluto. Beef na dapat sana ay gagawin kong Korean Beef Stew kaya lang komo 1 kilo lang ito mas minabuti kong lagyan na lang ito ng broccoli para mas dumami.  At yun nga ang ginawa ko.   Nagpabili na lang ako ng broccoli at ito ngang beef and broccoli in oyster sauce ang kinalabasan.   Nagustuhan naman daw ng mga kumain ang niluto ko. BEEF and BROCCOLI in OYSTER SAUCE Mga Sangkap: 1 kilo Beef (thinly sliced) 1/2 kilo Broccoli (cut into bite size pieces) 1/3 cup Oyster Sauce 1/3 cup Soy Sauce 2 tbsp. Brown Sugar 3 tbsp. Cooking Oil 5 cloves Minced Garlic 1 large Onion (sliced) 1 thumb size Ginge

TURBO BROILED RELYENONG PUSIT

Image
After nitong kabi-kabilang kainan nitong nakaraang holiday season, para bang hindi natin malaman kung ano pa ang masarap na mai-ulam.   Kaya nang makita ko ang sariwang pusit na ito sa palengke, binili ko na agad ito kahit na may kamahalan ang presyo.   Naisip ko na i-ihaw ito o pan-grill pero naisip ko na lutuin na lang ito sa turbo broiler at palamanan ito ng sibuyas at kamatis na parang relyeno. Masarap ang kinalabasan.   Dahil sa grated ginger na inihalo ko sa kamatis at sibuyas, nawala yung lansa ng pusit.   Nagustuhan naman talaga ito ng aking asawa at mga anak. TURBO BROILED RELYENONG PUSIT Mga Sangkap: 15 pcs. medium to large size Fresh Pusit 4 pcs. Tomatoes (chopped) 2 pcs. White Onion (chopped) 2 thumb size Ginger (grated) 1 tsp. Sesame Oil Salt and pepper to taste Soy Sauce na may konting asukal for basting Paraan ng pagluluto: 1.   Linising mabuti ang pusit.   Hanggat maaari ay maalis yung ink bag ng pusit sa loob. 2.   Sa isang bowl paghaluin ang kama

PAKSIW na PATA with BANANA BLOSSOM

Image
Naglalagay ba kayo ng banana blossom o bulaklak ng saging sa inyong paksiw na pata?   Ako dati hindi.  Sa isip ko lang, ano naman ang magagawa nito sa paksiw na pata?   Kahit sa aking Inang Lina hindi ko naman nakita na gumamit nito sa naka-gisnan kong paksiw na pata.   Dito ko lang sa Maynila nakita na nilalagyan nga nito banana blossom ang paksiw na bata. Pero nitong huling beses na nagluto ako, nilagyan ko nito ang aking niluluto, at hindi lang kaunti kundi marami.   At nagulat ako sa kinalabasan.   Mas masarap at malasa talaga ang sabaw.   Kaya mula nun maglalagay na ako nitong bulaklak ng saging sa aking paksiw na pata.   Try nyo din po. PAKSIW na PATA with BANANA BLOSSOM Mga Sangkap: 1.5 kilo Pata ng Baboy 1/2 cup Banana Blossom o Bulaklak ng Saging (dried) 2 cups Cane Vinegar 1 head Minced Garlic 1 large Onion (sliced) 1 tsp. Pepper Corn Salt to taste 1 tbsp. Sugar Paraan ng pagluluto: 1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, ilagay ang lahat na mga sangkap at

BINYAGAN sa BULAKAN BULACAN

Image
Last December 29, 2013, nag-anak sa binyag ang pangalawa kong anak na si James sa anak ng aking pamangkin na si Carla.   Maaga pa lang ay umuwi na kami sa ming bayan sa Bocaue, Bulacan dahil maaga daw ay dapat nasa simbahan na kami ng Nuestra Senora de la Asuncion sa Bulakan, Bulacan.   Taga doon kasi ang napangasawa ng aking pamangkin. Natuwa akong kuhanan ng picture ang simbahan dahil napaka-ganda nito.   The last time na nandito kami ay nung nag-anak naman ang panganay kong si Jake sa pangalawang anak naman ng aking pamangkin.   That time nire-renovate ang simbahan at ngayon ay pagkaganda-ganda talaga nito. Maayos namang nairaos ang binyagan.   Ang anak kong si James ang pinakabata sa mga nag-sponsor. At dahil ang blog kon ito ay isang Food Blog, dapat lang na maipakita ko ang mga pagkaing inihanda pagkatapos ng binyaga. Ang pamangkin kong si Carla (girl in blue) lang ang nagluto ng lahat ng kanyang inihanda.   Mana talaga siya sa kanyang ina na aking ate na magaling

STEAMED BASIL CHICKEN

Image
Nag-request ang pangalawa kong anak na si James na magluto daw ulit ako nung steamed chicken na niluto ko medyo may katagalan na din.   Biro nyo yun natandaan pa niya yung chicken dish na yun?   Hehehehe.   Sabagay, basta masasarap na pagkain experto dyan ang mga anak ko.   Hahahahaha. Nitong bago mag-pasko, dumating mula sa ibang bansa ang hipag kong si Lita.   Isa sa mga ipinasalubong niya sa akin ay itong dried basil.   Naisip ko agad ang request ng aking anak kaya naman ng makaraan ang holidays, ginawa ko na ang matagal nang request na ito ng aking anak. Simpleng-simple lang ang dish na ito pero punong-puno ng flavor at lasa.   Kahit baguhan pa lang sa pagluluto ay tiyak kong magagawa ang dish na ito.   Try nyo din po. STEAMED BASIL CHICKEN Mga Sangkap: 6 pcs. Chicken Legs 1 tbsp. Dried Basil 2 thumb size Grated Ginger 1 tbsp. Sesame Oil Salt and pepper to taste For the sauce: Sauce from the steamed chicken Soy Sauce Brown Sugar 1/2 tsp. Grated Ginger Paraan

BISTEK na MANOK

Image
Isa sa mga paborito kong filipino dish ay itong Bistek.   Gustong-gusto ko kasi yung asim ng calamansi at yung alat ng toyo sa karne.   Alam natin ang salitang bistek ay mula sa dalawang ingles na salita ang 'beef' at ang 'steak'. Beef or pork ang pangkaraniwangpangunahing sangkap na ginagamit sa dish na ito.   Pero pwede din naman ang isda at manok.   May kamahalan kasi kung baka ang gagamitin.   hehehehe.   Kaya manok na lang muna ang gamitin natin. Pangkaraniwan na luto ng bistek ay basta lang niluluto ang pangunahing sangkap sa toyo at calamansi.   Dito sa ginawa ko, iniba ko ng bahagya ang paraan ng pagluluto para magkaroon ng kakaibang lasa at texture sa finish product.   Ang tama nga, mas sumarap ang version kong ito ng bistek na manok.   Try nyo din po. BISTEK na MANOK Mga Sangkap: 1 whole Chicken (cut into serving pieces) 1/2 cup Soy Sauce 10 pcs. Calamansi 2 tbsp. Worcestershire Sauce 2 pcs. White Onion (cut into rings) 1 head Minced Garlic 1

CHICKEN and BABY POTATO SALAD

Image
Paborito ko ang chicken potato salad.   Dapat sana isa ito sa mga ihahanda ko nitong nakaraang Noche Buena pero mas pumabor ang asawa kong si Jolly na yun ngang Waldorf Salad ang aking gawin.   Kaya naman nitong nakaraang linggo hindi ko na pinalampas na gumawa nito nang makita ko itong baby potatoes na nabili ng asawa ko bago mag-new year. Simple lang ang salad dish na ito.  Ang gusto kong i-share sa dish na ito ay yung pagpapakulo ng patatas at carrots sa broth o sa pinaglagaan ng manok.   Mainam na ganun para lumasa yung flavor ng manok sa patatas.   Also, nilagyan ko din ito ng cashiew nuts.   Nakakadagdag ito sa texture ng dish.  Yun bang may kaunting crunch kang mangunguya habang kinakain mo ito.   Ang sarap talaga.   Kaya naman ubos agad ito sa aking mga anak. CHICKEN and BABY POTATO SALAD Mga Sangkap: 1 kilo Baby Potatoes (cut into half) 2 pcs. Carrots (balatan and cut into cubes) 2 tangkay Celery (lower portion lang...cut into small pieces) 1 whole Chicken Breast

UNCLE CHEFFY RESTO @ VENICE PIAZZA MCKINLEY HILLS

Image
Hindi kami madalas kumain ng aking pamilya sa mga restaurant sa labas.   Kahit na may mga espesyal na okasyon mas gusto ko na sa bahay na lang kami kumain.   Medyo choosey din kasi sa pagkain ang aking mga anak.  Sa McDonalds, Jollibee, Chowking, Kenny Rogers at KFC lang ang madalas naming nakakainan.  Mas mura kasi dito as compare sa mga resto talaga. Sa mahal ng mga bilihin ngayon, alam ko na lahat tayo valued every cents ng mga kinikita natin.   Kaya naman kung may pagkakataon na kumain tayo sa labas, we want to make sure na masusulit yung pera na ibabayad natin. Hindi ko matandaan kung nakapag-post na ako ng review sa mga restaurant na nakainan na namin.   But for this year, umpisahan ko na mag-review na ng mga restaurant  na na-try na namin.   Take note na hindi po ito paid review.   Nagbayad po ako ng sarili kong pera sa mga kinain namin.   Gusto ko lang pong makatulong sa mga tagasubaybay ng food blog kong ito kung sakali mang maghanap sila ng resto na makakainan.   Also,

CRISPY ISAW o CHICHARONG BULAKLAK

Image
Nitong nakaraang holiday season, habang namimili kami ng mga karne at gagamitin para sa Noche Buena, nakita ko itong sariwang isaw ng baboy na ibinebenta.   Naisip ko bigla nung minsan na umuwi kami sa amin sa Bulacan at naka-tikim nito ang anak kong si James.   Nagustuhan niya ito at ni-request na magluto din daw ako nito.   Kaya nga nang makita ko ang sariwang isaw na ito binili ko na agad at yun ang plano kong gawing luto. Dalawa ang pwedeng gawing luto sa isaw ng baboy.   Pwede itong i-paksiw at ito ngang pa-prito.   Masarap itong pang-ulam at pang-pulutan syempre.   Pwede din ito na appetizer o starter sa mga handaan.   Try nyo din po ito.   Masarap talaga. CRISPY ISAW o CHICHARONG BULAKLAK Mga Sangkap: Isaw ng Baboy Salt and pepper to taste Cooking Oil Paraan ng pagluluto: 1.   Hugasang mabuti ang sariwang isaw ng baboy. 2.   Pakuluan ito sa isang kaserola na may asin at paminta hanggang sa lumambot. 3.   Hanguin sa isang lalagyan at palamigin sandali.   Hiwain s